You are on page 1of 14

6

FILIPINO
Ikalawang Markahan-Modyul 1:
Pagsagot sa mga Tanong sa Pinakinggan
(Talaarawan at Anekdota)

May-akda: Lucila M. Morete


Tagaguhit: Ivy Danielle G. Pinca

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Alamin
Ang modyul na ito ay binubuo ng isang aralin.
● Aralin – Pagsagot sa mga Tanong sa Pinakinggan
(Talaarawan at Anaekdota)

Sa pag-aaral ng modyul na ito, inaasahang maisasagawa mo ang


sumusunod:
A. nakikilala ang talaarawan at anekdota; at
B. nasasagot ang mga tanong sa pinakinggang talaarawan
at anekdota

Subukin
Bago ka magpatuloy, gawin ang bahaging ito.
A. Lagyan ng tsek (/) kung ang tinutukoy ay talaarawan at ekis (X)
kung hindi..
_____ a. Ito ay listahan ng mga nagawa na, mga saloobin, at iba pang
mga pangyayaring nagdaan.
_____ b. Ito ay kilala bilang daily journal o diary.
_____ c. Naglalaman ng personal na pangyayari sa araw-araw na
buhay ng isang indibiduwal.
_____ d. Mahalaga ito sa isang mag-aaral sapagkat dito niya
naipaliliwanag ang mga tagumpay at kabiguan niya sa pag-
aaral.
_____ e. Ito ay may kasukdulan at nagtatapos sa isang aral.

B. Lagyan ng tsek (/) kung tumutukoy sa anekdota at ekis (X) kung


hindi..

_____ a. Nagsisimula ito sa pagsulat ng petsa at address ng nagsulat.


_____ b. Ito ay tumatalakay sa kakaibang pangyayaring hindi
inaasahang maganap sa buhay ng isang tao.
_____ c. Tumatalakay sa kakatuwang pangyayari ng isang indibidwal.
_____d. Katawa-tawang pangyayaring naganap sa kilala, sikat o
tanyag na tao.
_____ e. Sinasabi rito kung sino ang sumulat o may-akda.

City of Good Character


1
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Pagsagot sa mga Tanong sa Pinakinggan
Aralin (Talaarawan at Anekdota)

Sa araling ito ay pag-aaralan mo ang pagsagot sa mga tanong tungkol


sa pinakinggang talaarawan at anekdota. Malilinang ito kung magagawa mo
nang matapat ang mga inihandang gawain.

Balikan

Natatandaan mo ba ang katangian at elemento sa pagsulat ng


maikling kuwento? Itala ang natatandaan mong katangian at elemento ng
maikling kuwento.
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

Tuklasin
A. Panimula

Pagmasdan ang mga “caption” sa ibaba. Lagyan ng tsek(/) ang


bahagi ng talaarawan at ekis (X) ang hindi.

(1.)Lunes ika-7 ng
Agosto, 2020:
Tulong-tulong (2.) 11 Agatha St., Sta
kami upang Teresita Village,
mabuo ang Malanday, Marikina
proyekto sa City
paaralan.

City of Good Character


2
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
(4.) Hulyo 3, 2020
(3.) Martes ika-
Kgg. Mayor Marcy
8 ng Agosto, Teodoro
2020: Masaya
ako dahil Pinuno ng Lungsod
natapos namin
ang proyekto
sa paaralan. (5.) Miyerkules ika-
9 ng Agosto, 2020:
Sabik akong
maipasa na ang
magandang
proyektong
natapos namin.

B. Pakikinig 1

Ipabasa nang malakas sa isa sa iyong kapamilya ang akda.


Pakinggang mabuti at sagutin nang pasalita ang mga tanong.

Matuto Tayong Makisama


ni Lucila M. Morete
Dear Diary,

Masaya ako ngayong araw na ito kasi natupad ang pangarap ni Nanay
na magkaroon ng 300 sq. meters na lupain para pagtaniman ng sari-saring
gulay. Pangarap kasi ng nanay ko na magkaroon ng isang kubo na sa
paligid ay may sari-saring gulay. Ito ang sumusunod na plano naming mag-
anak ngayong buwan ng Mayo 7, 2019. Sisimulan na naming bungkalin ang
lupa.

Lunes May 7, 2019: Maaga pa, umakyat na kami sa Pintong Bukawe,


napakasarap pala ng hangin doon. May malamig na klima at sariwang
hangin. Nilinis namin ang paligid para pagtayuan ng isang munting kubo na
pangarap ng aking ina.

Martes: May 8, 2019: Nakilala namin si Mang Eddie siya ay isang PWD
medyo maliit ang kanang kamay niya pero siya ay isang mahusay na
karpintero. Nagkusa siyang siya na ang gagawa ng pangarap na kubo ng
aking ina. Bilang pasimula ng pakikisalamuha namin sa bago naming
kakilala ay nagluto kami ng inihaw na liempo para sa tanghalian. Masaya
kaming nagbonding. Ipinagbilin ng aking ina ang lahat na dapat gawin ni
City of Good Character
3
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Mang Eddie at binigyan pa niya ito ng sapat na kaukulang bayad pati
pagkain kasama na ang meryenda kaya tuwang-tuwa ang matanda sa
mabuting ipinakita sa kaniya.

Miyerkules: May 16, 2019: Bumalik kami sa Pintong Bukawe. Sabik ang
aking ina na makita ang kubo. Di nga siya nabigo dahil maganda at matibay
ang pagkayari nito. Pinuri ni Nanay si Mang Eddie dahil nasunod niya ang
ipinagbilin. Tuwang-tuwa naman ang matanda at ang sabi, “ibinalik ko lang
po ang kabutihang ipinakita ninyo sa akin.” Dahil sa tuwa ng aking ina ay
binigyan si Mang Eddie ng isang sakong bigas bilang karagdagang bayad.

Sabado: May 19, 2019: Natapos naming pagtaniman ang paligid ng kubo.
Naging mabilis ang pagtatanim dahil tumulong na rin ang mga kapitbahay
sa pagsasaayos ng taniman. Natutuhan ko ngayon na matuto tayong
makisama sa kapuwa dahil kung ano ang itinanim ay siya mong aanihin.

C. Pag-unawa sa Pinakinggan 1

1. Sino ang sumulat ng talaarawan?


2. Bakit siya natutuwa?
3. Ano ang pangarap ng kaniyang ina?
4. Ayon sa diary o talaarawan, ilang araw ginawa ang kubo?
5. Bakit sinunod ni Mang Eddie ang bilin ng ina ng nagsulat?
6. Mahalaga ba ang pakikisama? Bakit?
7. Anong uri ng akda ang binasa?

D. Pakikinig 2

Ipabasa nang malakas sa iyong kapamilya ang anekdota sa ibaba at


sagutin nang pasalita ang mga tanong.

Tsinelas ni Gat. Jose Rizal


ni Lucila M. Morete
(https://misterhomework.blogspot.com/2013/06/mga-halimbawa-ng-anekdota.html)

Noon daw ayon sa salaysay may paboritong pasyalan noong bata pa si


Jose Rizal. Ito ang Lawa ng Laguna na tinatawag natin ngayong Laguna de
Bay. Maganda ang dagat at ilog sa kanilang lugar. Bangkang de sagwan ang
gamit nila bilang transportasyon sa pagtawid sa ibayong lugar.

Isang araw habang lulan ang batang Jose Rizal sa bangka di


sinasadyang humulagpos ang isang tsinelas niya. Nakita niyang papalayo
na nang papalayo dala ng agos ng tubig ang tsinelas. Nalungkot si Pepe sa
nangyari, naisip kasi niya na magagalit ang kaniyang ina. Habang papalayo

City of Good Character


4
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
ang isang tsinelas niya, inihagis niya ang isa pang tsinelas. Napatingin sa
kanjya ang nagsasagwan at sinabi. Pepe, bakit mo itinapon ang isang
tsinelas mo?’ Tanong sa kaniya. “Tinapon ko po kasi wala na rin namang
silbi ang isang tsinelas ko. Kung ipahihintulot ng pagkakataon kapag may
makapulot ng tsinelas ko, mapapakinabangan pa niya ito,” paliwanag ni
Pepe. Napatingin sa kaniya ang magsasagwan. Naunawaan niya ang ibig
sabihin ni Rizal.

E. Pag-unawa sa Pinakinggan 2

1. Tungkol saan ang anekdota?


2. Bakit ito tinatawag na anekdota?
3. Ano ang tawag sa transportasyon nila noon sa ilog?
4. Kung ikaw si Rizal, paano mo sosolusyunan ang pagkawala ng
tsinelas mo?
5. Bakit naging paboritong pasyalan ni Rizal ang Lawa ng Laguna?

Suriin
Masasagot nang wasto ang mga tanong tungkol sa talaarawan at
anekdota kung uunawaing mabuti ang binabasa o pinakikinggan.
Ang talaarawan ay kilala sa wikang Ingles na daily journal o diary.
Kadalasang ginagamit ang talaarawan upang hindi makalimot at
magkaroon ng mga listahan ng mga nagawa na, mga saloobin, at iba pang
mga pangyayari sa nagdaan.
Ito ay naglalaman ng pangyayari sa araw-araw na buhay ng isang
tao. Bawat araw ay itinala niya ang mahalagang pangyayari na naranasan
niya. Ito ay isang personal na pag-aari kaya inilalabas lamang ito kapag
hinihingi ng pagkakataon.
Ang anekdota ay isang uri ng akdang tumatalakay sa kakaibang
pangyayari sa buhay ng isang kilala, sikat o tanyag na tao. Ito ay may
dalawang uri: katha-katha at hango sa totoong buhay.

A. Kilalanin sa susunod na pahina kung ang mga ito ay may kinalaman


sa talaarawan. Lagyan ng tsek(/) kung tumutukoy sa talaarawan at
ekis (X) kung hindi.

City of Good Character


5
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
(3.) Hulyo 3, 2020
(2.) Ang iyong matalik
na kaibigan, Kgg. Adelfa
(1.)# 7 Mina Reyes
Sampaguita
Pinuno ng
St.,
Lungsod
Malanday,
Marikina City

(5.) Martes
ika 8 ng
(2.) Oktubre 3, 2020 Nilalaman ng Oktubre,
Kgg. Mak 2020:
Talaarawan
Alfonso Maaga pa
Kapitan lang ay
gising na
kami para
maghiking
(6.) Sabado ika 9 ng sa ...
Oktubre, 2020:
(7.) Lunes ika
Naghanda na kami
7 ng Oktubre, (8.) Ika 12 ng
para pumunta sa
2020: Masaya Oktubre, 2020
ipinagmamalaki
kaming araw ng Linggo:
nilang bukal at ilog
nagcamping Nagsimba kami
sa Pintong kasama ang
Bukawe, San mga kaibigan
Mateo Rizal ko.

B. Sagutin ang mga tanong batay sa impormasyon sa talaarawan. Isulat


sa isang hiwalay na papel.

Ang Pagsisimula ng Pasukan, 2019


ni Lucila M. Morete
Dear Diary:

Ngayon ay ika-7 ng Hunyo, 2019. Excited na akong


pumasok sa paaralan. Bagong lipat kasi kami sa lugar na ito kaya
gusto ko nang makita at makilala ang mga bago kong kaklase.

Lunes ng ika-8 ng Hunyo, 2019: Ito iyong araw na una kong


nakasalamuha ang mga kaklase ko. Sa umpisa nahihiya akong
kausapin sila kasi may punto ako sa pagsasalita galing kasi akong
probinsya, Waray ang salita namin samantalang Tagalog ang sa
kanila.
City of Good Character
6
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Biyernes ika-12 ng Hunyo, 2019: Natapos ang unang isang linggong
malungkot ako sa paaralan kasi wala pa akong mga kaibigan.
Mahirap pala kapag bago ka lang sa isang lugar at wala ka man lang
kakilala.

Lunes ika-15 ng Hunyo, 2019: Ito ang ikalawang linggo ko sa


pagpasok sa paaralan. Masaya ako ngayon kasi tinawag ako ng aming
guro para tanungin. Mabuti na lamang at nakikinig akong mabuti sa
paliwanag niya kaya nakasagot ako nang maayos sa mga tanong niya.
Humanga naman ang mga kaklase ko kaya pagkatapos ng klase ay
naglapitan sila sa akin at nagpakilala.

Martes ika-16 ng Hunyo, 2019: Naging abala ako sa pag-aaral sa


dami ng mga proyekto at takdang-aralin na gagawin. Tuwang-tuwa
naman ako dahil marami na akong naging kaibigan sa klase. Ako ang
naging lider nila sa grupo. Masarap pala ang pakiramdam kapag
marami ang nagtitiwala sa kakayahan mo.

Sige dear diary hanggang sa muli nating pagkikita.


Sasabihin ko sa iyo ang iba pang mga pangyayari sa pag-aaral ko.

Mga Gabay na Tanong:

1. Sino ang sumulat ng talaarawan?


2. Kailan ito nangyari?
3. Bakit malungkot ang nagsulat ng talaarawan?
4. Paano niya nasolusyunan ang kaniyang naging problema?
5. Kung ikaw ay may problema na katulad niya, ano ang gagawin mo?

C. Sagutan ang mga tanong batay sa impormasyon sa anekdota. Isulat


sa isang hiwalay na papel.

Mas Maigi pa ang Mautot kaysa


Maubo at Mabahing sa Pandemyang Ito!
ni Lucila M. Morete

Maikuwento ko nga pala sa inyo ang karanasang ayaw ko nang


maulit sa buhay ko. Nagpumilit akong makarating sa itinayo naming kubo
sa Pintong Bukawe. Maganda kasi roon, sa paligid ng kubo ay may mga
nakatanim na sari-saring bulaklak at sari-saring gulay. Magaganda ang
tubo ng mga bulaklak at gulay dahil kahit padalaw-dalaw lang ako roon
may binabayaran akong tao para mangangalaga sa mga
City of Good Character
7
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
tanim.
Isang araw, habang ako’y naglalakad napansin kong nagsang-
usapan ang mga babaeng mga nakaupo sa bangko sa tapat ng kanilang
bahay. Nang ako ay papalapit at dadaan na, narinig ko na sinabi, “Ay! May
dadaan tabi-tabi galing sa lungsod iyan!” Pagdaan ko medyo napaubo at
napa-ehem pa ako hindi dahil sa may sakit ako kundi dahil nauuhaw ako at
medyo nanunuyo ang lalamunan ko sa paglalakad. Nagtinginan ang mga
babaeng nakaupo at nagbubulungan. Sabi pa ng isa, “Lagyan niyo na kasi
ng harang diyan para walang makadaan sa tapat ng bahay natin.”
Tiningnan ko sila at sabi ko, bakit kayo ganyan, magkaroon nga kayo ng
respeto sa mga taong dumadaan. Ito ay pampublikong daanan, bakit kayo
nagbubulungan?” “Pasensya na po ale, pinagsabihan ko nga po ang asawa
ko na di tama ang ginagawa nila.” Sabi naman ng isa, “Kasi po ngayon,
mabuti pang mautot kaysa umubo at bumahing dahil sa pandemik na ito.”
Naghahagikhikan ang mga babaeng nakaupo roon. “Huwag po kayong mag-
alala, wala po akong dalang sakit o virus, napa-ehem lang po ako dahil
nauuhaw at nanunuyo ang lalamunan ko sa paglalakad,”ang paliwanag ko
sa kanila.
Umaliwalas ang mukha ng mga babaeng nakaupo sa bangketa, naalis
ang kanilang pangamba. “Pasensya na po nag-iingat lang po kami,” ang
paliwanag nila.
Nagpatuloy na ako sa paglalakad. Naisip ko tuloy mahirap na
talagang umubo at bumahing ngayon sa publiko. Mapagkakamalan kang
may sakit at dalang virus dahil sa COVID-19.

Mga Gabay na tanong:


1. Tungkol saan ang anekdota?
2. Bakit tinatawag itong anekdota?
3. Saan ito naganap?
4. Ano ang mensaheng ipinahahayag ng anekdota?
5. Tama ba ang ginawa ng mga babaeng nakatambay sa tabing daan?
Bakit?

Isaisip
Kailangan mong tandaan ang sumusunod upang maging mabunga
ang iyong pagsagot sa mga tanong.
Sa pagbabasa, pakikinig ng talaarawan at anekdota, mahalaga ang
masusing pag-unawa, umpisa sa simula hanggang wakas. Laging tandaan
ang pamantayan tuwing ginagawa ito.

City of Good Character


8
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Mga dapat tandaan sa pagsagot sa mga tanong:

a. Makinig nang mabuti, unawain ang napakinggan o binasa.


b. Basahing may pag-unawa ang talaarawan.
c. Tandaan ang mahahalagang detalye.

Isagawa
Ngayon naman ay subukan mong gawin ang bahaging ito. Pumili
lamang ng isa.

A. Punthaan ang link na ito


https://misterhomework.blogspot.com/2013/06/mga-
halimbawa-ng-anekdota.html.
Pakinggan ang anekdota at pagkatapos ay sagutin ang mga
tanong. Isulat sa isang hiwalay na papel.

B. Ipabasa nang malakas ang anekdota. Pakinggan mong mabuti at


pagkaraan ay sagutin ang mga tanong sa ibaba. Ilagay sa isang
hiwalay na papel.

Ang Likas na Talino ni Rizal


ni Lucila M. Morete

Ayon sa nabasa kong anekdota, hilig na talagang matuto at mag-aral


ng ating pambansang bayani na si Gat. Jose Rizal.
Isang araw, habang kumakain ang mag-anak na Rizal, “Ina gusto ko
na pong mag-aral,” ang pakiusap niya sa ina. “Hindi pa maaari anak
napakabata mo pa, dalawang taon ka lamang kaya di ka pa puwedeng mag-
aral,” paliwanag ng ina. “Pero ina gusto ko na pong mag-aral bumasa,” ang
pakiusap ng anak. Di mapilit ng ina na huwag na munang mag-aral ang
anak dahil sa napakabata pa niya. “Sige, maupo ka diyan sa isang tabi at
tuturuan kita,” sabi ng ina. Itinuro ng ina ang mga letra habang masusing
nakikinig si Rizal. Pagkatapos ng dalawang oras ay natutuhan na ni Pepe
ang letra ng abakada. Tuwang-tuwa ang ina at namangha ang mga kapatid
sa ipinakitang katalinuhan ni Jose Rizal.

Mga Gabay na Tanong:


1. Sino ang pangunahing tauhan sa anekdota?
2. Bakit nga ba tinatawag itong anekdota?
3. Ilang taon lamang si Rizal nang matutong bumasa?

City of Good Character


9
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
4. Sa palagay mo bakit sa murang edad ay gusto nang matuto ni Rizal?
5. Ano ang magiging reaksiyon mo kung ikaw ang kapatid ni Rizal?

Tayahin
Ngayong nahasa ka na sa pagsagot sa mga tanong, oras na para
sukatin ang iyong natutuhan. Ipabasa nang malakas ang akda.
Pakinggang mabuti at sagutin ang mga tanong. Ilagay sa isang
hiwalay na papel.

Buhay sa New Normal


ni Lucila M. Morete
Dear Diary,

Ako po ay nababalisa ngayong araw na ito, dahil sa maraming


pagbabago, lalong-lalo na sa darating na pagbubukas ng klase.
Dalawa po kaming magkakapatid at kailangan namin ang maayos
na gadyet para sa pag-aaral. Kailangan din ngayon na mahusay ka
sa paggamit ng kompyuter, pagre-research, at iba pa.

Ika-7 ng Agosto, 2020- Maaga kaming pumunta sa Gilmore para


bumili ng cellphone at laptop para sa gamitin sa online learning.
Masaya ako kasi ngayon lang ako pinayagan ng nanay ko na
gumamit ng gadyet.

Ika-8 ng Agosto, 2020- Pinag-aaralan ko nang husto ang bagong


biling cellphone at laptop. Mahirap pala ang ngayon lang mag-aral
sa gadyet. Naisip ko tuloy ang laging sabi ng guro namin na
kailangang gamitin lang sa tama ang gadyet. Mapabibilis at
mapadadali ang gawain sa pag-aaral kung may gadyet pero kung
ginagamit mo ito sa paglalaro at wala na sa oras, makasisira rin ito.

Ika-9 ng Agosto, 2020- Abala ang aming guro sa pakikipag-usap


sa amin para maihanda sa new normal na pagtuturo, pero nag-
aalala ako kasi bago ang lahat sa akin. Sa darating na Agosto 24
na kasi ang pagbubukas ng klase kaya abala ako sa pag-aaral sa
bagong gadyet para maihanda ko ang sarili ko sa bagong
kahaharapin na sitwasyon.

Mahal kong diary, natutuhan ko sa ngayon na kailangang bata pa


lamang ay may alam na sa kompyuter at tungkulin ng magulang
na payuhan ang anak sa tamang paggamit nito.

City of Good Character


10
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Mga Gabay na Tanong:

1. Sino ang nagsulat ng talaarawan?


2. Bakit sila pumunta sa Gilmore?
3. Kailan ito nangyari?
4. Bakit nababalisa ang nagsulat?
5. Paano nalutas ang suliranin niya?
6. Anong tungkulin ng magulang ang binanggit sa talaarawan?
7. Sang-ayon ka ba na bata pa lang ay dapat may alam na sa
kompyuter? Bakit?

Karagdagang Gawain
Magaling! Lalo pang palawakin ang iyong kakayahan. Humanap ng
halimbawa ng talaarawan at basahin ito. Bumuo ng mga tanong sa
binasa at sagutin ito. Ipasa sa guro.

Mahusay! Natutuwa ako sa ipinakita mong galing sa aralin.


Binabati kita! Hanggang sa susunod nating pag-aaral.

Susi ng Pagwawasto

City of Good Character


11
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Sanggunian
https://www.youtube.com/watch?v=UZ--nyWOPqXE
https://www.youtube.com/watch?v=-N0HLmnPe2g

City of Good Character


12
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Bumubuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Lucila M. Morete (Guro, MALES)


Mga Editor: Wilfredo A. Santos (Guro, FES)
Wilfredo Padua (Principal, NES)
Zenaida E. Munar (PSDS)
Tagasuri Panloob: Galcoso C. Alburo (EPS, Filipino)
Tagasuri Panlabas:
Tagaguhit: Ivy Danielle G. Pinca (Guro, MES)

Tagalapat: Jee-jay B. Canillo (Guro, NHS)


Tagapamahala:
Sheryll T. Gayola
Pangalawang Tagapamanihala
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala

Elisa O. Cerveza
Hepe – Curriculum Implementation Division
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang
Tagapamanihala

Galcoso C. Alburo
Superbisor sa Filipino

Ivy Coney A. Gamatero


Superbisor sa Learning Resource Management Section

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE

You might also like