You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF SAN PABLO CITY

LEARNER’S ACTIVITY SHEET (LAS)

FILIPINO 9 PANITIKANG ASYANO


Pangalan ng mag-aaral
Baitang/seksiyon
Petsa

ALAMAT: “ALAMAT NI PRINSESA MANORAH”

Kasanayang Pampagkatuto
A. Naisusulat muli ang maikling kwento nang may pagbabago sa ilang pangyayari
at mga katangian ng sinuman sa mga tauhan; ang sariling wakas sa naunang
alamat na binasa (F9PS-IIIF-55)
B. Napatutunayan ang pagiging makatotohan/ di makatotohanan ng akda
(F9PB-IIIf-53)
C. Nagagamit ang mga pang-abay na pamanahon, panlunan at pamaraan sa
pagbuo ng alamat. (F9WG-IIIf-55)
D. Nabibigyang-kahulugan ang kilos, gawi at karakter ng mga tauhan batay sa
usapang napakinggan (F9PN-IIIf-53)

Maikling Pagtalakay sa Aralin

Ano ang Alamat?

Ang alamat o legend at folklore sa wikang Ingles ay isang uri ng panitikan na


naglalaman ng tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. Kung
minsan nagsasalaysay ito ng mga pangyayari hinggil sa tunay na mga tao at pook.
Tumatalakay din ito sa mga katutubong kultura, kaugalian o kapaligiran. Ito ay
kadalasang mga kathang-isip na nagpasalin-salin buhat sa ating mga ninuno.

Katulad ng Maikling Kwento at mga Pabula, ang mga alamat ay kinapupulutan din ng
aral na sumasalamin sa kultura ng isang bayang pinagmulan.

Ano ang Pang-abay?

Ang pang-abay o adverb sa wikang Ingles ay mga salita na naglalarawan sa pang-


uri, pandiwa at kapwa pang-abay. Ito ay kabilang din sa mga Bahagi ng Pananalita
o Parts of Speech.
Pang-abay na Pamanahon
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF SAN PABLO CITY

Ito ay nagsasaad kung kailan naganap o magaganap ang kilos na taglay ng isang
pandiwa sa pangungusap. Mayroon itong tatlong (3) uri: may pananda, walang
pananda, at nagsasaad ng dalas.

a. May Pananda

Halimbawa: nang, sa, noon, kung, kapag, tuwing, buhat, mula, umpisa, hanggang
 Tayo nang manood ng sine.
 Naglalakad sa kawalan ni Marco.
 Aawit ako kung aawit ka rin.
 Maglalaba tayo kapag sumikat ang araw.
 Magbabasa tayo ng aklat tuwing makalawa.

b. Walang Pananda

Halimbawa: kahapon, kanina, ngayon, mamaya, bukas, sandali


 Sumayaw kami kahapon sa palatuntunan.
 Kanina pa sila umalis.
 Ngayon mo na puntahan si Mareng Winnie.
 Bukas mo na dalhin ang biik.
 Kaunting sandali pa at aalis na tayo.

c. Nagsasaad ng Dalas

Halimbawa: araw-araw, tuwing, taun-taon


 Kailangan mong maligo araw-araw.
 Tuwing umaga nangunguha si ama ng mangga.
 Nagbabakasyon kami sa Hongkong taun-taon.
 Lingo-lingo kung mamili ng paninda si Aling Fe.
 Oras-oras kung magdasal ang mga madre.

Mga Gawain

A. Unang Gawain

1. Paano sinimulan ng may akda ang Kwento?


___________________________________________________________
___________________________________________________________
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF SAN PABLO CITY

___________________________________________________________

2. Kung ikaw ang may-akda, paano mo ito wawakasan? Isalaysay.


___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________

3. Alin sa mga pangyayari sa akda ang makatotohanan at di makatotohanan.


Patunayan.

Makatotohanan Di-makatotohanan
Pangyayari: Pangyayari:

Patunay: Patunay:

B. Ikalawang Gawain
Panuto: Gamitin ang wastong mga pang-abay sa pagbuo ng alamat. Piliin ang
wastong sagot sa kahong nasa ibaba.
Isang araw Nang araw kinagabihan
Mayamaya kanina Araw at gabi

Ang Buwang Hugis Suklay


(buod)

(1) ________________ may isang mangingisda na pupunta sa kabayanan


upang bumili ng ilang gamit sa pangingisda. Nagbilin ang kanyang asawa na ibili siya
ng suklay na hugis buwan at kendi para sa kanilang anak. Sinabi ng kanyang asawa na
para hindi malimutan ang kanyang bilin ay tumingala lamang ito sa kalangitan at
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF SAN PABLO CITY

makikita niya ang buwang hugis suklay.

Makaraan ang maraming (2) ________________ ay nakarating na ang


mangingisda sa tindahan, ngunit nakalimutan nito ang ipinagbilin ng asawa.(3)
____________ pang paikot-ikot ang mangingisda kaya’t tinulungan na siya ng tindera
sa paghahanap.

Tindera: Pampapula ng labi?


Mangingisda: Hindi
Tindera: Pilak?
Mangingisda: Hindi rin
Tindera: Unan?
Mangingisda: Unan? Buwan? Naalala ko na ang sinabi ng aking asawa na kapag
nalimutan ko ang kanyang bilin tumingala lamang daw ako sa kalangitan at
maaalala ko na ang kanyang bilin.

(4) _______________ay tumingala ang tindera at nakita ang bilog na bilog na


buwan. Agad na naglagay ng isang bilog na bagay ang tindera sa supot at iniabot ito sa
mangingisda.

(5) ______________ ding iyon ay dali-daling umuwi ang mangingisda, Pag-


uwi nya sa bahay hinanap agad ng kanyang asawa ang pinabibili nitong suklay ngunit
wala itong Nakita, bagkus isang salamin ang nakita. Nagkagulo ang mag-anak dahil sa
nakitang repleksyon ng kanilang itsura sa salamin.

C. Ikatlong Gawain
Panuto: Bigyang kahulugan ang kilos, gawi at karakter ng tauhan na tinutukoy sa
bawat bahagi ng akda.

Kinnaree Kilos:

Gawi:

Karakter:
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF SAN PABLO CITY

Rubriks/Pamantayan sa Pagtataya (Kung kinakailangan)

Repleksiyon/Pagninilay

Ngayon naman ay isulat ang naging pang-unawa mo sa paksang tinalakay gamit ang
mga sumusunod na prompt:

Nabatid ko na
____________________________________________________________________
______________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Naunawaan ko na
____________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

Sanggunian para sa mag-aaral

https://pinoycollection.com/
Panitikang Asyano 9 Pahina 30 – 34 (bagong aklat)
Pahina 31- 35 (lumang aklat)

Inihanda ni: JEANNE THERESE R. ORO


Pangalan ng Sumulat
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF SAN PABLO CITY

You might also like