You are on page 1of 3

Ikatlong Markahang Pasulit sa Filipino 6

Pangalan:______________________________________________________Iskor:_________
I.Isulat sa patlang ang uri ng pangungusap. Gamitin ang mga sumusunod na titik: PS (pasalaysay), PT
(patanong), PD (padamdam), PU (pautos), at PK (Pakiusap).
_____1. Dadaan po ba kayo sa palengke?
_____2. Hoy, bawal sumingit sa pila!
_____3. Mahaba pala ang pila tuwing umaga.
_____4. Pakitulungan ang matanda sa pagsakay.
_____5. May bakanteng upuan pa ba?
_____6. Huwag kang sumabit sa dyip.
_____7. Pakiabot po ng bayad ko.
_____8. Kunin moa ng sukli.
_____9. May bababa ba sa higjway?
_____10. Para po.
II.Suriin ang salitang –ugat at ang panlaping ginamit sa bawat salita.

Salitang-ugat Panlapi
1. hugasan
2. umani
3. tinahi
4.nagtayo
5.balikan

III.Basahin ang balita at sagutin ang mga katanungan ukol dito.


ALMUSAL PARA SA MAG-AARAL
Magkakaloob ang administrasyon ni Pangulong Marcos ng libreng almusal o miryenda ngayong
buwan ng Marso sa mahigit 34,000 mag-aaral sa Pampublikong Paaralang Elementarya. Gagawin ang
hakbang na ito upang maging higit na aktibo at alerto sap ag-aaral ang mga bata. Sa ganitong paraan ,
mababawasan at malulutas ang suliranin sa malnutisyon at paghinto sa pag-aaral ng mga bata.
Nasa ilalim ng National Feeding Program ng School Health Nutrition Center( SHNC) ang
programang ito.
1. Sino ang nagpasumuno ng programa na nagbibigay ng libreng almusal sa mga mag-aaral sa
pampublikong paaralan?
2. Kailan ito magaganap?
3. Ilang mag-aaral ang kasama sa programang ito?
4. Anong ahensya ng pamahalaan ang mamumuno sa pagpapatupad ng programang ito?
5. Bakit kaya nabuo ang programang ito?
IV. Basahin ang kwento at sagutin ang mga tanong.
Isang araw nakita ni Daga na nagpupumilit makawala sa pagkakagapos ang
kaibigang Leon. Mabilis na kumilos ang daga. Nginatngat niya nang nginatngat ang lubid
hanggang sa makawala ang Leon. Ganoon na lamang ang pasasalamat sa kanya ng Leon.
Ginawa ito ng daga upang makaganti sa Leon sa minsang pagligtas nito sa kanyang buhay.

1. Ano ang mahalagang katangiang ipinamalas ng daga?


a. Pagkamatulungin
b. Pagmamahal sa kapwa
c. Pagkamahabagin
d. Pagtanaw ng utang na loob
2. Bakit nagpasalamat ang Leon sa Daga?
a. Sapagkat sila ay magkaaway
b. Sapagkat tinulungan siyang makawala
c. Sapagkat sila ay magkaibigan
d. Sapagkat tinulungan ng Leon ang Daga
3. Paano pinakawalan ng Daga ang Leon?
a. Pinaakyat niya sa isang puno
b. Tumawag ng ibang daga upang tumulong
c. Tumawag ng ibang leon upang sila ay tulungan
d. Ningatngat nang ningatngat ang lubid
4. Ayusin ang pagkasunod-sunod sa kwento.
1. Mabilis na kumilos ang daga
2. Nakawala ang Leon
3. Ningatngat ng daga ang lubid
4. Nakita ng daga na nagpilit makawala ang leon sa gapos
a. 1432 b. 4312 c. 4132 d. 1342
5. Ano ang maaaring mangyari sa katapusan ng kwento?
a. Mag-aaway ang leon at ang daga
b. Iiwan ng daga ang leon
c. Iiwan ng leon ang daga
d. Magiging matalik na magkaibigan ang leon at ang daga
6. Ano ang angkop na pamagat ng kwento?
a. Ang Daga at Ang Lubid
b. Ang Leon at Ang Daga
c. Ang Mga Hayop
d. Ang Magkaibigan
7. Madilim: maliwanag- Marunong:_____
a. Mangmang b. mahusay c. naiba d. maayos
8. Kutsara: tinidor- Kape:_____
a. Gatas b. tsokolate c. tasa d. asukal
9. Eroplano: paliparan- barko:______
a. Paglalayag b. daungan c. himpilan d.terminal
10. Naglalaro sina Bong at Digong sa bakuran ng paaralan nang marinig nila ang bell. Hudyat ito ng
pagtaas ng watawat. Dali-dali silang tumakbo sa kanilang pila. Sina Bong at Digong ay____
a. Mabait b. magalang c. masunurin d. masayahin
11. Nakapulot si Berta ng pitaka na may lamang maraming pera. Ibinigay niya ito sa kanyang guro
upang maisauli ito sa may ari. Si Berta ay____
a. Masipag b. matulungin c. matapat d. masungit
12. Nagwawalis sa bakuran, naghuhugas ng pinggan at nag-aalaga ng nakababatang kapatid ang
mga gawain ni Kikay araw-araw. Si Kikay ay____
a. Masipag b. tamad c. matapat d. magalang
13. “Yan lang ba, kayang kaya ko yan!”, ang wika ni Susan. “Wala silang panlaban sa akin”, dagdag
pa nito. Si Susan ay____
a. Mayabang b. matapat c.masinop d. mapagkumbaba
14. Ayaw matulog ni Bibang na mag-isa sa kanyang kwarto. Hindi rin niya pinapatay ang ilaw kapag
siya ay natutulog. Si Bibang ay____
a. Marahas b. matatakutinc. maamo d. mahinhin
15. Palaging mataas ang nakukuhang marka ni Sisoy sa pasulit. Siya rin ay parating nakakakuha ng
medalya. Si Sisoy ay _____
a. Mautak b. bobo c.tamad d. mayabang

You might also like