You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IX – Zamboanga Peninsula
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBOANGA DEL SUR
Tigbao District
Learning Activity Sheet (LAS)
Template
Asignatura at Lebel: Filipino 5
Blg.ng Markahan. 2 Blg.ng Linggo 6

I. Pangunahing Impormasyon (Mag-aaral at Materyal) Pangalan:


Iskor:
Seksiyon: Petsa:

Pamagat: Pagbibigay Paksa sa Kuwento at Dokumentaryo

Kasanayang Pagkatuto at Koda: Naibibigay ang paksa/ layunin ng


napakinggang kwento/ usapan /talata at pinanood na
dokumentaryo. (F5PN-Ic-g-7, F5PN-IIg-17, F5PDIIf-13)
Layunin:
Natutukoy ang paksa sa napakinggang kwento/usapan/talata .
Sanggunian: Department of Education, Most Essential Learning
Competency, Filipino 5, (2020), p. 3-4,
Mula sa Aklat:
Lydia P. Lalunio at Francisca G. Ril, Hiyas sa Wika at Pagbasa 5 pp.50-
53
II. Susing Konsepto at Mga Halimbawa
Paksa o Pangunahing diwa - ay Sentral na ideya o ang
pinaguusapan sa isang akda. Dahil sa paksa, ang mga mambabasa
ay nabibigyang ideya ng may akda tungkol sa mga layunin nito .
Halimbawa
1. Ang damo ay peste at kaaway ng halaman kaya dapat
patayin. Ito’y nagpapaliit sa inaani ng isang bukirin at nagsisilbi pang
tirahan ng mga insekto at pesteng namiminsala ng mga halaman.
Ang Paksa o pangunahing diwa sa talata ay “Ang Damo “ dahil
ito ang pinag-uusapan sa talata.
1. Masarap at malambot ang laman ng buko at
manamisnamis ang sabaw nito. Ang langis naman ng niyog ay
ginagamit sa pagluluto. Ginagawang dekorasyon naman ang bunot
at bao nito. Panggatong at gamit sa paggawa ng bahay ang puno.
Ang palito at dahon ng niyog ang ginagawang walis tingting. Anupa’t
masasabing ang niyog ay puno ng buhay sa dami ng pinaggagamitan
nito. Ang paksa sa talata ay “Ang
Gamit ng Niyog” dahil tumutukoy ito sa diwa o ideya na binigyang
pokus o atensyon ng may akda.
III. Pamamaraan/Mga Gawain/Gabay na Tanong
Gawain 1: Basahin at tukuyin ang paksa sa bawat talata. Isulat
sa patlang ang iyong sagot.
1. Si Marcelo H. Del Pilar ay tinaguriang Dakilang Propagandista. Isa siyang
abogado na kilala sa pagsulat ng mga artikulo laban sa pangaabuso ng
mga paring Espaňol. Ipinagpatuloy niya ang gawaing ito sa
Espaňa kung saan naging patnugot at tagapaglathala siya ng
La Solidaridad.
• Ano ang Paksa sa nabasang talata o seleksyon? Sagot:

2. Ang sakripisyo ng isang ina sa pamilya ay kailanman hindi matutumbasan


ng pera ginawa ang araw ang gabi para matugunan ang
pangangailangan ng pamilya. Kaya mahalin natin sila habang sila ay
nabubuhay pa.
• Ano ang paksa ng talata?
Sagot:
3. Zhay: Nay,sasali ako sa scouting sa darating na Sabado.
Nanay: Mabuti anak, ano bang ang kailanganin mo sa scouting?
Zhay: Uniform lang nay at mga gamit gaya nang plato,kutsara at
baso Nanay: O sige ihahanda natin iyan bukas Zhay: Salamat
nay.
• Ano ang paksa ng kanilang usapan?
Sagot:
4. Si Max ay isang batang lumaki sa lungsod. Nang siya ay nagbakasyon
sa bukid, nasaksihan niya ang mga Gawain ng kanyang lolo tulad ng
paggising nang madilim-dilim pa upang magtungo sa bukid at pakainin
ang mga alagang hayop tulad ng kalabaw, baka at mga kambing at
pamimitas ng sariwang prutas at gulay.
• Ano ang paksa ng maikling kwento?
Sagot:
5. Ang pabrika ay ipinatayo na sa labas ng Pagadian City. Inilipat ang mga
ito sa mga lalawigan dahil masyado ng masikip sa Pagadian. Ano ang
paksa sa talatang iyong nabasa?
Sagot:
Gawain 2: Tukuyin ang paksa sa mga sumusunod na talata. Bilugan ang titik ng
tamang sagot.
1. Ang lungsod ng Tigbao ay isa sa mga lugar ng Zambonga del Sur na
progresibo, may mga pamilihan at palengke na ang lungsod at halos
sementado na ang mga kalsadang sakop nito.
A. Ang Progresibong Lungsod ng Tigbao
B. Ang Tigbao
C. Ang lungsod ng Tigbao
D. Wala sa nabanggit
2. Ang Covid-19 vaccine ay nakakatulong para hindi madaling mahawaan
ang tao sa sakit na Corona Virus na kumakalat ngayon.
A. Ang Vaccine
B. Ang Corona Virus
C. Ang Covid-19 Vaccine
D. Mga sakit na Kumakalat
3. Si Nonoy ay matagal ng naninirahan sa bundok, kahit sa bundok siya
nakatira marami siyang mga pananim at mga alaga para matustusan
ang kanyang pamilya. Masagana sa pagkain ang kanyang pamilya at
minsan iniluwas nila ang sobrang produkto sa lungsod at nagkakapera pa
siya
A. Ang Bundok at si Nonoy
B. Ang mga produkto
C. Ang Masaganang Buhay sa Bundok
D. Ang kaniyang pamilya
4. Panganay na anak si Marcos. Sa murang edad tumulong siya sa
kanyang mga magulang sa paghahanab buhay. Sa pagpasok sa
eskwela bibit niya ang mga kakanin na gawa kanyang ina at kanyang
itininda . Di lang siya Responsable kundi Matalino din siya kaya sa
katunayan nagunguna siya palagi sa kanilang klase.
A. Ang batang si Marcos
B. Ang Responsableng Bata na si Marcos
C. Si Marcos
D. Ang mga Paninda
5. May mga tradisyon tayong mga Pilipino na magdiriwang ng kapistahan,
ito ay bilang Pasasalamat natin sa ating Patron sa biyayang
natatanggap. Mayroon ding bayanihan na kung saan naipapakita ang
pakikiisa at pagtulong-tulongan.
A. Ang Kapistahan
B. Ang pagtulong-tulangan
C. Ang mga Pilipino
D. Ang Tradisyon ng mga Pilipino

Pagninilay/ Reflection:
1. Bakit mahalagang tukuyin ang paksang napakinggan
sa kwento,talata o usapan?

2. Ano ang maari mong gawin sa iyong mga natutunan sa aralin?

-
IV. Susi ng Pagwawasto

Gawain 1
Ang Dakilang Propagandista
Ang sakripisyo ng ina
Ang Scouting
Ang Gawain sa Bukid
Ang paglipat ng pabriga sa lalawigan
Gawain 2
A
B
C
B
D

Pagninilay/ Reflection
1. -Para madaling maunawaan
- Para mabigyang ideya ang mambabasa sa isang
kwento,talata o usapan
2. –maibahagi sa klase
- gamitin sa pang- araw-araw na buhay

Inihanda ni: NANCY A.


ENDRINA
Pangalan ng Guro

TIGBAO CENTRAL ELEM. SCHOOL


Paaralan

Address: Provincial Government Center, Dao,


Pagadian City Strengthening
Telephone No.: (062) 214 – 1991 Unequivocal
E-mail Address: depedzambosur@gmail.com Response for
Website: www.depedzambosur.info Excellence

You might also like