You are on page 1of 13

East Negros Academy, Inc.

Learning Module for Filipino 5(week 21) Page 1 of 13

EAST NEGROS ACADEMY, INC.

Toboso, Negros Occidental

LEARNING MODULE FOR

FILIPINO 5
NAME OF LEARNER: ____________________________________

Prepared by:
Katherine Joy U. Palabrica
Filipino Teacher

No part of this material may be reproduced, stored in a retrieval system, or transmitted in any form or by any means
(electronic, mechanical, photocopying, recording, or otherwise) without prior written permission from the school.
East Negros Academy, Inc. Learning Module for Filipino 5(week 21) Page 2 of 13

STUDY SCHEDULE
WEEK LEARNING ACTIVITIES
COMPETENCY
March 13-19, 2021  Nagagamit ang Dip:
iba’t ibang uri ng 1. Paggamit Ng
pangungusap sa Iba’t Ibang Uri
pagsali sa isang Ng Pangungusap
usapan (chat) Sa
F5WG-IVf-j-13.6 Pakikipanayam /
 Nakapagbibigay Interview
ng lagom o buod Deepen:
ng tekstong 1. Pagpapangkat
napakinggan Ng Mga Salitang
F5PN-IVg-h-23 Magkakaugnay
 Naibibigay ang 2. Gawain I
mahahalagang 3. Gawain Ii
pangyayari F5PB- 4. Gawain Iii
IVi-14 Do:
 Nagagamit ang 1. Pagsulat Ng Iskrip
iba’t ibang uri ng Para Sa Radio
pangungusap sa Broadcasting At
pakikipanayam/ Teleradyo
pag-iinterview 2. Gawain I
F5WG-IVc-13.5 3. Gawain II
Deepen:
1. Paggawa Ng Iskrip

MODULE 21- PAGGAMIT NG

IBA’T IBANG URI NG
PANGUNGUSAP SA
PAKIKIPANAYAM / INTERVIEW
LEARNING OBJECTIVES
 Pagsasakilos ng Napakinggang Awitin
 Paggamit ng Iba’t ibang Uri ng Pangungusap sa
Pakikipanayam / Interview
 Pagpapangkat ng mga Salitang Magkakaugnay

No part of this material may be reproduced, stored in a retrieval system, or transmitted in any form or by any means
(electronic, mechanical, photocopying, recording, or otherwise) without prior written permission from the school.
East Negros Academy, Inc. Learning Module for Filipino 5(week 21) Page 3 of 13

PRE-ASSESMENT
Panuto: Pagsasakilos ng Napakinggang Awitin
Panoorin at pakinggan ang awit. Lumikha ng mga kilos sa
ilang bahagi nito.
(Pumili ng awit tungkol sa Kapayaan)

________________ _______________
________________ _______________
________________ _______________
________________ _______________
________________ _______________
________________ Pamagat: _______________
_______________
__
________________ _______________
________________ _______________
________________ _______________
________________ _______________
________________ _______________
________________ _______________
_________________
_________________
_________________
_________________
_________________
______________

DIP
Pagtatalakay:PAGGAMIT NG IBA’T IBANG URI
NG PANGUNGUSAP SA PAKIKIPANAYAM /
INTERVIEW

Nagustuhan ng isang script writer ang kuwento ni

Lolo Tasyo at ng kanyang mga kapitbahay kaya nais
No part of this material may be reproduced, stored in a retrieval system, or transmitted in any form or by any means
(electronic, mechanical, photocopying, recording, or otherwise) without prior written permission from the school.
East Negros Academy, Inc. Learning Module for Filipino 5(week 21) Page 4 of 13

nilang makapanayam ang mga ito para makuha ang mga

tunay na pangyayari.
Mahalagang matutuhan ang tamang paraan ng
pagsasagawa ng interbyu o panayam. Bukod sa mga
kaalamang natutuhan sa pagbabasa ng aklat, ang pag-
iinterbyu sa taong nag-aaral o may malaking karansan sa
isang kaalaman ay isang paraan din ng pagkakatuto.

May mga puntos na dapat isaalang-alang sa

pagsasagawa ng interbyu o panayam. Ang mga ito ay:
1. Ipaabot sa nais makapanayam ang paanyaya na
maaaring gawin sa paraang pasulat kung saan
ipinahahayag paksa, petsa, oras at lugar ng gawain o
personal na sadyain para agarang maiayos ang layon.
2. Ihanda ang mga katanungan para sa taong iinterbyuhin
para magkaroon ng kaayusan at pokus ang gawain.
3. Itala ang mga datos o kasagutan sa mga tanong sa
isinasagawang interbyu o gumamit ng recording
devices para makalap nang buo ang proseso ng pag-
iinterbyu.
4. Ipaabot ang pasasalamat sa taong nagpaunlak ng
panayam sa paglalaan ng kanyang panahon at
kaalaman.

Gawain I: Pagsasanay
Panuto: Magsasagawa ng interbyu o panayam sa isang
mag-aaral na may kasamang lolo o lola sa kanilang
tahanan. Ang paksa ng gagawing interbyu o panayam ay
kung paano ipinadarama sa lolo o lola na mahalaga siya
sa inyong pamilya. Sa pagsasagawa ng interbyu o
panayam, gamitin ang iba’t ibang uri ng pangungusap na
napag-aralan noong nakaraang linggo. Isulat sa malinis
na bond paper ang Gawain.

No part of this material may be reproduced, stored in a retrieval system, or transmitted in any form or by any means
(electronic, mechanical, photocopying, recording, or otherwise) without prior written permission from the school.
East Negros Academy, Inc. Learning Module for Filipino 5(week 21) Page 5 of 13

DEEPEN
Pagtatalakay: PAGPAPANGKAT NG MGA SALITANG
MAGKAKAUGNAY

Ang pagkilala sa mga salitang magkakaugnay ay tungo

sa pagpapaunlad ng talasalitaan at ng kasanayan sa pag-
unawa sa binabasa.
May mga salitang kaugnay ng pandama ng bawat tao.
Ito ay ang panlasa, paningin, pang-amoy, pandinig, at
pandamdam.

Halimbawa: 1. Malakas ang tunog ng kampana. (pandinig)

2. Anong pandama ang kaugnay ng
mahalimiyak na bulaklak? __________

Iba’t iba rin ang damdamin ng tao gaya ng pagkagulat,

pagkainis, paninisi, pagkatakot, pagdaramdam, pag-aalala,
pagkagutom, pagkaawa, kasayahan, kasabikan, kagalakan,
at marami pang iba.

Halimbawa: 1. Aalis na pala kayo sa ating barangay.

(kalungkutan)

Pansining may kaugnayan sa damdamin ang kahulugan ng

salita o parirala.

Gawain I.
Panuto: Ibigay ang kaugnay na damdamin sa bawat
pahayag. Isulat ang sagot sa patlang.
____________1. Bakit kaya wala siya?
____________2. Ang dami mo naming tanong!
____________3. Hindi mo man lang ako sinulatan.
____________4. Tulungan natin siya sa pagtawid.

No part of this material may be reproduced, stored in a retrieval system, or transmitted in any form or by any means
(electronic, mechanical, photocopying, recording, or otherwise) without prior written permission from the school.
East Negros Academy, Inc. Learning Module for Filipino 5(week 21) Page 6 of 13

____________5. Ako na lang po ang tatapos ng inyong

dapat gawin.

Gawain II.
Panuto: Buuin ang tumbasan ng salitang magkaugnay ayon
sa Gawain. Isulat ang kaugnay ng ikatlong salita gaya ng
ugnayan ng una at ikalawang salita.

Halimbawa: kaminero, nagwawalis: doctor, gumagamot

1. mang-aawit, umaawit: guro, ____________
2. katulong, tumutulong: abogado, ____________
3. manunulat, kumakatha: pulis, ______________
4. tindera, nagtitinda: labandera, _____________
5. dyanitor, naglilinis: barangay-tanod, ____________
Basahin

Mapapangkat din ang mga salitang magkakaugnay

kung ito ay pinag-uugnay ayon sa gamit,pinagmulan, o
katangian.

Halimbawa: Alin ang salitang hindi dapat mapasama sa

pangkat?
1. tuta, kuting, biik, guya, kabayo
(lahat ay anak maliban sa kabayo)
2. tren, eroplano, bus, dyip, karitela
( lahat ay sasakyang panlupa maliban sa eroplano)

Gawain III.
Panuto: Bilugan ang salitang hindi dapat mapasama sa
pangkat.
1. doctor, pulis,guro,nars,klinika
2. aklat, lapis, silid, papel, pambura
3. dagat, bundok,lawa, ilog, sapa
4. petsay, santol, repolyo, ampalaya, kangkong
5. patola, santan, rosas, sampaguita, rosal
No part of this material may be reproduced, stored in a retrieval system, or transmitted in any form or by any means
(electronic, mechanical, photocopying, recording, or otherwise) without prior written permission from the school.
East Negros Academy, Inc. Learning Module for Filipino 5(week 21) Page 7 of 13

DO
Pagtatalakay: Pagsulat ng Iskrip Para sa Radio
Broadcasting at Teleradyo

Nelson Mandela: Bayani ng Africa

(Buod)
Ang tinutukoy na kalayaan ni Nelson Mandela sa
kanyang talumpati ay ang kalayan ng kanilang bansa.
Kalayaan sa pansariling pamamahala o demokrasya.
Maituturing na isang malaking tagumpay para sa mga
mamamayan ng isang bansa ang mapagkalooban ng
kalayaang political, kalayaang pumili ng lider kalayaang
hindi matutumbasan ng kahit anong material na bagay.
Bahagi rin ng kalayaang pinupunto ng kanyang talumpati
ay ang pagiging malaya sa tinatawag na diskriminasyon ,
ibig sabihin may pantay- pantay na kalayaan ang bawat
isang mamamayan ng Timog Africa, itim man o Puti ang
kulay ng balat.
Ang mga mamamayan ng Timog Africa ay pinagkaitan
ng pansariling kalayaan nakakulong ang mga ito sa rehas
ng diskriminasyon at limitasyon. Kaya naman masasabing
isang malaking tagumpay ang nakamit nila.
Walang katumbas na bagay ang maihahambing sa halaga
ng kalayaang tinutukoy ni Mandela, kaya naman masasabi
natin na ito ay buong tapang at buong bangis nilang
ipinaglaban. Itinuturing ni Mandela na ang pagkamit ng
kalayaang ito ay ang simula ng paghilom ng mga sugat na
iniwan ng masalimuot na nakaraan .
Ibig sabihin ay panahon na para ang mamamayan ng
Timog Africa ay tumayo sa sarili nilang mga paa upang
bumuo ng panibagong bayan na kung saan ay malaya ang
lahat sa kumpleto, makatarungan, at panghabambuhay na
kapayapaan. Kapayapaan na maihahalintulad mo sa
No part of this material may be reproduced, stored in a retrieval system, or transmitted in any form or by any means
(electronic, mechanical, photocopying, recording, or otherwise) without prior written permission from the school.
East Negros Academy, Inc. Learning Module for Filipino 5(week 21) Page 8 of 13

malayang paglalakd sa daan na walang takot sa bawat

puso, karapatan sa pagkakaroon ng dignidad – isang
bansang may kapayapaang pansarili at pambansa. Hindi
naging madali ang tinahak na landas ng mga mamamayan
ng Timog Africa upang makamit ang tinutukoy niyang
kasarinlan, isang masalimuot at nakatatakot na landas ang
kanilang nalagpasan upang makamit ang inaasam na
kalayaan. Ang mga pangarap nilang tila walang katuparan
naging makatotohanan at kanila ng nararanasan.
Bahagi rin ng talumpati, ang pangangako ni Mandela
sa mga kababayan na pangalagaang mabuti ang
natamasang kasarinlan. Malaking bahagi ng talumpating
ito, ay ang taos pusong pasasalamat ni ni Mandela at ng
buong mamamayan ng Timog Africa sa mga nagging
bahagi ng kanilang pagtahak patungo sa inaasam na
kalayaan.
Pinasasalamatan ang pagpunta ng bawat isa upang
angkinin, kasama ang mamamayan ng aming bansa, ang
tagumpay para sa katarungan, para sa kapayapaan, at
para sa dignidad. At ang pagpapakita ng pag-asa sa
patuloy na suporta sakanilang laban na ipagpapatuloy ang
pagharap sa mga pagsubok sa pagbuo ng kapayapaan,
kaunlaran, pagkakapantay-pantay ng mga lalaki at babae,
walang diskriminasyon sa lahi, at demokrasya.

Kung babalikan natin ang talumpati, mauunawaan

natin ang layunin ng may-akda dahil sa kanyang
ipinaglalaban at adhikain sa pagiging lider ng kanilang
bansa. Nagdulot ito ng epekto sa mga tao sa iba’t ibang
mundo.
Ang bawatbahagi ng talumpati ay may nakapaloob na
isyu at mensahe kung saan nakabatay ang layuning
ipinahahayag dito.
Sumulat ng isang iskrip ng babasahing balita na
naglalahad ng isyu o mga isyu sa nabasang talumpati ni

No part of this material may be reproduced, stored in a retrieval system, or transmitted in any form or by any means
(electronic, mechanical, photocopying, recording, or otherwise) without prior written permission from the school.
East Negros Academy, Inc. Learning Module for Filipino 5(week 21) Page 9 of 13

Nelson Mandela para sa radio broadcasting. Isulat ito sa

espasyo para sa sulatin.

Ano ang radio broadcasting?

Isang paraan ito ng paghahatid ng mahalagang
impormasyon sa malawak na populasyon ng tagapakinig
gamit ang radio waves.
Sa pagbabalita:
1. Hindi lalampas sa limang minuto ang isang balita.
2. Gawin itong simple, tama, at malinaw.

“Pagsulat ng Iskrip”
o Panimula – Ilahad ang mga detalyeng may kaugnayan
sa lugar o kondisyon ng insidente o pangyayari/ isyu o
balita.
o Gitnang Nilalaman – ilahad ang lahat ng malalaking
impormasyon o detalye tungkol sa isyu o balita (ano,
saan, kalian, bakit, at paano)
o Katapusan – ilahad ang ilan pang detalyeng may
kinalaman sa isyu o balita at ang pulso ng taong bayan
tungkol dito.

Gawain I.
Panuto: Gumawa ng iskrip.
Panimula:
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
Nilalaman:_______________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
Katapusan:______________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________

No part of this material may be reproduced, stored in a retrieval system, or transmitted in any form or by any means
(electronic, mechanical, photocopying, recording, or otherwise) without prior written permission from the school.
East Negros Academy, Inc. Learning Module for Filipino 5(week 21) Page 10 of 13

Gawain II. Isaisip Mo

Panuto: Sagutin ang mga katanungan sa ibaba. Gamitin
ang mga uri ng pangungusap ayon sa gamit.

1. Ano-ano ang iyong natutuhan sa buong

linggong aralin? Itala ang mga paksang napag-
aralan mo.
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
_______________________________________
2. Paano mo naipagmalaki ang sariling wika
mula sa mga nakalipas na aralin?
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
_______________________________________

DEEPEN
Performance Task
Panuto: Marahil ay nakaranas kang makinig ng isang
radio broadcasting. Kung hindi pa ay makinig ng isang
balita at obserbahang mabuti kung paano ito ginawa at
ibinahagi ng broadcaster upang mas malinaw at mas
maintindihang mabuti ng mga tagapakinig. Pagkatapos ay
gumawa ka ng pagbubuod sa napakinggang issue at
sundin ang nasa ibaba. Siguraduhing gumamit ng wastong
uri ng pangungusap.

Pamagat ng Balita:
_______________________________________________
No part of this material may be reproduced, stored in a retrieval system, or transmitted in any form or by any means
(electronic, mechanical, photocopying, recording, or otherwise) without prior written permission from the school.
East Negros Academy, Inc. Learning Module for Filipino 5(week 21) Page 11 of 13

Taga-ulat:
_______________________________________________

Panimula:
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
Nilalaman:

Katapusan:
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________

No part of this material may be reproduced, stored in a retrieval system, or transmitted in any form or by any means
(electronic, mechanical, photocopying, recording, or otherwise) without prior written permission from the school.
East Negros Academy, Inc. Learning Module for Filipino 5(week 21) Page 12 of 13

POST-ASSESSMENT
A. Panuto: Pag-pangkatin ang mga salitang magka-
ugnay sa hanay A at sa hanay B.
A B
1. Upuan a. plantsa
2. martilyo b. mesa
3. karayom c. pandakot
4. Plantsadora d. sinulid
5. walis tingting e. pako

B. Panuto: Ibigay ang kaugnay na damdamin sa

bawat pahayag. Isulat ang sagot sa patlang.
(pagkagulat, pagkainis, paninisi, pagkatakot,
pagdaramdam, pag-aalala, pagkagutom,
pagkaawa, kasayahan, kasabikan, kagalakan)
_______________1. Naku! Ano ba ang nangyari sa
aking anak?
_______________2. Ayokong pumunta sa sulok na
iyan, may nakita akong hindi
maganda.
_______________3. Ikaw ang dahilan kung bakit
nagkakaganyan ang ating
anak.
_______________4. Gusto ko ng dumating ang aking
kaarawan, dahil uuwi si papa
galing sa States.
_______________5. Ayaw kong mapahamak ka gaya
ng nangyari sa anak ni Aling
Berta.

REFERENCE
Alma M. Dayag. (2017). Pinagyamang PLUMA 5 TWE
https://www.google.com/search?
q=uri+ng+pangungusap+ayon+sa+gamit&rlz=1C1BNSD_enPH935PH935&sxsrf
=ALeKk03b6o1wX8Pid_OYoMoiZ8e2zJDAMQ:1614048642833&source=lnms&tbm
=isch&sa=X&ved=2ahUKEwiw44Xg__7uAhWryIsBHdhaA4sQ_AUoAXoECBAQAw
#imgrc=yyE0GNo9FBAwFM

No part of this material may be reproduced, stored in a retrieval system, or transmitted in any form or by any means
(electronic, mechanical, photocopying, recording, or otherwise) without prior written permission from the school.
East Negros Academy, Inc. Learning Module for Filipino 5(week 21) Page 13 of 13

https://www.slideshare.net/EmjhayDacallos/uri-ng-pangungusap-ayon-sa-gamit-
filipino-grade-4

No part of this material may be reproduced, stored in a retrieval system, or transmitted in any form or by any means
(electronic, mechanical, photocopying, recording, or otherwise) without prior written permission from the school.

You might also like