You are on page 1of 7

Pangalan: _________________________________________ Iskor: ____________

Baitang at Pangkat: _______________________________ Petsa: _____________

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 6

Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong. Isulat ang titik nang tamang sagot sa patlang bago
ang bilang.

Basahin ang sumusunod at sagutin ang mga tanong.

Isang araw, may langgam na natangay ng agos, humihingi siya ng sakloo. Napadaan ang isang
kalapati sa may ilog ng may napansin siyang langgam na kumakawag-kawag, agad siyang pumitas ng
dahon at dinala sa kawawang langgam. Kumapit ito sa dahon hanggang sa mailipat siya sa ligtas na lugar.
“Maraming salamat kaibigan sa pagliligtas mo sa akin” ani ng langgam. “Ako nga pala si Litong Langgam”
pagpapakilala nito. “Walang anuman, ako nga pala si Kikang Kalapati” sagot naman ng kalapati. Makalipas
ng ilang araw habang naghahanap ng makakain si Litong Langgam ay may napansin siyang isang lalaki na
tila may inaasinta. Laking gulat niya ng sinundan niya ito ng tingin at makitang si Kikang Kalapati ang
sinisipat ng mata nito. Dali- dali niyang tinunton ang lugar ng mangangaso at agad na kinagat ng paulit-ulit
ang mga paa nito. Napahiyaw ang mangangaso sa sakit at agad na tumalilis ng takbo. Nagulat si Kikang
Kalapati at agad na lumipad palayo. Nilapitan ni Kikang Kalapati si Litong Langgam at nagpasalamat. Dito
nagsimula ang pagiging mabuting magkaibigan ng dalawa. Naging matalik silang magkaibigan.

______ 1. Sino-sino ang mga pangunahing tauhan sa kwento?


a. Larry Langgam at Kikay Kalapati c. Litong Langgam at Kikang Kalapati
b. Lornang Langgam at Kikong Kalapati d. Lolong Langgam at Kitty Kalapati

______ 2. Ang kwento na iyong nabasa ay isang halimbawa ng ____________.


a. Alamat c. Pabula
b. Maikling Kwento d. Sanaysay

______ 3. Paano naging magkaibigan ang langgam at kalapati?


a. Iniligtas ni kalapati si langgam c. May mga bagay na pareho nilang
kinagigiliwan
b. Iniligtas nila ang isa’t isa sa panganib d. Iniligtas ni langgam si kalapati

______ 4. Saan ang posibleng tagpuan ng kwento?


a. Kakahuyan c. Bukirin
b. Tabing-dagat d. Disyerto

______ 5. Ano ang posibleng nangyari kung hindi nakita ni langgam ang mangangaso?
a. Malulunod si kalapati c. Mababaril si kalapati
b. Makakatakas si kalapati d. Maliligaw ang mangangaso

______ 6. Kung hindi tinulungan ni kalapati si langgam, ano kaya ang mangyayari kay langgam?
a. Makakain ng isda si langgam c. Mapapadpad sa ibang lugar si langgam
b. Maaanod sa dagat si langgam d. Malulunod si langgam

______7. Kung sakaling ikaw ang manunulat, ano ang pamagat na ibibigay mo sa kwento?
a. Sa Oras ng Kagipitan c. Ang Langgam at Kalapati
b. Ang Magkaibigang Langgam at Kalapati d. Ang Ilog at Mangangaso

______ 8. Anong kaisipan kaya ang nais na iparating ng kwento?


a. May malalapitan sa oras ng pangangailangan
b. Huwag piliting lutasin ang problema, malulutas din yan!
c. Mag-ingat lagi upang hindi mapahamak.
d. Ang pagtulong ay nagbubunga ng magandang samahan at pagtitiwala.

Ibigay ang kasingkahulugan ng salitang nakaitim.


______ 9. Isang araw, may langgam na natangay ng agos.
a. Nadala c. Kumapit
b. Lumangoy d. Nadulas

______ 10. Napadaan ang isang kalapati sa may ilog ng may napansin siyang langgam na kumakawag-
kawag.
a. Kakamot-kamot c. Kumakampay-kampay
b. Kumakaway-kaway d. Kinakapos ng hininga

______ 11. Si Kikang Kalapati ang sinisipat ng mata nito.


a. Binabantayan c. Sinisilip
b. Nakikita d. Tinitingnan

______ 12. Napahiyaw ang mangangaso sa sakit at agad na tumalilis ng takbo.


a. Napatili c. Napaiirit
b. Napasigaw d. Napatulala

______ 13. Napahiyaw ang mangangaso sa sakit at agad na tumalilis ng takbo.


a. Mabagal c. Mahinay
b. Mabilis d. Maragsa

______ 14.Sumungaw ang kalapati sa may ilog.


a. Dumako c. Nahulog
b. Lumabas d. Sumilip

______ 15. Umiindayog ang dahon sa ihip ng hangin.


a. Nag-aawitan c. Nagsasayawan
b. Naglalaglagan d. Nagliliparan

______ 16. May napansin si Litong Langgam na isang lalaki na tila may inaasinta.
a. Binabantayan c. Kinakalkula ng tingin
b. Pinaliligiran d. Tinititigan

______ 17. Anong uri ng pangngalan ang tumutukoy sa tanging pangalan ng tao, bagay, pook at
pangyayari?
a. Di-konkret0 c. Pambalana
b. Konkreto d. Pantangi

______ 18. Uri ng pangngalang tumutukoy sa diwa o kaisipan lamang.


a. Di-konkret0 c. Pambalana
b. Konkreto d. Pantangi

______ 19. Ito ang ibang tawag sa Pangngalang Konkreto. Ano ito?
a. Basal c. Pambalana
b. Tahas d. Pantangi

______ 20. Ang lahat ay pangngalan maliban sa isa. Ano ito?


a. Kaligayahan c. Kagandahan
b. Katalinuhan d. Kumakampay

______ 21. Ang mga sumusunod ay mga pangngalang tahas maliban sa isa. Ano ito?
a. Kapayapaan c. Sabon
b. Prutas d. Upuan

______ 22. Ito ay uri ng pangngalan na tumutukoy sa pangkat o grupo.


a. Basal c. Pamilang
b. Lansakan d. Tahas

______ 23. Uri ng pangngalan na tumutukoy sa pangkalahatan tawag sa tao, bagay, pook at pangyayari.
a. Di-konkret0 c. Pambalana
b. Konkreto d. Pantangi

______ 24. Ang pulutong ng sundalo ay pupunta sa Marawi. Ang salitang nakaitim ay anong uri ng
pangngalan?
a. Basal c. Pamilang
b. Lansakan d. Tahas

______ 25. Ang pulutong ng sundalo ay pupunta sa Marawi. Ang salitang nakaitim ay anong uri ng
pangngalan?
a. Basal c. Pambalana
b. Tahas d. Pantangi

Iorganisa ang mga pangyayari upang mabuo ang kwento. Pagsunod-sunurin ang mga titik batay sa
tamang ayos ng mga pangyayari.

a. Patuloy ang pag-ihip nang malakas na hangin.


b. Sabay na kumapit sa bulaklak ang magkaibigang paruparo at tipaklong.
c. May bagyo nang umagang iyon. Malakas ang ulan at hangin. Ang mga puno ay
nagsasayawan.
d. Nagtago sa ilalim ng bulaklak ang paruparo at binantayan siya ni tipaklong.
e. Lumabas si tipaklong sa pinagtaguang kahoy.
f. Nadarama ang lamig ng hangin,naaamoy ang halimuyak ng mga nababasang bulaklak.
Nahahawakan ang dulas ng mga dahon at halaman.
g. Nagtanong si paruparo kay tipaklong kung paano maliligtas ang knilang buhay.

______ 26.
______ 27.
______ 28.
______ 29.
______ 30.
______ 31.
______ 32.

______ 33. Ito ang ginagamit bilang panghalili sa ngalan ng tao, bagay, pook at pangyayari.
a. Pangngalan c. Pang-uri
b. Panghalip d. Pang-ukol

______ 34. Ito ay ginagamit na panghalili sa ngalan ng tao.


a. Panaklaw c. Pananong
b. Paari d. Panao

______ 35. Ito ay ginagamit na panghalili sa pangngalan upang ipakita ang pagmamay-ari.
a. Panaklaw c. Pananong
b. Paari d. Panao

Piliin ang wastong panghalip upang mabuo ang diwa ng pangungusap.

______ 36. Ano kaya ang mabuti ______ gawin upang makaiwas tayo sa sakuna?
a. mo c.kami
b. ko d. Ikaw

______ 37. Humanga ako sa ________ ipinakitang katatagan.


a. mo c. ako
b. kanya d. Kami

______ 38. _______ ay magtatagumpay kung tayo ay magtutulungan.


a. sila c. tayo
b. ko d. Ikaw

______ 39. _______ magkakaroon ng kapayapaan sa mundo?


a. saan c.paano
b. kailan d. Sino

______ 40. Matatamo ang kapayapaan kung ang __________ ay magiging bahagi ng pagbabago.
a. sinuman c.kaninuman
b. bawat isa d. Iilan
Pag-aralan ang kard katalog sa ibaba. Sagutin ang mga tanong kaugnay nito.

F
398.2 Legends (Alamat)
C891m Cuasay, Pablo M.
Mga 55 Piling Alamat ng Pilipinas
Maynila: National Bookstore, c. 1991
176p; 26cm
ISBN971-08-5100-8

1, Legends 2. Legends – Phil


1 Title

______ 41. Ano ang nilalaman ng aklat batay sa kard katalog?


a. Alamat c. Cuasay, Pablo M.
b. Maynila: National Bookstore d. ISBN

______ 42. Sino ang may akda ng aklat?


a. Alamat c. Cuasay, Pablo M.
b. Maynila: National Bookstore d. ISBN

______ 43. Kailan inilimbag ang libro?


a. 1990 c. 1992
b. 1991 d. 1993

______ 44.Ano ang pamagat ng aklat?


a. Alamat c. Cuasay, Pablo M.
b. Maynila: National Bookstore d. Mga 55 Piling Alamat ng Pilipinas

______ 45. Saan inilimbag ang aklat?


a. Makati c. Pasay
b. Maynila d. Pasig

______ 46. Anong uri ito ng kard?


a. Kard ng Pamagat c. Kard ng Paksa
b. Kard ng Manunulat d. Kard ng Aklat

Tukuyin ang posibleng hinuha sa sumusunod na sitwasyon.

______ 47. Patuloy ang pagtatapon ng tao ng basura sa ilog.


a. Dudumi ang ilog at mamamatay ang mga isada rito.
b. Magiging malinis ang kapaligiran.
c. Magiging sariwa ang hangin sa paligid.
d. Dadami ang isda sa ilog.

______ 48. Paglanghap nang makapal at maitim na usok mula sa tambutso ng sasakyan.
a. Nakapagdudulot ng kaginhawaan sa mga tao.
b. Nakapagdudulot ng sakit sa baga.
c. Nagiging malusog ang mga puno sa paligid.
d. Nakakatulong sa pagganda ng boses.

______ 49. Dala-dala ang baong pagkain, sumakay sa bangka at pumalaot ang mag-ama.
a. Ang mag-ama ay mamamasyal sa dagat.
b. Ang mag-ama ay maliligo sa dagat.
c. Ang mag-ama ay mangingisda sa laot.
d. Ang mag-ama ay pupunta sa kabilang isla.

______ 50. Inani ang mga palay. Tinuyo na ang mga ito at isinilid sa sako ng magsasaka.
a. Ipamimigay nila sa nangangailangan.
b. Ipapakain sa alagang hayop.
c. Iiimbak nila ang mga ito sa bodega.
d. Ipagbibili ng magsasaka ang mga palay.

______ 51. Nagluto ng masasarap na pagkain si Aling Leta. Inimbitahan ni Aling Leta ang mga kaibigang
bata ng anak niyang si Betty.
a. Kaarawan ng anak ni Aling Leta
b. Nais ni Aling Leta na magpakain sa kalaro ni Betty.
c. Gustong ipatikim ni Aling Leta ang kanyang mga luto.
d. Magtatayo ng karinderya si Aling Leta.

______ 52. Nag-eensayong maigi ang koponan nila Romeo ng larong basketbol araw-araw.
a. Magpapakitang gilas sila sa liga sa barangay.
b. Sasali sila sa isang liga at nais nilang maging kampeon.
c. Gusto nilang maging sikat na basketbolista.
d. Pampalipas oras lang nila.

______ 53. Nag-aaral nang mabuti si Pedro.


a. Nais niyang maging matagumpay balang araw.
b. Gusto niyang pumasa sa mga pagsusulit.
c. Nais niyang ipagmalaki siya ng kanyang mga magulang.
d. Lahat ng nabanggit.

Tukuyin kung anong damdamin ang nakapaloob sa mga pahayag.

______ 54. Hala! Anong nangyari kanina?


a. Pagtataka c. Pagkagalit
b. Pagtatanong d. Pagmamahal

______ 55. Huwag kalimutang ikandado sa gabi ang pinto.


a. Pagkalimot c. Pagpapakumbaba
b. Pag-aalala d. Pag-iingat

______ 56. Kaawa-awa ang mga naging biktima ng lindol sa Leyte.


a. Pagkalimot c. Pagpapakumbaba
b. Pag-aalala d. Pag-iingat

______ 57. “Paumanhin sa aking nagawa, inaaako ko po ang kasalanan.”


a. Pagkalimot c. Pagpapakumbaba
b. Pag-aalala d. Pag-iingat

______ 58. Wow, napakaganda ng lugar na ito!


a. Katapatan c. Katalinuhan
b. Kapayapaan d. Kaligayahan

______ 59. Napakasakit mawalan ng minamahal sa buhay.


a. Pagdadalamhati c. Pagpapakumbaba
b. Pag-aalala d. Pag-iingat

______ 60. “Sayang, hindi ako nakasama sa Palawan.”


a. Pagkalimot c. Pagkalungkot
b. Pag-aalala d. Pag-iingat
TALAHANAYAN NG ISPESIPIKASYON (TOS)
UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 6

KASANAYANG PAMPAGKATUTO # OF # OF % REM UND APP ANA EVA CRE PLACEMENT


DAYS ITEM
1. Nasasagot ang mga 1,2,3,4,5,6
tanong tungkol sa 7 8 14% 2 3 2 1 7,8
binasang pabula
17,18,19,20,
2. Nagagamit nang wasto 7 9 14% 4 3 1 1 21,22,23,
ang Pangngalan 24,25
33,34,35,
3. Nagagamit nang wasto 7 8 14% 3 3 1 1 36,37,38,
ang panghalip 39,40

4. Napupunan nang wasto 5 6 10% 2 2 2 41, 42,43,


ang kard katalog 44,45,46

5. Nabibigyan ng 6 8 12% 8 9,10,11,12


kasingkahulugan ang 13,14,15,16
salita

6. Napagsusunod-sunod
ang mga pangyayari sa 6 7 12% 7 26,27,28
kwento/pabula 29,30,31,32

7. Nakapagbibigay ng 6 7 12% 7 47,48,49,


hinuha sa kalalabasan 50,51,52,53
ng pangyayari
8. Natutukoy ang
damdaming 6 7 12% 7 54,55,56
ipinapahayag ng 57,58,59,60
sitwasyon o pangyayari
Total 50 60 100%
KEY TO CORRECTION

1. B 11 C 21. A 31. D 41. A 51. A


2. C 12. B 22. B 32. B 42. C 52. B
3. B 13. B 23. C 33. B 43. B 53. D
4. A 14. D 24. B 34. D 44. D 54. A
5. C 15. C 25. D 35. B 45. B 55. D
6. D 16. C 26. C 36. A 46. C 56. B
7. C 17. D 27. A 37. B 47. A 57. C
8. D 18. A 28. E 38. C 48. B 58. D
9. A 19. B 29. G 39. B 49. C 59. A
10. C 20. D 30. F 40. B 50. D 60. C

You might also like