You are on page 1of 48

Filipino 7

Layunin:
a. Naibibigay ang mga hayop na makikita sa larawan;
b. Natutukoy ang kasingkahulugan ng mga salitang
nakasalungguhit;
c. Natatalakay ang pabulang pinamagatang “Natalo Rin
si Pilandok”; at
d. Nasasagot ang mga tanong hinggil sa paksa.
Gawain 1
Gawain 2: QUIZZIZ!

Gawain 3: Wonder Pets Song


Natalo Rin Si Pilandok
Layunin:
a. Natutukoy ang mga lipon ng salita;
b. Natatalakay ang mga pangungusap na
walang paksa; at
c. Naisasagawa ang mga gawain ukol dito.
Gawain Time!
. Pilandok!
1

2. Sa napakagandang
talon.
3. Mag-aalas siete
na!
4. Kumakanta habang sumasayaw.

5. Maaari ba kitang makita?


Mga
Pangungusap
na Walang
Paksa
Eksistensiyal-Ang mga pangungusap na eksistensiyal
ay nagpapahayag ng pagkamayroon o ng kawalan.
Halimbawa:
a.May mga magsisipanood na sa kalye.
b.Wala pang nanonood.
•  
2.Modal- Nangangahulugan ito ng gusto, nais,
ibig, puwede, maaari dapat o kailangan.
Halimbawa:
Pwedeng sumali?
Maaari ba?
 
3. Padamdam- Nagpapahayag ng matinding
damdamin ang mga ito.
Halimbawa:
a. Bilis! c. Kay ganda ng buhay!
b. Laban! d. Ang bait!
 
4. Maikling Sambitla- Ang mga sambitlang tinutukoy
ay mga iisahin o dadalawahing pantig na
nagpapahayag ng matinding damdamin.
Halimbawa:
a. Naku! c. Aray!
b. Grabe! d. Ay!
 
5.Panawag- Matatawag ding vocative ang
mga ito. Maaari itong iisahing salita o
panawag na pangkamag-anak.
Halimbawa:
a. Arthur! c. Hoy!
b. Ginoo! d. Kuya!
 
6. Pamanahon- Nagsasaad ng oras o uri ng panahon. May dalawang uri
ito.
Penomenal- Pangungusap na tumutukoy sa mga kalagayan o
pangyayaring pangkalikasan o pangkapaligiran.
Halimbawa:
Maalinsangan ngayon.
Lumilindol.
Temporal- Nagsasaad ng mga kalagayan o panahong panandalian.
Alas-dose na.
Sabado ngayon.
Pasukan na.
 
7.Pormulasyong Panlipunan- Mga pagbati, pagbibigay-galang,
at iba pang nakagawian na sa lipunang Pilipino.
Halimbawa:
a. Mabuhay! c. Magandang araw.
b. Makikiraan. d. Salamat.
 
Gawain:
Wordwall Time!

• https://wordwall.net/resource/20440261
Layunin:
a. Naibabahagi ang sariling ideya ukol sa larawang
naipakita;
b. Natatalakay ang maikling kuwentong
pinamagatang “Ang Pagislam”; at
c. Naisasagawa ang mga gawain ukol dito.
Pagbabahagi
1. Ano ang paniniwala mo o ng iyong pamilya
tungkol sa pagbibinyag?
2. Batay sa iyong sariling pagkaunawa, mahalaga ba
itong isagawa sa buhay ng isang sanggol?
Gawain Time!

1. Ang imam ay umanas ng maikling


panalangin sa tainga ng sanggol.
a. bumulong c. sumambit
b. nagdeklara d. nagsabi
 
2. Hindi makapaniwala ang mag-asawa
sa dami ng regalong kanilang natanggap
para sa kanilang anak.
a.handog c. nasisiguro
b. pagkilala d. natatanaw
3. Napipiho ng magulang na may
magandang bukas ang kanilang anak.
a. nababatid c. nasisiguro
b. nakikita d. natatanaw
4. Maraming panauhin ang dumating sa
kanilang tahanan nang binyagan ang
kanilang anak.
a. bisita c. kaibigan
b. kakilala d. kasamahan
5. Sumapit ang araw na pinakahihintay
ng lahat, ang paggunting.
a. dumating c. sumilay
b. lumitaw d. suminag
Pagislam
Elemento ng Kuwento
Tauhan (Character)
• Likha ng mga manunulat ang kanyang mga tauhan. May
pangunahing tauhan kung kanino nakasentro ang mga
pangyayari at mga pantulong na tauhan.

 Tagpuan (Setting)
• Dito nakasaad ang lugar na pinangyarihan ng mga aksyon o
mga insidente. Kasama din dito ang panahon kung kailan
naganap ang kwento.
Elemento ng Kuwento
Panimula
• Dito nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa. Dito rin
kadalasang pinapakilala ang iba sa mga tauhan ng kwento.

Tunggalian (Conflict)
• Tumutukoy ito sa paglalabanan ng pangunahing tauhan at
sumasalungat sa kanya. Ang tunggalian ay maaaring Tao laban
sa kalikasan, Tao laban sa sarili, Tao laban sa Tao/lipunan.
Elemento ng Kuwento
Kasukdulan
• Sa kasukdulan nakakamtan ng pangunahing tauhan ang
katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.

Kakalasan
• Ito ang tulay sa wakas ng kwento.

Wakas (Resolution)
• Ito ang resolusyon o ang kahihinatnan ng kwento.
PANG-UGNAY
PANG-ANGKOP
▪ na
Halimbawa: mapagmahal na hari
▪ -g
Halimbawa: huwarang pinuno
▪ -ng
Halimbawa: masamang pananginip
PANG-UKOL
• sa ayon sa/kay
• ng ukol sa/kay
• kay/kina para sa/kay
• alinsunod sa/kay tungkol sa/kay
• laban sa/kay

Halimbawa: Alinsunod sa batas ang ginawang hakbang ng


presidente.
PANGATNIG
a. Pandagdag – at, pati
b. Pamukod – o, ni, maging
c. Sanhi/Dahilan - dahil sa, sapagkat, palibhasa
d. Bunga/Resulta - bunga, kaya o kaya naman
e. Kondisyon - kapag, pag, kung, basta
f. Pagsalungat (contrast) - ngunit, subalit, datapwat, bagaman,
pag, kung, basta
Halimbawa:
a. Ang mga pagkain na inihanda sa lamesa ay mga
matatamis at mga prutas.
b. Sino ang pipiliin mo ako o siya?
c. Palibhasa ay anak mayaman kaya wala siya pakialam
sa mga naghihirap.
d. Naghiwalay sila bunga ng kanyang pagtataksil.
e. Ililibre kita kapag ginawa mo ang aking project.
f. Ginawa niya ang lahat para sa kanyang minamahal
ngunit bakit kailangan niyang masaktan?
GAWAIN TIME!

You might also like