You are on page 1of 54

Inihanda ni: Vaneza E.

Tuvida
• Ang paksa ay bahagi ng pangungusap na
pinagtutuunan ng pansin sa loob ng
pangungusap.
a. Maaaring tao, hayop, bagay, lugar o
pangyayari na gumaganap ng kilos o
pinagtutuunan ng diwang isinasaad sa
pandiwa.
Hal.
1. Nag-aalaga si Inang ng baboy at manok.
b. Mayroon din namang paksa na sa
kahulugan ay siyang layon ng kilos na
isinasaad ng pandiwa.
Hal.
2. Inaalagaan ni Inang ang mga baboy at
manok na iyan.
3. Pinakain ng masarap na pagkain ng mga
taga nayon ang mga turista.
• Maari ring ang paksa ay lugar o pook na
ganapan ng kilos sa pandiwa.
Hal.
Pinagpaksiwan ni nanay ang bagong
palayok.
• Buong Paksa – ito ay bahagi ng
pangungusap na pinag-uusapan kasama
ang mga salitang umuuri rito.
Hal. Ang ating mga bayani ay nagmahal sa
bayan.
• Payak na paksa – ito ay ang
pinakamahalagang salita sa buong paksa.
• Ang paksa ay maaring Payak o Tambalan.
Ito ay may dalawang payak na paksa.
Hal.
1. Sina Quezon at Quirino ay naging
pangulo ng ating bansa.
2. Ang mga aklat at pahayagan ay dapat
basahin.
3. Ang paaralan at tahanan ay magkatulong
sa paghubog ng kaugalian ng kabataan.
MGA URI NG PAKSA
1. Paksang Pangngalan
Hal.
a. Sumulat ng talambuhay ang pinuno.
b. Naghihintay ng ulan ang mga magsasaka.

2. Paksang Panghalip
Hal.
a. Kami ay delegasyon ng Pilipinas.
b. Sila ay gumagawa ng mga sasakyang
pangkalawakan.
MGA URI NG PAKSA
3. Paksang Pang-uri
Hal.
a. Hinahangaan ang mga matatalino.
b. Kapuri-puri ang mga masisipag.
4. Paksang Pang-abay.
Halimbawa
a. Ang dito ay maghintay muna.
b. Ang doon ay pasulungin agad.
MGA URI NG PAKSA
5. Paksang Pandiwa
a. Huwag mong gambalain ang
nananalangin.
b. Mahuhusay ang mga namumuno.

6. Paksang pawatas o batayan ng pandiwa.


Halimbawa
a. Hilig niya ang magtinda.
b. Kinalilibangan ko ang magbasa.
PANAGURI

• Ang panaguri ay ang bahagi ng


pangungusap na nagbibigay kaalaman o
impormasyon tungkol sa paksa.
• Ang buong panaguri ay bahagi ng
pangungusap na nagsasabi ng tungkol sa
paksa na kasama pati ang mga salitang
umuuri rito.
PANAGURI
• Halimbawa:
1. Siya ay bumibigkas ng isang tula.
2. Siya ay lumahok sa pabilisan ng
pagtakbo.

Ang payak na panaguri ay ang


pinakamahalagang salita sa buong
panaguri. Kalimitan ito ay mga
pandiwa(verb)
MGA URI NG PANAGURI
1. Panaguring Pangngalan
a. Luntiang Rebolusyon ang paksa ng
pulong.
b. Tungkol sa pagbabayad ng buwis ang
editoryal ngayon.
2. Panaguring Panghalip
a. Siya ang puno ng barangay.
b. Kayong mga kabalat namin ang aming
inaasahan sa kilusang ito.
MGA URI NG PANAGURI
3. Panaguring Pang-uri
a. Malinamnam ang manggang hinog.
b. Mainam sa kalusugan ang klima sa
Pilipinas.
c. Nasa Banaue ang mga salay-salay na
taniman ng palay.
4. Panaguring Pandiwa
a. Nagsasaka siya.
b. Nagsasaka sa gilid ng bundok ang mga
Ipugaw.
MGA URI NG PANAGURI
5. Panaguring Pang-abay
a. Bukas ang alis ng mga turista.
b. Ganito ang pagluluto ng paborito nitong
ulam.
6. Panaguring Pawatas
a. Magbasa (ng komiks) ang kinalilibangan ng
Lola.
b. Manggagamot ang naging trabaho niya sa
nayon.
Pangungusap

Ang Pangungusap ay lipon ng


mga salita na nagpapahayag
ng isang buong diwa.
Simuno
Ang Simuno ay ang
paksa o pinag-uusapan sa
pangungusap.
Panaguri

Ang Panaguri ang


bahagi ng pangungusap na
nagbibigay kaalaman o
impormasyon tungkol sa
paksa.
Pangungusap Pangungusap

Panaguri Paksa Paksa Panaguri


Ang karaniwang ayos ng
pangungusap ay nauunsa ang
panaguri kaysa simuno/paksa.
Halimbawa:

Watak-watak Kami

Panaguri Simuno
Ang di-karaniwang ayos ay
kung nauuna ang paksa at
ginagamit ng panandang “ay”.
Halimbawa:

Ako ay isa sa marami

Simuno Panaguri
Tukuyin kung Karaniwan o
Di-Karaniwan Ayos ang
Pangungusap.
a. Payak na paksa at Payak na
panaguri.

• Mabuting tao ang nakatira


sa bahay na iyan.
• Sumunod na sila sa kanilang
mga magulang sa London
b. Payak na paksa at Tambalang
panaguri

• Si Rica ay sasayaw at aawit


sa palatuntunan bukas.
• Talagang
mapagkakatiwalaan at
maaasahan.
c. Tambalang paksa at payak na
panaguri

• Sina Leah, Nena at Ben


ay magkaklase noon.
• Nakita ko ang ate at
kuya mo sa kahapon.
d. Tambalang paksa at tambalang
panaguri

• Sina Tina, Ana at Lucia ay


manonood ng sine at
magsyasyaping.
• Ang aking kapatid at ako ay
magtatrabaho sa umaga at
mag-aaral sa gabi sa darating
na pasukan.

You might also like