You are on page 1of 5

LESSON School SUNNY BROOKE ELEMENTARY SCHOOL Grade Level ONE

EXEMPLAR
Teacher Learning FILIPINO
Area

Teaching Date FEBRUARY 16, 2021 Quarter SECOND

Teaching Time 1:00 - 1:45 No. of Days 1 DAY

Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


I. OBJECTIVES
A. Matukoy ang mga pantig at ang bilang ng pantig na bumubuo sa isang salita
B. Mabasa at mapantig ang salita at masabi kung ilang pantig ang bumubuo sa salita
C. Mapahalagahan ang pagkain ng masusustansyang pagkain

Pagbasa at Pagbilang ng Pantig


A. Most Essential
Learning
Competencies

Wastong pagbaybay ng salita


B. Enabling
Competencies

Pagbasa at Pagbilang ng Pantig sa mga Salita


II. CONTENT

III. LEARNING
RESOURCES

A. References

K-12 Gabay ng Guro sa Filipino pahina


· Teacher’s Guide
Pages

PIVOT 4A Modyul sa Filipino I, pahina 29-31


· Learner’s
Material Pages

Bumasa at Sumulat pahina 80-83


· Textbook Pages

· Additional
Resources from
Learning
Resources

Mga larawan mula sa www.google.com,


· Other Learning video mula sa www.youtube.com
Resources

Mga larawan, activity sheets


B. List of
Learning
Resources for
Development
and
Engagement
Activities

IV. PROCEDURES

Review:
A. Introduction
Piliin ang wastong baybay ng pangalan ng bagay o hayop na nasa larawan
(See pictures in the Slide Deck/Presentation)

Sabihin: Sa araw na ito, ating pag-aaralan ang pagbasa at pagpapantig ng mga salita. Bago
iyon, pakinggan at sabayan muna natin ang awiting “Bahay Kubo”. (Ipanood ang video ng
bahay kubo habang sinasabayan ng pag-awit)

Tungkol saan ang awitin?


B. Development
Ano-anong halaman ang nabanggit sa awitin?
*Ano ang napansin ninyo sa tono ng awitin? Magkakatulad ba ang tono sa awitin? Alin ang
may mataas na tono? Alin ang may mababa? Paano natin malalaman ang taas o baba ng
tono? Bakit kailangang maawit nang wasto ang isang awitin?
Sabihin ang pangalan ng halaman na nabanggit sa awitin na ipinapakita sa larawan:
(larawan ng ampalaya, kalabasa, kamatis, talong, sitaw, upo, etc.)

**Nakakain na ba kayo ng mga gulay na nabanggit sa awitin? Ano ang kahalagahan ng


pagkain ng gulay? Nakatutulong ba ito sa ating katawan at kalusugan? Paano?
***Paano natin maipapakita ang pagpapahalaga sa mga halaman sa ating paligid?
Magbigay ng halimbawa ng pamamaraang nagpapakita ng pagpapahalaga at
pangangalaga sa mga halaman.
****Alin-alin sa mga gulay na nabanggit sa awitin ang nakikita ninyo sa ating pamayanan?
Alin sa mga halaman na nabanggit ang nakikita ninyong itinitinda sa mga palengke
sainyong komunidad?
Pag-aralan ang wastong pagpapantig sa mga salita.

u-po
ka-la-ba-sa
am-pa-la-ya
Ka-ma-tis

Paano pinantig ang salita? Paano mapapantig nang maayos ang mga salita? Anong
simbolo ang ginagamit sa pagpapantig ng mga salita?

*Integrasyon ng Musika
** Integrasyon ng Health
***Integrasyon ng ESP(Pagka-makakalikasan)
****Lokalisasyon at kontekstwalisasyon: Paggamit ng mga halimbawa ng gulay na pamilyar
o kadalasang nakikita ng mga bata sa kanilang paligid.

Pagsasanay # 1::
C. Engagement Pantigin ang mga sumusunod na salita. (Recitation)
1. kalabasa
2. luya
3. patola
4. sayote
5. alaga
6. bahay
7. paaralan
8. palaruan
9. aklat
10. papel

Pagbilang ng Pantig na Bumubuo sa Salita


Suriin kung paano pinantig ang mga salita:

sabon sa-bon
Pilipinas Pi-li-pi-nas
alcohol al-co-hol
mask mask
malusog ma-lu-sog
katawan ka-ta-wan
virus vi-rus
bakuna ba-ku-na
Cavite Ca-vi-te

Ilang pantig ang bumubuo sa mga salita?


Ang sabon ay may 2 pantig
Ang Pilipinas ay may 4 pantig
Ang alcohol ay may 2 pantig
Ang mask ay may 1 pantig

*Ano ang napansin ninyo sa mga salitang Pilipinas at Cavite?


*Bakit ginamitan ito ng malaking titik?
*Ano ang tawag sa mga pangngalang nagsisimula sa malalaking titik?
*Ano naman ang tawag sa mga pangngalang nagsisimula sa maliliit na titik?
**Ano ang masasabi mo sa bilang ng pantig ng salitang Cavite at ng salitang mask?
**Paano mo naman paghahambingin ang bilang ng pantig sa salitang sabon at bakuna?
**Paano mo naman maihahalintulad ang bilang ng pantig ng salitang alcohol sa pantig ng
salitang bakuna?
****Ano ang napansin ninyo sa mga salitang ginamit sa halimbawa? Ano ang kinalaman ng
mga salitang ito sa kasalukuyang panahon?
****Ano ang naidulot ng pandemya sa ating pamumuhay?
Ano ang mga gawain na kadalasan nating ginagawa sa tinatawag na new normal?
****Ano ang epekto nito sa inyo bilang mga mag-aaral?
****Sa paanong paraan kayo natututo sa panahon ng pandemya?
*Integrasyon ng MTB-MLE (Pangngalang Pantangi at Pambalana)
**Integrasyon ng Mathematics (Paghahambing ng mga bilang gamit ang “mas kaunti”, “mas
marami” at ‘magkasing-dami” na naituro noong 1st quarter)
***Pagsasanay # 2: Pantigin at sabihin ang bilang ng pantig na bumubuo sa mga
sumusunod na salita.
1. pulis
2. nars
3. doktor
4. gamot
5. pagamutan
6. ambulansya
7. quarantine
8. bakuna
9. Corona
10. kalusugan
***Integrasyon ng ICT: Ang mga bata ay magsasagot sa pamamagitan ng Group Chat sa
Google Meet upang makita ng guro ang kanilang mga kasagutan.
****Kontekstwalisasyon: Paggamit ng mga salitang napapanahon na kadalasang naririnig
ng bata sa usapan man o sa mga balitang napapanood
#Objective no. 5: (Integrasyon ng pandemya na kinakaharap ng buong mundo)

D. Assimilation Paano hinahati ang mga salita?


Ano ang tawag sa paghahati ng mga salita?
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1:
Pantigin ang mga sumusunod na salita. Isulat ang sagot sa papel o kwaderno.
1.doktor
2.gulay
3.prutas
4.gamot
5.ligtas
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2:
Isulat ang bilang ng pantig na bumubuo sa mga sumusunod na salita.
1. talong
2. kamatis
3. sibuyas
4. sitaw
5. mustasa
Karagdagang Gawain / Takdang Aralin
Magtala ng limang salita na may dalawang pantig.
Magtala ng limang salita na may tatlong pantig.

V. REFLECTION
Inihanda ni:

AILYN S. ROBRIGADO

Teacher I

You might also like