You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IX – Zamboanga Peninsula
School Division of Zamboanga Del Sur
Dao, Pagadian City

Learning Activity Sheets (LAS)


Asignatura at Lebel: Filipino 5
Blg. Ng Markahan. Kwarter 2. Blg. Ng Linggo 1

I. Pangunahing Impormasyon (Mag-aaral at Materyal)

Pangalan_______________________Iskor:_______
Seksiyon:_______________________Petsa:______

Pamagat: Impormasyon mula sa binasang teksto

Kasanayang Pagkatuto at Koda: Naitala ang mga impormasyon mula sa binasang teksto
F5EP-lla-f-10)

Layunin: Pagtatala ng mga impormasyon mula sa binasang teksto ( F5EP-lla-f-10)


Sanggunian: Department of Education, Most Essential Learning competencies(2020)
1.https://www.youtube.com/watch?v=cDvNWg_DRkk
2.htpps://lrmds.deped.gov.ph

II.Susing Konsepto at Mga Halimbawa


Ang Pagtatala ng impormasyon mula sa binasang teksto ay mabisang paraan upang
matandaan ang mga mahahalagang detalye sa binasa.Ito ay makatutulong upang mapadali
ang pag-unawa at pagsagot sa bawat katanungan.
Impormasyon- Ang impormasyon ay tumutukoy sa mahahalagang kaalaman o konsepto
tungkol sa isang ganap na tao,bagay,lugar o pangyayari.Ito rin ay mahalagang detalye may
basehan,batayan,kahulugan at konteksto
Pagtatala-Ang ibig sabihin ng pagtatala ay ang pag-iisa-isa ng mahahalagang impormasyong
kinalap o kinuha sa iba’t ibang sanggunian
Halimbawa ng mga kagamitan na pwedeng pagkukunan ng impormasyon
1. Almanac 4.Aklat 5.Diksyunaryo
2. Atlas 5.Internet

Dengue
Ang Dengue Virus na mula sa lamok ang sanhi ng sakit na Dengue.Bata o
matanda,mayaman o mahirap kapag nakagat ng lamok na may dala ng Dengue Virus,ay tiyak
na dadapuan ng sakit na ito.lubhang mapanganib na kung minsan nauuwi sa kamatayan ng
taong dinapuan nito.
Ang Dengue virus ay naipapasa sa tao sa pamamagitan ng kagat ng babaeng lamok na
Aedes Aegypti.Makikilala ang lamok na ito dahil sa mga putting stripes sa kaniyang mga
binti at sa bandang tiyan at marka sa anyo ng isang lyre sa itaas ng thorax nito.
Ayon sa Department of health,ang Aedes Aegypti ay nangingitlog sa malinis at hindi
dumadaloy na tubig ( stagnant water ).ito ay karaniwang kumakagat mula sa gilid o likod na
tao.buong araw itong nangangagat pero mas madalas dalawang oras mula sa pagsikat ng araw
at dalawang oras bago sumikat ang araw. Mas dumarami ang lamok na ito kapag tag –ulan
dahil nagkalat ang mga bagay na maaaring pangitlugan.
Mga tanong
1.Ano ang paksa na iyong binasa?
2.Paano naipapasa ang dengue virus?
3.Saan nagmula ang lamok na ito?
4.Ano ang pwede nating gawin sa ating tahanan para masugpo ang lamok na ito?ipaliwanag.

III Pamamaraan ?Mga Gawain/Gabay na tanong.


Gawain I
Panuto: Basahin ang mga pahayag at sagutin ang mga sumusunod na mga tanong.Itala
ang wastong sagot sa ibaba.
Sakit na Nakapaparalisa
Ang Poliomyelitis o mas kilala natin sa tawag na Polio ay isang mapanganib at
nakakahahawang sakit na dulot ng Poliovirus.Ito ay nakapapasok sa katawan ng tao sa
pamamagitan ng bibig.Mabilis itong dumami sa loob ng bituka na siyang nagpapahina sa
pasyente.kapag di naagapan,kumakalat ito sa nervous system at dumaraan sa galugod (spine)
papunta sa utak ng tao na nagiging sanhi ng kaniyang pagkaparalisa o pagkalumpokapag
lumala nang sobra,nauuwi ito sa kamatayan ng may sakit.
Ang Polio virus ay nakukuha sa dumi ng tao.ito ay nakapasok sa katawan at naipapasa sa
ibnag tao.ito ay maaari ring kumalat sa pamamagitan ng pagkain at inumin na kontaminado
ng dumi ng may impeksiyon ng tao.upang maiwasan ang pagkakasakit ng polio,hinihikayat
ng pamahalaan na pabakunahan ang mga bata ng IPV Inactivated Polio Vaccine para
mahadlangan ang pagpasok ng Poliovirus.
1.Tungkol saan ang binasa?
Sagot:_____________________________
2.Ano ang sakit na ito?
Sagot: _____________________________
3.Paano nakukuha,naipapasa o nakahahawa ang sakit na polio?
Sagot:_________________________________________
4.Paano maiiwasan ang sakit na polio?
Sagot:_____________________________________________________
5.Ano ang ibig sabihin ng IPV?
Sagot:______________________________________________________
Gawain II
Panuto: Sumulat ng limang mahalagang impormasyon tungkol sa binasang teksto.Itala
ang sagot sa ibaba.
Isang Pangkaraniwang Gulay
Isang pangkaraniwang bunga ng gulay ang upo. Isinasangkap ito sa mga lutuin ,isinasama ito
sa mga isda o karne at iba pang mga gulay.Ginagawang ensalada ang talbos nito.Dalawa ang
uri ng upo,ang pahaba at ang pabilog.alinmang uri ay may kulay na berde o puti.Nagagawang
sombrero ang pinatuyong bilog na upo.Inuukit ang laman nito,nilalagyan ng disenyo at
palamuti at ipinagbibili.Mabiling-mabili ito sa mga turista.bagaman napakadaling itanim ang
upo,kung minsan ay wala ring mabili nito sa mga pamilihan.Tumutubo lamang ito sa lugar na
mababa o may katamtamang taas at may lupang mataba na madaling daluyan ng tubig.Inaani
ang bunga nito habang hindi pa gaanong magulang.
1._____________________________________________ 4._______________________
2._____________________________________________ 5._______________________
3._____________________________________________
PAGNINILAY
1.Bakit mahalaga ang pagtatala ng impormasyon mula sa binasang teksto?
Ipaliwanang ang sagot.

IV. Susi ng pagwawasto


Gawain I
1. Tungkol sa sakit sa polio
2. Ito ay isang mapanganib at nakahahawang sakit na dulot ng Poliovirus
3. Ito ang nakukuha sa dumi ng tao.ito ay maaari ring kumalat sa pamamagitan ng pagkain at
inumin na kontaminado ng dumi na may impeksiyon na tao.
4. Kailangan magpabakuna ng Inactivated Polio Vaccine IPV)
5. Inactivated Polio Vaccine
Gawain II
1.Dalawang uri ng upo pahaba at pabilog.
2.kulay berde at puti
3.Nagagawang sombrero ang pinatuyong bilog na upo.
4.Inuukit ang laman nito.nilalagyan ng disenyo at palamuti.
5.Tumutubo lamang ito sa mga lugar na mababa o may katamtamang taas at may lupang
mataba na madaling daluyan ng tubig.

1. Ito ay nakakatulong upang mas higit na maintindihan at madaling matandaan ang


mahalagang detalye, at mapadali ang pag-unawa at pagsagot.

Inihanda ni:
Ninia Marie C.Albatera
Teacher –III
Diana Countryside E/S

You might also like