You are on page 1of 2

1

Remidyal na Gawain sa Filipino ( Baitang 9 )

GAWAIN 1. Sa Antas ng Iyong Pag-unawa


Sagutin ang mga gabay na tanong batay sa pabulang “Ang Hatol ng Kuneho”.
1. Tama ba ang naging hatol ng kuneho sa suliranin ng tigre at ng lalaki? Bakit?
2. Kung ikaw ang hahatol sa sitwasyon gagawin mo rin ba ang ginawa ng kuneho? Ipaliwanag.
3. Magbigay ng isang kasabihang maaaring mahalaw sa pabulang nabasa. Ipaliwanag.
4. Sa iyong palagay, kung nakapagsasalitang muli ang mga nilalang sa kalikasan natin ngayon, ano kaya ang kanilang
hatol sa ating mga tao? Bakit?
5. Bilang kabataan na pag-asa ng bayan, ano ang maimumungkahi mo upang maiwasan ang pang-aabuso sa sumusunod:
a. hayop
b. kalikasan
6. Mahihinuha mo ba sa pabulang ito ang kultura at kaugalian ng mga taga-Korea?
7. Bakit mahalagang pag-aralan ang pabula?

GAWAIN 2. Story Ladder


Isulat ang mahahalagang pangyayari sa pabulang “Ang Hatol ng Kuneho”. Gayahin ang pormat sa sagutang papel.
wakas

kakalasan

kasukdulan

tunggalian

simula

GAWAIN 3. Modal
Tukuyin ang isinasaad ng modal na ginamit sa pangungusap. Letra lamang ang isulat sa iyong sagutang papel.
Mga Pagpipilian:
a - Nagsasaad ng posibilidad c – Hinihinging mangyari
b - Nagsasaad ng pagnanasa d – Sapilitang mangyari
___1. Ibig kong maging matiyaga tulad ng oso sa pabula
___2. Dapat sumunod sa ating mga magulang.
___3. Kailangan mong makuntento at magpasalamat sa kung ano ang mayroon ka ngayon.
___4. Maaari pa bang masagip ang ating kalikasan?
___5. Ibig ng magandang babae na magkaroon siya ng anak.
___6. Gusto kong pahalagahan ang aking pamilya tulad ng pagpapahalagang ginagawa ng mga taga-Korea.
___7. Kailangang magbasa ka ng mga pabula upang matuto ka ng mabubuting asal.
___8. Maaaring walang pagkakaiba ang pabula ng Pilipinas at Korea.
___9. Maaari kang maging manunulat ng pabula tulad ni Aesop.
__10. Hindi ka dapat sumuko sa mga pagsubok sa buhay.

Gawain 4. Bilang kabataan, magmungkahi ng isang batas na nais mong maipatupad o mga dapat gawin sa sumusunod
na isyung panlipunan sa ating bansa.
a) korupsyon
b) reporma sa edukasyon
c) pangkapayapaan
2

Gawain 5. Isulat ang kahulugan ng mga pares ng salita na pareho ang baybay subalit magkaiba ang bigkas.
1. / SA:ka/ - _________________ /sa:KA/- _________________
2. /BU:hay/- _________________ /bu:HAY/-________________
3./ki:ta/ - ___________________ /ki:tah/- __________________
4. /ta:la/ - ___________________ /ta:la?/ - _________________
5. /ba.lah/ -__________________ /ba.la?/- _________________

Gawain 6. Tono Tukuyin ang wastong tono ng bawat pahayag batay sa layunin nito. Maaaring gamitin ang bilang 1 sa
mababa, bilang 2 sa katamtaman at bilang 3 sa mataas . Isulat sa sagutang papel.
1. kanina = _______, pag-aalinlangan kanina = _______, pagpapatibay, pagpapahyag
2. mayaman = _______, pagtatanong mayaman = _______, pagpapahayag
3. magaling = _______, pagpupuri magaling = _______, pag-aalinlangan
4. kumusta = _______, pagtatanong na masaya kumusta = _______, pag-aalala
5. Ayaw mo = _______, paghamon Ayaw mo = _______, pagtatanong

Gawain 7. Diin Gamitin sa pangungusap ang sumusunod na mga salita. Ipakita ang pagbabago ng kahulugan batay sa
diin.
Halimbawa: /SA:ka/ - bukid, /saKA/ - at saka (also)
1. /BA:ba/ - ________________ /ba:BA/ - ________________
2. /BA: ta/ - ________________ /ba:TA/ - ________________
3. /BA: ga/ - ________________ /ba:GA/ - ________________
4. /LA:bi/ - ________________ /la:BI/ - ________________
5. /BA:sa/ - ________________ /ba:SA/ - ________________

Gawain 8. Hinto/ Antala Basahin ang sumusunod na pahayag. Subukin kung anong mga pagkakaiba ng kahulugan ang
maibibigay sa paggamit ng hinto at intonasyon.
1. Hindi si Arvyl ang sumulat sa akin.
2. Wrenyl, Matthew, Mark ang tatay ko.
3. Hindi siya ang kaibigan ko.

You might also like