You are on page 1of 20

KATANGIAN AT

ELEMENTO NG MITO

Sanayang Aklat sa
Filipino 1

ESTER C. AYDINAN
Developer
Republika ng Pilipinas
KAGAWARAN NG EDUKASYON
Cordillera Administrative Region
Schools Division Office-Ifugao
Lagawe, Ifugao

Learning Resources Management and Development System (LRMDS)

KARAPATANG ARI
2019

Seksiyon 9 ng Presidential Decree Bilang 49. 1972

“ Walang kopya ang mananatili sa anumang gawain ng


Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, ang paunang pag-apruba ng
ahensiya ng gobyerno o opisina kung saan ang gawa ay nilikha ay
kinakailangan para sa pagsasamantala ng naturang gawain para sa
kita”.

Ang kagamitang ito ay binuo para sa implementasyon ng K-12


Curriculum Implementation Division (CID)- Learning Resource
Management and Development System (LRMDS). Ito ay maaring
kopyahin para sa layuning pang edukasyon at kinakailangang
kilalanin ang manunulat. Deribatibo ng gawain pati ang
pagsasagawa ng paglimbag ng bagong bersyon, pagbabago o
pagdadagdag sa akda ay ipinahihintulot pero ang orihinal na gawa
ay at ang karapatang ari kinikilala at pinapahalagahan. Walang akda
o gawa na mula sa kagamitang ito ang ibinebenta o
pinagkakakitaan.

Manunulat: ESTER C. AYDINAN

ii
PAUNANG SALITA

Ang workbook na ito ay proyekto ng Curriculum Implementation


Division (CID) lalo na sa Learning Management and Development
System (LMRDS), Department of Education, Schools Division Office of
Ifugao, bilang tugon sa implementasyon ng K to 12 Kurikulum.

Ang kagamitang panturong ito (Learning Materials) ay pag-aari


ng Department of Education-CID, Schools Division Office of Ifugao.
Layunin ng workbook na ito na malinang ang mga mag-aaral sa
pagsusuri sa katangian at elemento ng mito,alamat at kwentong-
bayan.

Aralin: Filipino

Baitang/Lebel: 7

Pinaghanguan: Learning Resource

Kompitensi: Nasusuri ang mga katangian at elemento ng mito, alamat


at kwentong- bayan.

Kompitensi Code: F7PB – IIId –e-16

Lingguhang Tunguhin: Kwarter 3/ Linggo 7 at 8

Petsa ng Pagkakabuo: Mayo 2017

Lokasyon: Hungduan National High School, Hungduan District


Schools Division Office-Ifugao

iii
PAGPAPAKILALA

Buong pusong kinikilala ng manunulat ang mga sumusunod na naging


daan upang maisakatuparan ang kagamitang panturong ito:

Gloria B. Buya-ao, Schools Division Superintendent- Dibisyon ng Ifugao,


at Marciana M. Aydinan Chief- Curriculum Implementation Division sa
pag-apruba upang bumuo o magsulat ng isang learning resource;

Jovita L. Namingit, Education Program Supervisor-LRMDS sa kanyang


panahon at puna upang maisagawa nang maayos ang kagamitang
pampagturong ito;

Shaila S. Takinan at Nancy G. Nalunne, mga Division LRMDS Staff sa


kanilang tiyaga sa pagwawasto at pagsusuri sa workbook na ito;

Benedict L. Kikigue, PSDS ng Hungduan District at Marilou T. Yogyog,


EPS ng Filipino sa kanilang oras na inilaan para ma-ebalweyt ang LR na
ito;

Ang School Learning Resource Committee sa pamumuno ni Rachel G.


Khayad at punongguro ng paaralan, sa kanilang oras para
mabigyang-puna ang workbook na ito;

Sa aking pamilya na naging inspirasyon ko upang magawa pa ang


mga gawaing minamandato ng ahensya (DepEd).

At higit sa lahat, sa Poong Maykapal, sa kanyang gabay at


pagkakaloob ng biyaya para maisakatuparan ang modyul na ito.

ESTER C. AYDINAN

iv
TALAAN NG MGA NILALAMAN

Pabalat na pahina i

Karapatang- ari ii

Paunang salita iii

Pagpapakilala iv

Talaan ng nilalaman v

SKILL A. Pagsusuri sa Katangian ng Mito 1


Pakatandaan Mo 2
Gawan 1. Buuin Mo ako 2
Gawain 2. Hanapin Mo ako 3

SKILL B. Mga Elemento ng Mito 4-5


Basahin Mo 6-7
Gawain 1. Gaano Ka Kahusay 8
Gawain 2. Ayusin Mo Ako 9
Gawain 3. Pusuan Mo Ako 10

Talasanggunian 11

Susi sa Pagwawasto 12-13

v
Kasanayan A.

PAGSUSURI SA
KATANGIAN NG MITO

1
KATANGIAN NG MITO
PAKATANDAAN MO….
Ang salitang mito ay galing sa salitang latin na mythos at mula sa
salitang Greek na muthos na ang kahulugan ay kuwento. Ito ay uri ng
panitikan na nagkukuwento na kalimitang naghahayag sa kabutihan o
kasamaan ng isang diyos gaya ng mga diyos ng araw o diyosa ng
kagandahan na sinasamba, dinarakila at pinipintakasi ng mga
sinaunang tao.
Nakatutulong ito upang maunawaan ng mga sinaunang tao ang
misteryo ng pagkakalikha ng mundo, ng tao, ng mga katangian ng iba
pang mga nilalang.
Hindi man ito kapani-paniwalang kuwento ng mg diyos at diyosa at
mga bayani subalit itinuturing itong sagrado at pinaniniwalaang
totoong naganap. Karaniwang may kaugnayan ito sa teolohiya at
ritwal.

Gawain 1: BUUIN MO AKO!


Panuto: Piliin sa loob ng hugis-itlog ang salitang maaaring ipuno sa
mga patlang upang mabuo ang diwa ng pangungusap.
Isulat sa patlang ang tamang sagot.

misteryo dinarakila
diyos-diyosa

ritwal sagrado

1. Ang mga tauhan sa mito ay mga diyos at diyosa na


__________________ ng mga sinaunang tao.

2. Kahit hindi kapani-paniwala ang kuwento ay kinikilala


itong__________________.

3. Nakakatulong ang mito upang maunawaan ng mga sinaunang tao


ang ________________________ sa pagkakalikha ng mga bagay.

4. Karaniwan may mga _______________ na isinasagawa na


mababanggit sa mito.

5. Ang mga karaniwang tauhan sa mito ay mga ____________________.

2
Gawain 2: Hanapin Mo Ako!
Panuto: Hanapin at bilugan ang mga salitang may kaugnayan
sa mito. Maaaring pahalang, pababa o dayagonal

e w r d i y o s
g g f z k z u v
k d g x f x y d
m i s t e r y o
t y p c s c p w
y o r i t w a l
u s h v d b i t
w a j k m n o r
q k u w e n t o

3
Kasanayan B.

MGA ELEMENTO
NG MITO

4
Mga Elemento ng Mito

1. Tauhan- pangunahing tauhan ay mga diyos o diyosa,


makulay at puno ng imahinasyon ang
pagganap ng mga tauhan, may taglay na
kapangyarihan at lahat ay magagawa.
- Gumanap sa kuwento

2. Tagpuan- nagsasabi kung saan at kailan nangyari ang


kwento.

3. Banghay- nakatuon sa suliranin at paano ito malulutas.


Ipinapakita din nito ang ugnayan ng tao at
ng mga diyos at diyosa.

4. Tema- ito ang pinagmulan ng buhay sa daigdig. Ito rin


ang mga paniniwalang panrelihiyon, katangian
at kahinaan ng tauhan.

5
BASAHIN MO….

ANG SUHA AT SI ALIGUYON


(“ Nan Tabuyug ya hi Aliguyon”)

Noong unang panahon, may isang napakatipuno at


napakaguwapong binata na nagngangalang Amtalao. Hindi siya
nakapag-asawa sa kadahilanang wala siyang napupusuang dalaga.
Isang araw, umakyat siya sa puno ng suha o “tabuyug” at pumitas ng
isa. Itinapon niya ito sa ilog at humingi ng tulong kay Amduyan- ang
diyos ng pag-aasawa. Bumulong si Amtalao at sinabing “katu-katu-
dat-ong-bu” na nangangahulugang “ang makakakuha nito ay ang
babaeng mapapangasawa niya na may kabutihang-loob at hindi
ang sinumang walang respeto at pagpapahalaga.”
Itinapon ang suha sa ilog kasabay nang mabilis na agos ng tubig.
Sakto namang pagdating nina Magappid at Bugan at nakita ang
suha o “tabuyug” na lumulutang. Sinubukang kunin ni Magappid
ngunit biglang napunta sa pinakamalalim na bahagi ng
tubig(“puhung”). Samantala, gustong-gusto ni Bugan na kunin ang
prutas kaya’t mabilis siyang lumangoy at sa wakas nakuha niya ito.
Kinain ng magkapatid ang prutas pagkatapos ay napansin ni Bugan
na hindi kasya ang kanyang suot na “tolge” dahil lumalaki ang tiyan
nito, siya pala ay nagdadalang-tao. Nang makauwi ang magkapatid,
ikinuwento ang pangyayari.

Lumipas ang siyam na buwan at nanganak si Bugan ng isang


malusog na lalaking sanggol na pinangalanang Aliguyon. Lumaki siya
at di naglaon alam na niyang magsalita. Nagtanong siya tungkol sa
kanyang ama at agad namang isinalaysay ng ina ang dahilan.
Isang araw, napagpasyahan ng anak na sundin ang ilog kung
saan nakita ng nanay ang suha. Sa kanyang paglalakbay, napadpad
siya sa isang bahay na napapalibutan ng suha kaya naisip ang
kuwento ng ina.
Pumasok siya sa bahay at nakitang walang tao kaya siya’y
kumain. Pagkatapos, nagbayo siya ng palay, pinakain ang mga
manok at nagluto para sa hapunan. Nang matapos niya ang mga
gawaing-bahay, pumunta siya sa lalagyan ng mga damit at doon
nagtago habang hinihintay ang pagdating ng may-ari sa bahay.
Nagulat si Amtalao kung sino ang gumawa sa mga gawaing-bahay.
Tumingin-tingin siya sa paligid ngunit walang tao. Nang simulan niyang

6
kumain, nakirinig siya ng isang malamyos na tinig. Tiningnan niya ang
paligid ngunit wala siyang nakita at nag-alok pa ng hapunan.
Kinaumagahan, naghanda si Amtalao papuntang bukid.
Gumising si Aliguyon at naghanap ng pagkain at saka nagbayo,
nagluto at nagpakain ng manok. Paglubog ng araw, umuwi si
Amtalao at napansin niyang tapos ang mga gawaing-bahay.
Habang siya’y kumakain naulinigan niya muli ang isang tinig.
Sa sumunod na araw, ginawa muli ni Amtalao ang paghahanda
at nagkunwaring pupunta siya sa bukid ngunit ang totoo plinano
niyang alamin kung sino ang gumagawa ng mga gawaing-bahay.
Umakyat siya sa puno ng suha kung saan makikita niya ang lahat ng
nangyayari sa ibaba.
Inisip ni Aliguyon na umalis si Amtalao papuntang bukid kaya’t
siya’y lumabas sa pinagtataguan at saka nagtrabaho. Humanga si
Amtalao sa batang kanyang nakita at naisip niya ang tungkol sa
suhang itinapon sa ilog. Natapos ni Aliguyon ang mga gawain nang
hindi niya namamalayan na nandoon pala si Amtalao na
nagmamasid sa kanya. Nang matapos ang lahat, pumasok si
Amtalao at nakita niya ang batang nagtatago. Niyaya niya itong
kumain at doon nalaman ni Amtalao ang tungkol sa ina ni Aliguyon
dahil nagpakita si Amduyan- diyos ng pag-aasawa at isinalaysay ang
mga pangyayari.
Nanatili si Aliguyon sa piling ng kanyang ama. Inutusan ni
Amtalao si Aliguyon na magbayo ng “ dayyakot” (malagkit) upang
gawing “bayah”. Handa na ang lahat sa bahay ni Amtalao. Ang
mag-ama ay nag-imbita ng lahat ng mga tao sa tribo malayo o
malapit man, kasama na doon sina Magappid at Bugan. Ang pista ay
tumagal ng tatlong araw ngunit di pa rin niya nakikita si Bugan. Hindi
nagtagal ay dumating ang ina ni Aliguyon. Napansin ni Amtalao ang
mga kababaihang sumasayaw (“manayo”) at sa pagkasabik na
makilala si Bugan, tinanong niya si Aliguyon kung sino sa mga
sumasayaw na kababaihan ang kanyang ina. Itinuro ni Aliguyon ang
inang napakaganda na may suot na “bitug” na kumikinang.
Pinuntahan ni Aliguyon ang ina at sinabing manatili doon dahil
iyon ang tanging pangarap ni Amtalao.
Sila ay namuhay ng mapayapa at labis ang pasasalamat nila kay
Amduyan na laging maaasahang diyos ng mga Ipugo o Ifugao.

Tagapagsalaysay: Apu Manuel Liwliwa


Elder

7
GAWAIN 1. Gaano Ka Kahusay?

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong mula sa kwentong


binasa.

1. Ilahad at ilarawan ang mga tauhan sa kwento. Isulat sa loob


ng chart.
MGA TAUHAN PAGLALARAWAN

2. Saan ang pangunahing tagpuan sa kwento? Isulat sa loob ng


kahon ang sagot.

3. Kailan nangyari ang kwento batay sa siglo (cycle) ng


pagtatanim ng palay? Piliin ang sagot pagkatapos ay
ipaliwanag.
a. “Kahi-haw-ang” c. “ Kahilamun”
b. “Kahitunod” d. “ Kahi-ani”

Sagot: ____________
Paliwanag: __________________________________________
__________________________________________

4. Ano ang tema o paksa ng mito? Isulat ang sagot sa loob ng


kahon.

5. Nalutas ba ang suliranin ni Amtalao? Sa anong paraan? Ipaliwanag


ang sagot sa loob ng hugis-puso.

8
Gawain 2. Ayusin Mo Ako

Panuto: Ayusin ang mga pangungusap ayon sa pagkasunod-sunod na


mga pangyayari sa mito. Isulat ang bilang 1-6 sa patlang bago
ang bilang.

______1.
Nakita nina Bugan at Magappid ang suha na lumulutang sa
ilog. Kinuha nila at kinain, di-naglaon nabuntis si Bugan.

______2. Nagtanong si Aliguyon sa kanyang ina tungkol sa tatay nito.


Isinalaysay naman ng ina ang mga pangyayari.

_______3.
Nakilala ni Amtalao si Bugan at hininging maiiwan siya sa
kanilang bahay. Mula noon namuhay sila nang mapaya.
Nagpasalamat si Amtalao kay Amduyan-diyos ng pag-
aasawa.
_______4.
Naghanda sina Amtalao at Aliguyon ng isang pista at lahat
ng mga tribo malayo o malapit man ay inanyayahang
dadalo.

Humingi si Amtalao kay Amduyan ng pabor na kung sino


_______5. ang kukuha sa suhang itinapon niya sa ilog ay magiging
asawa niya.

_______6.
Sa paglalakbay ni Aliguyon nakakita siya ng bahay na puno
ng suha naalala niya ang kwento ng ina. Pumasok sa bahay
at ginawa ang mga gawaing-bahay. Nagtaka si Amtalao.

9
Gawain 3. Pusuan Mo Ako

Panuto: Isulat ang hugis na kung ang pahayag ay tama at hugis


naman na kung mali. Isulat sa patlang bago ang bilang.

_________ 1. Ipinagkasundo sina Bugan at Amtalao bago sila nag-


asawa.
_________ 2. Ipinaglihi si Aliguyon sa suha.
_________ 3. Ang diyos ng pag-aasawa sa Ifugao ay si Amduyao.
_________ 4. Nahanapan nina Bugan at Magappid ang suha sa ilalim
ng puno.
_________ 5. Nakilala ni Aliguyon ang kanyang ama.
_________ 6. Nagulat si Amtalao kung sino ang gumagawa sa mga
gawaing-bahay sa bahay niya.
_________ 7. Kapani-paniwala ang mga pangyayari sa mito.
_________ 8. Ang mga tauhan sa mito ay karaniwang mga diyos at
diyosa.
_________ 9. Nakatutulong ang mga pangyayari sa mito upang
maunawaan ang mga misteryo ng mga sinaunang tao.
_________ 10. Nakilala ni Amtalo si Bugan nang magdaos ito ng isang
pista.

10
TALASANGGUNIAN

Bureau of Secondary Education (2005), Effective Alternative Secondary


education- project EASE

Domingues, Leticia F. Ph.D. (2000) Gintong Pamana. SD Publication,


Inc., Quezon City

https://brainly.ph/question

https://prezi.com.ph.katangian

11
SUSI SA PAGWAWASTO

SKILL A. Pagsusuri sa Katangian ng mito

Gawain 1: Buuin Mo Ako

1. dinarakila
2. sagrado
3. misteryo
4. ritwal
5. diyos at diyosa

Gawain 2: Hanapin Mo Ako

Mga salita sa loob ng kahon


* diyosa * ritwal * Misteryo
* diyos * kuwento

12
SKILL B. Mga Elemento ng Mito

Gawain 1 : Gaano Ka Kahusay?

1. Mga tauhan
Magappid- kapatid ni Bugan
Aliguyon- anak ni Bugan
Amtalao- ama ni Aliguyon
Bugan- ina ni Aliguyon
Amduyao- diyos ng pag-aasawa ng Ifugao

2. Bahay ni Amtalao
3. Panahon ng “kahi-ani”
Paliwanag: Buwan ng Hunyo-Setyembre ay maaaring ng
kainin ang suha at iyon ay panahon ng pag-aani
ng palay
4. Tema: Kung naisin mo ang isang bagay ay maraming paraan
upang makamit ito
5. Nalutas ang suliranin ni Amtalao dahil humingi siya ng tulong
kay Amduyan-diyos ng pag-aasawa

GAWAIN 2: Ayusin Mo Ako

2 1
3 2
6 3
5 4
1 5
4 6

GAWAIN 3 . Pusuan Mo Ako


1. 6.
2. 7.
3. 8.
4. 9
5. 10

13
DETAILED LESSON PLAN IN FILIPINO 7

I. Layunin
A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang
Pangnilalaman pag-unawa sa mga akdang
pampanitikan ng Luzon.
B. Pamantayan sa Naisasagawa ng mag-aaral ang
Pagganap komprehensibong pgbabalita (news
casting) tungkol sa kanilang lugar.
C.Mga Kasanayan sa Nasusuri ang mga katangian at
Pagkatuto (Isulat ang elemento ng mito, alamat at
code ng bawat kwentong-bayan.
kasanayan) F7PB-IIIf-g-17
II. NILALAMAN
Paksang-Aralin Katangian at Elemento ng Mito
III. Kagamitang Panturo TG, CG, Contextualized Selection
B. Iba Pang Kagamitang Internet, Power Point Presentation
Panturo
IV. PAMAMARAAN GAWAIN NG MGA MAG-AARAL
A. Balik-aral sa nakaraang Itanong sa mga mag-aaral ang
aralin at/o pagsisimula ng tungkol sa alamat ng “Buding”
bagong aralin
B. Paghahabi sa layunin Magpakita ng isang larawan ng
aralin/ suha.
Pagganyak/Paglalahd Itanong kung anong panahon ito sa
pagtatanim ng palay kinakain ng
tao.
C. Pag-uugnay ng mga Babasahin ang mito na
halimbawa sa bagong aralin pinamagatang “ Ang Suha at Si
Aliguyon” sa kagamitang
pampagturo pp 3-4
D. Pagtatalakay ng bagong Pagsusuri sa katangian ng mito.
konsepto at paglalahad ng Ipagawa ang gawain 1-“Buuin Mo
bagong kasanayan #1 Ako” p.1 at gawain 2 – “ Hanapin
Mo Ako” p. 2 sa kagamitang
pampagturo
E. Pagtatalakay ng bagong Gamit ang power point, pag-usapan
konsepto at paglalahad ng ang konsepto tungkol sa elemento
bagong kasanayan #2 ng mito.
Ipasagot ang gawain 1- “Gaano Ka
Kahusay” p. 5 at gawain 2- “ Ayusin
mo Ako” p. 6 sa kagamitang
pampagturo
F. Paglinang sa Kabihasaan Ipasagot ang gawain 3 –“Pusuan Mo
(Tungo sa Formative Ako” sa p.7 ng kagamitang

14
Assessment) pampagturo
G. Paglalapat ng aralin sa Kung lumaki kang walang ama,
pang-araw-araw na buhay paano mo ito tanggapin o anong
pamamaraan ang gagawin mo
upang makilala siya?
H. Paglalahat ng aralin Ilarawan ang mito
Ano-ano ang mga elemento ng mito
J. Ebalwasyon Ano ang pagkakaiba ng alamat sa
mito?
IV. REMARKS
V. REPLEKSIYON
A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha 80% sa pagtataya
3B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba
pang gawain para sa
remediation.
C. Nakatulong ba ang
remedial?Bilang ng mag-
aaral na nakaunawa sa
aralin.
D. Bilang ng mga mag-aaral
na magpapatuloy sa
remediation
E. Alin sa mga estratehiyang
pagtuturo nakatulong ng
lubos?Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
naranasan na solusyunan sa
tulong ng aking punongguro
o superbisor?
G. Anong kagamitang
panturo ang aking
ginamit/nabuo/natuklasan
na nais kong ibahagi sa
kapwa ko guro

Inihanda ni:

ESTER C. AYDINAN
Teacher 3

DepEd -CAR LR # 217-09-19

15

You might also like