You are on page 1of 5

DAILY School Gawaran Elementary School Grade Level Two

LESSON Teacher Janice P. Felix Week W8/D2


PLAN Date October 17, 2023 Tuesday Quarter I

FILIPINO 2
9:30-10:20

I. Layunin:
A. Napahahalagahan ang kaibahan ng parirala at pangungusap gamit ang tamang bantas.
B. Nakasusulat ng parirala at pangungusap na may gamit ng tamang bantas.
C. Natutukoy at nasisipi nang wasto at malinaw ang pagkakaiba ng parirala at pangungusap gamit ang
tamang bantas.

II. Paksa: Pagsulat ng Parirala at Pangungusap Gamit ang Tamang Bantas


Kasanayan: Pagsasalita, Pagbabasa, Pakikinig, Pagsusulat
Kagamitan: tv, laptop, ppt, tsart
Sanggunian: MELC PIVOT4A-BOW p.30, Modyul sa Filipino 2, pp. 34-37, SDO Pasig Filipino Module pp. 1-12
Pagpapahalaga: Pagpapahalaga sa kalusugan
Pagsasanib/Integrasyon:
Withiin Curriculum: Filipino - Napagyayaman ang talasalitaan sa pamamagitan ng paghanap ng
maikling salitang matatagpuan sa loob ng isang mahabang salita at bagong
salita mula sa salitang-ugat F2PT-Ic-e-2.1
Across Curriculum: Edukasyon sa Pagpapakatao – Naisakikilos ang mga paraan ng pagpapanatili ng
kalinisan, kalusugan at pag-iingat ng katawan. EsP2PKP- Id – 11
Mother Tongue - Differentiate sentences from non-sentences MT2GA-Ig-4.1
Mathematics - Reads and writes numbers up to 1 000 in symbols and in words.
M2NS-Ic-9.2
Literasi – Nababasa ang mga parirala.

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1.Gawain bago magsimula ang klase
a. Panalangin
b. Pagpapaalala sa Health & Safety Protocols
c. Pagtatala (Checking of Attendance)
e. Tuntunin sa silid-aralan
i. Maging positibo
ii. Maging magalang
iii. Maging produktibo
iv. Maging handa
v. Magkaroon ng respeto
f. Balik-aral
Integration Withiin Curriculum: Filipino - Napagyayaman ang talasalitaan sa pamamagitan ng
paghanap ng maikling salitang matatagpuan sa loob ng isang mahabang salita at bagong salita
mula sa salitang-ugat F2PT-Ic-e-2.1
Panuto: Basahin at hanapin ang salitang-ugat sa mahabang salita.
____________1. nakakatuwa
____________1. magaling
____________3. mapayat
____________4. kumikinang
____________5. maglalaba
g. Drill/Pagsasanay
Literasi sa Filipino
Integration Across Curriculum: Literasi – Nababasa ang mga parirala.
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na parirala.
1. lipon ng mga salita
2. buong diwa ng pangungusap
3. nagtatapos sa tuldok
4. pagkakasulat ng parirala
5. diwa ng paksa
2. Pangganyak
Panuto: Tingnan at suriin ang mga sumusunod na larawan. Ano ang masasabi ninyo sa mga larawan
1? arawan 2?

1. 2.

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong.


1. Naranasan na ba ninyo gawin ang nasa unang larawan? pangalawang larawan?
Integration Across Curriculum: Edukasyon sa Pagpapakatao – Naisakikilos ang mga paraan ng
pagpapanatili ng kalinisan, kalusugan at pag-iingat ng katawan. EsP2PKP- Id – 11
2. Paano mo maipapakita ang iyong pag-aalaga sa iyong kalusugan para hindi magkasakit?

B. Gawain sa Pagkatuto
1.Paglalahad
Panuto: Basahin ang Hanay A at Hanay B.

Hanay A Hanay B
1. pisikal na distansiya 1. Sumusunod ang mga tao sa pisikal na distansiya upang
makaiwas sa sakit na COVID-19.
2. nagpapahid ng alkohol 2. Nagpapahid ng alkohol ang bata sa kanyang mga kamay.

Tanong.
1. Ano ang napansin ninyo sa Hanay A?
2. Ano ang napansin ninyo sa Hanay B?
Integration Across Curriculum: Mother Tongue - Differentiate sentences from non-sentences MT2GA-Ig-4.1
3. Ano ang pinagkaiba ng Hanay A sa Hanay B?
Integration Across Curriculum: Mathematics - Reads and writes numbers up to 1 000 in symbols and in words.
M2NS-Ic-9.2
4. Ilang salita ang mayroon sa Hanay A unang bilang? Hanay A pangalawang bilang? Hanay B unang
bilang? Hanay B pangalawang bilang?

2. Pagtatalakay
Integration Across Curriculum: Mother Tongue - Differentiate sentences from non-sentences MT2GA-Ig-4.1
Mga Katanungan
1. Pansinin ang Hanay A, paano isulat ang unang salita? Paano ito nagtapos?
2. Pansinin ang unang salita ng nasa Hanay B, paano isinulat ang unang salita? Paano ito nagtapos?

Hanay A
1. pisikal na distansiya
2. nagpapahid ng alkohol

Ang tawag dito ay parirala.


➢ Ang lipon ng mga salitang ito ay nagsisimula sa maliit na letra.
➢ Hindi ito ginagamitan ng bantas na tuldok
➢ Ito ay lipon ng mga salitang hindi nagpapahayag ng buong diwa.

Hanay B
1. Sumusunod ang mga tao sa pisikal na distansiya upang makaiwas sa sakit na COVID-19.
2. Nagpapahid ng alkohol ang bata sa kanyang mga kamay.

Ang tawag sa lipon ng mga salitang may buong diwa ay pangungusap.


Sa pangungusap,
➢ Nagsisimula ang unang salita sa malaking letra.
➢ May tuldok sa hulihan. Ang tuldok (.) ay isang uri ng bantas.
➢ Ito ay may buong diwa o kompleto ang diwang ipinahahayag.
3. Pinatnubayang Pagsasanay
Panuto: Tukuyin ang mga sumusunod kung parirala o pangungusap, sagutin ito sa pamamagitan ng
pagtaas ng inyong response card.

_____ 1. ang nakahahawang COVID-19


_____ 2. Umiwas tayo sa matataong lugar.
_____ 3. Ugaliing uminom ng sapat na tubig.
_____ 4. Palakasin ang katawan nang malabanan ang sakit.
_____ 5. magkasakit nang malubha

4. Ginabayang Pagsasanay
Pamantayan sa Pangkatang Gawain
• Makinig, basahin at sundin ng mabuti ang panuto.
• Pakinggan at igalang ang opinyon ng bawat isa.
• Makipagtulungan, magkaisa at gawin ng tahimik ang takdang gawain.
• Panatilihin ang kalinisan at kaayusan ng lugar na pinaggagawaan.
• Tapusin ang gawain sa itinakdang oras.

Pangkat 1
Panuto: Kulayan ng dilaw ang bituin kung ito ay parirala at kulayan ng pula ang parisukat kung ito
ay pangungusap.

1. ang nakahahawang COVID-19

2. Umiwas tayo sa matataong lugar.

3. Ugaliing uminom ng sapat na tubig.

4. Palakasin ang katawan nang malabanan ang sakit.

5. magkasakit nang malubha

Pangkat 2
Panuto: Tukuyin kung ang lipon ng salita ay parirala o pangungusap. Isulat ang sagot sa patlang.
_____ 1. masipag mag-aral
_____ 2. Masunuring bata si Ben.
_____ 3. Ang paborito kong ulam ay adobo.
_____ 4. pritong itlog
_____ 5. Masarap magluto ang aking ina.

Pangkat 3
Panuto: Dugtungan ng salita ang mga parirala upang maging pangungusap.
1. Ang kaibigan ko ay si ____________.
2. Ako ay nakatira sa _______________________.
3. Namamasyal kami sa _________________.
4. Ang guro namin ay si Gng. ____________
5. Naligo kami sa ____________.

Pangkat 4
Panuto: Magsulat ng tatlong (3) parirala.
1.
2.
3.

Malayang Pagsasanay
Panuto: Iguhit ang tatsulok kung pangungusap at bilog kung parirala.

_______1. Manatili tayo sa loob ng ating tahanan.


_______2. masunuring bata
_______3. Ang nakahahawang sakit ay nakababahala.
_______4. Ang gatas ay pampatibay ng buto.
_______5. sapat na pahinga
5. Paglalahat
Ano ang pinagkaiba ng parirala at pangungusap?

Ang parirala ay lipon ng mga salita na hindi nagpapahayag ng buong diwa. Hindi ito ginagamitan ng bantas
at nagsisimula sa maliit na letra.

Ang pangungusap naman ay lipon ng mga salita na nagpapahayag ng buong diwa. Nagsisimula ang
unang salita sa malaking letra at nagtatapos sa tuldok.

C. Pagtataya
Panuto: Basahin ang mga salita sa ibaba. Kilalanin ang lipon ng mga salita at isulat ang PR kung ito ay
parirala at PN naman kung pangungusap. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

D. Takdang Aralin
Adapted and used culturally appropriate teaching strategies to address the needs of learners from
indigenous groups.
Panuto: Gumawa ng sariling pangungusap gamit ang mga sumusunod na parirala. Gawin ito sa iyong
kuwaderno.
a. sayaw na Karakol
b. banda at musiko sa Bacoor
c. halo-halo sa Digman
d. tulay ng Zapote
e. si Padre Mariano Gomez

Item No. of Pupils


5
4
3
2
1
0
Total %
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng
80% sa pagtataya.
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang gawain
para sa remediation.
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng
mag-aaral na nakaunawa sa aralin.

D. Bilang ng mga mag-aaral na


magpapatuloy sa remediation?
E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo ang
nakatulong ng lubos? Paano ito
nakatulong?

F. Anong suliranin ang aking naranasan na


solusyunan sa tulong ng aking punongguro
at superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang aking
nadibuho na nais kong ibahagi sa mga
kapwa ko guro?

Prepared by: Checked by: Noted:

JANICE P. FELIX MARITES S. INOVERO BENITA R. BORROMEO Ed


Teacher I Master Teacher I Principal IV

You might also like