You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IX – Zamboanga Peninsula
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBOANGA DEL SUR
Dao, Pagadian City
Learning Activity Sheet (LAS)
Asignatura at Lebel: Filipino Baitang 5
Blg. Ng Markahan. 2 Blg. Ng Linggo 3

I. Pangunahing Impormasyon (Mag-aaral at Materyal)

Pangalan___________________________________Iskor:_______
Seksiyon:____________________________________Petsa:______

Pamagat:: Simpleng patalastas at simpleng islogan.

Kasanayang Pagkatuto at Koda:


1. Nakasusulat ng simpleng patalastas at simpleng islogan.
( F5PU-IIIa-b-2.11, F5PU-IIIb-2.11 )
Layunin : Pagsulat ng simpleng patalastas at simpleng islogan.

Retrieved from https://brainly.ph>question Youtube (Ano ang Islogan by Sir


Juan Malaya)
https://www.youtube.com/watch?v=yIXOrlU9Dyg

Lalunio, Lydia P., Francisca G. Ril, Hiyas sa Wika, Filipino 5,


Edisyon 2010, pp 192-19.

II. Susing Konsepto at Mga Halimbawa

Araw-araw ay nakakakita tayo, nakababasa o kaya’y nakaririnig ng mga patalastas sa


telebisyon, pahayagan o sa ating paaralan at maging sa ating barangay. Ang mga patalastas
minsan ang nagiging dahilan kung bakit binibili natin ang isang produkto. Dahil sa mga babala
tayo ay nakapaghahanda o kaya’y nabibigyan ng sapat na impormasyon para sa ating
pangaraw-araw na buhay. Ano mga ba ang patalastas? Ito ay isang paraan ng pag-aanunsyo ng
produkto o serbisyo sa pamamagitan ng iba’t ibang anyo ng komunikasyong pang madla. May
dalawang paraan ng presentasyon ng patalastas ayon kay Schultz, (1979). Una, ang Positive
Appeal – ipinapakita ang magandang pangyayari kapag ginamit ang produkto. Pangalawa
naman ay ang Negative Appeal – ipinakikita ang masamang mangyayari kapag hindi ginamit
ang produkto
.
Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Patalastas

1. Kailangang tiyak ang paksa ng isang patalastas.

2. Ang patalastas ay maikling mensahe na nagpapahatid ng mahalagang impormasyon


tungkol sa:
➢ isang produkto
➢ gaganaping palatuntunan/ iba pang gawain
➢ panawagan sa madla
➢ kautusan ng bayan/paaralan
➢ pangangailangan sa hanapbuhay

3. Kapag ito ay patalastas para sa isang produktong ibebenta, gawing maikli lamang ang
deskripsiyon ng produkto. Kailangang masabi sa maikling talata ang kinakailangang
ilarawan tungkol sa produkto.

4. Kailangang maikli ang patalastas at maliwanag ang mensaheng sumasagot sa mga


tanong na Ano, Sino, Saan, Kailan, Bakit, Paano.

5. Upang maging maayos ang pagsulat ng patalastas, gamitin nang wasto ang mga
sangkap sa pagsulat gaya ng malaking titik, bantas, pasok at palugit.

Halimbawa ng Patalastas

PATALASTAS
IPINAGBIBIGAY ALAM SA LAHAT NG MAGULANG NA SA
ENERO 25, 2023(BIYERNES)
ANG GRADE 5 PEARL AY MAGKAKAROON
NG PAGTITITPON PARA SA
PANGALAWANG HRPTA
SA ATING PAARALAN SA LIMAS ES. HINIHIKAYAT KO NA
LAHAT AY DADALO SA NASABING PAGPUPULONG.

MARAMING SALAMAT PO!

Ano naman ang islogan? Ayon kay Malaya 2020. Ito ay isang di-malilimutang motto o
parirala na ginagamit sa isang lipi, pampulitika, komersyal, relihiyon, at iba pang konteksto
bilang paulit-ulit na pagpapahayag ng isang ideya o layunin na may layuning hikayatin ang
mga miyembro ng publiko o isang mas tinukoy na pangkat ng tao.

Halimbawa:

“Kung Walang Corrupt, Walang Mahirap” (Pampulitika na islogan)

“Bida ang Saya” (Islogan ng Jolibee)

Ang islogan o logo ay maaari ring parirala o maikling pangungusap na naglalarawan


o nagpapaliwanag ng isang tema o isang paksa.

Mga Hakbang sa Pagbuo ng Islogan

1. Gawing maikli – binubuo ng 5 hanggang labinglimang salita, mas maikli mas mainam.
Halimbawa: “Nasa Diyos ang Awa, Nasa Tao ang Gawa.”

2. Gumamit ng ritmo(rhyme) o tugmaan.


Tingnan ang halimbawa sa ibaba, magkatugma ang salitang magalang at magulang.
Halimbawa: “Ang Batang Magalang, Karangalan ng Magulang.”
2
3. Ang kaisipan o ideya ay dapat may kaugnayan sa paksa.
Halimbawa:
Paksa – Pagbabago
Islogan – “Ang Tanging Permanente sa Mundo ay ang Pagbabago.”

May mga islogan na purong salita lamang ang ginamit at ang ilan naman ay sinasamahan
ng larawan. Kapag sinasamahan ng larawan, ito ay tinatawag na poster islogan.

Wikang Filipino Ating Tangkilikin,


Tuwina’y Gamitin
Ipagmalaki Natin.

III Pamamaraan: Mga Gawain /Gabay na Tanong

Panuto: Upang lalong malinang ang iyong kakayahan, ang mga gawain sa ibaba ay
sadyang inihanda para sa iyo. Sagutin ito nang maayos.

Gawain 1
Panuto: Isulat sa kahon ang hinihinging mahahalagang detalye para sa pagbuo ng
patalastas mula sa sitwasyon sa ibaba.

Sitwasyon:

Dadalaw sa inyong bayan si Coco Martin ang sikat na artista, para magdaos ng
libreng concert bilang pasasalamat sa mainit na pagtangkilik sa kaniyang programa sa
telebisyon na “Ang Probinsiyano” sa Enero 24, 20203. Gaganapin ang kaniyang Concert sa
Municipal Covered Court na magsisimula sa ganap na 8:00 ng gabi. Ang lahat ay
inaanyayahang dumalo.
Gawain 2
Panuto: Punan ng angkop na salita ang bawat patlang upang makabuo ng islogan.

1. “Ang Batang Matapat, Biyaya ang _______________________________________.”

2. “Tayo’y Magkaisa, Labanan ang Kahirapan nang Makamit ang


____________________________________

3. Pagninilay na mga Tanong /Refleksiyon Questions

1. Ano ang kahalagahan ng patalastas?


________________________________________________________________________
2. Ano ang kaibahan ng patalastas sa
slogan?______________________________________

Gawain 3

Gumawa ng islogan batay sa ibinigay na paksa. Isulat and iyong islogan sa kahon.
Paksa: Pagkakaisa
Refleksiyon

1. Ano ang kahalagahan ng patalastas?

_________________________________________________________.
2. Ano ang kaibahan ng patalastas sa
slogan?___________________________________________________________
___________________________________________________________

Susi ng pagwawasto:

Gawain 1
1. Ano – Libreng Concert ng Pasasalamat ni Coco Martin
2. Saan – Municipal Covered Court ng Bayan
3. Kailan- Enero 24, 20203 sa magsisimula sa ganap na 8:00 ng gabi

Gawain 2 –
1. Katapat
2. Kaunlaran

Gawain 3 –
(Tingnan ang Rubriks bilang batayan sa pagbibigay puntos)

Inihanda ni: WILMA L. MORALES


Teacher III

Limas Elementary School


Paaralan

You might also like