You are on page 1of 8

LEARNING PLAN

I.Subject: Araling Panlipunan 10


II.Topic/ Content: Mga Suliraning Pangkapaligiran
A. Disaster Risk Mitigation
IV. Competencies
 Naipaliliwanag ang iba’t-ibang uri ng kalamidad na nararanasan sa
komunidad at sa bansa AP10IPP-Ib-3
 Naiuugnay ang gawain at desisyon ng tao sa pagkakaroon ng mga
kalamidad AP10IPP-Ib-4
 Natutukoy ang mga paghahanda na nararapat gawin sa harap ng
mga kalamidad AP10IPP-Ib-5
 Natutukoy ang mga ahensiya ng pamahalaan na responsable sa
kaligtasan ng mamamayan sa panahon ng kalamidad AP10IPP-Ib-6
 Napahahalagahan ang pagkakaroon ng disiplina at kooperasyon sa
pagitan ng mga mamamayan at pamahalaan sa panahon ng
kalamidad AP10IPP-Ib-7

V. Stages

A. Explore
1. Pagbabalik-Tanaw
 Gamit ang Socratic Method, babalikan ng klase ang mga
naunang paksa ukol sa kahulugan ng Kontemporaryong
Isyu at ang Kahalagahan ng pag-aaral nito. Bibigyang
diin dito ang kahalagahan ng pag-alam at pakikilahok na
siya ring magiging daan ng pagbubukas ng panibagong
paksa.
2. Brainstorming
 Sa gabay ng guro, ang mga mag-aaral ay magbabahagi
ng kanilang opinion sa katanungang
a. Ano-ano ang kalamidad na iyong
naranasan?
b. Bakit mo ito sinasabing isang kalamidad?
c. Paano kaya matutugunan ang mga
kalamidad na nararanasan at maaari pang
maranasan ng mga Pilipino upang mabawasan ang
mga negatibong dulot ng mga ito sa buhay at ari-
arian ng tao?
B. Firm Up
1. Pagsasaliksik at Pagpaplano
 Bubuo ng maliliit na grupo ang mga mag-aaral, tutukoy
sila ng isang uri ng kalamidad na naranasan dito sa
Pilipinas na siyang magiging pokus ng pag-aaral na
kanilang sasaliksikin at gagawan ng Instructional Material
2. Binagong Frayer’s Model (attached worksheet)
 Gamit ang isang worksheet, tutungo ang mga mag-aaral
sa Periodical’s Section ng silid-aklatan ng Unibersidad
upang makalikom ng mga impormasyon ukol sa
kalamidad na nakatoka sa kanilang grupo
. Bagyo
a. Lindol
b. Baha
c. Landslide
d. Tsunami at Storm Surge
e. El Nino at La Nina atbp
f.
3. Dunong Mo, Ipaalam Mo
 Mula sa nakalap na mga impormasyon, gagawa ang mga
mag-aaral ng isang impormatibo at malikhaing
Instructional Material na kanilang makakatuwang sa pag-
papaabot ng mensahe ukol sa kalamidad na kanilang
pinag-aralan.
4. Gallery Walk – Pagbabahagi ng Kaalaman (Scaffold 2)
 Pipili ang mga maliliit na grupo ng kanilang magiging
Curator upang mas maipabatid sa iba pang mga mag-
aaral ang kaalaman tungkol sa paksang kanilang
ginawan ng IM; kung ano ito, Sanhi at Bunga Nit, Mga
Halimbawa ng Kalamidad na ito na naranasann sa
Pilipinas, at kung paano matutugunan ng mga
mamamayan at ng Pamahalaan ang mga ito
5. Cornell Note Taking
 Ang mga mag-aaral na magsasabuhay ng papel bilang
mga turista sa “Galeria de Kalamidad” ay gagawa naman
ng Cornell Notes mula sa iba’t-ibang paksa na kanilang
madidiskubre at matututunan sa iba’t-ibang istasyon na
kanilang maiikutan.
6. Pagbubuod at Pagwawasto ng Misconception
 Sa tulong ng isang powerpoint presentation, tatalakayin
ang Mga Suliraning Pangkapaligiran partikular na ang
Disaster Risk Mitigation para mas lalo pang maintindihan
ang mga konseptong hindi pa lubos na maliwanag sa
mga mag-aaral

C. Deepen
1. Pagproseso ng Impormasyon
 Sa gabay ng guro, babalikan ng mga mag-aaral ang
kanilang Cornell Notes, magbabahagi ng kanilang
obserbasyon ukol sa ginawang aktibidades at sasagutan
ang kolumn ng HENERALISASYON sa kanilang Cornell
Note Template kung saan bibigyang diin ang kasagutan
sa tanong na
a. Bakit nasabing kalamidad ang paksa sa
istasyon ____?
b. Paano matutugunan ng mga tao ang
nasabing kalamidad?
2. Guess that Pic – The Q & A Way
 Magpapakita ang guro ng mga larawan na bibigyang
ngalan ng mga mag-aaral subalit bago ito ibigay, sila
muna ay magbibigay ng tatlong pang-uri ukol dito
Halimbawa:

Ito ay ________________
Ito ay ________________
Ito ay ________________
I believe na ang tawag dito ay (sagot)

3. Mind Map
 Gamit ang website na
https://thesweetsetup.com/apps/best-mind-mapping-
app/ , gagawan ng mga mag-aaral ng isang mindmap
ang paksang natalakay upang maipakita ang kasagutan
sa mga sumusunod na katanungan:
a. Ano ang kalamidad?
b. Kailan masasabi na ang isang pangyayari ay
isa nang kalamidad?
c. Paano dapat tugunan ang isang kalamidad?
d. Bakit mahalagang alamin ang mga
impormasyon ukol sa mga kalamidad?
4. Chapter Quiz
 Sasagutan ng mga mag-aaral ang naihandang pagsusulit
( see attached)
C. Transfer
0. Exit Card
 Gamit ang sangkapat na bahagi ng papel, tutukuyin na
ng mga mag-aaral ang tunay na sagot sa katanungang:
. Paano makakamit ng isang bansang handa
sa kalamidad ang pag-unlad?

Prepared by: John Paul D. Angoluan


LEARNING PLAN
I.Subject: Araling Panlipunan 10
II.Topic/ Content: Mga Suliraning Pangkapaligiran
A. Global Warming at Climate Change
IV. Competencies
 Naipaliliwanag ang aspektong political, pang-ekonomiya, at panlipunan ng
Climate Change AP10IPP-Ic-8
 Natatalakay ang iba’t-ibang programa, polisiya, at patakaran ng pamahalaan at
ng mga pandaigdigang samahan tungkol sa Climate Change AP10IPP-Id-9
 Natataya ang epekto ng Climate Change sa kapaligiran, lipunan, at kabuhayan
ng tao sa bansa at sa daigdig AP10IPP-Id-10

V. Stages

A. Explore
1. Guess that Word
 Magpapakita ang guro ng mga ginulong letra na sisikaping ayusin ng mga mag-
aaral upang makabuo ng isang salita na may kinalaman sa bagong paksa.
 Bilang patatapos ng gawaing ito, huhulaan ng mga mag-aaral kung ano ang
paksa sa araw na ito at bubuo sila ng isang kumpletong pangungusap gamit ang
mga nabuong mga kataga na maaaring maging kahulugan ng salitang GLOBAL
WARMING na siya ring paksa ng asignatura.
 Mga gabay na tanong:
-Ano ang global warming?
-Bakit nakararanas ang mundo ng global warming?
-Paano tinutugunan ng iba’t-ibang mga bansa ang isyu ng global warming ?
B. Firm Up
1. Cooperative Learning with ICT
 Bubuo ang mga mag-aaral ng grupo na may apat na miyembro at isasagawa ang mga
hakbang na nasa worksheet
 Link: www.OurHappySchool.com
 Acrostic Poem Theme:” Climate Change: Problema ng Mundo, sa Sanhi at Solusyon Mo,
Kaakibat Ako”
2. Face Off
 Ang bawat grupo ay magbabahagi ng kanilang nalikom na mga kaalaman subalit
ito ay may hamong:
 ang bibigyang diin ng grupo ay isang aspeto lamang ng pangkalahatang paksa
na tutukuyin ng guro o ng facilitator.
 Hindi rin dapat na ulitin ng kabilang panig ang mga impormasyong nabanggit na
ng katunggali nila.
 Dito matataya ang kahandaan ng bawat grupo at ang lalim ng kanilang
kaalaman ukol sa paksang Global Warming at Climate Change sapagkat sila ay
mapipilitang magpapakita ng iba’t-ibang pamamaraan ng pagsasabi ng parehong
ideya sa magkakaibang pamamaraan.
C. Deepen
1. Group Quiz Bee
 Tatayain ang kaalaman ng bawat mag-aaral sa pamamagitan ng pangkatang
quiz bee kung saan ang kanilang makakasama ay hindi ang kanilang dating ka-
grupo sa pagsasagawa ng Face Off. Ito ay upang mas maraming aspeto ng
paksa ang maaaring nakabisado na nila. Ang quizbee ay mahahati sa tatlong
rounds:

a. Sing That Picture – kakanta ng linya mula sa mga awit na alam ng mga
mag-aaral subalit sa linya ay dapat may katagang may kinalaman sa larawang
nakikita. Ang clincher nito ay dapat mailahad sa iisang pangungusap ang
kahulugan ng paksang natalakay gamit ang mga linyang nagamit ng grupo sa
round na ito.
b. Objective Question – sasagutan ng mga mag-aaral ang mga pang-
akademikong tanong ukol sa paksa. Ang puntos ay nakadepende sa uri ng
tanong na kanilang sasagutin.
c. I-Hash Tag ang Larawan – bibigyan ng titulo/ pamagat/ hash tag ng mga
mag-aaral ang dayagram na ipakikita ng guro. Ang puntos ay depende sa
dayagram.
1. Guided Generalization
 Gamit ang guided generalization template, muling babalikan ng
mga mag-aaral ang mga acrostic poem na kanilang ginawa,
pipili sila ng dalawa na magiging sanggunian upang makumpleto
ang nasabing template.
 Gabay na mga Tanong:
 Paano nakaaapekto ang climate change at global
warming sa ekonomiya, politika, at lipunan ng isang
bansa?
 Bakit mahalagang pag-aralan ang nasabing paksa?
 Paano makakamit ng isang bansang, kayang tumugon sa
hamon ng climate change at global warming, ang
kaunlaran?
D. Transfer
1. Usapin sa Climate Change; Makikilahok Ako!
 Muling babalikan ng mga mag-aaral ang artikulo ukol sa Climate Change sa link
na www.OurHappySchool.com at magbabahagi sila ng kanilang pamamaraan na
isasagawa upang matugunan ang nasabing problema ng mundo. Ito ay ilalagay
nila sa comment box na may #globalwarming
2. Blowing Up Your World Test
 Sasagutan ng mga mag-aaral ang Blowing Up Your World Test upang matukoy
kung sila ba ay Sanhi o Solusyon sa Usaping Global Warming at Climate Change
 Tanong para sa Repleksiyon:
-Paano makakamit ng isang bansang, kayang tumugon sa hamon ng climate
change at global warming, ang kaunlaran?

Prepared by: John Paul D. Angoluan


LEARNING PLAN
I.Subject: Araling Panlipunan 10
II.Topic/ Content: Mga Suliraning Pangkapaligiran ng Komunidad
A. Solid Waste Management (R.A. 9003)
a. Main PT ( Produktong Pangkabuhayan, tugon
sa Isyung Pangkapaligiran)
B. Pagmimina
C. Mga Isyung Pang-ekonomiya
. Unemployment
a. Globalization
b. Sustainable Development
IV. Competencies
 Natutukoy ang mga suliraning pangkapaligiran na nararanasan sa
sariling pamayanan AP10IPP-Ie-11
 Natatalakay ang mga hakbang ng pamahalaan sa pagharap sa mga
suliraning pangkapaligiran sa sariling pamayanan AP10IPP-Ie-12
 Nakagagawa ng Case Study tungkol sa sanhi at epekto ng mga
suliraning pangkapaligiran na nararanasan sa sariling pamayanan
AP10IPP-If-13
 Naipaliliwanag ang mga dahilan ng pagkakaroon ng Unemployment,
globalization at sustainable development AP10IPP-If-14;
AP10IPP-Ig-17
 Natataya ang implikasyon ng unemployment, globalization at
sustainable development sa pamumuhay at sa pag-unlad ng
ekonomiya ng bansa AP10IPP-Ig-15; AP10IPP-Ih-19
 Nkabubuo ng mungkahing paraan upang malutas ang suliranin sa
unemployment, globalization at sustainable development. AP10IPP-
Ig-16; AP10IPP-Ij-25
V. Stages

A. Explore
1. 4 Pics 1 Word sa Kuwento ng Ekspedisyon
 Papangkatin ang mga mag-aaral sa anim na maliliit na grupo at
sila’y magpapaligsahan sa paghula ng mga konsepto mula sa 4
na larawang ibibigay ng guro bilang mga clues. Ang magwawagi
ay siyang makakukuha ng puntos na nailaan dito.
 Ang mga mag-aaral ay lilibot sa F-Lobby upang Makita ang iba’t-
ibang uri ng patalastas o ads na makikita sa unibersidad:
 Ano-ano ang mga uri ng patalastas na inyong nakita?
 Para saan ang mga nasabing patalastas?
 Anong uri ng patalastas ang may kinalaman sa isyung
pangkapaligiran?
 Ano-ano ang nilalaman ng patalastas na ito?
 Paano nakatutulong ang nilalaman ng nasabing uri ng
patalastas upang makamit n gating komunidad ang
kaunlaran?
B. Firm Up
1. Talakayan at Tanungan
 Gamit ang naihandang powerpoint presentation, magkakaroon
ng talakayan ukol sa mga paksa. Gagamit ang guro ng “popsicle
sticks technique” upang masiguro na ang mga mag-aaral ay
patuloy na makikinig at magbibigay ng kanilang kasagutan at
opinion ukol sa mga paksa.
2. Cornell Notes
 Para maitala ang mga mahahalagang impormasyon mula sa
nagaganap na talakayan, gagawa ang mga mag-aaral ng isang
Cornell Note ukol sa paksa sa kanilang kuwaderno bilang
pagtataya ng kanilang galing sa pakikinig at pagsala ng mga
mahahalagang impormasyon ukol sa paksa.
C. Deepen
1. Pagsagot ng Crossword Puzzle
 Sasagutan ng mga mag-aaral ang isang Crossword Puzzle ukol
sa mga mahahalagang konsepto mula sa talakayang naganap
2. Sanaysay
 Bilang aplikasyon ng mga napag-aralang konsepto, ipapaliwanag
ng mga mag-aaral ang pahayag ng isang kilalang negosyanteng
Hapones na namangha sa yamang taglay ng ating bansa na
hanggang ngayon ay hindi nakakakamit ng kaunlaran.

“ The Filipinos are paupers sitting on a mound of gold!”

3. Guided Generalization
 Bilang takdang- aralin, mabibigyan ang mga mag-aaral ng
pagkakataong balikan ang mga konseptong kanilang napag-
aralan sa ika- 9 na baitang at tukuyin ang koneksiyon ng mga
ito sa asignaturang Kontemporaryong Isyu
 Gamit ang Guided Generalization Template # 2, pag-
aaralan ng mga mag-aaral ang mga sanggunian sa mga
sumusunod na weblink:
 Paksa: Unemployment (Unemployment & find a jobs)
 https://www.youtube.com/watch?v=k1J3diJsD9U
 Paksa: Globalization (Globalization easily explained)
 https://www.youtube.com/watch?v=JJOnFD19eT
8
 Paksa: Sustainable Development
 Hanapin ang lyrics ng kantang TATSULOK ni
Bamboo
 Para sa mga pamprosesong tanong, basahin ang nakalakip na
Guided Generalization Template
D. Transfer
1. Pag-alala sa panuto ng Main Performance Task

“ Pag-unlad Mo, Kaakibat Ako”


Isa sa mga problemang kinakaharap ng ating bansa, kaakibat ng mga repormang
isinusulong sa larangan ng edukasyon, ay ang patuloy na paglobo ng bilang ng mga
kabataan na hindi nakapapasok sa mga paaralan bunsod pa rin ng suliranin sa
kahirapan. Karamihan din sa mga masuwerteng naka-enroll sa mga pampublikong
paaralan ay nahaihirapan pa ring magkaroon ng kumpletong kagamitang pang-eskwela
at iba pang pangangailangan ng isang bata. Ang Department of Education ngayon,
kaakibat ng iba’t-ibang ahensiya ay nagpanukala ng programang “Pag-unlad Mo,
Kaakibat Ako!” bilang paggunita sa Buwan ng mga Bata kung saan hinahasa at tinataya
ang kakayahan ng ating mga kabataan upang maisabuhay ang pagmamalasakit sa ating
kapwa at kapaligiran na siyang isa sa mga katangian ng responsableng mamamayan.
Ikaw bilang Kinatawan ng Inyong Paaralan sa larangan ng Outreach Program; isang
aktibong Youth Advocate; o isang Kinatawan ng NGO na nagsusulong sa mga Karapatan
ng Bata at Kabataan ay inatasang makahikayat ng iba pang mga kabataan, na
magsasabuhay ng kahalagahan ng pagiging mulat sa mga lokal at pandaigdigang isyung
pang-ekonomiya at pang-kapaligiran, at kung paano makatutulong upang matugunan
ang mga ito sa pamamagitan ng isang panukala ukol sa epektibong pagtitipid at
pagpapatupad ng programang pangkabuhayan mula sa mga patapong mga bagay na
makikita sa inyong pamayanan. Pakatandaan na ang iyong panukala ay maglalaman ng
pamamaraan kung papaano magkakaroon ng gawaing pangkabuhayan, espisipikong
gawaing pangkabuhayang gagawin/ produkto at ang pamamaraan ng pagpapalago sa
nasabing gawain. Tatayain ang inyong output gamit ang sumusunod na mga krayterya:
 Kaangkupan ng Impormasyong nakasaad sa panukala
 Kapakinabangan
 Praktikalidad
 Pagiging Epektibo

Prepared by:

John Paul D. Angoluan

You might also like