You are on page 1of 4

LINGGUHANG PAGSUSULIT-FILIPINO 6 (Q1W1)

Panuto: Basahin ang pabula at sagutin ang mga tanong sa ibaba. Bilugan ang titik ng tamang
sagot.

“ANG PALAKANG SI KARA”


Sa isang malinis na sapa doon sa Hacienda Naglo, may maraming itlog ng palaka. Ito ay
magkadikit-dikit, kulay itim, at hugis bilog na nakakamangha. Pagkalipas ng ilang araw, itong mga
itlog ay nagiging butete. Ito ay may maitim na katawan, parang mga mata, at may buntot na kawili-
wili. Mabilis ito kung lumangoy na tila nag-uunahan sa isang paligsahan. Ang mga buntot nito na
gumagalaw ay kay gandang pagmasdan. Gamit ang kanilang mga maliliit na bibig sa pagkain kahit
busog pilit pa ring pinipilit.Pagkalipas ng ilang linggo, ang mga munting butete ay biglang lumaki.
Ang mga kamay at paa nito ay tumubo ngunit ang mga buntot nito ay unti-unting umiikli.
May isang natatanging munting palaka na naiiba sa lahat, siya si Kara. Siya ay may makapal na
labi, nunal sa mukha at kaakit-akit na mga mata. Si Kara ay isa sa mga munting palaka na
lumalangoy sa sapa. Lumalangoy nang mag-isa at naghahanap ng makakain kahit saan. May
kakaiba siyang katangian na naiiba sa mga kasama niya. Gusto niya laging mapag-isa. Isang araw,
nagpasya ang mga munting palaka na pupuntahan nila si Kara. Gusto nilang yayaing makipaglaro
at makipagkuwentuhan. Ayaw ni Kara na sumasama sa paanyaya ng tatlong palaka. Dali-dali
siyang lumangoy papunta sa malaking bato at doon sumiksik at nagtago. May tatlong munting
palaka na hindi nagdalawang-isip na sundan si Kara upang siya ay hikayatin na sumama sa
kanila. “Kara, huwag kang mahiya sa amin.
Para sa amin, ikaw ang pinakamagandang munting palaka na aming nakita,” sabi ng tatlong
palaka. Biglang napangiti at nagbago ang isip ni Kara sa kaniyang mga narinig. Siya ay lumabas sa
batong pinagtataguan at sa mga munting palaka siya ay lumapit. Sa kanila’ y nakilangoy at
sumamang pumunta sa lugar na nais. Masaya ang natatanging palaka dahil sa pagkakaroon ng
mga bagong kaibigan. Masayang-masaya si Kara sa kanilang ginawa. Habang siya ay pabalik sa
kaniyang munting tahanan, may isang malaking isda na sumusunod na hindi niya namalayan.Sa
kaniyang paglingon, nakita niya ang malaking isda. Sumigaw at lumangoy siya nang mabilis para
makaiwas dito. Pagod na pagod na siya sa kalalangoy, malapit na siyang mahuli. Gusto na ni Kara
na isuko ang sarili sa malaking isdang humahabol ngunit hindi siya nawalan ng pag-asa. Mas lalo
niyang binilisan ang paglangoy at sumigaw nang malakas at umaasang maililigtas ang sarili mula
sa panganib.
Nagulat ang mga palakang nakaupo sa bato sa kanilang narinig sa di kalayuan. Isang
munting palaka ang kanilang nakikita na sumisigaw at humihingi ng tulong. Agad ang mga ito ay
tumalon sa tubig upang si Kara ay kanilang sagipin mula sa malaking isda na humahabol dito.
Nang makita ng malaking isda ang mga palaka na papalapit sa kaniya, nanlaki ang mga mata nito
sa gulat. Nag-alangan siyang sumugod at nagpasya na lamang umalis. Laking pasalamat ni Kara sa
mga palakang tumulong at nagligtas sa kaniya, kung hindi dumating ang mga ito tiyak siya’y
naging meryenda ng isdang dambuhala. Pagkatapos ng pangyayari ay nagsipag-uwian na ang mga
palaka na may ngiti sa mga labi dahil sa pagtulong sa kapwa.
Nadatnan si Kara ng kaniyang tatlong munting kaibigang palaka at inihatid siya pauwi.
Mula noon, nangako si Kara sa kaniyang sarili na hindi na siya mag-iisa dahil may mga kaibigan
siya na handang tumulong sa kaniya. Alam na ni Kara ang kahalagahan ng may mga kaibigan, na
kahit kakaiba ang itsura mo, hindi ibig sabihin na ikaw ay kanilang iiwasan, dahil ang isang tapat
na kaibigan ay hindi tumitingin sa itsura lamang. Makalipas ang dalawang buwan, si Kara ay isa
nang ganap na palaka. Kakaiba man siya noong bata, ngayon ay taglay na niya ang kagandahang
hindi niya inaakala. Ngayon siya ay umahon mula sa tubig at papunta sa lupa upang dito na
naman makipagsapalaran at handang harapin ang bukas na ipinagkaloob sa kaniya ng Maylikha.

. Ano ang pamagat ng pabula?


a. Ang Palakang si Kara c. Ang Palakang si Karen
b. Ang Palakang si Karlo d. Ang Palakang si Kardo
2. Sino ang pangunahing tauhan sa pabula?
a. Karen b. Kardo c. Kara d.Karlo
3. Saan nangyari ang kuwento?
a. Sa sapa b. Sa bundok c. Hacienda Naglo d.Sa lungsod
4. Bakit kaya nahihiya si Kara na makipaglaro sa ibang mga palaka?
a. Dahil siya ay may mataas na buntot.
b. May malaking mata at may maikling buntot.
c. Ang mga kamay at paa niya ay maiikli.
d. May makapal na labi, nunal sa mukha at kaakit-akit na mga mata.
5. Ano ang kakaibang katangian ni Kara na naiiba sa mga kasama niya?
a. Mahilig maglaro sa sapa. c. Gusto niya laging mapag-isa.
b. Mahilig maglaro mag-isa. d. Gusto niya palaging may kasama.
6. Ano sa palagay ninyo ang nangyari kung hindi natulungan ng ibang mga palaka si Kara nang
siya’y habulin ng malaking isda?
a. Makain siya ng malaking isda.
b. Makain siya at ang kanyang mga kasamang palaka ng malaking isda.
c. Hindi na niya makikita ang kanyang mga kaibigang palaka.
d. Lahat ng nabanggit
7. Ano ang ginawa ni Kara para hindi siya makain ng malaking isda?
a. Lumangoy nang lumangoy hanggang mawala ‘yong malaking isda.
b. Hindi siya nawalan ng pag-asa,binilisan ang paglangoy at sumigaw nang malakas umaasang
mailigtas ang sarili mula sa panganib.
c. Hinayaan nalang niya na kainin siya ng malaking isda.
d. Wala sa nabanggit
8. Nang makita ng malaking isda ang mga palaka na papalapit sa kanya, nanlaki ang mga mata
nito sa gulat at _______________________.
a. Nag-alangan siyang sumugod at nagpasyang umalis.
b. Nag-alangan siyang sumugod at nagtago sa malaking bato.
c. Sumugod siya at kinain niya ang mga palaka.
d. Sumugod siya ngunit hindi niya nakaya at siya’y umalis.
9. Paano winakasan ng may-akda ang kuwento?
a. Naging magkaibigan na sila sa malaking isda.
b. Palagi na siyang naglalaro sa sapa.
c. Umahon siya sa tubig at pumunta sa lupa upang doon makipagsapalaran.
d. Sumama siya sa kanyang mga kaibigang palaka.
10. Ano ang magandang mensahe para sa iyo ng pabula?
a. Kung may tiyaga, may nilaga.
b. Habang may buhay, may pag-asa.
c. Kung ano ang itinanim ang siyang aanihin.
d. Huwag ikahiya ang pisikal na kaanyuan.
IISPEL MO
PANUTO: Piliin ang titik ng tamang pagkabaybay sa angkop na salita sa bawat bilang.
1. Halos lahat ng mga bahay sa aming lugar ay ___________.
A. kongkreto C. kongkrito
B. kungkreto D. kungkretu
2. Dumating na ang __________ mula sa iba’t ibang lugar.
A. deligasyon C. diligasyon
B. delegasyon D. diligasyun
3. May dalawang________ ng mga sundalo ang nakatira sa Barangay del Pilar.
A. batalyun C. battalion
B. batalyoon D. batalyon
4. Uumunlad na ang ating _____________dito sa ating lugar.
A. komersiyo C. kumersyo
B. komersyo D. kumersiyu
5. May magagawa pa tayo sa mga plastik, kailangan lang natin itong ________.
A. irisiklo C. iresiklu
B. iresiklo D. irisiklu
6. Ang _______tungkol sa buhay ko ay makulay.
A. kwento C. kuwentu
B. kuwento D. kwintu
7. Kailangan making tayo sa tamang __________upang hindi tayo magkakamali.
A. impormasyon C. impormasiyon
B. impurmasyon D. impurmasiyon
8. Mahilig ka bang magbasa ng _____________?
A. ensiklopedya C. ensiklopediya
B. insiklopedya D. ensiklupedya
9. Hanapin mo nga sa ____________ang kahulugan ng salitang iyan!
A. deksyunaryo C. diksiyonaryo
B. diksyunaryo D. diksiyinaryu
10.Sa ____________kami bibili ng gamit sa paaralan.
A. Miyerkoles C. Myerkules
B. Miyerkules D. Myerkulis

11.Mahilig ka bang magbasa ng _____________?


C. ensiklopedya C. ensiklopediya
D. insiklopedya D. ensiklupedya
12.Hanapin mo nga sa ____________ang kahulugan ng salitang iyan!
C. deksyunaryo C. diksiyonaryo
D. diksyunaryo D. diksiyinaryu
13.Sa ____________kami bibili ng gamit sa paaralan.
C. Miyerkoles C. Myerkules
D. Miyerkules D. Myerkulis

14.Mahilig ka bang magbasa ng _____________?


E. ensiklopedya C. ensiklopediya
F. insiklopedya D. ensiklupedya
15.Hanapin mo nga sa ____________ang kahulugan ng salitang iyan!
E. deksyunaryo C. diksiyonaryo
F. diksyunaryo D. diksiyinaryu
16.Sa ____________kami bibili ng gamit sa paaralan.
E. Miyerkoles C. Myerkules
F. Miyerkules D. Myerkulis

17.Mahilig ka bang magbasa ng _____________?


G. ensiklopedya C. ensiklopediya
H. insiklopedya D. ensiklupedya
18.Hanapin mo nga sa ____________ang kahulugan ng salitang iyan!
G. deksyunaryo C. diksiyonaryo
H. diksyunaryo D. diksiyinaryu
19.Sa ____________kami bibili ng gamit sa paaralan.
G. Miyerkoles C. Myerkules
H. Miyerkules D. Myerkulis

20.Mahilig ka bang magbasa ng _____________?


I. ensiklopedya C. ensiklopediya
J. insiklopedya D. ensiklupedya
21.Hanapin mo nga sa ____________ang kahulugan ng salitang iyan!
I. deksyunaryo C. diksiyonaryo
J. diksyunaryo D. diksiyinaryu
22.Sa ____________kami bibili ng gamit sa paaralan.
I. Miyerkoles C. Myerkules
J. Miyerkules D. Myerkulis

You might also like