You are on page 1of 9

RO_MIMAROPA_WS_FIL10_Q4

FILIPINO 10
Ikaapat na Markahan
Ikaanim na Linggo

Aralin: EL FILIBUSTERISMO Kabanata 25-29

MELCs:
1. Naipaliliwanag ang kahulugan ng mga salitang hiram sa wikang Espanyol.
(F10PTIVg- h-85)

2. Naisasaad pagkamakatotohanan ng akda sa pamamagitan ng pag-uugnay ng ilang

pangyayari sa kasalukuyan. (F10PB-IVh-i-92)

3. Naisusulat ang maayos na paghahambing ng binuong akda sa iba pang katulad na

akdang binasa. (F10PU-IVg-h-88)

4. Naipahahayag ang sariling paniniwala at pagpapahalaga gamit ang angkop na mga

salitang hudyat sa pagpapahayag ng saloobin/damdamin (F10WG-IVd-e-80)

Susing Konsepto

Kabanata 25 “Tawanan at Iyakan”

Buod:

Itinuring na isang kasawian ng mga mag-aaral ang naging pasiya ni Don

Custodio ukol sa Akademya ng Wikang Kastila. Ipinagdiwang ng mga mag-aaral ang

kanilang kasawian sa pansiterya ng mga Intsik. Hindi naitago ang labis na

pagdaramdam ng mga mag-aaral kaya’t maging sa kanilang mga talumpati ay may

bahid ng pangungutya, maging ang mga inihaing putahe ay inihalintulad nila sa

mga taong akala nila ay may malasakit sa mga mag-aaral at sa akademya. Sa

kalagitnaan ng kanilang kasiyahan napansin nila ang lalaking lihim na

nagmamanman sa kanilang ginagawa.

1
RO_MIMAROPA_WS_FIL10_Q4

Kabanata 26 “Mga Paskil”

Buod:

Naisip ni Basilio na umutang kay Makaraig ng salaping gugugulin niya para sa

kaniyang pagtatapos kaya’t maaga pa lamang ay umalis na siya upang ito’y asikasuhin

at ang iba pang kakailanganin sa kaniyang pagtatapos. Magulo ang isip ng binata

kaya’t hindi niya napansin ang kaguluhang nagaganap sa unibersidad. Maraming

estudyante ang pinauwi ng mga guwardiya sibil at ang mga paskil na inalis ay ipinag-

utos ng Vice Rector na ipadala sa pamahalaan. Hindi naman maintindihan ni Basilio

kung bakit siya kasamang hinuli ng mga guwardiya sibil noong siya ay magtungo sa

bahay ni Makaraig.

Kabanata 27 “Ang Prayle at Ang Pilipino”

Buod:

Nagkaroon ng pagtatalo si Padre Fernandez at Isagani tungkol sa mga suliranin

at mithiin ng mga mag-aaral, para kay Isagani ang pagtuturo at pag-akay sa tamang

landas ang tungkulin ng mga pari sa kabataan. Hiniling din niya na hayaan silang

bumuo ng matalino, matapat at marangal na bayan. Sinalungat naman ito ni Padre

Fernadez sa pagsasabing ang kabutihan ng mga mag-aaral ang kanilang tanging

iniisip. Para kay Isagani tanging si Padre Fernandez lamang ang tanging

nagpapahalaga sa mga Pilipino. Binatikos pa ng binata ang paraan ng pamamalakad

ng pamahalaan at simbahan, bagamat may pag-aalinlangan, lihim namang hinangaan

ng pari ang binata.

2
RO_MIMAROPA_WS_FIL10_Q4

Kabanata 28 “Mga Katatakutan”

Buod:

Ang pagkakasangkot ng mga mag-aaral sa lumabas na mga paskil ang naging

dahilan ng pagmamalaki ni Ben Zayb tungkol sa kaniyang hula na makasasama talaga

ang pag-aaral sa Pilipino. Nagbunga ng labis na takot at pangamba sa mga

mamamayan ang mga lumabas sa paskil. Ang mga pangyayaring ito’y ikinuwento ni

Padre Irene kay Kapitan Tiyago na naging dahilan ng lalo nitong panghihina at

kalauna’y namatay. Ang nangyaring panghahalay at pamamaslang sa isang dalagita

ay hindi ibinalita ni Ben Zayb bagkus ang bagyo sa Amerika ang kaniyang inilabas.

Kabanata 29 “Mga Huling Salita Kay Kapitan Tiyago”

Buod:
Ang libing ni Kapitan Tiyago ay naging napakaringal, bagay na labis na

ikinainggit ni Donya Patrocino na nagnasang mamatay na rin kinabukasan dahil sa

labis na inggit. Si Padre Irene ang naging tagapagpatupad ng mga huling habilin ng

kapitan. Ang malaking bahagi ng kayamanan ay napunta sa Sta. Clara, sa Santo Papa,

Arsobispo at sa korporasyon ng mga prayle, ang dalawampung piso ay inilaan para sa

matrikula ng mga dukhang mag-aaral samantalang ang para kay Basilio na

dalawampu’t limang piso ay ibinulsa na lamang ng pari.

Gawain 1

Panuto: Tukuyin ang kahulugan ng salitang Espanyol na nakapahilis sa pangungusap. Piliin

ang sagot sa loob ng kahon at ipaliwanag ito ayon sa iyong sariling pagkakaunawa. Isulat ang

sagot sa espasyong nakalaan.

3
RO_MIMAROPA_WS_FIL10_Q4

edukasyon parokya prinsipyo

puwersa selebrasyon

_____________________1. Si Isagani ay may paninindigan at principio na hindi matatawaran.

Paliwanag:________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________________

_____________________2. Umaasa ang mga mag-aaral na maaprubahan ang pagpapatayo ng

Akademya ng Wikang Kastila dahil para sa kanila ay napakahalaga ng educacion.

Paliwanag:________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________________

_____________________3. Binasbasan sa parroquia ang bangkay ni Kapitan Tiyago.

Paliwanag:________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________________

_____________________4. Naniniwala si Simoun na malakas ang kaniyang fuerza upang

makapaghimagsik laban sa pamahalaan at mga prayle.

Paliwanag:________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________________

_____________________5. Sa pansiterya ng Intsik idinaos ng mga mag-aaral ang celebracion

ng kanilang pagkabigo sa akademya.

Paliwanag:________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________________

Gawain 2

A. Panuto: Pumili ng mga pangyayari mula sa mga kabanatang tinalakay at ilahad ang

pagiging makatotohanan nito sa pamamagitan ng pag-uugnay ng ilang pangyayari sa

kasalukuyan. Isulat sa loob ng talahanayan ang iyong sagot.

4
RO_MIMAROPA_WS_FIL10_Q4

Pangyayari sa kabanata Pangyayari sa kasalukuyan

B. Panuto: Sumulat ng paghahambing tungkol sa pagkakatulad ng mga pangyayari sa mga

kabanatang tinalakay sa iba pang katulad na akdang nabasa.

Pangyayari sa kabanata Pangyayari sa iba pang Pagkakatulad

akda na nabasa

__________________________ __________________________ __________________________

_ _ _

5
RO_MIMAROPA_WS_FIL10_Q4

Gawain 3

Panuto: Sumulat ng talata tungkol sa paksang nasa ibaba. Ipahayag ang iyong sariling

paniniwala gamit ang angkop na mga salitang hudyat sa pagpapahayag ng saloobin o

damdamin (sa aking palagay, sa aking paniniwala, sa aking pananaw at iba pa.) Isulat ang

talata sa loob ng kahon.

Paksa:

“Ang tao at ang pamahalaan ay magkaayon. Ang masamang pamahalaan ay hindi nararapat

sa mabuting tao, gayon din naman, walang masasamang tao sa ilalim ng makatarungan at

matatalinong pinuno.”-Dr. Jose P. Rizal

_______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

____________________________

6
RO_MIMAROPA_WS_FIL10_Q4

Rubriks sa Pagpupuntos

Rubrik sa 5 4 3 2
Pagpupuntos
• Nilalaman Napakahusay Mahusay na Mahusay na Nangangailangan
na nailahad nailahad nang nailahad at pa nang mas
nang malinaw malinaw at wasto ang malinaw at
at wasto ang wasto ang paggamit ng wastong
paggamit ng paggamit ng salita sa paggamit ng
salita sa salita sa pagpapahayag salita sa
naging naging ng sariling paglalahad ng
pagpapahayag pagpapahayag paniniwala, sariling
ng sariling ng sariling damdamin o paniniwala,
paniniwala, paniniwala, saloobin sa damdamin o
damdamin o damdamin o talata. saloobin sa
saloobin sa saloobin sa talata.
talata. talata.
• May Napakahusay Mahusay na May Nangangailangan
kaugnayan na naipakita naipakita ang kaugnayan sa na mas
sa Paksa ang malinaw malinaw ang paksa ang maipakita ang
na kaugnayan kaugnayan ng isinulat na kaugnayan ng
ng isinulat na isinulat na talata. isinulat na talata
talata sa talata sa sa paksa.
paksa. paksa.
• Kalinisan Napakalinis Malinis at Malinis ang Gawing mas
at maayos ang isinulat na malinis ang
napakaayos pagkakasulat talata. isinulat na
ng ng talata. talata.
pagkakasulat
ng talata.
Kabuoang Puntos

Mga Gabay na Tanong:

1. Ang kabataan noon at ngayon ay larawan ng pagbabago. Malaya sa paglalahad ng sariling

pananaw at ideolohiya. Saan nagkakaiba ang kabataan noon at ngayon sa pamamaraan ng

pagpapahayag ng pananaw at ideolohiya?

7
RO_MIMAROPA_WS_FIL10_Q4

2. Hindi inilathala ni Ben Zayb sa kaniyang pahayagan ang pangyayari sa dalagitang hinalay

bagkus ibang balita ang inilathala nito. Gaano kahalaga ang patas at makatotohanang

pamamahayag sa ating lipunan?

3. Naging patas ba ang ginawang pamamahagi ni Pari Irene sa pagbabahagi ng kayamanang

naiwan ni Kapitan Tiyago? Pangatuwiranan ang iyong sagot.

4. Anong mga kaisipan ang ikintal sa iyo ng mga kabanatang tinalakay na maaari mong

maiugnay sa iyong personal na buhay? Bakit?

8
RO_MIMAROPA_WS_FIL10_Q4

Susi sa Pagwawasto

Gawain 1 Gawain 2 Gawain 3

1. prinsipyo Maaaring magkakaiba Maaaring magkakaiba
ang posibleng sagot ang posibleng sagot
2. edukasyon
Gamitin ang Rubriks sa
3. parokya
Pagpupuntos
4. puwersa
5. selebrasyon

Sanggunian

Corazon G. Magbaleta at Cid V. Alcaraz, El Filibusterismo (Sa Bagong Pananaw) Valenzuela

City: JO-ES Publishing House,2006,188-231.

Emily V. Marasigan, Pinagyamang Pluma 10 Aklat 2 El Filibusterismo,Quezon City:Phoenix

Publishing House Inc,2015,736-790.

Inihanda ni:

TONY ROSE C. ICALLA

Tiniyak ang kalidad at kawastuan nina:

GESABETH G. IMPERIAL

EDUARDO A. ICAL

ALJUNE J. CASTILLO

Sinuri nina:

LODEVICS E. TALADTAD

G. MARLON L. FRANCISCO

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyong MIMAROPA

Meralco Avenue, corner St. Paul Road, Pasig City, Philippines 1600
Telephone No. (02) 863-14070
Email Address: lrmds.mimaroparegion@deped.gov.ph
9

You might also like