You are on page 1of 2

BANGHAY ARALIN SA MAPEH 5

I. Layunin
a. Natutukoy ang iba't-ibang uri ng kalamidad at sakuna na maaaring mangyari sa
kanilang komunidad.
b. Nauunawaan kahalagahan ng pagiging alerto sa epekto ng iba't-ibang uri ng kalamidad
sa ari-arian at buhay ng tao.
c. Nakakaisip ng paraan at naisasakilos kung paano makakaiwas sa sakunang maaaring
maranasan.

II. Paksang Aralin


A. Paksa: “Safety Guidelines During Disasters and other Emergency Situations”
Aralin 1: Mga Uri ng Kalamidad sa Aking Komunidad”
B. Kagamitan: Powerpoint, Larawan, puzzles, Worksheet
C. Sanggunian: Curriculum Guide sa HEALTH V: H4IS-IVa-28
Teacher's Guide pages 196-199
Learner's Materials pages 380-384
D. Pagpapahalaga: Pangangalaga sa ating kalikasan at Pagiging handa sa mga
kalamidad.
III. Pamamaraan
A. Panimulang na Gawain
1. Balik- aral
Anu – ano ba ang mga nabanggit na kalamidad kahapon?
Ano ang kalamidad?
Sagutin ang sumusunod:

2. Pagganyak
Magpapakita ng Larawan.

Ano ang napansin mo sa larawan? Bakit kaya nagkaganito?


3. Paglalahad
Ngayong umaga ay alamin natin ang mga paghahanda, sa mga sakuna at
kalamidad na mangyayari sa ating bansa.
A. Panlinang na Gawain
1. Pagsasanay (Activity)
Pagbuo ng puzzle.
Pagkatapos mabuo ay tutukuyin ng bawat grupo kung ano ang nasa larawan at
ano ang maaring dahilan nito.
Mga bata ano ba ang mga nabuo ninyong larawan? Bakit kaya nangyayari ang
mga ito?
2. Analysis
Sa nabuong larawan hayaan ang bawat grupo na mag – isip ng mga
paraan upang maging handa at ano – ano ang mga epekto nito.
3. Pagtatalakay (Abstraction)
 Talakayin ang mga epekto ng mga kalamidad sa komunidad.
Tanong: Bakit Kailangan ang mga ganitong paghahanda? Ano ang dapat nating
gawin upang maiwasan ang mga ganitong kalamidad?
B. Pagpapayamang Gawain
Gawain 1
B. Panuto: Itala sa loob ng tsar tang mga sumusunod.
Kalamidad na Nararansan sa Epekto Paano
Komunidad Makakaiwas/Paghahanda
1. - -

C. Paglalahat
Paano tayo magiging ligtas sa oras ng sakuna?
D. Paglalapat
Bakit mahalagang malaman ang kaligtasan sa oras ng sakuna?
E. Pagpapahalaga
 Ang mga kalamidad na nararanasan natin ay dahil sa pagsira natin sa ating
kalikakasan. Paano natin mapapanatili at mapapangalagaan ang ganda ng ating
kalikasan?
 Bakit ng aba kailangan nating maging handa kapag may mga sakuna o kalamidad?

IV. Pagtataya
a. Pagpupuno: Tukuyin ang uri ng kalamidad ayon sa pagsalalarawan. Buuin ang salita
sa pamamagitan ng pagsulat sa patlang ng mga nawawalang titik.
1. May dalang malakas na hangin at ulan __ A__ __O
2. Pagguho ng lupa LA__ __S__I__ __
3. Bunga ng walang tigil o lakas ng pag-ulan B__ __ A
4. Pagyanig ng lupa __I__D__ __
5. Pagsabog o pagbuga ng usok __ A__PU__ __K N __ B__ __K__ N

V. Takdang Aralin
Gumawa ng isang poster tungkol sa pangangalaga ng ating kalikasan para maiwasan ang
mga sakuna.

Prepared By:
JULIETA C ARAGON
Observed by:
HORACE PAUL P. COROVA

You might also like