You are on page 1of 60

Gamit ng Pang-abay sa

Paglalarawan ng Kilos
Ang mga bahagi ng pananalita ay nakatutulong sa paglalarawan. Gaya
ng pangngalan, pang-uri, pandiwa, pantukoy, pang-angkop, at iba pa.
Isa na rito ang pang-abay. Ang pang-abay ay nagbibigay-turing sa
pandiwa, pang-uri at kapwa pang-abay. Ilan sa mga uri nito ay pang-
abay na pamaraan, pang-abay na panlunan at pang-abay na
pamanahon. Ang pang-abay na pamaraan ay sumasagot sa tanong na
kung paano isinagawa ang kilos. Ang pang-abay na panlunan ay
sumasagot sa tanong na saan. Ang pang-abay na pamanahon ay
sumasagot sa tanong na kailan ginawa ang kilos at gumagamit ng mga
salitang nagtatakda ng panahon tulad ng kahapon, ngayon, bukas,
tuwing, at iba pa.
Halimbawa:
1. Pang-abay na pamaraan

Nagdasal nang tahimik si Kristel para sa mga biktima ng


lindol.
2. Pang-abay na panlunan

Sa tahanan ko natutunan ang pagiging mapagbigay.

3. Pang-abay na pamanahon

Pupunta kami sa Batanes sa susunod na linggo.


Papilay-pilay na lumakad si Mario.
Dahan-dahang pumasok si Nena upang
hindi magising ang Ina.

Biglang bumangon si Maria nang


marinig ang kulingling ng orasan.
Gawain 2
Panuto: Pagtambalin ang mga angkop na pang-abay na pamaraan sa
mga kilos na inilalarawan ng mga ito. Isulat sa buong pangungusap
ang tamang sagot.

3. Taimtim a. na tumulong ang mag-anak sa mga


biktima.
4. Ligtas b. na tinanggap ng mga biktima ang nangyari.
5. Mabilis c. na nagdasal ang lahat para sa kaligtasan.
6. Malungkot d. na nakauwi ang mga nahiwalay sa pamilya.
7. Lubos e. na nagdadalamhati ang lahat sa trahedya.

3. Taimtim na nagdasal ang lahat para sa kaligtasan


Kayarian ng Pang-uri

May apat na anyo/kayarian ang mga pang-uri. Ito ay ang mga


sumusunod:
Payak
Ito ay binubuo ng mga salitang-ugat lamang.
Halimbawa: hinog, sabog, ganda

Maylapi
Ito ay mga pang-uri na binubuo ng salitang-ugat at panlapi.
Halimbawa: tinanong, kumakain, pagmahal
Inuulit
Ito ay binubuo sa pamamagitan ng pag-ulit ng buong salita o
bahagi ng salita.
Halimbawa: pulang-pula, puting-puti, araw-araw, gabi-
gabi (Hindi inuulit ang mga salitang: halo-halo, paru-paro)

Tambalan
Ito ay binubuo ng dalawang salitang pinagtatambal.
Halimbawa: ningas-kugon, ngiting-aso, balat-sibuyas, kapit-
tuko, bahag buntot
Ang halimbawa ng mga salitang nagpapahiwatig ng isang
hulwaran ng pagkakasunod-sunod ng mga pangayayari sa
kwento ay:
una, pangalawa
sumunod
pagkatapos
nang malaunan
nagsimula
unang-una
sa wakas
ang pinakahuli
pinakamahalaga
Isang paraan ng ganap na pag-unawa ay ang dagliang
pagtiyak ng sumusunod na pangyayari at ng iba pang
kasunod hanggang sa kahuli-hulihang yugto ng kuwento.
Ang pangyayari o hakbang ay inaaayos nang may
pagkakasunod-sunod ayon sa panahon.

Sumusunod ang kahalagahan ng isang ideya, kaalaman,


konsepto, impormasyon, gawain, o pangyayari sa isang
kwento.
Ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento ay hinahati
ang bawat bahagi sa mahalagang pangyayari:

sa simula
sa gitna
sa wakas

Ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento ay isang


paraan ng pagbubuod, kung saan mahalaga ang kasanayan sa pagkuha
ng mga pangunahing kaisipan ng bawat talata o pangungusap sa
kwento.
Ang pagkakasunod-sunod ng mga panyayari sa kwento ay
ibinabatay sa:

Kalagayan-dito nagsisimula ang kwento. Maaring simulan ito


sa pangangailangan ng pangunahing tauhan sa isang bagay o
pagkakakita ng suliranin o problema. Tinatawag din itong saglit
na kasiglahan.

Suliranin o Komplikasyon-sinisimulan ang kwento sa


pamamagitan ng mga pangyayari na magbibigay daan sa
pakikipagtunggali ng pangunahing tauhan sa ibang tauhan
Pistang Bayan

Ang pagdiriwang ng pistang bayan ay labis na nagugustuhan ng mga


Pilipino. Bago pa dumating ang kapistahan ay abala na ang mga tao
sa paglilinis ng kani-kanilang mga tahanan, naglalagay ng
dekorasyon sa mga lansangan at naghahanda ng mga pagkain.

Sa madaling-araw naririnig ang ingay ng baboy, kambing, itik,


manok, bibe, baka, at iba pang hayop na kinakatay. Sa araw ng
kapistahan, makikita ang mga matatanda at bata na masayang
nagsisimba, nanonood ng parada at sumasakay sa iba’t ibang uri ng
sasakyang umiikot.
Pistang Bayan

Masaya rin silang lumilibot sa bahay ng mga kamag-anak


at kaibigan upang pagsaluhan ang inihandang pagkain. Sa
gabi, sumasama sila sa prusisyon at nanonood ng mga
palabas. Pagkatapos ng pista, masaya silang naglilinis ng
tahanan, nagliligpit ng pinagkainan at nagkukuwenta ng
pinagkagastusan subali’t makikita mo sa kanilang mga
mukha ang labis na kaligayahan.
A. Ano ang nauna sa mga pangyayaring nabanggit?
a. sumasama sa prusisyon
b. naglilinis ng tahanan
c. masayang nagsisimba

B. Alin sa mga sumusunod ang huling bahagi ng kuwento?


a. naglilinis ng tahanan
b. nagkukuwentahan ng pinagkagastusan
c. masayang nagsisimba
C. Ayusin ang mga ito ayon sa wastong pagkakasunod-sunod.
Lagyan ng bilang 1-6.

______ a. sumasama sa prusisyon


______ b. naglilinis ng tahanan
______ c. masayang nagsisimba
______ d. naglalagay ng dekorasyon
______ e. nagkukuwenta ng pinagkagastusan
______ f. nagkakatay ng hayop
Ang Lagalag na mga Hudyo

Walang sariling tirahan ang mga Hudyo. Sila ay pinapatay ng mga


Kosak sa kanilang teritoryo. Si Golda ay isa sa mga batang babaing
Hudyo.

Naglalaro sila sa maputik na kalsada nang walang ano-ano,


nakarinig sila ng sigaw. “Mga bata, takbo! Magtago kayo!
Dumarating ang mga Kosak.”

Ang mga koboy na Ruso. Walang Hudyo na nakaliligtas kapag


inabutan ng mga Kosak sa kalsada. Nagtakbuhan ang mga tao.
Nagsipaghanap sila ng mapagtataguan.
Ang mga pintuan at bintana ng mga kabahayan ay nagsipagsara.
May ilang batang naiwan. Nagtakbuhan din sila. Isa ang nadapa, si
Golda. Nasubsob ang mukha niya sa putik.

Papalapit ang yabag ng mga kabayo. at nagtalsikan ang mga putik.


Tumigil ang ragasa ng mga kabayo sa tabi ng sinubsuban ni Golda.
Napasigaw siya ngunit wala na ring silbi. Nasa harap na niya ang
mga Kosak.

Pinaglaruan ng mga Kosak si Golda. Pinalundagan siya ng mga


kabayo.
Nagdasal siya na sana ay di siya mapatay. Inikut-ikot siya ng mga
Kosak. Pagkaraan ng ilang sandali ay tumahimik na ang paligid.
Papalayo na ang mga Kosak. Tumulo ang luha ni Golda.

Noong mga panahong iyon ang mga Hudyo ay walang sariling


bansa. “Kailangang matigil na ang paglagalag ng mga Hudyo,” ang
hikbi niya.

Nang lumaki si Golda, siya ang nakatulong upang maging


malayang bansa ang Israel, ang bansa ng mga Hudyo.
________a. Inabutan ng mga Kosak si Golda matapos madapa sa
putik.
_______ b. Nang lumaki si Golda tumulong siya upang magkaroon ng
sariling bansa ang mga Hudyo.
_______ c. Si Golda ay kasama ng mga batang naglalaro sa kalsada
nang matanaw ng mga tao na dumarating ang mga Kosak.
_______ d. Nagtakbuhan ang mga tao at si Golda ay naiwan dahil
nadapa sa maputik nalansangan.
_______ e. Pumikit na lamang siya at nagdasal hanggang sa pag-alis
ng mga Kosak.
_______ f. Pinaglaruan ng mga Kosak ang batang si Golda.
Nakabubuo ng Tanong Mula sa Napakinggang Salaysay

Mahalaga ba ang pagtatanong?

Marami sa atin ang nahihiyang magtanong dahil nangangamba tayo na


magalit ang taong pagtatanungan natin o kaya naman ay mabatikos
tayo dahil sa tanong na sasabihin natin.

Subalit, kailangan din natin ang magtanong upang mas lalo pa nating
mapalawig ang ating kaalaman mula sa paksang tinalakay at ating
napakinggan.
Sinasabi na ang pagtatanong ay isang sining dahil nagkakaroon ng
interaksyon sa pagitan ng guro at mga mag-aaral.

Sa pagtatanong rin, maaaring masukat ng guro kung gaanong


naunawaan ng mga mag-aaral ang paksang tinalakay.
Paraan ng Pagtatanong at Pagsagot sa mga Tanong

➢ Mga tanong na humihingi ng limitadong sagot na oo/opo o hindi.

• Madalas marinig ang ganitong uri ng tanong sa wikang Filipino.


• Maikli lamang ang inaasahang sagot at hindi na nagangailangan ng
pangungusap na magpapaliwanag sa sagot.
• Mapapansin ang pagtaas o pagbaba ng tono sa gawing dulo ng mga
tanong na ito.
Halimbawa:
1. Naunawaan mo ba ang aral na hatid ng parabola?

Oo/Opo, {naunawaan ko}


Hindi {ko po naunawaan}

2. Magagamit mo kaya ang aral na ito sa buhay mo?


Oo/Opo, {magagamit ko}
Hindi {ko po magagamit}
Mga tanong na masasagot ng mayroon, wala, oo, hindi, ayaw
ko/ayoko, ewan, siguro/marahil

• Mababakas sa tono o intonasyon ng pagtatanong ang damdaming


taglay ng nagtatanong.

Halimbawa:
1. May kilala ka bang katulad ng isang mabuting samaritano sa
parabola?
Mayroon po.
Wala po
Mga tanong na nagsisimula sa mga salitang pananong tulad ng ano, sino,
kailan, saan, bakit, at paano.

• Bago sumagot sa tanong na ito, mabuting tumigil muna sumandali at


suriing mabuti ang nilalaman ng tanong upang makatiyak na tumpak ang
magiging kasagutan.
• Ang mga tanong na nagsisimula sa Bakit at paano ay nangangailangan
ng mas malalimang pang-unawa upang makasagot nang maayos at tama.
• Karaniwan ding nangangailangan ng paliwanag ang ganitong uring mga
tanong kaya’t inaasahanng mas mahaba ang kasagutan.
Pista sa Barangay
Goldie Ferolino Cabrales
“Heto na ang musiko. Baba na ako,” sigaw ni Bert sa mga kalaro. “Oo nga!
Dali! Baka malampasan tayo,” nagmamadaling bumaba sa puno ng makopa
ang mga bata.
Nagkagulo ang mga bata nang makita ang Ati-atihan na sumasayaw sa saliw
ng tugtog ng mga tambol.
Buong siglang umiko’t-ikot ang mga majorette at ang kanilang baton habang
tumutugtog ang banda. Ang mga tao ay talagang nagkakagulo.
Talagang ang saya ng pista sa barangay. Puno ng pagkain ang mesa, may
adobong manok, mitsadong karne ng baka, paksiw na pata at marami pang
iba.
May mga banda ng musiko sa umaga at sa gabi’y may prusisyon sila. Suot
ng matatanda ang kanilang saya at nakikihanay sa mga kabataang umilaw
sa prusisyon.

Ang problema ay nararamdaman sa kinabukasan o ilang araw pagkatapos


ng pista. Pata at malate ang katawan ng mga tao. Kung wala silang natirang
handa ay magtitiis sila sa mga de lata o di kaya’y sa ginataang gabi.

Ganyan ang mga Pilipino noon. Subalit unti-unti nang nagbabago.


Ipinagdiriwang pa rin ang kapistahan at ipinaghahanda, subalit sa abot na
lang ng kanilang makakaya.
Sagutan ang mga sumusunod na tanong sa iyong kwaderno.
1. Ano ang sinabi ni Bert sa mga bagong kalaro?
_____________________________________________________________
2. Ilalarawan kaganapan sa pista sa barangay?
____________________________________________________________
3. Ano ang kaibahan ng kasuotan ng mga matatanda doon kaysa ngayon
tuwing pista?
_____________________________________________________________
4. Kailangan ba ang paghahanda ng mga masasarap na pagkain tuwing
pista? Bakit?
_____________________________________________________________
5. Masaya ka ba tuwing sasapit ang pista sa inyong pook? Bakit?
_____________________________________________________________
________
Pag-angat ng Kalidad ng Edukasyon Tututukan Kasunod ng PISA Results:
DepEd
ABS-CBN News
Dec 04, 2019 07:55 PM
Patuloy na tututukan ng Department of Education (DepEd) kung paano
mapabubuti ang kalidad ng edukasyon kasunod ng pagiging kulelat ng mga
estudyanteng Pinoy sa Math, Science at Reading Comprehension sa isang
assessment na nilahukan ng mga mag-aaral mula 79 na bansa.
“Una ‘yong curriculum, that is an ongoing thing. Pangalawa, ‘yong teachers,”
ani Education Secretary Leonor Briones.
Pinakamababa sa 79 bansa ang nakuhang marka ng mga Pinoy sa reading
comprehension o pag-intindi sa binasa, base sa resulta ng Programme for
International Student Assessment (PISA).
▪ Mga mag-aaral na Pinoy, pinakamahina sa 79 bansa sa pag-
intindi ng binasa: PISA
Kapuwa ikalawa naman sa pinakamababa ang marka ng
Pilipinas sa Math at Science.
Ayon sa DepEd, hindi na sila umasa ng milagro dahil mababa
ang mga score ng mga estudyante sa National Achievement
Test.
Sumali sila sa PISA para umano malaman kung ano ang
estado ng edukasyon sa Pilipinas kung ikukumpara sa ibang
bansa at pag-aralan kung paano pa ito mapapabuti.
Ang resulta ng assessment ay patunay na kailangang
ipagpatuloy ang K to 12 program.
Ang PISA ay pag-aaral na isinagawa ng Organization for
Economic Cooperation and Development (OECD) para
makita ang galing ng mga estudyante sa Reading, Science, at
Math.
Nasa 600,000 mag-aaral na may edad 15 ang sumailalim sa
pagsusulit ng PISA mula Marso hanggang Abril ng
nakaraang taon.
Tsinelas ni Pepe-Anekdota ni Jose Rizal
(Nanisa Gumayon)
Maganda ang dagat at ang ilog sa aming bayan sa Laguna. Bughaw na
may halong luntian kapag walang sigwa. Ang tubig sa wawa ay
napapaligiran ng mga kawayang sumasayaw na tila umiindak kapag
nahihipan ng hangin.
Ang mga bangkang may layag ay parang mga paru-parong puti na
naghahabulan.
Ang bangka ay karaniwang gawa sa kahoy na inukit sa matibay na kahoy
na nakukuha sa aming gubat. Kung minsan ito ay may dalawang katig na
gawa sa matitibay at mahabang kawayan upang ang bangka ay hindi ay
hindi gumiwang kapag ito ay nakatigil sa tubig.
Karamihan sa gamit nito ay pangingisda nguni’t sa aming lalawigan,
ay ginagamit namin sa paglalakbay lalo na sa pagtawid sa ibayo ng
dagat. Mas mabilis ito kaysa gumamit ng kalabaw o ng karetela.
Naalala ko pa noon kasalukuyang kaming nakasakay sa bangka na
humulagpos ang isa kong tsinelas. Ang tsinelas ay ang tsinelas ay ang
gamit naming sa pagpasok at pagpunta sa mga lakaran kung saan ang
bakya na gawa sa kahoy ay hindi nararapat.
Mabilis itong inanod sa tubig bago ko nahabol para kunin.
Malungkot ako dahil iniisip ko ang aking ina na magagalit dahil sa
pagkawala ng aking tsinelas.
Tiningnan ako ng nagsasagwan nang kinuha ko ang aking isa pang
tsinelas at dali-dali kong itinapon sa dagat, kasama ang dasal na
mahabol nito ang kaparehas na tsinelas.
“Bakit mo itinapon ang iyong isa pang tsinelas?” tanong sa akin ng
kasamahan ko sa bangka.
“Isang tsinelas ang nawala sa akin at walang silbi sa makakakita. Ang
tsinelas na nasa akin ay wala ring silbi sa akin. Kung sino man ang
makakuha ng pares ng tsinelas ay magagamit niya ito sa kaniyang
paglakad.”
Napatingin ulit sa akin ang Mama. Marahil naunawaan niya ang isang
batang katulad ko.
Simuno ang paksa o bahaging pinag-uusapan sa pangungusap.
May mga panandang si, sina kung tao ang simuno at ang o ang
mga kung bagay, lunan, o pangyayari.

Panaguri ang bahaging naglalahad ng mga bagay hinggil sa


simuno, ito ay maaaring pandiwa, pang-uri, pangngalan o
panghalip.
Halimbawa :
Pinakamasayang buwan sa amin ang Nobyembre.

Alin ang pinag-uusapan? Sagot: Nobyembre


Ano ang tawag sa Nobyembre? Sagot: Paksa o Simuno
Ano ang sinasabi tungkol sa Nobyembre? Sagot:
Pinakamasayang buwan
Ano ang tawag sa bahagi ng pangungusap na
Pinakamasayang buwan? Sagot: Panaguri
Pansinin ang iba pang mga halimbawa:

a. Ang pandemyang COVID-19 ay isa sa pinakamalalang sakit sa buong daigdig.


simuno panaguri

b. Mababango ang mga bulaklak sa lihim na hardin.


panaguri simuno
Gawain 3
Panuto: Punan ang patlang ng angkop na simuno/panaguri upang mabuo ang pangungusap
sa bawat bilang. Piliin ang sagot sa pamilian.
PAMILIAN:
ang kalinisan kailangan nating pangalagaan
masarap pasyalan ay dapat pangalagaan
ang ating mga ilog
1. ____________________________ ang ating kapaligiran.
Kailangan nating pangalagaan
2. Dapat tayong magkaisa upang iligtas sa polusyon sa tubig _______. ng
ating mga ilog
3. Ang mga bulaklak at iba pang mga pananim ______________ .
ay dapat pangalagaan
4. _____________________________________ ang malinis na parke.
Masarap pasyalan
5. Panatilihin natin _______________ ng ating kapaligiran.
ang kalinisan
Gawain 4
Panuto: Bumuo ng 2 pangungusap at tukuyin ang simuno at
panaguri nito. Salungguhitan ng isang beses ang simuno at dalawang
beses naman ang panaguri nito. Maaring nauuna ang simuno at
nahuhuli naman ang panaguri nito o nauuna naman ang panaguri at
nahuhuli naman ang simuno nito. Isulat ang inyong sagot sa isang
buong papel na malinis.

You might also like