You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IX – Zamboanga Peninsula
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBOANGA DEL SUR
Dao, Pagadian City

Learning Activity Sheet (LAS)


Asignatura at Lebel: Filipino Baitang 5
Blg.ng Markahan. 2 Blg.ng Linggo 3

I. Pangunahing Impormasyon( Mag-aaral at Materyal)

Pangalan: Iskor:
Seksiyon: Petsa:
Pamagat: Nasaksihan o Naobserbahang Pangyayari
Kasanayang Pagkatuto at Koda:
a.Naibabahagi ang isang pangyayaring nasaksihan
o naobserbahan.(F5PS-Id-3.1)
1. Natutukoy ang isang pangyayaring nasaksihan o naobserbahan.

Sanggunian: Department of Education, Most Essential Learning


competencies(2020)
https://quizizz.com/admin/quiz/60a0e41044ed8b001e1901f7/tukuyin-kung-
tama-o-mali-ang-mga-sumusunod-na-pahayag
Mula sa Aklat Aggardo, Patricia Jo C. et. al. Alab Filipino. Quezon City.
Vibal Group
II.Susing Konsepto at Mga Halimbawa
Lahat tayo ay may mga pangyayaring nasaksihan o naobserbahan, masama
man o mga
magandang pangyayari. Dito nasasanay o nahuhubog ang ating talento sa
pagobserba ng isang pangyayari. Ito ay tumutukoy sa pag-uulat kung kailan o
paano ito nangyari. May iba’t-ibang mga pangyayari na maaari nating ibahagi sa
iba o sa pangkalahatan. Ang pagbabahagi ng mga pangyayari ay malaking
tulong upang mapaghandaan ang kahit anong posibleng maging sanhing
problema.

III. Pamamaraan/Mga Gawain/ Gabay na


Tanong Gawain I
Panuto: Batay sa nasaksihan natin, lagyan ng tsek (√) ang patlang bago ang bilang
kapag ito’y ginagawa natin habang may bagyo.
1. Manatiling kalmado sa loob ng bahay at mag-abang ng mga balita.
2. Lumabas at mamasyal sa kapitbahay.
3. Huwag lumusong sa baha upang maiwasan ang mga sakit na dala nito.
4. Hangga’t maaari, lumayo sa mga babasaging bintana.
5. Magpalipad ng saranggola habang malakas ang hangin.
Gawain 2
Panuto: Tukuyin kung Tama o Mali ang mga sumusunod na pahayag. Isulat sa
patlang ang inyong sagot.
1. Sa pagbabahagi ng mga pangyayaring nasaksihan,laging tandaan na
ito ay dapat batay sa iyong karanasan at di galing sa opinion ng iba.
2. Ang pagbahagi ng pangyayaring nasaksihan ay isang paraan
ng kumunikasyon maaring isagawa nang pasalita at pasulat.
3. Dagdagan ang impormasyong ibahagi sa iba kahit hindi totoo
upang maging makatotohanan ang iyong sinasabi.
4. Bago magbahagi, tiyaking tama at sapat ang mga detalye
o impormasyon na ibibigay.
5. Huwag dagdagan ang nasaksihang pangyayari bagkus
pawing katotohanan lamang ang dapat ibahagi

Gawain 3
Panuto: Suriin ang mga larawan at tukuyin ang mga mahahalagang impormasyon
na nasaksihang pangyayari.Bilugan ang titik ng tamang sagot.

A. Ang batang lalaki ay naghuhugas ng kamay


1.
para makaiwas sa sakit.
B. Ang batang babae ay nakasuot ng
Facemask at Faceshield.
C. Hindi naghuhugas ng kamay ang batang lalaki.

2.
A. Ang mga bata ay nanood ng DEPED TV .
B. Ang mga bata ay mahimbing na natotolog.
C. Ang mga bata ay masayang naglalaro

3. A. Si nanay ay kumuha ng module sa paaralan para sa


kanyang anak.
B. Si nanay ay naglalaba ng mga damit.
C. Si nanay ay naglilinis ng silid aralan.

4. A. Ang mga bata ay nagbubunot ng damo sa


kanilang Bakuran.
B. Ang mga bata ay nag lalaro sa damohan.
C. Ang mga bata ay umaakyat sa punong kahoy.
5. A. Ang mga bata ay tumatakbo .
B. Ang mga bata ay kumakain.
C. Ang mga bata ay nagbabasa.

Pagninilay/Repleksiyon
1. Ano ang natutunan ko?

2. Bakit mahalaga ang pagbabahagi ng mga pangyayaring nasaksihan o


naobserbahan?

IV. Susi ng Pagwawasto

Gawain 1 Gawain 2 Gawain 3


1. / 1. Tama 1. A
2. 2. Tama 2. C
3. / 3. Mali 3. A
4. / 4. Tama 4. A
5. 5. tama 5. c

Pagninilay

- Dahil ito ay tumutukoy sap ag-uulat kung kalian ang mga


pangyayari ay kailangan ibahagi o ipahayag.
- May ibat-ibang mga pangyayari na maari nating ibahagi sa iba
o sa pangkalahatan

Inihanda ni:

NELY JANE P. INIEGO


Teacher -1

Address: Provincial Government Center, Dao,


Pagadian City Strengthening
Telephone No.: (062) 214 – 1991 Unequivocal
E-mail Address: depedzambosur@gmail.com Response for
Website: www.depedzambosur.info Excellence

You might also like