You are on page 1of 5

PAGKAKASUNUD-SUNOD NG MGA PANGYAYARI

SA KUWENTO

Sa pagsunod sa lahat ng nakalistang gawain sa


modyul na ito, matututuhan mo ang makapagpahayag ng
mga ideya nang may pagkakasunud-sunod at
pagkakaugnay, makapagsalaysay ng kuwento ayon sa
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari at, makasulat ng
buod ng kuwento na ginagamit ang angkop na bantas.

Pagbalik-aralan
Pagbalik-aralanMo
Mo

Basahin ang tula

SAMPAGUITA

Bulaklak na kay puti

Talulot na mumunti

Kaysarap amuyin

Kaysarap haplusin

Di kayang pantayan

Taglay na kagandahan

1
Sagutan ang mga tanong sa kuwaderno

1. Anong kulay ang sampaguita?


2. Anong uri ng mga talulot mayroon ito?
3. Paano mo malalanghap ang taglay nitong katangian?
4. Bakit di ito kayang mapantayan?
5. Iguhit mo ang sampaguita at kulayan.

Pag-aralan
Pag-aralanMo
Mo

Basahin ang sumusunod na kuwento

Si Dagang Bukid at Dagang Bahay

Maagang umalis si Dagang Bukid patungo sa kanyang pasyalan.


Pinangakuan niya ang kanyang mga bubuwit na siya ay mag-uuwi ng
matatabang uhay ng palay upang sila ay may mahapunan. Sa bukid siya
naglalagi.
Samantala si Dagang Bahay ay ayaw kumilos. Hindi siya mahilig sa
paglilibot sa labas. Loob ng bahay ang pinupuntirya niya. Mga
nakatagong pagkain ang inuumit at pinakikialaman niya.
Lingid sa kaalaman ng dalawang daga, nagpulong at nagbalak ang
mga magbubukid at mga may-ari ng bahay. Nilagyan nila ng bitag ng daga
ang mga pananim. Nilagyan din ng mga bitag ang kani-kanilang mga
bahay. Pinainan ng pamuksa ng daga ang mga bitag.
Binantayan ng mga magbubukid at mga may-ari ng bahay ang kanilang
mga bitag. Nagkaisa ang mga tao sa paglilinis ng kapaligiran. Nagtulung-
tulong sila sa pagpuksa sa mga dagang sumisira ng pananim at ng mga
nakatagong pagkain sa mga bahay.
Nahuli sa bitag si Dagang Bukid. Nahuli din sa bitag si Dagang Bahay.
Lahat ng mga dagang nahuli sa mga bitag kasama ang mga bubuwit ay
sama-samang nalibing sa mga hinukay na basurahan sa likod ng bawat
bakuran ng barangay.

A. Sagutin ang mga tanong. Isulat sa kuwaderno ang sagot.

1. Ano ang dalawang uri ng daga sa kuwento?


2. Saan-saan sila naglalagi?
3. Paano kumukuha ng pagkain ang dalawang daga, Dagang Bukid?
Dagang Bahay?

2
4. Anong kayang bitag ang inihanda ng magbubukid? May ari ng mga
bahay? Bakit?
5. Paano maaring mapuksa ang mga mapanirang hayop tulad ng mga
daga?
6. Sa iyong palagay, ano kaya ang mangyayari kung hindi sila
pinaghandaan ng bitag? Bakit?

Ganito ba ang inyong sagot.

1. Dagang Bahay at Dagang Bukid.


2. Sa bahay at sa bukid.
3. Dagang Bukid kumakain ng palay. Dagang Bahay kumakain ng mga
nakatagong mga pagkain sa bahay.
4. Inihanda ng mga may-ari ng bahay ang mga bitag. Inihanda ng
magbubukid ang lason na pamuksa ng mga dagang bukid.
5. Mag-alaga ng pusa sa bahay dahil ito ay pumapatay ng daga.
6. Dadami at dadami pa ang daga.

B. Isalaysay na muli ang kuwento ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga


pangyayari.

Dagang Bukid Dagang Bahay

Ganito ba ang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa iyong


kuwento?

_____ Maagang umalis si Dagang Bukid


_____ Nagpulong ang mga may-ari ng bahay at bukid
_____ Naglagay ng mga bitag
_____ Binantayan ng mga may-ari ang kanilang bitag
_____ Nahuli sa bitag ang mga daga
_____ Nalibing sa hinukay na basurahan ang mga daga

3
Isaisip
IsaisipMo
Mo

Isalaysay ang kuwento nang ayon sa wastong pagkakasunud-


sunod ng mga pangyayari upang mailahad ang tunay na buod nito.

Pagsanayan
PagsanayanMo
Mo

Isulat sa isang malinis na papel ang iyong ginagawa bago pumasok sa paaralan,
ayon sa wastong pagkakasunud-sunod.

1. _________________________________________
2. _________________________________________
3. _________________________________________
4. _________________________________________
5. _________________________________________

Alam mo na ang wastong pagsunud-sunod ng mga pangyayari sa kuwento.


Handa ka nang makasagot sa susunod na gawain;

Subukin
SubukinMo
Mo

Basahin nang tahimik ang kuwento

Kay Ganda ng Umaga

Huwebes, masayang-masaya si Rico, magsusuot siya ng uniporme ng


“Boy Scout”.
Isa siya sa mga magtataas ng bandila habang inaawit ang
Pambansang Awit sa umagang iyon. Nagmano siya sa kanyang ama at ina
at pumasok na sa paaralan.
Habang naglalakad, nakita ni Rico ang isang matandang babaeng

4
uugud-ugod ang hindi makatawid dahil sa sala-salabat na mga sasakyan.
Pinuntahan niya ang kinaroroonan ng matandang babae.
“Lola”, wika niya “Halina po kayo at kayo’y aking itatawid sa may
simbahan nang hindi po kayo mabundol ng sasakyan. Ako na po ang
magdadala ng inyong bayong.
“Salamat, iho” wika ng matanda, sabay bigay ng tangang bayong.
“Nandito na po tayo, lola. Ligtas na po kayo rito. Hindi na kayo
mahahagip ng mga sasakyan.”
Ngumiti ang matanda “Pagpalain ka Anak ng Poong Maykapal.”
Si Rico’y dali-daling pumasok sa paaralan at naghanda na sa
pagtataas ng bandila. Kay ganda ng kanyang umaga!

Gunitain ang paghahagdan-hagdan ng pagsasalaysay ng kuwento ayon sa


pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa kuwento.
Anong
sinabi ng
Ano ang matanda?
Sino ang kanyang
Anong nakita ni ginawa?
ginawa ni Rico?
Ano ang Rico bago
Anong araw isinuot umalis?
noon? niya?

Gumising si Rico

Isulat
IsulatMo
Mo

Ngayong naisalaysay mo na ang kuwento, isusulat mo naman ang maikling buod


nito, Gunitain ang wastong mga bantas at gamitin kung kinakailangan
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

You might also like