You are on page 1of 4

Filipino VI

A. Gumamit ng pang-angkop upang pagsamahin ang dalawang salita. Isulat ang


sagot o mga sagot sa patlang.

1. tama, sagot _________________________


2. Ingles, wika _________________________
3. papeles, peke _________________________
4. pasensiya, kaunti _________________________
5. mangyari, posible _________________________

B. Gamitin sa pangungusap ang mga salitang nabuo sa A.


6. _________________________________________________.
7. _________________________________________________.
8. _________________________________________________.
9. _________________________________________________.
10. _________________________________________________.

C. Salungguhitan ang lahat ng pang-angkop sa bawat pangungusap.


11. Sino kaya ang may-ari ng bakanteng lote?
12. Nakatikim na ako ng hilaw na mangga at bagoong.
13. Makinig tayo sa makabuluhang kuwento ni Marlon.
14. Mga modernong kasangkapan ang binili para sa ating tanggapan.
15. Maasahang kaibigan si Nora kaya mahalaga siya sa akin.

Filipino VI

A. Gumamit ng pang-angkop upang pagsamahin ang dalawang salita. Isulat ang


sagot o mga sagot sa patlang.

1. tama, sagot _________________________


2. Ingles, wika _________________________
3. papeles, peke _________________________
4. pasensiya, kaunti _________________________
5. mangyari, posible _________________________

B. Gamitin sa pangungusap ang mga salitang nabuo sa A.


6. _________________________________________________.
7. _________________________________________________.
8. _________________________________________________.
9. _________________________________________________.
10. _________________________________________________.

C. Salungguhitan ang lahat ng pang-angkop sa bawat pangungusap.


11. Sino kaya ang may-ari ng bakanteng lote?
12. Nakatikim na ako ng hilaw na mangga at bagoong.
13. Makinig tayo sa makabuluhang kuwento ni Marlon.
14. Mga modernong kasangkapan ang binili para sa ating tanggapan.
15. Maasahang kaibigan si Nora kaya mahalaga siya sa akin.
Filipino VI
 Pang-angkop – mga katagang nag-uugnay sa magkasunod na salita sa pangungusap upang
madulas o magaan ang pagkakabigkas ng mga ito.
o Na, -ng, -g

 Cañao - isang ritwal o seremonyang ginagawa sa isang pagtitipon. Ilan sa mga pangkat
etnikong nagsasawa ng cañao ay ang mga Kankana-ey, Kalinga, Igorot, at iba pa.

Katutubong Salita Kahulugan


af-fong tirahan ng isang pamilyang Igorot
am-ama matatandang Igorot
ay-yeng mga panalanging inaawit sa cañao
Fatek mga guhit sa katawan; kauri ng tattoo
Gangsa isang uri ng instrumentong karaniwang
ginagamit sa mga idinaraos na cañao
Ili isang kabayanan, higit na malaki kaysa tao
Intugtukon tanging lupon ng matatalinong matatanda sa
bayan-bayanan sa nayon na hinihingian ng mga
tao ng payo
Kabunian ang baa na mga katutubong Igorot
Kalos at ko-ongan mga instrumentong kauri ng gangsa
Kiyag isang uri ng sisidlan ng pagkain
Lufid kasuotan ng mga babaing Igorot; kauri ng tapis;
ibinabalot ito sa katawan at binibigkisan ng
wakes, isang uri ng pamigkas
tap-pey at fayas mga uri ng alak
tinu-od sombrero ng mga Igorot; ito na rin ang taguan
nila ng mga nginangata nilang tabako.

Katangian ng Mito, Alamat, at Kuwentong-bayan:


 Ito ay bahagi ng ating panitikang saling-dila o lipat-dila na lumaganap bago pa man may
dumating na mga mananakop sa ating bansa.
 Kadalasan ang mga pinuno ng barangay o ang pinakapari ng relihiyon ang nagkukuwento ng
mga ito.
 Tumatalakay sa kalikasan, pamahiin, relihiyon, paniniwala, at kultura ng isang partikular na
pangkat o lugar.
 Nilikha upang makapagbigay ng gintong aral na magagamit sa tunay na buhay.

Hudyat ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari at iba pang panandang


pantalakayan:
1. Mga Panandang naghuhudyat ng pagkakasunod-sunod ng mga kilos/pangyayari o
gawain
a. sa pagsisimula: Una, sa umpisa, noong una, unang-una
b. sa gitna: ikalaw, ikatlo, …. sumunod, pagkatapos, saka
c. wakas: sa dakong huli, sa hulis, wakas

2. Pagbabagong-lahad 4. Pagdaragdag
a. sa ibang salita a. Kasunod
b. sa kabilang dako b. Muli
c. sa madaling salita c. din/rin

3. Pagbibigay-pokus 5. Paglalahat
a. bigyang-pansin ang a. biglang paglalahat
b. pansinin na b. sa kabuoan
c. tungkol sa c. samakatuwid
6. Pagtitiyak o pagpapasidhi
a. siyang tunay
b. walang duda
 Pang-ukol – mga salitang ginagamit upang pag-ugnayin o ipakilala ang isang bagay, pook o
pangyayari sa ibang bahagi ng pangungusap.
o Ng, nina, ni, kay o kina, ayon sa, ayon kay, ayon sa mga, batay sa, batay kay, batay kina,
batay sa mga at iba pa.

 Pangatnig – mga kataga o salitang ginagamit upang pag-ugnayin ang isang salita sa iba pang
bahagi ng pangungusap.
o At, pati, o, ngunit, datapwat, bagaman, kaya, dahil, upang, habang, nang, samantalang,
saka, pero, ni, kung, kahit, sapagkat, kapag, pag, subalit, para, sa halip, gayundin,
manapa.

 Nang – karaniwang ginagamit na pangatnig sa hugnayang pangungusap. Katumbas ito ng


“when” sa ingles. Ginagamit din ito bilang pang-abay, kapag nasa pagitan ng dalawang salitang
inuulit o dalawang salitang-ugat.
o Tumakbo nang mabilis
o Kumain nang kumain
o Tulog na ang mga bata nang dumating ako kagabi.

 Ng – ginagamit kapag sinusundan ng pang-uri o mga salitang naglalarawan, nagsasaad ng


pagmamay-ari, ginagamit sa pangungusap na may tuwirang layon.
o Kinuha ng guro ang kanyang libro sa bag.
o Nagluto sya ng masarap na ulam.
o Si Ben ay kausap ng kanyang kapatid.

Pagsasanay:
A. Ikahon ang pang-ukol sa bawat pangungusap.
1. May balita ka ba tungkol sa parating na bagyo?
2. Ayon sa ulat na ito, itinaas ang bababalang Signal Number 3.
3. Baka supertyphoon daw ito, ayon sa kapitbahay natin.
4. Kinansela ang mga klase sa elementarya at haiskul.
5. Para sa mga mangingisda ang babalang narinig natin.
6. Ang mga opisyal ng barangay ay nagtutulungang ilikas ang mga tao.
7. Ukol sa paglikas nila ang balitang ito.
8. Laban sa utos na ibinigay ang hindi lumikas.
9. May mga baterya ba tayo para sa plaslayt?
10. Ang mga kapote at botas ay para kina Roberto at Lino.

B. Salungguhitan ang tamang pangatnig na nasa loob ng panaklong.


1. Magsipilyo nang tatlong beses sa isang araw (ngunit, upang, dahil) maiwasan masira ang
mga ngipin.
2. (Dahil, Subalit, Kaya) hindi ka kumain ng almusal, wala kang enerhiya para maglaro
ngayong umaga.
3. Inaantok ka pa (habang, bago, kasi) hatinggabi ka na natulog kagabi.
4. Kumakanta sila ng “Lupang Hinirang” (hanggang, habang, parang) itinataas ang watawat
ng Pilipinas.
5. Magdasal muna tayo (bago, kaya, at) tayo kumain ng hapunan.
6. Matutuloy ang camping natin (at, subalit, kung) hindi masama ang panahon bukas.
7. Tumatahol ang mga aso (kapag, ngunit, hanggang) may taong kumakatok sa pinto.
8. Ano ang kulay ng sasakyan ninyo, pula (at, o, pero) puti?
9. Mahilig siya magbasa ng aklat (at, upang, sapagkat) magsulat ng maiikling kuwento.
10. Tumakbo nang tumakbo ang usa (hanggang, habang, samantalang) nakarating ito sa gitna
ng gubat.

C. Isulat sa patlang ang salitang ng o nang upang mabuo sa pangungusap.


1. Alin kaya ang gustong kainin _______ bata, ang kendi o tsokolate?
2. Si Sharon ang maglilinis _______ sarili niyang kuwarto.
3. Grabe _______ katiwalian sa pamahalaan natin!
4. Gumising tayo _______ maaga _______ maumpisahan na natin agad ang labada.
5. Ang damit na bagong bili ay isinuot _______ hindi pa nilalabhan.
6. _______ iwan siya _______ kanyang ina, iyak _______ iyak ang bata.
7. Unti-unti _______ nauubos ang pasensiya ko sa iyo.

You might also like