You are on page 1of 4

Filipino 5 – Ikalimang Baitang Ikatlong Markahan

Modyul 4: Nakakapag-ulat tungkol sa nabasa

Pangalan:________________________________

Baitang/ Pangkat:_________________________

Mula sa balita at mga katanungan na nabasa mo, ano ang iyong napansin?
Ang pag-uulat ay may kumpletong detalye na sumasagot sa tanong na Sino, Saan,
Ano, Kailan at Bakit.
Paano naman tayo makakapag-ulat ng isang pangyayari ayon sa ating nabasa?

Ang pag-uulat ayon sa nabasa ay dapat nagsasaad ng


mahahalagang mga pangyayari na nagaganap o naganap
na. Ito ay sumasagot sa mga tanong na ano, sino, kailan,
saan, bakit at paano.
PAGPAPAHALAGA
PANUTO: Isulat ang T kung ang pangungusap ay tama at M kung hindi.
_________1. Hindi mahalaga kung totoo ang pag-uulat o hindi.
_________2. Makakabuo ng isang ulat sa pamamagitan ng pagbabasa, o panunod.
_________3. Tatandaan ko ang mahahalagang pangyayari sa balita o kwento na aking
napanood o nabasa.
_________4. Mahalagang kumpleto ang detalye sa pag-uulat.
_________5. Huwag ugaliing magbasa.
PANAPOS NA PAGSUSULIT
Panuto: Basahing mabuti ang maikling patalastas na nasa kahon at isulat ang
hinihingi ng bawat patlang.

PATALASTAS
Ipinagbibigay alam sa publiko na sa ika-8 ng Abril, 2020 (Miyerkules Santo), ang mga
tanggapan sa ating munisipyo ay bukas hanggang 12:00 ng tanghali lamang. Ito ay
bilang paghahanda sa paggunita sa SEMANA SANTA.
Maraming salamat po!
1. Ano: _________________________________
2. Sino: _________________________________
3. Saan: _________________________________
4. Kailan: _________________________________
5. Bakit: _________________________________
Filipino 5 – Ikalimang Baitang Ikatlong Markahan
Modyul 5:Pagsuri ng Tauhan/Tagpuan sa Napakinggang Kuwento

Pangalan:________________________________

Baitang/ Pangkat:_________________________

Basahing mabuti at sundin ang mga ito.


1. Makinig nang tahimik upang mapakinggang mabuti ang nilalaman ng kuwento.
2. Tandaan ang mahahalagang pangyayari o detalye.
3. Unawaing mabuti ang nais ipahayag ng pakikinggang kuwento.
Pakinggang mabuti ang kuwentong aking babasahin. Tandaan ang mga pamantayan sa pakikinig at
humanda sa talakayan.
Katutubo ng Mindoro
Sa Panulat ni: Gng. Lilebeth T. Imperial
Sa isang malayong lugar sa bayan ng Socorro naninirahan ang mag-anak na Mangyan. Nakatira sila sa
isang ligtas at malinis na bahay kubo. Pagtatanim ng saging, palay, niyog at mais ang kanilang
ikinabubuhay. Marami rin silang mga alagang hayop tulad ng kalabaw, baka, kambing at baboy.
Tulong-tulong sila sa mga gawain kaya naman laging sagana ang kanilang ani. Tuwing araw ng Linggo,
pumupunta si Amang Mangyan sa bayan upang ipagbili ang kanilang mga produkto. Kapag naipagbili
na nila iyon mamimili naman sila ng mga gamit na kailangan nila sa bahay. Tahimik at masaya ang
kanilang pamumuhay doon.
Sagutin ang mga tanong: Ayusin ang mga titik upang mabuo ang tamang sagot.
1. Sino ang tauhan sa kwento? ______GAM AKAN NA YANGMAN
2. Saan sila nakatira?______ LAYAMONG LARGU
3. Sino ang pumupunta sa bayan tuwing araw ng Linggo?____ MANGA NAMYANG
4. Ilarawan ang kanilang pamumuhay doon.____
SAMAYA TA HIMKITA
5. Ilarawan ang kanilang tirahan.____ SATGIL TA LISINAM
Pag-aralan ang “art graphic” sa ibabaa
Ang art graphic ay nagpapakita ng kaugnayan ng bawat isa sa kuwento. Ang mga salita sa bilog na
kulay pula ay tumutukoy sa mga tauhang nabanggit sa kuwento. Ang mga nasa asul na bilog naman
ay tumutukoy sa tagpuan o lugar kung saan naganap ang kuwento.

Tauhan- tumutukoy sa pangunahing tauhan at ang


iba pang kasama sa kuwento
Tagpuan- tumutukoy sa sa pinangyarihan at kung
kailan nangyari ang kuwento.
Sa pamamagitan ng mga situwasyong inilalahad sa
kuwento, madali nating masasabi ang uri ng isang
tauhan o tagpuan.
PAGSASANAY 1
Ipabasa ang kuwento ng malakas sa iyong ate o kuya( o Sino mang nakakatanda). Punan
ng tamang sagot ang hinihinging impormasyon. Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon.
Tuwing araw ng Linggo pagkagaling sa simbahan, dumideretso si Leo sa isang puno sa
loob ng kanilang bakuran. Palibhasa’y solong anak, nakasanayan na niyang maglarong
mag-isa sa ilalim ng puno ng mangga. Nakasanayan na rin ng kanyang ina at ama na
marinig ang kanyang awit. Kahit nga ang kanilang mga kapitbahay ay sanay nang makita
siya rito sa bakuran tuwing Linggo ng umaga. Lahat ng dumaraan ay natutuwang makita
ang mabait at masayahing bata. Sinuman ay napapangiti ng kanyang munting tinig.
Paborito niyang awitin ang linyang “Kapatid kita,
Kaibigan tayo, Ngayon at magpakailanman”, na wari ba mayroong kinakausap sa ilalim ng
mangga.

1. Pagkagaling sa simbahan, dumideretso si _________ sa isang puno sa loob ng kanilang


bakuran.
2. Nakasanayan na siyang makita ng kanilang mga ___________.
3. Nakasanayan na ni Leo ang maglaro mag-isa sa _____________.
4. ___________________ laging nagsisimba si Leo.
5. Nakasanayan nang kanyang _____________ ang kanyang pag-awit.

ina at ama tuwing araw ng Linggo Leo


ilalim ng punong mangga kapitbahay.

Ipabasa ang kuwento ng malakas sa iyong ate o kuya( o Sino mang nakakatanda). Sagutin
ang mga tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot.
Isang matandang lalaki ang bumaba mula sa magarang kotse sa isang nagdarahop na lugar.
Iginala niya ang kanyang paningin sa mga batang nanlilimahid at marurungis na naglalaro sa
daanan. Tiningnan din niya ang mga kabataang may tulak-tulak na kariton na naglalaman ng
bote, bakal at dyaryo. Dumukot sa bulsa ang matanda. May perang iniabot sa mga batang
naglalaro sa lansangan. Pinagkaguluhan ang matanda ng mga taong nakasaksi ng kanyang
pamimigay ng pera sa mga bata.

___1. Sino ang bumaba mula sa magarang kotse?


A. magandang dalaga
B. matikas na binate
C. matandang lalaki
___2. Ilarawan ang mga batang naglalaro sa lansangan.
A. mababait at magagalang ___4. Bakit pinagkaguluhan ang matandang
B. nanlilimahid at marurungis lalaki?
C. matatapang at mayayabang A. Nangolekta siya ng basura.
___3. Saan pumunta ang matandang lalaki? B. Nanghingi siya ng pagkain sa mga bata.
A. sa malinis na parke C. Nagbigay siya ng pera sa mga batang
B. sa makitid na eskinita naglalaro.
C. sa nagdarahop na lugar ___5. Ano ang katangiang ipinakita ng
matandang lalaki?
A. mayabang
B. mapagbigay
C. matapobre

You might also like