You are on page 1of 6

SANAYANG PAPEL SA PAGKATUTO

KWARTER 4- IKALAWANG LINGGO

Pangalan: ____________________________________ Petsa: ______________


Asignatura/ Antas: Filipino 5

Kumusta ka na? Binabati kita at


matagumpay mong natapos ang nakaraang aralin.
Ngayon ay pag-aaralan naman natin ang tungkol sa
iba’t ibang uri ng pangungusap ayon sa gamit ng
mga ito.

Handa ka na bang malaman kung


ano-ano ang apat na uri ng
pangungusap?

Ang mga sumusunod ay ang apat na uri ng pangungusap:


1. Pasalaysay- ito ay pangungusap na nagsasalaysay o nagbibigay ng impormasyon at
kaalaman.Nagtatapos ito sa tuldok (.)
Halimbawa: Pinangunahan ng Kapitan namin sa barangay ang pagpapabakuna laban sa
COVID-19.

2. Patanong – ito ay pangungusap na nagtatanong o humihiling ng kasagutan. Ito ay


nagtatapos sa tandang pananong (?)
Halimbawa: Tapos ka na bang magpabakuna?

1
3. Pautos- ito ay pangungusap na nag-uutos o nakikiusap. Nagtatapos ito sa tuldok (.)
Halimbawa: Pakikuha ng walis sa ilalim ng mesa.

4. Padamdam- ito ay pangungusap na nagsasasad ng matinding damdamin tulad ng


tuwa,lungkot,pagkagulat at iba pa. Nagtatapos ito sa tandang padamdam (!)
Halimbawa: Saklolo! Tulungan ninyo ako!

II. KASANAYANG PAMPAGKATUTO (MELCs)


Nagagamit ang iba’t ibang uri ng pangungusap sa pagsasalaysay ng napakinggang
balita (F5WG-Iva-13.1)

III.MGA GAWAIN
GAWAIN 1
Panuto:
Isulat sa patlang kung ang sumusunod na pangungusap ay pasalaysay,
patanong, pautos o padamdam.

_____________ 1. Dumarami ang bilang ng mga taong may sakit na COVID-19 sa Pilipinas.

_____________2. Alin ba sa mga bakuna ng COVID- 19 ang mas epektibo?

_____________3. Hinikayat ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na magpabakuna ang lahat


ng mamamayang Pilipino.

______________4. Manatili sa bahay ang mga edad 18 pababa at 65 pataas para


maiwasan ang hawahan ng virus.

_____________5. Naku! Dumarami na ang mga namamatay sa COVID-19 araw-araw.

2
GAWAIN 2
Panuto:
Basahin ng mabuti ang balita. Isulat sa patlang ang uri ng pangungusap na
ginamit sa balita. Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon.

PASALAYSAY PATANONG PAUTOS PADAMDAM


Ayon sa balita ng GMA 24 Oras, posible umanong umabot sa isang milyon ang mga
kaso ng COVID-19 sa Pilipinas bago matapos ang Abril sa harap ng pagdami ng nahahawahan ng
virus, ito ay ayon pa rin sa OCTA Research Group. Sa inilabas na ulat nitong Lunes, sinabi ng
grupo ng mga eksperto na sumusubaybay sa mga kaso ng COVID-19 sa bansa, bagaman
bumagal ang hawahan sa Metro Manila dahil sa ipinatupad na mas mahigpit na quarantine,
tumaas pa rin ng 20% ang hawahan na katumbas ng 5,538 daily new cases sa nakalipas na mga
linggo.

Nitong linggo, iniulat ng Department of Health na 795,051 na ang COVID-19 cases


sa bansa, kasama na ang 646,100 na gumaling at 13,425 na nasawi.

Simulan ang pagsagot dito:


__________1. Posible umanong umabot sa isang milyon ang mga kaso ng COVID-19
sa Pilipinas.

__________2. Ano nga ba ang dapat gawin ng pamahalaan upang mapigil ang
pagkalat ng virus?

__________3. Magsuot ng facemask at face shield kapag lumabas ng bahay.

__________4. Nitong linggo,iniulat ng Department of Health na 795,051 ang COVID 19


cases.

__________5. Dahil sa mahigpit na ipinatutupad na quarantine, bumagal ang hawahan


ng virus.

3
GAWAIN 3
Panuto:
Gumawa ng 5 pangungusap mula sa balitang inyong napakinggan sa
radyo, telebisyon o sa kapit-bahay. Tukuyin kung ang ginamit na uri ng
pangungusap ay pasalaysay, patanong, pautos, o padamdam.
Isulat ito sa mga linya sa ibaba.

1. _________________________________________________________
2. _________________________________________________________
3. _________________________________________________________
4. _________________________________________________________
5. _________________________________________________________

IV.RUBRIK SA PAGGAWA NG PANGUNGUSAP

Kriterya 5 4 3 2 1
1. Naisulat ang mga
pangungusap na
Pasalaysay, Patanong,
Pautos at Padamdam ng
may kaugnayan sa mga
balita.
2. Tamang paggamit ng mga
bantas sa bawat uri ng mga
pangungusap.

5- Pinakamahusay
4- Mahusay
3- Katanggap-tanggap
2- Mapaghuhusay pa
1- Nangangailangan pa ng mga pantulong na pagsasanay

Note: Pagpupuntos: Kabuoang puntos = Puntos


Bilang ng aytem

4
IV. SUSI SA PAGWAWASTO

GAWAIN 1
1.PASALAYSAY

2.PATANONG

3.PASALAYSAY

4.PAUTOS

5.PADAMDAM

GAWAIN 2
1.Pasalaysay
2. Patanong
3.Pautos
4.Pasalaysay
5.Pasalaysay

GAWAIN 3
1-5 Depende sa sagot ng mag-aaral.
Gamitin ang Rubriks sa pagpupuntos.

5
VI. SANGGUNIAN
K to 12 Most Essential Learning Competencies(MELCs)(F5WG-Iva-13.1)
Alab Manual ng Guro p.161-162
Alab Batayang Aklat ng mag-aaral p.172-173
Balita mula sa GMA 24 Oras (April 15, 2021)

Inihanda ni:

IMELDA B. RADAN
Dalubguro I
Paaralang Elementarya ng Taguilid
Purok Timog Claveria

Isinaayos ni: Tagalapat:

EMELIA A. ALMOGUERRA GEORGE O. BABASA


Dalubguro II Guro III
Paaralang Elementarya ng Taguilid Paaralang Elementarya ng Buyo

BRENDA B. BABASA
Guro II
Paaralang Elementary ng Buyo

Sinuri nina:

GODOFREDO L. ALMOGUERRA JR HEDELIZA M. BOLANTE


Punong Guro I Punong Guro II
Paaralang Elementarya ng Mabiton Tagamasid Pampurok
Purok Timog Claveria

Sa Pamamatnubay ni:

RUDYARD C. BALACANO
EPS-Filipino

You might also like