You are on page 1of 2

Banghay Aralin sa Filipino III

Marso 28, 2023

I. Layunin
1) Maipapahayag kung ano ang kahulugan ng pandiwa.
2) Magagamit ang mga salitang kilos sa pagtalakay ng iba’t ibang Gawain sa
tahanan, paaralan, at pamayanan.
3) Magiging masunorin na mamamayang Pilipino.

II. Paksang Aralin


Paksa: Pandiwa
Sangunian:
 https: k12resources.files.wordpress.com/2014/06/filipino-3tg-draft-4-
10-2014.pdf
Kagamitan: Imahe
Stratehiya: Gawaing pang-grupo

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pagsasanay
Magpapakita ng imahe at ipapasuri ito sa mga mag-aaral.
Tanong:
Ano-ano ang mga ginagawa nila sa larawan?
2. Pagbabalik Aral
Magbigay ng salitang kilos.
3. Pagganyak
Ano-ano ang mga ginagawa sa tahanan, paaralan at pamayanan?

B. Panlinang sa Gawain
1. Gawain
Ipasuri ang larawan. Pagawain ang mga bata ng pangungusap tungkol
sa kilos ng bawat kasapi ng mag-anak sa larawan.

Tanong:
Ano ang tawag sa mga salitang ito?
2. Pagtatalakay
Tanong:
 Sino-sino kaya ang kasapi ng pamilya?
 Ano ang gonagawa ng bawat kasapi? Isulat sa pisara
ang sagot ng mga bata.
 Saan nila ito ginagawa?
 Ano ang dapat nating gawin sa mga tungkulin at Gawain
natin?
 Paano tayo magiging huwaran sa ating sariling tahanan?
Paaralan? Pamayanan?
3. Pagpapahalag
Ano ang pandiwa?

Ang pandiwa o berbo ay bahagi ng pananalita na nagsasaad ng


kilos o galaw. Ito ay tinatawag na verb sa wikang Ingles.

4. Paglalapat
Ilarawan ang ginagawa ng mga bata. Gawan ng isang pangungusap at
bilogan ang Pandiwa o salitang kilos.

IV. Pagtataya
Bilogan ang mga salitang kilos na makikita sa kahon.

Sumasayaw Ako Kumakain Lumalangoy


Ang Tumalon Siya Pumunta
Tumatawa Natutulog Kayo Nagsusulat
Nangyari Lamang

V. Takdang Aralin

Magbigay ng isang salitang kilos na makikita sa itong tahanan at gawan ng


pangungusap.

3 2 1
Wasto at malinaw ang Wasto at malinaw ang Di-malinaw ang
paglalarawan; angkop paglalarawan; di wasto paglalarawan gamit ang
ang mga panghalip na ang paggamit ng pangkasalukuyan;
ginagamit, bantas at bantas at malaking titik angkop ang mga
malaking titik sa sa pangungusap. panghalip; wasto/di-
pangungusap. wasto ang paggamit ng
bantas at malaking titik
sa pangungusap

Gawa ni:
Jelly L. Obas, LPT
Teacher 1-Applicant

You might also like