You are on page 1of 19

Ikatlong Markahan

IKASIYAM NA LINGGO

Panlingguhang Layunin

Pag-unawa sa Napakinggan
Nakapagbibigay ng angkop na pamagat sa tekstong napakinggan.
F5PN-Ii-j-17

Wikang Binibigkas
Nagagamit ang magagalang na pananalita sa pagtatanong ng direksyon.
F5PS-IIII1-2.22

Gramatika
Nasasabi kung ano ang simuno at panag-uri sa pangungusap.
F5WG-IIIij-8

Pag-unlad ng Talasalitaan
Naibibiigay ang kahulugan ng salitang pamilyar at di-pamilyar sa pamamagitan ng
paglalarawan.
F5PT-IIIi-1.13

Pag-unawa sa Binasa
Napagsunud-sunod ang mga pangyayari sa kwento sa pamamagitan ng dugtungan.
F5PB-IIIi-55

Estratehiya sa Pag-aaral
Nakasusulat ng balangkas sa anyong pangungusap o paksa.
F5EP-IIIi-11
Pagsulat
Naiguguhit ang paksa ng binasang teksto/tula.
F5PU-IIIifi-3

Panonood
Nasusuri ang mga tauhan/tagpuan at mga pangyayari sa napanood na maikling pelikula.
F5PD-IIIc-i-16

Pagpapahalaga sa Wika, Literasi at Panitikan


Nagagamit ang wika bilang tugon sa sariling pangangailangan at sitwasyon.
F5PL-Oa-j-2
UNANG ARAW

I. Layunin
Nakapagbibigay ng angkop na pamagat sa tekstong napakinggan.
F5PN-Ii-j-17

II. Paksang Aralin


Pagbibigay ng Angkop na Pamagat sa Tekstong Napakinggan.

Sanggunian: Diwang Makabansa 5 (Wika) ph. 21, MISOSA Blg. 20


F5PN-Ii-j-17

Mga Kagamitan: Activity Cards


Mga tekstong iparirinig sa mag-aaral
Larawan, pocket chart

III. Pamamaraan
1. Pagsasanay
Bigkasin ang tugma/tula at ibigay ang pamagat nito.

Bayani raw ako sabi ng titser ko


Kung tapat kong ginagawa ang tungkulin ko
Sa Diyos, sa bayan at sa kapwa ko
Sa lahat ng oras tutulong ako.

Bayani raw ako sabi ng titser ko


Kung tama ang ginagawa at iniisip ko
At lumalayo sa masamang bisyo
Na sisira sa buhay at sa bayan ko.

2. Balik-Aral
Pagsasalaysay na muli ng napakinggang kwento.
(Babasahin ng guro ang talatang “Ang palatuntunan sa Paaralan” mula sa aklat na
Diwang Makabansa 5 Wika, ph. 21 at isasalaysay namuli ng mga bata matapos
mapakinggan.)

3. Mga Gawain
A. Pagganyak (Paligsahan)

Anu-anong pagdiriwang mayroon sa ating bansa?


(Bibigyan ng 2 minuto ang mga bata upang maisulat ito sa Manila Paper.)
Pagkatapos, ipi- present ito ng lider sa harap ng klase.

B. Paglalahad
Iparirinig muli ng guro ang talatang” Ang Palatuntunan sa Paaralan”

C. Pagtatalakay

Ano ang mayroon sa paaralan?


Ano ang suot ng karamihan sa mga batang babaeng sasayaw?
Saan nagtayo ng malaking entablado?
Ano ang nangyari dahil maraming dumalo upang manood ng palatuntunan?
Ilang pulis ang tulung- tulong na nangalaga ng kapayapaan.

D. Pagpapayamang Gawain

Makinig sa talatang babasahin ng guro at ibigay ang maaaring maging pamagat nito.

Ang pamilyang Pilipino ay isang napakahalagang institusyon. Sa gitna ng


maraming suliranin, dapat umiral ang pagmamahalan, pagkakaisa at pagtutulungan
upang lalong tumibay ang pagsasamahan ng isa’t isa. Ano mang problema ang
dumating, kailangang mapanatiling buo at metatag ang pamilya. Bukod ditto biyaya ng
Diyos ang ating pamilya kaya’t patuloy mong ingatan.

Sagot: Ang Pamilyang Pilipino

E. Paglalahat

Paano natin binibigyan ng pamagat ang isang teksto?

Sa pagbibigay ng pamagat ng isang talata, alamiin mo muna ang paksang diwa o


paksang pangungusap. Ang mga ito ang magbibigay ng ideya sa pagpili ng pamagat.

Ginagamit ang malaking titik sa mahahalagang salita sa pamagat ng talata sa malaking


titik.

F. Paglalapat (Pangkatang Gawain)


Panuto: Makinig sa talatang babashin ng guro. Bigyan ito ng angkop na pamagat.

1. Ang niyog (cocos nuciferia) ay may karaniwang taas na 6 na metro o higit pa.
Natatangi sa lahat ng puno ang niyog sapagkat bawat bahagi nito ay maaaring
sangkap sa paggawa ng sabon, shampoo, at iba pa.
Sagot: Ang Niyog

2. Ang Kawanihan ng Rentas internas (Bureau of Internal Revenue) ay ang sangay ng


pamahalaan na namamahala sa pangongolekta ng buwis ng mga mamamayang
may hanapbuhay. Bawat manggagawang Pilipino ay may tungkuling magbayad ng
kaukulang buwis. Ang buwis na ibinabayad ang siyang ginagamit na pondo ng
pamahalaan sa pagpapaganda at pagpapaunlad na ating bansa.

Sagot: Ang Kawanihan ng Rentas Internas

IV. Pagtataya

Panuto: Bigyan ng angkop na pamagat ang talata.

1. Si Lapulapu ang unang bayaning Pilipino. Nang matuklasan ni Magellan ang


Pilipinas, gusto niyang kilalanin ng mga katutubo ang hari ng Espanya. Tinutulan ito
ni Lapulapu at naganap ang digmaan sa pagitan ng mga Kastila at katutubo kung
saan tinalo ni Lapulapu si Magellan at nagging sanhi ng pagkasawi nito sa laban.

2. Si Melchora Aquino ay ipinanganak noong ika-6 ng Enero, 1821. Ang kanyang mga
magulang ay sina Juan Aquino at Valentina Aquino. Noong kabataan niya ay
madalas siyang maimbitahan sa kanilang parokya upang umawit lalong- lalo na sa
mga araw ng pabasa. Hinirang din siyang Reyna Elena na Santakrusan. Kahit na
walumpu’t tatlong taong gulang na si tandang Sora,ito ay hindi nagging hadlang sa
kanyang paglilingkod sa bayan. Lihim niyang tinulungan ang mga katipunerong
maysakit at nagugutom.

Maaaring maging kasagutan ang sumusunod:

1. Lapulapu, Bayaning Pilipino


2. Tandang Sora: Ina ng mga Katipunero

IKALAWANG ARAW

I. Layunin
Nagagamit ang magagalang na pananalita sa pagtatanong ng direksyon.

Nasasabi kung ano ang simuno at panag-uri sa pangungusap.

II. Paksang- Aralin

Magagalang na Pananalita sa Pagtatanong ng Direksyon

Pagsasabi kung Ano ang Simuno at Panag-uri


Sanggunian: F5Ps-III-2.22
F5Wg-III-1.13
MISOSA Blg.3 ph.3-5

Kagamitan: meta strips/ meta cards, diagram, tsart

III. Pamamaraan
1. Pagsasanay

Pag-aralan ang mapa. (nasa ph. 156 ng Hiyas sa Wika 5)

Isulat ang direksyong katatagpuan sa mga sumusunod na lugar na nasa mapa.

1. Mataas na paaralan ng San Pedro


2. Mababang Paaralan ng San Pedro
3. Shara Theater
4. Plasa
5. Botika

2. Balik- Aral
Anu-ano ang iba’t- ibang direksyon?

3. Mga Gawain
A. Pagganyak

Sino sa inyo ang mahilig magbakasyon sa iba’t- ibang lugar? Naranasan n’yo
na ba ang nagbakasyon sa ibang probinsya?

B. Paglalahad
,
Pagbasa sa usapan.

“Ang Bakasyon sa Probinsya”

Bakasyon na naman. Uuwi sa probinsya ang mag- anak nina Mang Rey at Aling Melba.
Sabik na sabik na makarating sa probinsya ang mga anak nilang sina Jess at Luther, kaya
habang naglalakbay ay panay ang kwentuhan.

Jess: Inay, sabik na sabik na po akong Makita ang nayon nina Lolo Ding at Lola
Maring.

Luther: Si kuya talaga, makakarating din tayo doon. Inay, saang bahagi po ba ng
Laguna matatagpuan ang Luisiana?
Aling Melba: Ang Luisiana ay matatagpuan sa Timog- silangan ng Laguna. At sina Lolo
at lola ay sa bukid nakatira.

Jess: Kaya nga po, gusto kong magbakasyon doon.

Mang Rey: Oh, malapit na tayo, tiyak na naghihintay na ang Lolo at Lola n’yo.

Nang makarating sila sa tahanan nina lolo Ding at Lola Maring, agad silang sinalubong,
nagyakap- yakap at nagmano sa dalawang matanda. Pagkatapos masaya silang nagsalu-salo
sa tanghalian na inihanda ni Lola Maring.

Lola Maring: Mga anak, magpahinga muna kayo. Alam kong napagod kayo sa biyahe.

Luther: Hindi po kami napagod. Gusto na po naming mamasyal at maglibot sa


bakuran.

Jess: Oo nga po Lola.

Lolo Ding: O sige, sasamahan ko na kayo.

Jess: Kami na lang po Lolo. Paki turo n’yo na lang po ang direksyon pagpunta
doon.

Lolo Ding: O sige, saan n’yo ba gustong pumunta?

Luther: Doon po sa halamanan, kasi tiyak n maraming gulay at prutas doon.


Saan po ba kami pwedeng dumaan patungo roon?

Lolo Ding: Mula dito sa harapan na ating tahanan, lumakad kayo pakanan.
Matatanaw n’yo ang kubo, sa gawing Silangan nito, matatagpuan ang
halamanan.

Mang Rey: Naku, tiyak na marami doong gulay at prutas na katakam- takam.

Lola Maring: At sa dakong Timog naman, may malalaking puno na nabibigay ng lilim.

Aling Melba: Ay, doon masarap magpahinga lalo na’t nakahiga sa duyan.

Luther: Gusto din naming doon Inay.

Jess: Saan naman po kami pupunta upang makita ang malawak na bukirin at
magagandang tanawin?

Lolo Ding: Sa dakong Hilaga ng kubo, matatanaw n’yo ang malawak na bukirin at
ang magagandang tanawin, tulad ng Bundok Banahaw.

Mang Rey: Mga anak, huwag kayong magmadali, malilibot natin lahat iyon bago tayo
umuwi.
Luther/ Jess: Yehey! Talagang masarap magbakasyon dito sa probinsya.

C. Pagtatalakay
1. Saang bahagi ng Laguna matatagpuan ang bayan ng Luisiana?
2. Anu-ano ang matatagpuan sa bakuran nina Lola Maring at Lolo Ding?

3. Paano nalaman nina Jess at Luther ang lugar na nais nilang marating
at makita sa lugar nina Lolo Ding at Lola Maring?

Pagbasa sa pangungusap na hango usapan.


.
a. Uuwi sa probinsya ang mag-anak nina Mang Rey at Aling Melba.
b. Ang Lisiana ay matatapuansa timog silangan ng Laguna.
c. Sina Lolo Ding at Lola Maring ay nakatira sa nayon.

Itanong: Sa pangungusap a, b, c, aling bahagi ang pinag-uusapan o paksa sa


pangungusap? Ito ang tinatawag na simuno ng pangungusap.

Alin naman ang nagsasabi tungkol sa simuno? Ito naman ang tinatawag na panag-
uri.

D. Pagpapayamang Gawain
Isulat sa sagutang papel ang simuno at panag-uri sa angkop na kahon ng
sumusunod na mga pangungusap.

O, kay liwanag ng buwan.

Simuno Panag - uri

Nagpiknik kami sa ilalim ng puno.

Simuno Panag - uri


Sariwa ang hangin sa bukid.

Simuno Panag - uri

Tunay na masarap ang buhay sa lalawigan.

Simuno Panag - uri

Maraming bunga ang puno ng mangga sa aming


bakuran.

Simuno Panag - uri

E. Paglalahat
Ano ang dalawang bahagi ng pangungusap?

Ang simuno ang paksa o pinag-uusapan sa pangungusap.

Ang panag-uri ang nagsasabi tungkol sa simuno.


Ang pangngalan at panghalip ang mga bahagi ng pananalita na ginagamit na
simuno at ang pandiwa at pang-uri ang ginagamit na panag-uri.

F. Paglalapat
Isulat sa sagutang papel ang simuno at panag-uri ng bawat pangungusap.

1. Ang bakasyon ay masaya.

Simuno: _________________________________
Panag-uri: _________________________________

2. Kami ay nagpiknik sa bukid.

Simuno: _________________________________
Panag-uri: _________________________________

3. Sa bukid ay maraming pananim.

Simuno: _________________________________
Panag-uri: _________________________________

IV. Pagtataya
Kopyahin ang mga pangungusap na nasa ibaba at salungguhitan nang minsan ang
buong simuno at nang makalawa ang panag- uri.

1. Si Ashid ay nasiyahan sa pamamasyal.


2. Ang magagandang pook sa ating lugar ay dapat panatilihing malinis at maayos.
3. Ipinagmamalaki ko ang bansang Pilipinas.
4. Ang kinikita ng bansa sa turismo ay malaki.
5. Ang buwis ay mahalaga sa pagpapaunlad ng bayan.

V. Takdang- aralin

Gumupit ng larawan ng lugar na nais mong marating. Sumulat ng 3 pangungusap


tungkol dito. Salungguhitan ang simuno at bilugan ang panag-uri.
IKATLONG ARAW

I. Layunin
Naibibigay ang kahulugan ng salitang pamilyar at di- pamilyar sa pamamagitan ng
paglalarawan

Napagsusunud- sunod ang mga pangyayari sa kwento sa pamamagitan ng dugtungan.

Naiguguhit ang paksa na binasang kwento.

II. Paksang- Aralin


1. Pagbibigay ng Kahulugan sa Salitang Pamilyar at Di- Pamilyar sa Pamamagitan ng
Paglalarawan.

2. Pagsusunud- sunod ng mga Pangyayari sa Kwento sa Pamamagitan Dugtungan

3. Pagguhit ng Paksa ng Binasang teksto/ tula

Sanggunian: F5PB-IIIi-5.5
F5EP-IIIi-11
F5PU-IIIfi-3
Filipino: Yaman ng Lahing Kayumanggi 5 ph. 14- 20

Mga Kagamitan: cut-outs ng mga bulaklak, activity cards

III. Pamamaraan
1. Pagsasanay

Sumulat ng mga salitang may kaugnayan sa salitang nasa gitna ng bawat ulap.

Kultura
Pista

2. Balik- aral
(Passing the Ball)

Panuto: Ibigay ang kasalungat na kahulugan ng mga salitang may salungguhit


sa bawat pangungusap.

1. Mga unang tao ang mga Negrito. (Huling)


2. Watak – watak ang katutubong tribo. (Sama – sama)
3. Pandak ang mga ito. (Maliit)
4. Malapit sa dagat at ilog ang tirahan. (Malayo)
5. Nagpauli – uli sa paligid ang mga kawal. (Nagpipirmi)

3. Mga Gawain
A. Pagganyak
Kailan ipinagdiriwang ang kapistahan sa inyong bayan? Paano ninyo ito
ipinagdiriwang?

B. Paglalahad
Pagbasa sa kwentong, “Ang Kapistahan ng Hulong Dagat”
(Nasa aklat na Filipino, Yaman ng Lahing Kayumanggi 5 ph. 14 – 15.)

C. Pagtatalakay
1. Tungkol saan ang kwentong inyong binasa? Saan matatagpuan ang
Hulong Dagat?
(Sundan sa pahina 16 sa bahaging Isipin Mo.)

2. Balikan ang kwenting iyong binasa. Alin sa mga mahahalagang salita


doon ang pamilyar at di – pamilyar sa inyo?
D. Pagpapayamang Gawain (Pangkatang - gawain gamit ang activity cards)

A. Panuto: Piliiin sa loob ng panaklong ang kahulugan ng mga salitang


pamilyar o di – pamilyar.

1. Inalok niyang bilhin ang sangang hugis puso.


(inangkin, isinama, ipinakiusap, inalis)

2. Parang paglapastangan iyon sa Poon.


(pagmamahal, paglabag, paggalang, pag – alipusta)

3. Nais ng lalaki na maangkin ang hugis krus na sanga ng punungkahoy.


(makuha, mawala, malipol, maipagmalaki)

4. Napagkaisahan ng mga mamamayan na putulin ang sangang hugis


krus.
(nagsitutol, nag – away – away, napagkasunduan)

5. Benindisyunan ng pari ang punungkahoy.


(binasbasan, pinahintulutan, bininyagan, biniyayaan)

B. Panuto: Iguhit sa Manila Paper ang paksa ng binasang kwento at i –


present ito sa harap ng klase.

E. Paglalahat

Lubos na mauunawaan ang kwento kung mababatid o matutukoy ang


wastong pagkakasunud – sunod.

E. Paglalapat
Panuto: Balikan ang kwentong binasa at dugtungan ang mga
pangungusap upang mabuo ang mga pangyayari.

1. Nakita ng lalaking nagpapahinga sa lilim ng puno ng duhat ang


sangang __________.

2. Nagpunta ang lalaki sa may – ari ng puno upang bilhin ang


__________.

3. Napagkaisahan ng mga mamamayan na _________ ang sanga ng


puno.
4. Nabulag ang karpinterong pumutol sa _________.

5. Tinawag na _________ ang pook bilang alaala sa hugis krus na


__________.

IV. Pagtataya

Dugtungan ang mga pangungusap na sumusunod upang mabuo ang mga


pangyayari.

_____________ ang araw ng Kapaskuhan. Tatanggap ng bonus ang lahat halos ng


_____________. Iba’t – ibang sagisag ng Pasko ang _____________ sa
_____________. _____________ ang mga bata sa aginaldo.

IKAAPAT NA ARAW

I. Layunin
Naksusulat ng balangkas sa anyong pangungusap o paksa.

II. Paksang – Aralin


Pagsulat ng Balangkas sa Anyong Pangungusap o Paksa

Sanggunian: F5EP – IIIi – 11


Filipino: Yaman ng Lahing Kayumanggi, pahina 281

Kagamitan: tsart, activity cards, fish bowl, cut – outs ng mga isda, larawan

III. Pamamaraan
1. Pagsasanay
Pagsulat ng pangungusap na ididikta ng guro.

Halimbawa: Sa manggahan kami nagpipiknik.


Nagtatawanan at nag – aawitan kami.
Dalisay ang kapaligiran sa lalawigan.

2. Balik-Aral
Mga Bahagi ng Pangungusap.
Habang umaawit ang mga bata, ipapasa sa kamag – aaral ang bola. Kung
huminto ang pag – awit, ang batang may hawak ng bola ay kukuha ng isda sa fish
bowl. Babasahin ang pangungusap na nakasulat dito at ibibigay ang simuno at panag
– uri nito.

Halimbawa: Nagtatanim ako ng mga halaman sa bakuran.


Naglalaro kami ng Tumbang – preso sa gabi.
Sariwa ang hangin sa probinsya.

3. Mga Gawain
A. Pagganyak
a.) Ipakikita ang larawan ng magsasaka at pag – uusapan ito.

B. Paglalahad
a.) Pagbasa sa talatang, “Ang Magsasaka”

Malaki ang maitutulong ng magsasaka sa pag – unlad ng bansa. Sila ang


nagbubungkal ng lupa at nagtatanim ng mga halaman na pinagkukunan ng ating
pagkain upang mapanatili ang kalusugan ng mga mamamayan. Sa kanila rin
nagmumula ang mga produktong iniluluwas sa ibang bansa. Pinangangalagaan
nila ang ating kapaligiran sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga puno. Subalit
may mga pagkakataong nagkakaroon sila ng suliranin sa pagpapaunlad ng
kanilang bukirin bunga ng mga kalamidad na dumarating tulad ng pagkakaroon
ng baha dahil sa bagyo, pagguho ng lupa, paglindol at pagkakaroon ng tagtuyot.

b.) Paglalahad/ Pagpapakita ng modelong balangkas

“Ang Magsasaka”
I. Mga bagay na Naitutulong ng mga Magsasaka
1.
2.
3.

II. Mga Pangyayaring Nagsisilbing hadlang sa Pagpapaunlad ng


taniman ng mga magsasaka.
1.
2.
3.

C. Pagtatalakay

1. Anu – ano ang mga bagay na naitutulong sa atin ng mga magsasaka?


2. Ano ang nagiging suliranin nila sa pagpapaunlad ng taniman?
3. Pag – aralan ang balangkas sa ibaba. Ito ba ay may kaugnayan sa
binasa ninyong talata?
4. Paano ito ginawa? isinulat?

Pag – uusapan ang talatang binasa at kung paano ginawa ang


balangkas.

D. Pagpapayamang Gawain

Panuto: Basahin ang talataan at igawa ito ng balangkas.

Ang puno ay pinakamahalagang nilikha ng Diyos upang magamit ng


tao. Hindi lamang ito nagpapaganda ng kaniyang kapaligiran, kundi’y
nagbibigay din ito ng pagkain na kinakailangan natin. Bukod sa pagkain,
nagdudulot din ito ng mga materyales na kailangan sa pagtatayo ng bahay,
gusali, tulay at pinipigil din nito ang pagbaha na isang suliranin natin tuwing
tag – ulan. Ang pinakamahalaga sa lahat ay nagbibigay ito ng oxygen na
kailangan natin upang mabuhay. Paano kaya kung walang puno?

E. Paglalahat
Ano ang balangkas? Paano ito isinusulat?

F. Paglalapat
Panuto: Basahin ang sumusunod na talata at igawa ito ng balangkas.

Bakit nga ba nauubos na ang mga hayop sa kagubatan? Saan na sila


napunta? Masakit mang isipin na isa sa mga dahilan ng kanilang pagkawala
ay ang mga tao na rin. Ginagawa silang libangan ng mga mahihilig mangaso
at pumatay ng hayop. Hinuhuli rin sila upang gawing pagkain at pulutan. Ang
iba nama’y ginagawang palamuti o di kaya nama’y alagang hayop sa bahay.
Ipinagbibili rin sila at dinadala sa ibang bansa. Tuluyan namang namamatay
ang iba dulot ng pagkakaingin sa mga kagubatan. May makikita pa kayang
hayop ang mga susunod na salinlahi?

IV. Pagtataya
Panuto: Igawa ng balangkas ang sumusunod na talata.

Ang pagkakaroon ng dumi sa hangin na siya nating nilalahanghap ay sanhi ng


mga usok na mula sa mga pabrika. Sa paglabas natin sa mga kalye, maruming hangin din
ang sumasalubong sa atin buhat sa ibinibuga ng mga tambutso ng mga sasakyan.
Pinadudumi rin ang hangin ng mga basurang walang patumpanggang itinatapon sa mga
daan.

I. ________________________________________________________

a. __________________________________________________
b. __________________________________________________
c. __________________________________________________
d. __________________________________________________

IKALIMANG ARAW

I. Layunin
Nasusuri ang mga tauhan/tagpuan sa napanood na maikling pelikula.

II. Paksang Aralin


Pagsusuri sa mga Tauhan/Tagpuan sa Napanood na Maikling Pelikula

Sanggunian: F5PD-III-c-i-16

Kagamitan: Video clip

III. Pamamaraan
1. Pagsasanay

Panuto: Hanapin sa puzzle ang mga salitang maaaring maglarawan sa


tauhan/tagpuan sa kuwento.

A E M A M A L T A
L M A B A I T S C
H A G A L A A M E
B A A N U L H A X
A W N A N T I L A
D A D U G O M I L
H I A E K A I N M
B N E G O H K I L
N A T A T A K O T

2. Balik-aral
Anu-ano ang mga bagay na dapat tandaan kung manonod ng mga pelikula?
3. Mga Gawain
A. Pagganyak

Sino sa inyo ang mahilig manood ng mga pelikula? Anong uri ng pelikula
ang pinanonood ninyo?

B. Paglalahad
Panonood ng mga bata ng isang pelikulang maaaring magbigay ng
magagandang - aral.

C. Pagtatalakay
Pag-usapan ang pelikulang napanood

D. Pagpapayamang Gawain
1. Ano ang pamagat ng pelikulang inyong napanood?
2. Sinu-sino ang mga tauhan? Ibigay ang katangian ng bawat isa.
3. Ilarawan ang tagpuan.
4. Ano ang pangyayaring naibigan mo sa pelikula? Ipaliwanag kung
bakit mo ito naibigan.
5. Alin naman ang hindi mo naibigan? Bakit?

E. Paglalahat
Anu-ano ang mga hakbang sa pagsusuri ng mga tauhan/tagpuan at mga
sa napanood na pelikula?

F. Paglalapat (Pangkatang Gawain)

Panoorin ang pelikulang ipakikita ng guro. Gawin ang sumusunod na


pagsasanay.

Pangkat I - Itala ang pangalan ng bawat tauhan at katangian ng bawat isa.

Pangkat II - Ilarawan ang tagpuan ng pelikulang napanood

Pangkat III - Itala ang pangyayaring naibigan ninyo sa pelikula at ipaliwanag


kung bakit ito naibigan

Pangkat IV - Itala ang di kanais-nais na pangyayari sa pelikulang napanood at


ipaliwanag kung bakit

You might also like