You are on page 1of 18

Banghay-Aralin sa MAPEH (Health)

Baitang 4
Ikaapat na Markahan-Ikaapat na Linggo
Ikalawang Araw

Content Standards :

The learners demonstrate understanding of safety guideline during


disasters, emergency and other high-risk situations

Performance Standards:

The learners practice safety measures during disasters and emergency


situations

Learning Objectives:

Recognize disasters or emergency situations (H4IS-IVa-28)

Quarter : 4 Week : 4

I. Layunin:

Natutukoy ang iba’t ibang uri ng kalamidad at sakuna na maaaring

mangyari sa komunidad (H4IS-IVa-28)

II. Nilalaman : Mga Uri ng kalamidad at Sakuna

Kagamitang Panturo

A. Sanggunian
1.Gabay ng Guro : pahina 196-199
2.Kagamitan ng Mag-aaral : pahina 378-384
B. Karagdagang Kagamitan :, larawan, video clip,graphic organizer
C. Istratehiya: 4 A’s

III. Pamamaraan

A. Balik-Aral sa Nakaraang Aralin at/o Pagsisimula ng Bagong Aralin

Itanong:
 Nakaranas na ba kayo ng kalamidad?
 Kailan huling nakaranas ng kalamidad ang inyong lugar? Gaano ito
katindi?

B. Paghahabi sa Layunin ng Aralin (Activity)

Punan ang graphic organizer ng mga salitang maiuugnay sa larawan.


Itanong: Anu-ano kaya ang nararanasan ng mga tao sa larawan?

C. Pag-uugnay ng mga Halimbawa sa Bagong Aralin

Sabihin: Tatalakayin natin ngayon ang ibat ibang uri ng kalamidad at sakuna
na maaaring mangyari sa ating komunidad.

Ilalahad ng guro ang kahulugan ng salitang kalamidad.

D. Pagtalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan #1

Magpapakita ang guro ng news report ng bagyong Sendong sa Cagayan de


Oro.

Itanong:
 Anong kalamidad ang ipinapakita sa news report?
 Nakaranas na ba kayo ng ganitong pangyayari?

E. Pagtalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan # 2


Tatalakayin ng guro ang sumusunod na uri ng kalamidad sa pamamagitan ng
paglalarawan sa mga ito gamit ang mga larawan nito.
1. Bagyo
2. Lindol
3. Baha
4. Landslide
5. Pagputok ng bulkan

Hikayatin ang mga mag-aaral na magbahagi ng kanilang karanasan sa kahit


anong kalamidad.

F. Paglinang sa Kabihasaan (Tungo sa Formative Assessment 3) (Analysis)


Isulat kung anong kalamidad ang tinutukoy sa bawat larawan.
1.

2.

3.

4.

5.

G. Paglalapat ng Aralin sa Pang-araw-araw na Buhay (Application)

Pangkatang Gawain
Pangkat 1- Magpakita ng dula dulaan na nagpapakita ng lindol
Pangkat 2- Gumawa ng news report tungkol sa bagyo
Pangkat 3- Gumuhit ng eksena na nagpapakita ng baha

H. Paglalahat ng Aralin (Abstraction)


Itanong: Anu-ano ang mga uri ng kalamidad o sakuna?

IV. Pagtataya ng Aralin


Tukuyin ang uri ng kalamidad ayon sa pagsalalarawan. Buuin ang salita sa
pamamagitan ng pagsulat sa patlang ng mga nawawalang titik.
1. May dalang malakas na hangin at ulan. __ A__ __O
2. Pagguho ng lupa LA__ __S__I__ __
3. Bunga ng walang tigil o lakas ng pag-ulan B__ __ A
4. Pagyanig ng lupa __I__D__ __
5. Pagsabog o pagbuga ng usok __ A__PU__ __K N __ B__ __K__
N

V. Karagdagang Gawain Para sa Takdang-Aralin at Remediation

Maglista at ilarawan ang iba pang halimbawa ng kalamidad

VI. Pagninilay

A. Bilang ng Mag-aaral na Nakakuha ng 80% sa Pagtataya

____________

B. Bilang ng Mag-aaral na Nangangailangan ng Iba Pang Gawain para sa


Remediation

____________

C. Nakatulong baa ng remediation? Bilang ng Mag-aaral na Nakaunawa


sa Aralin.

____________

D. Bilang ng Mag-aaral na Magpapatuloy sa Remediation

____________

E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo ang nakatulong ng lubos? Paano


ito nakatulong?

_____________________________________

F. Anong suliranin ang aking naranasan na solusyunan sa tulong ng aking


punungguro at superbisor?

_____________________________________

G. Anong Kagamitang panturo ang aking nadibuho na nais kong ibahagi


sa mga kapwa ko guro?

_____________________________________
Banghay-Aralin sa MAPEH (Health)
Baitang 4
Ikaapat na Markahan-Ikaapat na Linggo
Ikatlong Araw

Content Standards :

The learners demonstrate understanding of safety guideline during


disasters, emergency and other high-risk situations

Performance Standards :

The learners practice safety measures during disasters and emergency


situations

Learning Objectives:

Recognize disasters or emergency situations (H4IS-IVa-28)

Quarter: 4 Week: 4 Day: 3

I. Layunin:

Nauunawaan ang ibat ibang epekto ng kalamidad sa buhay at ari-arian ng


mga tao

II. Nilalaman : Mga epekto ng g kalamidad sa buhay at ari-arian ng mga tao

Kagamitang Panturo

A. Sanggunian
1.Gabay ng Guro : pahina 196-199
2.Kagamitan ng Mag-aaral : pahina 378-384
B. Karagdagang Kagamitan :, video clip, mga larawan
c. Istratehiya: 4 A’s ,Paint me a Picture, Differentiated Instruction

III. Pamamaraan

A. Balik-Aral sa Nakaraang Aralin at/o Pagsisimula ng Bagong Aralin

Itanong : Anu-ano ang mga uri ng kalamidad?

Tukuyin kung anong uri ng kalamidad ang inilalarawan sa bawat bilang.

1. May dalang malakas na hangin at ulan


2. Pagguho ng lupa
3. Bunga ng walang tigil o lakas ng pag-ulan
4. Pagyanig ng lupa
5. Pagsabog o pagbuga ng usok
B. Paghahabi sa Layunin ng Aralin (Activity)

Paint Me a Picture

Pangkatin ang mga mag-aaral sa tatlong pangkat. Ganyakin ang bawat


pangkat na gamit ang kanilang katawan magpakita ng hitsura ng isang
komunidad na dinaanan ng kalamidad.

Pangkat 1- Baha

Pangkat 2- Lindol

Pangkat 3- Bagyo

C. Pag-uugnay ng mga Halimbawa sa Bagong Aralin

Sabihin: Pag-aaralan natin ngayon ang ibat ibang epekto ng mga uri ng
kalamidad sa ari-arian at buhay ng mga tao.

Magpakita sa klase ng video clip ng pinsalang nagagawa ng isang bagyo.

Itanong:
 Anu-ano ang epekto ng isang kalamidad?
 Anu-anong ang dapat gawin upang makabangon mula sa epekto ng
kalamidad?

D. Pagtalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan #1

Pagtatalakay sa ilan sa mga epekto ng mga kalamidad tulad ng mga


sumusunod:
1. Pagkasira ng mga bahay at istruktura
2. Pagkawasak ng mga daan
3. Pagkawala ng mga ari-arian, negosyo at iba pang hanapbuhay.
4. Pagkakasakit at pagkamatay ng mga tao

Magpapakita ang guro ng larawan ng mga epekto ng kalamidad

E. Pagtalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan # 2

Itanong:

Nakaranas na ba ang inyong lugar ng epekto ng kalamidad?

 Anu-anong kalamidad ang madalas nararanasan ng inyong


lugar?
 Anong mga paraan ang ginawa ng mga tao at pinuno ng inyong
pamayanan upang makabangon ang inyong komunidad mula sa
epekto ng kalamidad?

F. Paglinang sa Kabihasaan (Tungo sa Formative Assessment 3) (Analysis)

Sabihin kung anong epekto ng kalamidad ang ipinapakita sa bawat larawan.

1. 3.

2. 4.

G. Paglalapat ng Aralin sa Pang-araw-araw na Buhay (Application)


Pangkatang Gawain

Pangkat 1
Gumawa ng graphic organizer na nagpapakita ng mga epekto ng kalamidad

Pangkat 2
Gumuhit ng isang epekto ng kalamidad

Pangkat 3
Magpakita ng dula dulaan ng epekto ng kalamidad

H. Paglalahat ng Aralin (Abstraction)

Itanong:
Anu-ano ang mga epekto ng kalamidad sa buhay at ari-arian ng mga tao?

IV. Pagtataya ng Aralin


I-tsek ang mga pangungusap na naglalarawan ng epekto ng kalamidad sa
buhay at ari-arian ng mga tao.
_____1. Pagkakaroon ng sakit dulot ng baha.
_____2. Pagkasira ng relasyon ng mga kasapi ng pamilya.
_____3. Pagkawala ng tirahan.
_____4. Pagkapinsala ng kabuhayan tulad ng sakahan.
_____5. Pagiging determinado na makahanap ng trabaho.

V. Karagdagang Gawain Para sa Takdang-Aralin at Remediation


Magsaliksik ng mga dapat gawin bago, tuwing at pagkatapos ng kalamidad.
Basahin ito bilang paghahanda sa susunod na aralin.

Pagninilay

A. Bilang ng Mag-aaral na Nakakuha ng 80% sa Pagtataya

____________

B. Bilang ng Mag-aaral na Nangangailangan ng Iba Pang Gawain para sa


Remediation

____________

C. Nakatulong baa ng remediation? Bilang ng Mag-aaral na Nakaunawa sa


Aralin.

____________

D. Bilang ng Mag-aaral na Magpapatuloy sa Remediation

____________

E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo ang nakatulong ng lubos? Paano ito


nakatulong?

_____________________________________

F. Anong suliranin ang aking naranasan na solusyunan sa tulong ng aking


punungguro at superbisor?

_____________________________________

G. Anong Kagamitang panturo ang aking nadibuho na nais kong ibahagi sa mga
kapwa ko guro?
Banghay-Aralin sa MAPEH (Health)
Baitang 4
Ikaapat na Markahan-Ikaapat na Linggo
Ika-apat na Araw

Content Standards :

The learners demonstrate understanding of safety guideline during


disasters, emergency and other high-risk situations

Performance Standards :

The learners practice safety measures during disasters and emergency


situations

Learning Objectives:

Demonstrates proper response before, during, and after a disaster or an


emergency situation (H4IS-IVb-d-29)

Quarter: 4 Week : 4 Day: 4

I. Layunin:

Nakapagpapakita ng mga angkop at nararapat na tugon bago, tuwing at pagkatapos


ng anumang kalamidad o sakuna, at kagipitan

II. Nilalaman : Mga angkop at nararapat na tugon bago, tuwing at pagkatapos ng


anumang kalamidad o sakuna, at kagipitan (bagyo)

Kagamitang Panturo

A. Sanggunian
1.Gabay ng Guro : pahina 200-207
2.Kagamitan ng Mag-aaral : pahina 385-394
B. Karagdagang Kagamitan :, larawan
c. Istratehiya: 4 A’s, Graphic organizer

III. Pamamaraan

A. Balik-Aral sa Nakaraang Aralin at/o Pagsisimula ng Bagong Aralin

Punan ang graphic organizer ng mga epekto ng kalamidad sa buhay at ari-


arian ng mga tao.
B. Paghahabi sa Layunin ng Aralin (Activity)

Bag Ko ‘To
Sa mga kalamidad na tinukoy sa klase, pag-isipan ang mga dapat ilagay sa
emergency kit sa ibaba.

Itanong: Bakit mahalaga ang pagiging handa sa mga kalamidad?

C. Pag-uugnay ng mga Halimbawa sa Bagong Aralin

Sabihin: Pag-aaralan natin ngayon ang mga angkop at nararapat na tugon


bago, tuwing at pagkatapos ng bagyo

Magpakita ng video clip ng bagyong Sendong sa Cagayan de Oro.


(source: https://www.youtube.com/watch?v=xivpP7qVrEU)

Itanong:

o Paano mo mailalarawan ang sitwasyon ng lugar sa panahon ng


bagyo?

o Ano ang maari nating gawin upang maiwasang malagay sa ganitong


sitwasyon?

o Paano natin maililigtas ang ating sarili kung sakaling malagay tayo sa
ganitong sitwasyon?

D. Pagtalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan #1


(Analysis)

Pagtatalakay sa mga dapat gawin bago at habang may bagyo sa mga


sumusunod na signal number:
 Signal No. 1
 Signal No. 2
 Signal No. 3
 Signal No. 4

Sumangguni sa LM, pahina 201-202 para sa kompletong talakayan ng mga


angkop na gagawin bago at habang may bagyo.

E. Pagtalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan # 2

Sabihin kung tama o mali ang mga ipinapakita sa larawan ukol sa mga dapat
gawin bago,tuwing at pagkatapos ng bagyo.

.
F. Paglinang sa Kabihasaan (Tungo sa Formative Assessment 3)

Punan ang tsart ng mga tamang gagawin sa panahon ng bagyo.

Mga Dapat Gawin


Signal Number Bago Tuwing Pagkatapos

Signal No. 1

Signal No. 2

Signal No. 3
Signal No. 4

G. Paglalapat ng Aralin sa Pang-araw-araw na Buhay (Application)

Ano ang dapat gagawin sa bawat sitwasyong ibibigay


1. May paparating na bagyo. Nakatira kayo sa mababang lugar.
2. Magbabakasyon sana ang inyong pamilya ngunit ayon sa balita may
paparating dawn a bagyo.
3. Maraming mga punong kahoy sa inyong likod bahay, ayon sa balita
malakas na hangin raw ang dala ng bagyo.

H. Paglalahat ng Aralin (Abstraction)

Itanong:

Anu-ano ang mga mga angkop at nararapat na tugon bago, tuwing at


pagkatapos ng bagyo?

IV. Pagtataya ng Aralin


I-tsek ang mga pangungusap na nagpapakita ng mga angkop na gagawin
bago,tuwing at pagkatapos ng bagyo.
_____1. Pumasok sa paaralan kung may malakas na bagyo.
_____2. Manatili sa loob ng bahay o sa lugar na mas ligtas.
_____3. Iwasang magbiyahe kung may paparating na bagyo.
_____4. Maglaro sa ulan habang may bagyo.
_____5. Maging alerto at handa sa panahon ng bagyo.

V. Karagdagang Gawain Para sa Takdang-Aralin at Remediation

Makipanayam sa mga opisyal ng barangay at magtanong tungkol sa


emergency protocol ng inyong barangay sa panahon ng bagyo.
Pagninilay

A. Bilang ng Mag-aaral na Nakakuha ng 80% sa Pagtataya

____________

B. Bilang ng Mag-aaral na Nangangailangan ng Iba Pang Gawain para sa


Remediation

____________

C. Nakatulong baa ng remediation? Bilang ng Mag-aaral na Nakaunawa


sa Aralin.

____________

D. Bilang ng Mag-aaral na Magpapatuloy sa Remediation

____________

E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo ang nakatulong ng lubos? Paano


ito nakatulong?

_____________________________________

F. Anong suliranin ang aking naranasan na solusyunan sa tulong ng aking


punungguro at superbisor?

_____________________________________

G. Anong Kagamitang panturo ang aking nadibuho na nais kong ibahagi


sa mga kapwa ko guro?

_____________________________________
Banghay-Aralin sa MAPEH (Health)
Baitang 4
Ikaapat na Markahan-Ikaapat na Linggo
Ikalimang Araw

Content Standards :

The learners demonstrate understanding of safety guideline during


disasters, emergency and other high-risk situations

Performance Standards :

The learners practice safety measures during disasters and emergency


situations

Learning Objectives:

Demonstrates proper response before, during, and after a disaster or an


emergency situation (H4IS-IVb-d-29)

Quarter: 4 Week: 4 Day : 5

I. Layunin:

Nakapagpapakita ng mga angkop at nararapat na tugon bago, tuwing at pagkatapos


ng anumang kalamidad o sakuna, at kagipitan

II. Nilalaman : Mga angkop at nararapat na tugon bago, tuwing at pagkatapos ng


anumang kalamidad o sakuna, at kagipitan (baha at lindol)

Kagamitang Panturo

A. Sanggunian
1.Gabay ng Guro : pahina 200-
2.Kagamitan ng Mag-aaral : pahina 385-
B. Karagdagang Kagamitan :, larawan,tsart
C. Istratehiya: 4A’s

III. Pamamaraan

A. Balik-Aral sa Nakaraang Aralin at/o Pagsisimula ng Bagong Aralin

Punan ang hanay ng mga dapat gawin bago,tuwing at pagkatapos ng


Bagyo.
Bago ang Bagyo Tuwing May Bagyo Pagkatapos ng Bagyo

B. Paghahabi sa Layunin ng Aralin (Activity)

Maglaro Tayo
Pumili ng 3 mag-aaral na magsisilbing poste. Hawak ng bawat isa ang
plaskard na may nakasulat na Bago ang Kalamidad, Tuwing may kalamidad
at Pagkatapos ng Kalamidad.

Magpapakita ang guro ng mga larawan. Susubukang hulaan ng mga mag-


aaral kung kailan nangyayari ang ipinapakita sa larawan. Pipili sila kung saan
sa tatlong poste sila hahanay.

Magpapatuloy ang pagpapakita ng larawan hanggang sa isang mag-aaral


nalang ang matira.

C. Pag-uugnay ng mga Halimbawa sa Bagong Aralin

Sabihin: Pag-aaralan natin ngayon ang mga angkop at nararapat na tugon


bago, tuwing at pagkatapos ng baha at lindol.

Magpakita ng mga larawang tulad nito:

Itanong:

Anong mga kalamidad ang ipinapakita sa larawan?

Ano ang maari nating gawin upang maiwasang malagay sa ganitong


sitwasyon?

D. Pagtalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan #1


(Analysis)
Pagtatalakay sa mga dapat gawin bago, tuwing at pagkatapos ng baha tulad
ng mga sumusunod :

Bago ang Baha


 Lumikas na sa mas ligtas na lugar kung nasa delikadong lugar
 Magdala ng mga kakailanganing mga bagay

Habang May Baha


 Gawing ligtas ang sarili. Huwag lumusong sa tubig kung delikado na
ang sitwasyon.
 Tumawag ng rescue.
Pagkatapos ng Baha
 Maghintay ng abiso na maari ng bumalik sa inyong lugar
 Magsuot ng bota upang makaiwas sa mga sakit sa balat na dulot ng
baha

E. Pagtalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan # 2

Pagtatalakay sa mga dapat gawin bago, tuwing at pagkatapos ng lindol .

Sumangguni sa LM, pahina 203 para sa kompletong talakayan ng mga


angkop na gagawin sa panahon ng lindol.
.

F. Paglinang sa Kabihasaan (Tungo sa Formative Assessment 3) (Application)

Punan ang tsart ng mga tamang impormasyon.

Mga Dapat Gawin


Mga Kalamidad Bago Tuwing Pagkatapos

Lindol

Baha

G. Paglalapat ng Aralin sa Pang-araw-araw na Buhay

Ano ang iyong gagawin sa bawat sitwasyong ibibigay?


1. Malapit sa ilog ang inyong bahay.Malakas na ang ulan.
2. Lumindol habang ikaw ay nasa daan.
3. Napasok na ng tubig baha ang inyong bahay.

H. Paglalahat ng Aralin (Abstraction)

Itanong:
Anu-ano ang mga mga angkop at nararapat na tugon bago, tuwing at
pagkatapos ng baha at lindol.

IV. Pagtataya ng Aralin


Magpakita ng dula-dulaan kung ano ang gagawin sa panahon ng lindol o
baha.

Pangkat 1-Dula-dulaan ng mga dapat gawin tuwing may bagyo


Pangkat 2- Dula-dulaan ng dapat gawin tuwing may lindol
Pangkat 3- Magpakita ng isang earthquake drill

Pamantayan
1. Lahat ng kasapi ng pangkat ay nakikiisa sa gawain
2. Akma sa ibinigay na sitwasyon ang dula-dulaan
3. Naipapakita ang mga dapat gawin sa sitwasyong ibinigay
4. Naisasagawa ang dula-dulaan ng buong husay at galing.

RUBRIKS
Iskor Pamantayan
5 Lahat ng apat na pamantayan ay naipakita
4 Tatlo sa apat na pamantayan ang naipakita
3 Dalawa sa apat na pamantayan ang naipakita
2 Isa sa apat na pamantayan ang naipakita
1 Hindi naksunod sa alin man sa mga pamantayan

V. Karagdagang Gawain Para sa Takdang-Aralin at Remediation


Sumulat ng karanasan ng isang kalamidad.

Pagninilay

A. Bilang ng Mag-aaral na Nakakuha ng 80% sa Pagtataya

____________

B. Bilang ng Mag-aaral na Nangangailangan ng Iba Pang Gawain para sa


Remediation

____________

C. Nakatulong baa ng remediation? Bilang ng Mag-aaral na Nakaunawa


sa Aralin.

____________
D. Bilang ng Mag-aaral na Magpapatuloy sa Remediation

____________

E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo ang nakatulong ng lubos? Paano


ito nakatulong?

_____________________________________

F. Anong suliranin ang aking naranasan na solusyunan sa tulong ng aking


punungguro at superbisor?

_____________________________________

G. Anong Kagamitang panturo ang aking nadibuho na nais kong ibahagi


sa mga kapwa ko guro?

_____________________________________

You might also like