You are on page 1of 14

 Department of Education

National Capital Region


SC HOOLS DIVISIO N OFFIC E
MARIKINA CITY

FILIPINO
Unang Markahan-Modyul 33:
Pagbabahagi ng Sariling Opinyon
o Pananaw batay sa Pinakinggan

May-akda: Jasmin P. Pambid


Tagaguhit: Paolo N. Tardecilla

ŝƚLJ ŽĨ 'ŽŽĚ ŚĂƌĂĐƚĞƌ


',6&,3/,1( ‡ *22' 7$67( ‡ (;&(//(1&(
;&(//(1&(
$ODPLQ

Ang modyul na ito ay binubuo lamang ng isang aralin.

භ Aralin 1 – Pagbabahagi ng Sariling Opinyon o Pananaw

Batay sa Napakinggan

Sa pag-aaral ng modyul na ito, inaasahang maisagawa mo


ang sumusunod:

A. nasasagot ang mga tanong batay sa pinakinggang akda;


at
B. naibabahagi ang sariling opinyon o pananaw batay sa
pinakinggang akda.

6XEXNLQ
Bago ka magpatuloy, magbahagi ka ng maiksing buod ng isang
balitang iyong napakinggan nitong mga nakaraang araw. Isulat sa kahon ang
maikling buod.

Ngayon naman ay ibigay ang iyong sariling opinyon o pananaw sa


napakinggang balita. Isulat sa espsyho sa ibaba.
_______________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________


ŝƚLJ ŽĨ 'ŽŽĚ ŚĂƌĂĐƚĞƌ
',6&,3/,1( ‡ *22' 7$67( ‡ (;&(//(1&(
Aralin Pagbabahagi ng Sariling Opinyon
1 o Pananaw sa Akdang Pinakinggan

Sa araling ito, inaasahan ang masigla mong pagtugon sa mga gawaing


magpapamalas sa iyong kakayahan sa pagbabahagi ng sariling opinyon o
pananaw sa akdang pinakinggan. Malinang ang kasanayang ito kung
maisasagawa mo nang matapat ang mga gawain.

%DOLNDQ
Balik-aralan mo ang tungkol sa kuwentong “Ang Kuwintas” bago
magpatuloy sa bagong paksang aralin.

A. Ilahad ang paglalarawan sa katangian ni Mathilde bilang isang


mahalagang tauhan sa akda. Isulat sa mga kahon ang iyong mga paglalarawan.

B. Sa tulong ng mga nabanggit na katangian sa itaas, ilahad ang iyong


sariling pananaw tungkol sa kaniya.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________


ŝƚLJ ŽĨ 'ŽŽĚ ŚĂƌĂĐƚĞƌ
',6&,3/,1( ‡ *22' 7$67( ‡ (;&(//(1&(
7XNODVLQ
A. Panimula

Suriin ang larawan. Pamilyar ka ba senaryong ito na makikita sa


larawan? Bigyang interpretasyon ang imaheng nakapaloob sa larawan. Ano
kaya ang kaugnayan ng halimbawang larawan sa paksang tatalakayin?

Ang bahaging ito ng larawan ay mula sa kuwento na pinamagatang


“Kalupi” ni Benjamin Pascual.

Interpretasyon sa Larawan: _____________________________________________________


__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

B. Pagbasa

Ipabasa sa iyong kapamilya ang kuwento. Pakinggan at unawaing


mabuti ang nilalaman nito habang binabasa ang akda. Sagutin ang mga
tanong sa bahaging “Pag-unawa sa pinakinggan.”

Ang Kapirasong Tali


(A piece of String)
ni Guy de Maupassant
Maikling Kuwento mula sa bansang France

Isang araw, habang naglalakad si Hauchecorne, nakakita siya ng maliit na


lubid. Pinulot niya ito sa pag-aakalang magagamit pa. At sa kaniyang pagkakayuko,
napansin niyang pinagmamasdan siya ng kaniyang kaaway na si Malandain. Dahil


ŝƚLJ ŽĨ 'ŽŽĚ ŚĂƌĂĐƚĞƌ
',6&,3/,1( ‡ *22' 7$67( ‡ (;&(//(1&(
nahihiyang makita sa ganoong sitwasyon, nagkunwari na lamang siyang may
hinahanap.
Di nagtagal, may napabalitang nawawalang pocketbook, 500 francs at iba
pang mahahalagang papeles. Agad na ipinagbigay-alam ito sa publiko. Ang
sinumang makakapagbalik ng mga ito ay may nakahandang pabuya. Nang
malaman ito ni Malandain, agad niyang itinuro si Haurchecorne na kumuha ng
nawawalang mga bagay.
Itinanggi ito ni Hauchercorne at sinabing wala siyang alam sa nawawala.
Ipinagtanggol niya ang kaniyang sarili subalit hindi siya pinaniwalaan. Kilala siya
sa pagiging mapanlinlang at hindi pagiging tapat. Naniniwala ang mga tao na may
kakayahan si Hauchecorne na gawin ang inaakusa sa kaniya. At kahit naibalik na
sa may-ari ang mga bagay, naniniwala pa rin ang mga taong siya ang kumuha nito.
Ang pangyayaring ito ay ipinapalagay nilang palabas lamang niya upang siya’y
mapawalang sala sa ibinibintang sa kaniya.
Habang naririnig niya ang patuloy na usapan ng mga tao, mas lalo niyang
ipinagpipilitan sa mga ito na wala siyang kasalanan. Ang walang tigil na
pagtatanggol sa sarili ay lalo lamang nagdidiin sa kaniya sa isang bagay na hindi
naman niya ginawa. Hindi na nabago ang pagtingin sa kaniya ng mga tao.
Makalipas ang ilang buwan, siya’y nagkasakit,at sa kaniyang pagkakaratay, laging
bukambibig niya ang katagang “kapirasong lubid” hanggang sa tuluyan na siyang
binawian ng buhay.

Maikling pagsasalin sa bahagi ng kuwentong “A Piece of String”


ni Guy de Maupassant
www.academia.edu

C. Pag-unawa sa Pinakinggan

Sagutin ang mga sumusunod batay sa iyong napakinggan.


1. Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento? Ilarawan ang bawat isa.
2. Naniniwala ka ba sa sinabi ni Malandain? Patunayanan ang iyong sagot.
3. Sa tingin mo, ano ang naging batayan ni Malandain upang pagbintangan
niya si Hauchecorne?
4. Masisisi mo ba ang mga taong maniwala sa sinabi ni Malandain?
Patunayan ang sagot.
5. Kung ikaw ang nasa katayuan ni Hauchecorne, ano ang iyong gagawin?
6. May kaugnayan ba ang kapirasong tali sa buhay ng pangunahing tauhan?
Patunayan ang sagot.
7. Ano ang mahalagang kaisipang nakapaloob sa kuwento?


ŝƚLJ ŽĨ 'ŽŽĚ ŚĂƌĂĐƚĞƌ
',6&,3/,1( ‡ *22' 7$67( ‡ (;&(//(1&(
6XULLQ

Alam Mo Ba Na…
Pagbibigay ng Opinyon

Bahagi ng buhay ng tao ang makarinig o makakuha ng


impormasyon o kaalaman. Maraming paraan upang mailahad ang
saloobin o pananaw tungkol sa isang paksa.
Maaaring ito’y sang-ayon o kaya’y sansalain o salungatin ang
anumang bagay na pinag-uusapan. Ginagamit sa pagsasabi ng mga bagay
na walang katiyakan o walang sapat na basehan. Ito ay tinatawag na
pagbibigay ng opinyon kung ang pahayag ay karaniwang hindi suportado
ng datos o siyentipikong basehan. Ilan sa mga ganitong uri ng pahayag ay
ang mga sari-sariling kuro-kuro o palagay ng tao, pamahiin, opinion page
sa pahayagan at iba pang katulad nito.
Sa pagbibigay ng opinyon, maaaring gamitin ang sumusunod na
ekspresyon:
9 Kung hindi ako nagkakamali..
9 Sa tingin ko…
9 Sa iyong palagay..
9 Sa aking palagay…
9 Lubos akong naniniwala na…
9 Ang opinyon ko sa bagay na ito…
9 Palagay ko…
9 Baka ang mga pangyayaring…
9 Marahil ang bagay na ito ay…
9 Pwedeng ang mga pangyayari…

3DJ\DPDQLQ

Ngayon naman ay palawakin ang iyong kasanayan sa pagbibigay o


pagbabahagi ng sariling opinyon o pananaw.

A. Batay sa iyong napakinggan, ilahad ang iyong sariling opinyon o


pananaw tungkol sa mga pangyayari na nailhad sa kuwento gamit
ang mga sumusunod na ekspresyon.


ŝƚLJ ŽĨ 'ŽŽĚ ŚĂƌĂĐƚĞƌ
',6&,3/,1( ‡ *22' 7$67( ‡ (;&(//(1&(
Balitang Napakinggan Sariling Opinyon
Naniniwala Sa aking palagay..
akong...
ͺͺͺͺͺͺͺͺͺͺͺͺͺͺͺͺͺͺͺͺ
ͺͺͺͺͺͺͺͺͺͺͺͺͺͺͺͺͺ ͺͺͺͺͺͺͺͺͺͺͺͺͺͺͺͺͺͺͺͺ
ͺͺͺͺͺͺͺͺͺͺͺͺͺͺͺͺͺ
LARAWA
N NG
NAG-
Marahil ang mga IISIP Sa tingin ko…
bagay na ito ay…
ͺͺͺͺͺͺͺͺͺͺͺͺͺͺͺͺͺͺͺͺ
ͺͺͺͺͺͺͺͺͺͺͺͺͺͺͺͺͺ ͺͺͺͺͺͺͺͺͺͺͺͺͺͺͺͺͺͺ
ͺͺͺͺͺͺͺͺͺͺͺͺͺͺͺͺͺ

B. Bahagi ng pang-araw-araw nating buhay ang makarinig ng mga


balita sa telebisyon,radyo o kaya’y maging sa ibang mga tao.

C. Maglahad ng balita na iyong napakinggan. Bumuo ng maikling buod


tungkol dito at ibigayang iyong sariling opinyon. Isaalang-alang ang
mga ekspresyon sa paglalahad ng iyong kaisipan.

D. Muling balikan at saliksikin ang kuwentong “Ang Kalupi” ni


Benjamin Pascual. Ipabasa ito sa iyong kapamilya. Pakinggan at
suriing mabuti ang mahahalagang pangyayari sa kuwento at
ihambing ito sa akdang naunang binasa o tinalakay. Isagawa ang
gawain sa ibaba gamit ang Venn Diagram.

1. Sa iyong palagay, ano ang pakakatulad at pagkakaiba ng


dalawang kuwentong nakasaad sa Venn Diagram. Isulat sa
inyong kwaderno ang sagot.

Kapirasong Lubid Kalupi


ni Guy de Maupassant ni Benjamin Pascual

PAGKAKATULAD PAGKAKATULAD

PAGKAKAIBA


ŝƚLJ ŽĨ 'ŽŽĚ ŚĂƌĂĐƚĞƌ
',6&,3/,1( ‡ *22' 7$67( ‡ (;&(//(1&(
,VDLVLS

Tandaan!
Mensahe ng akda- Ito ay mga ideya o kaisipang nais iparating ng
akda sa mga mambabasa. Ito ay kadalasang nangingibabaw na ideya sa isang
akda.

Layunin ng akda-Ito ay maaaring hinuha o palagay lamang na


layunin sa pagkakasulat. Masasalamin ito sa mga mensaheng nakapaloob sa
akda. Iba ang layunin ng akda sa layunin ng May-akda.

,VDJDZD
Ilapat natin sa tunay na buhay ang natutuhan mo sa ating aralin.
Magbalik-aral sa katatalakay na aralin sa pamamagitan ng pagsulat ng
isang talata na nagtataglay ng lima o anim na pangungusap.Ilahad mo ang
iyong mga natutuhan sa bawat pangyayari sa buhay ng pangunahing
tauhan sa inaral na kuwento. Gamitin ang mga ekspresyon sa pagbibigay ng
sariling pananaw o opinyon.
____________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________


ŝƚLJ ŽĨ 'ŽŽĚ ŚĂƌĂĐƚĞƌ
',6&,3/,1( ‡ *22' 7$67( ‡ (;&(//(1&(
Gawing gabay ang pamantayang ito.

Kasanayan 5 4 3
Malawak ang ginawang
pagtalakay sa paksa
Tiyak at malinaw ang ginamit na
mga salita
Nag-iiwan ng kakintalan sa isipan
ng mga mambabasa
Malinis at maayos ang
pagkakasulat ng talata.
Kabuoang Marka

Interpretasyon:
16 – 20 Napakahusay
11 – 15 Mahusay
6- 10 Katamataman
1 – 5 Nangangailangan pa ng pagsasanay
Marka:_____________

7D\DKLQ
Ngayong naunawaan mo na ang aralin, oras na para sukatin ang iyong
natutuhan.

A. Piliin at isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang sagot.


1. Batay sa napakinggan, ano ang naging tuon sa kuwento?
a. ang pagiging mapanghusga ng mga tao
b. ang pagiging makatarungan ng mga tao
c. ang pagiging matapat sa lahat ng pagkakataon
d. ang epekto ng pagkakaroon ng kaaway
2. Ang mga sumusunod ay dahilan kung bakit pinagbintangan ni
Malandain si Hauchecorne maliban sa isa,
a. nais niyang makaganti kay Hauchercorne
b. nais niyang mapahamak si Hauchercorne
c. dahil nakita niya ang akmang pagkuha nito
d. dahil magkaaway silang dalawa
3. Ang mga sumusunod ay aral o pagpapahalaga na nakapaloob sa
kuwento maliban sa
a. Maging makatarungan sa paghuhusga
b. Huwag ikahiya ang sarili
c. Huwag maging mapanlinlang sa kapwa
d. Panindigan ang nagawang kasalanan
4. Anong katangian ni Hauchecorne ang nais palutangin sa pagnanais
niyang pulutin ang kapirasong lubid?
a. may pagpapahalaga sa maliliit na bagay


ŝƚLJ ŽĨ 'ŽŽĚ ŚĂƌĂĐƚĞƌ
',6&,3/,1( ‡ *22' 7$67( ‡ (;&(//(1&(
b. may pagpapahalaga sa kalikasan
c. may paniniwalang may paggagamitan pa ito
d. mahilig magkolekta ng mga bagay
5. Ang kuwentong “ Ang Kapirasong Tali” na isinulat ni Guy de
Maupassant ay isang halimbawa ng
a. Epiko
b. Maikling Kuwento
c. Alamat
d. Kuwentong-bayan

B. Bilang isang mapanuring tagapakinig, suriin natin ang katangian ng


pangunahing tauhan na siHauchecorne mula sa kuwentong “ Ang Kapirasong
Lubid” ni Guy de Maupassant. Ano ang gagawin mo upang malampasan ang
kinakaharap mong suliranin? Gamitin ang mga ekspresyon sa paglalahad ng
opinyon.
Sa tingin ko _______________________________________________________________

Lubos akong naniniwala na _______________________________________________

Palagay ko ________________________________________________________________

Marahil ang bagay na ito ay _______________________________________________

Sa ganang sarili ___________________________________________________________

.DUDJGDJDQJ *DZDLQ
Magkakaroon ka ng karagdagang puntos kung maisasagawa mo ang
bahaging ito ng gawain. Basahin at unawain ang kuwento sa ibaba kung
walang internet at kung mayroon naman ay panoorin at pakinggang
mabuti ang Alamat ng Bakunawa at Pitong Buwan. Sagutin ang mga
tanong sa ibaba. Buksan ang link para sa video.


ŝƚLJ ŽĨ 'ŽŽĚ ŚĂƌĂĐƚĞƌ
',6&,3/,1( ‡ *22' 7$67( ‡ (;&(//(1&(
https://www.youtube.com/results?search_query=ang+bakunawa

Bakunawa at Ang Pitong Buwan


Noong lumang panahon ang mundo ay nalalang na may pitong buwan,
pitong yaman na nagbibigay ganda at liwang sa lahat ng nasa balat ng lupa at
ibabaw ng sangkatubigan tuwing gabi. Ang pitong buwan ay kinakatawan ng
pitong Dayaw––ang pitong diwata ng buwan. Sila ay magkakapatid na babae
at lalaki, na may magaganda at maamong mga mukha at mga balingkinitang
katawan. Lahat ng nilalang ay nag-aabang at nabibighani sa kanila sa tuwing
sila ay lalabas pagkagat ng dilim. Ang kagandahan ng mga buwan ay sinamba
at pinapurihan ng lahat ng nilalang. Nang umawit ng papuri ang mga ibon at
sirena, narinig ito ng mga Dayaw na diwata at sila ay natuwa. Nahikayat ng
mga awit ng papuri ang batang diwata na si Bulan, siya ay bumaba sa
katubigan. Sinalubong siya ng mga alitaptap. Dahil sa napakaganda at
napakaamo ng mukha ni Bulan, nagsihulog mula sa pagkakalipad ang mga
ibon, at ang mga mababangis na sirena ay naging maamo. Gabi-gabi ay
bumababa si Bulan sa katubigan, minsan ay kasama niya ang kanyang mga
kapatid, na sina Subang, Banolog at Haliya.
Ang liwanag at kariktan ng mga buwan ay nagbigay liwanag at
kaligayahan sa lahat ng nilalang. Ang kanilang liwanag ay umabot hangang
sa pusod ng kailaliman, sa pinto ng Sulad, kung saan nanahan si Bakunawa.
Ayon sa alamat si Bakunawa ay isang napakagandang diwata. Lumangoy siya
sa kinaparoroonan ng mga diwata ng buwan. Doon siya ay nabighani sa
taglay nilang liwanag at ganda. Nakita niyang lumalangoy at nakikipaglaro sa
mga sirena at iba pang laman-dagat, habang nagliliparan at nagsisisayaw ang
mga lambana para sa kanila. Napuno ng panibugho si Bakunawa. Hindi
napansin ng mga diwata ng buwan ang kanyang pagdating. Hindi man
lamang siya pinagmasdan ni Bulan. Sa sobrang galit niya ay nangako siya sa
kanyang sarili na mapasasakanya ang mga ito. Si Bakunawa ay minsan nang
nabighani sa isang batang babae, mula sa isang banwa. Ngunit nang siya ay
dinalanganan ng dilag, ang dilag ay pinaslang ng kanyang mga kaanak sa pag
samba sa ibang diyos, sa pagsamba sa kanya. Nangako si Bakunawa na hindi
na niya muling mararanasan ang hapdi at sakit sa kanyang dibdib, sakit ng
dulot ng hindi maipaliwanag na nadarama.
Nang sumunod na gabi isang higanteng tila ba ahas at isda, may
mahabang dila simpula ng dugo, may bibig na sinlaki ng lawa at mahabang
katawan. Umahon mula sa kaibuturan ng karagatan ang Bakunawa. Nilapa
niya ang unang buwan, natuwa siya sa kanyang ginawa, napasakanya na ang
unang buwan, si Libulan. Bumalik si Bakunawa sa kaibuturan. Naramdaman
niyang natunaw sa loob ng katawan niya ang buwan. Nang sumunod na gabi
ay ginawa nya ulit ito. Nilamon niya ang buwan. Napasakanya si Banilig, at
muli ay natunaw ito. Ayon sa mga kuwento ang ibang buwan ay nakaligtas
gaya ni Bulan, na kinuha at dinukot ng diyos ng kamatayan na si Sidapa. Si
Mayari naman ay nakaligtas din nang siya ay bumaba sa kalupaan at nakita
niya ang isang lalaki na mag-uunong o magpapatiwakal sapagkat wala siyang
batuk or palamuti sa balat na tanda ng kagitingan at pagiging maisug,


ŝƚLJ ŽĨ 'ŽŽĚ ŚĂƌĂĐƚĞƌ
',6&,3/,1( ‡ *22' 7$67( ‡ (;&(//(1&(
ginawang asawa ni Mayari ang lalaki at itinuro sa kanya ang mga lihim ng
pangagamot at pag-aanito. Siya ay ang naging unang Asog. Samantala ang
natitirang buwan sa kalangitan ay nalumbay. Siya ay nagalit. at kumuha siya
ng sinagtala upang gawing sandata, isang kampilan panglaban sa bakunawa,
at mula rin sa sinagtala siya ay gumawa ng pantakip sa kanyang mukha
upang ipagluksa ang mga nawalang kapatid, siya ay si Haliya. Napagtanto ng
Aba na nawala ang mga buwan sa langit. At nang makita niyang lalamunin
ng Bakunawa ang huling buwan, ito’y kanyang pinigil at ginapi.
Pinagsabihang huwag gagalawin ang huling buwan. Si Bakunawa ay hindi na
muling naging isang magandang diwata, kung hindi siya ay nananatiling
isang halimaw at pangit gaya ng kanyang ginawa at binalak sa mga buwan.
Sinasabing minsan-minsan ay sinusuway ni Bakunawa ang utos ni
Bathala, at tinatangka pa rin niyang lunukin ang buwan. At ang mga tao ay
dapat mag-ingay upang iluwa ni Bakunawa ang Buwan.

Mula sa https://www.facebook.com/deepwebenlighters/posts/bakunawa-at-
ang-pitong-buwannoong-lumang-panahon-ang-mundo-ay-nalalang-na-may-
pi/614023238946137/

Mga Gabay na Tanong:


1. Ilarawan ang pangunahing tauhan sa alamat?
2. Ano ang pagkakatulad ng pinanood sa kuwento sa ating napag-
aralan?
3. Sa iyong palagay, karapat-dapat pa rin bang pagkatiwalaan ang mga
taong may ganitong pag-uugali?


ŝƚLJ ŽĨ 'ŽŽĚ ŚĂƌĂĐƚĞƌ
',6&,3/,1( ‡ *22' 7$67( ‡ (;&(//(1&(
Natutuwa ako sa iyong ipinakitang kagalingan sa pag-aaral. Binabati kita!
Sige, hanggang sa muli!

6XVL QJ 3DJZDZDVWR

Subukin

1. B
2. A
3. A
4. A
5. A
6. A
7. C
8. D
9. C
10. A/C

Tayahin
1. A
2. C
3. D
4. C
5. B

Filipino 10 Panitikang Pandaigdig


Guy de Maupassant. “A Piece of String.” www.academia.edu
http://siningngfilipino.blogspot.com/2013/07/ang-kalupi-maikling-
kuwento.html
https://www.google.com/search?q=alamat+ng+bakunawa&authuser=1&sour
ce=lnms&tbm
https://www.facebook.com/deepwebenlighters/posts/bakunawa-at-ang-
pitong-buwannoong-lumang-panahon-ang-mundo-ay-nalalang-na-may-
pi/614023238946137/


ŝƚLJ ŽĨ 'ŽŽĚ ŚĂƌĂĐƚĞƌ
',6&,3/,1( ‡ *22' 7$67( ‡ (;&(//(1&(
%XPXEXR VD 3DJVXODW QJ 0RG\XO

0DQXQXODW -DVPLQ 3 3DPELG *XUR 3+6


0JD (GLWRU 0D *UDFH = &ULVWL *XUR 7+6
.LPEHUO\ 0 &DSXQR *XUR 0+6
$GHOZLVD 3 0HQGR]D *XUR &,66/
7DJDVXUL3DQORRE *DOFRVR & $OEXUR (36)LOLSLQR
7DJDVXUL 3DQODEDV
7DJDJXKLW 3DROR 1 7DUGHFLOOD *XUR .1+6

7DJDODSDW -HHMD\ % &DQLOOR *XUR 1+6

7DJDSDPDKDOD
6KHU\OO 7 *D\ROD
3DQJDODZDQJ 7DJDSDPDQLKDOD
3LQXQRQJ 1DQXQXSDUDQ  7DQJJDSDQ QJ 7DJDSDPDQLKDOD

(OLVD 2 &HUYH]D
+HSH ± &XUULFXOXP ,PSOHPHQWDWLRQ 'LYLVLRQ
3LQXQRQJ 1DQXQXSDUDQ  7DQJJDSDQ QJ 3DQJDODZDQJ 7DJDSDPDQLKDOD

*DOFRVR & $OEXUR


6XSHUELVRU VD )LOLSLQR

,Y\ &RQH\ $ *DPDWHUR


6XSHUELVRU VD Learning Resource Management Section


ŝƚLJ ŽĨ 'ŽŽĚ ŚĂƌĂĐƚĞƌ
',6&,3/,1( ‡ *22' 7$67( ‡ (;&(//(1&(

You might also like