You are on page 1of 4

St.

Mary’s College of Baliuag


Baliuag, Bulacan
TP 2021-2022

ISO 9001:2015 Certified PAASCU Level III Accredited

Asignatura: Filipino 6 Baitang at Pangkat: Baitang 6 Markahan: Ikalawa

Blg. ng Modyul: 8 Paksa: Ang Maikling Kuwento at ang mga Elemento Nito

I. PANIMULA
Pagdating sa mga maliit na bata, isa sa mga paraan ng mabisang pagtuturo ng
mabuting aral ay sa pamamagitan ng mga maikling kwento. Mula sa mga kwentong ito
makakakuha ng ideya ang mga bata tungkol sa tamang pag-uugali.
Sa modyul na ito, malalaman natin ang kahulugan at kahalagahan ng maikling
kuwento.

II. PAMANTAYANG PAGKATUTO


Ang modyul na ito ay nilikha upang iyong:
Napagsunod-sunod o naisasalaysay muli /kronolohikal ang mga pangyayari sa:
1. Nailalarawan ang tauhan batay sa damdamin nito at tagpuan sa binasang kuwento
2. Nagagamit ang dating kaalaman sa pagbibigay ng wakas ng napakinggang teksto

III.TALAKAYAN
A. Paglalahad ng Aralin

Ating basahin ang maikling kuwentong “Biyaya’y Aking Kakalingain” sa pahina


56-57 sa batayang aklat.

https://www.google.com/search?
q=maikling+kwento+clipart&sxsrf=ALeKk02HMhMVctNIiTlYFRnR7BfzPKmIVg:1606805476087&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwjT6P_smK
ztAhWjIaYKHS8qDSwQ_AUoAXoECAQQAw&biw=1366&bih=657#imgrc=IgDHHaxwfXc1GM

Ang maikling kuwento ay isa sa mga kathang pampanitikang mabilis at tuloy-


tuloy ang galaw ng mga pangyayari.

Ang mga elemento nito ay:

1. Tauhan (Character) ang mga gumanap sa kuwento. May pangunahing tauhan o


bida rito, may kontrabida o ang sasalungat o lalaban sa layunin o adhikain ng bida,
at iba pang tauhang gaganap sa pagtakbo ng kuwento

2. Tagpuan (Setting)- lugar at panahong pinangyarihan ng kuwento


3. Tunggalian (Conflict)- ang naglalabang puwersa tulad ng tauhan laban sa
kapwa niya tauhan, tauhan laban sa kalikasan, tauhan laban sa lipunan, o tauhan
laban sa kanyang sarili

4. Banghay (Plot)- ang maayos at wastong pagkakasunod-sunod ng mga


pangyayari at galaw ng mga tauhan kaugnay ng paksa sa kuwento

Mga Galaw ng Pangyayari

a. Pangunahing Pangyayari (Introduction) ang simula ng kuwento kung saan


makikilala ang mga tauhan. Malalaman din sa bahaging ito ang tagpuan at
suliraning (conflict) haharapin at lulutasin ng pangunahing tauhan.

b. Pasidhi o Papataas na Pangyayari (Rising Action)- ang mga pangyayari sa


kuwento kung saan magtutunggali ang pangunahing tauhan at ang kanyang mga
kalaban na maaaring kapwa niya tauhan, kalikasan, o ang kanyang sariling isip at
damdamin. Sa itaas na bahagi nito ay makikita ang hindi matiyak na kalagayan ng
pangunahing tauhan sa paglutas ng kanyang suliranin.

c. Karurukan o Kasukdulan (Climax or Turning Point)- ang pangyayari sa


kuwento na pinakamataas ang pananabik dahil sa bahaging ito halos malalaman
na kung magtatagumpay o mabibigo ang pangunahing tauhan sa paglutas niya sa
suliranin.

d. Kakalasan o Pababang Pangyayari (Falling Action) ang mga pangyayari dito


ay nagpapakita kung malulutas o hindi ng pangunahing tauhan ang suliranin.

e. Wakas (Resolution or Denouement) ang kinalabasan ng paglalaban ng mga


tauhan sa kuwento. e.

5. Aral (Lesson)- ang mailwang magandang kaisipan, natutuhan sa kuwento


leksiyon, o natutuhan sa kwento.

Upang maunawaan ng higit pa ang maikling kuwento, ating tunghayan ang sa


batayang aklat sa Filipino – Pinagyamang Pluma pahina 61 hanggang pahina 62.

B. Pagtatasa
Gawin natin ito!

Panuto: Suriin ang mga sitwasyon sa ibaba. Ilagay ang mukang nakangiti ☺
kung ang
ginagawa ng mga tao sa kaniyang kapaligiran ay nagpapakita ng maingat na
paggamit nito o ang mukhang malungkot ☹ kung hindi.

_______ 1. Natuklasan ng mga mamamayan sa Pook Maunlad ang malaking mina ng


langis sa kanilang lugar ngunit itinago nila ito sa kaalaman ng pamahalaan at ng iba
pang tao upang hindi mangamba ang kanilang paninirahan nito.

_______ 2. Nagpakita ng interes, buong atensiyon, at pagmamatyag ang maraming


Pilipino sa isasagawang joint exploration ng Pilipinas at China sa mga teritoryo ng
ating bansa.

_______ 3. Mahigpit na sinusubaybayan ng Provincial Mining Regulatory Board (PMRB)


ang operasyon ng mga site ng quarry ng marmol sa lalawigan ng Romblon.
Nagsasagawa rin sila ng inspeksyon sa mga ito.
*Ang pagsasanay na ito ay maari ding matunghayan ang gawaing ito sa batayang
aklat pahina 61

C. Pagsikapan Mo Pa!

1. Bilang isang Ignacian Marian, mahalagang mahinto ang iligal na paghuhukay ng


ginto, bato, lupa, buhangin, at iba pang mineral sa bansa?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

2. Bilang isang kabataan, ano-ano ang maaari mong gawin upang mahinto ang mga
maling gawain sa ating kalikasan?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

3. Sa iyong palagay, ano kaya ang mangyayari kapag patuloy ang iligal na
paghuhukay ng mga ginto, bato, lupa, at iba pang mineral sa ating bansa?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

4. Ayon sa Banal na Kasulatan sa 1 Corinto 12:7 “Datapuwa't sa bawa't isa ay


ibinibigay ang paghahayag ng Espiritu, upang pakinabangan naman.” Paano mo
ito iuugnay sa aral na iyong napulot sa kwentong ating tinalakay? Ipaliwanag ang
iyong kasagutan.
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

IV. PAGLALAHAT/ PAGLALAGOM


Ating Tandaan!
Ang Maikling Kwento ay isa sa mga kathang pampanitikang mabilis at tuloy-tuloy ang
galaw ng mga pangyayari.
Ang mga Elemento ng Kwento ay ang mga sumusunod:
-Tauhan (Character)
-Tagpuan (Setting)
-Tunggalian (Conflict)
-Banghay (Plot)
-Aral (Lesson)
V. PAGTATAYA
A. Panuto: Kompletuhin ang Story Diagram upang maibigay ang buod ng kwento. (Ang
Alamat ng Bulkang Mayon) https://www.youtube.com/watch?v=IKFKjBcNJwQ

VI. SANGGUNIAN/ BATAYAN

https://www.youtube.com/watch?v=IKFKjBcNJwQ

Emily V. Marasigan, Nestor S. Lontoc, Ailene G. Baisa-Julian. Alma M. Dayag


(Koordineytor) (2019). Ikalawang Edisyon Pinagyamang Pluma: Wika at Pagbasa para
sa Elementarya.
Quezon City: Phoenix Publishing House.

Inihanda ni: Iwinasto ni:

Gng. Janus Laine Laurente Gng. Annabel Gonzales


Guro sa Filipino Tagapag- ugnay sa Filipino

Kinilala ni: Pinagtibay ni:

Gng. Jennifer Santos G. Perfecto Austria


Pang- akademikong Tagapag- ugnay Punong-guro ng IBEd

You might also like