You are on page 1of 6

Mala-Masusing Banghay-Aralin sa

ARALING PANLIPUNAN 10

ISYU AT HAMONG PANLIPUNAN

I. Mga Layunin

Sa loob ng 45-minuto ang mga mag-aaral ay:


1. Naipaliliwanag ang konsepto at dahilan ng migrasyon sa loob at labas ng bansa;
2. Naipapaliwanag ang epekto ng migrasyon sa aspetong panlipunan, pampolitika at
pangkabuhayan; at
3. Nakabubuo ng angkop na hakbang sa pagtugon sa mga suliraning dulot ng migrasyon.

II. Paksang Nilalaman

Paksa: ARALIN 3: Migrasyon


Nilalaman: Migrasyon: Konsepto at Konteksto
Migrasyon: Perspektibo at Pananaw
Mga Isyung Kalakip ng Migrasyon
Sanggunian: MODYUL 2: MGA ISYUNG PANG-EKONOMIYA
(Kagawaran ng Edukasyon ) Pahina 220 - 245
Kagamitan: Cartolina, Powerpoint
Pagpapahalaga: Nakabubuo ng angkop na hakbang sa pagtugon sa mga suliraning dulot ng
migrasyon.

III. Pamamaraan

a. Panimulang Gawain
i. Pagbati
ii. Panalangin
iii. Pagaayos ng Silid
iv. Pagtala ng Liban
v. Pagbabalik Aral

Panuto: Guess the Logo


Ang mga mag-aaral ay susubuking tukuyin ang mga produkto o
serbisyo gamit ang sumusunod na logo. Humandang sagutin ang mga
tanong.
______________________ __________________________

________________________ __________________________

________________________ __________________________

b. Pagganyak
Gawain: 4 pics 1 word
Panuto: Ang guro ay magpapakita ng mga larawan na tumutukoy sa isang bansa.
Ang mga mag-aaral ay papangkatin sa tatlong grupo. Ang mga mag-aaral ay sasagot
sa pamamagitan ng pagbuo ng mga ginupit na letra.

K N A A J P I
J A O R E K I

N A I U B D K

c. Paglalahad/Pagtatalakay

1. Pagtalakay sa Migrasyon: Konsepto at Konteksto


2. Pagtalakay sa pagkakaiba ng flow at stockfigures.
3. Pagtalakay sa pangkalahatang obserbasyon ukol sa mga isyu sa migrasyon
4. Pagtalakay sa mga Isyung Kalakip ng Migrasyon
d. Paglalahat
Gawain: Suri- Realidad
Panuto: Ang guro ay magpapakita ng video presentation tungkol sa pag-alis ng isang
magulang patungo sa ibang bansa at mga kalagayang ng pamilya na naiwan.
Pamprosesong mga Tanong:
1. Magkakatutulad ba ang naging reaksiyon ng mga anak na ang mga magulang ay
naghahanapbuhay sa ibang bansa?
2. Pinatunayan ba nito na ang isyu ng Migrasyon ay nararanasan ng maraming
Pilipino?
3. Batay sa inyong nakalap na mga impormasyon, higit bang nakabubuti o
nakasasama sa pamilya ang pangingibangbansa ng mga magulang?
4. Nakikita mo ba ang iyong sarili sa hinaharap bilang isang manggagawa sa ibang
bansa? Ipaliwanag ang iyong sagot

e. Paglalapat
Gawain: Approved Ako! (Immigration officer at passport holder)
Panuto: Ang mga magaaral ay papangkatin sa apat na grupo. Mula sa inihandang
katanungan ng guro ang bawat pangkat ay magbibigay ng solusyon o komento sa
mga surilanin inilahad.
Pamprosesong mga Tanong:
1. Ano ang nagiging masamang bunga ng pag-alis ng mga ‘skilled workers’ sa mga
bansang pinagmumulan nito?
2. Bakit sa kabila ng mga nararanasang pang-aabuso ng mga manggagawa ay
ninanais pa rin ng mga ito na magtrabaho sa Kanlurang Asya? Ipaliwanag ang
iyong sagot.
3. Paano tinutugunan ng pamahalaan ang pang-aabusong nararanasan ng mga
manggagawa nito sa ibang bansa?
4. Sa konteksto ng Pilipinas, sapat ba ang ginagawa ng pamahalaan upang
mabigyang seguridad ang mga manggagawa nito sa ibang bansa?
Pangatuwiranan

IV. Pagtataya
Gawain:
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Isulat sa sagutang papel ang titik ng
wastong sagot.
1. Ano ang migrasyon?
A. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar
B. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat sa kaguluhan ng mga mamamayan
C. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar o teritoryong
politikal patungo sa isang lugar pansamantala man o permanente
D. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat dulot ng mga hindi inaasahang
pangyayari sa lugar na pinagmulan
2. Suriin ang pangungusap sa ibaba. Tukuyin kung anong pangkalahatang obserbasyon sa
migrasyon ang inilalarawan dito

I. Maraming mag-aaral na mga Vietnamese at Koreans ang nagpupunta sa Pilipinas.

A. Globalisasyon ng migrasyon
B. Mabilisang paglaki ng globalisasyon
C. Peminisasyon ng globalisasyon
D. Migration transition

3. Ilan sa mga dahilan ng permanenteng migrasyon ay ang paghahanap ng mga sumusunod


maliban sa isa. Ano ito?

A. Hanapuhay B. Turismo

C. Edukasyon D. Tirahan

4. Noong taong 2013, nagmula sa Asya ang pinakamalaking bilang ng mga imigrante na
lumabas ng kanilang bansa. Ano ang mahihinuha rito?

A. Kakaunti ang oportunidad na makakuha ng mga mamamayan sa Asya.

B. Kahirapan ang mas namamayani sa Asya at hindi kaginhawahan ng pamumuhay.

C. Mas malaki ang oportunidad sa labas ng Asya

D. Mas kinakakitaan ng malaking oportunidad ng mga Asyano ang ibang lugar bunga ng
iba’t ibang hanapbuhay na mapapasukan na angkop sa kanilang natapos.

V. Takdang-Aralin
Gawain: Pasulat ng Critical Analysis Paper
Upang lubos na makatulong sa pagharap sa hamon sa mga isyung pangekonomiya ay
sumulat ng isang Critical Paper Analysis tungkol sa isyu na may kinalaman sa migrasyon.

Patnubay sa paggawa ng Critical Analysis Paper


Panimula (Introduction) Maikling pagsasalaysay o paglalahad ng nilalaman ng
Analysis Paper.
Suliraning Pang-ekonomiya Paliwanag sa suliraning pangekonomiyang susuriin.
Ilalahad dito ang salik at dahilan ng pagusbong ng
suliraning ito.
Paglalahad at pagsusuri ng datos Paglalahad at pagsusuri mga datos. Ang mga datos ay
(Analysis) batay sa mga impormasyong nakalap sa mga gawain
ng yunit na ito
Konklusyon (Conclusion) Pagbibigay konklusyon sa mga datos upang makabuo
ng mga pahayag na magiging batayan ng solusyon.
Solusyon (Solution) Kauukulang solusyon o alternatibo na makatutugon
sa suliranin o hamong pangekonomiyang sinuri.
Rubric sa pagmamarka ng analysis paper

Eksperto (4) Mahusay (3) Nagsisimula (2) Baguhan (1 )

Kalinawan at Ang nabuong Ang nabuong Ang nabuong Ang nabuong


komprehensibo analysis paper ay analysis paper ay analysis paper ay analysis paper ay
ng ideya lubos na na hindi malinaw na walang
nakapagpahayag nakapagpahayag nakapagpaha -yag naipahayag na
ng malinaw at ng malinaw na ng malinaw na ideya at konsepto
komprehensibong ideya at konsepto ideya at konsepto na magdadala
ideya at konsepto na nagdala ng na magdadala sana sa
na nagdala ng pagkaunawa sa sana sa pagkaunawa sa
pagkaunawa sa bumabasa nito. pagkaunawa sa bumabasa nito.
bumabasa nito. bumabasa nito.
Paglalahad at Maayos at Maayos na Nakapaglahad ng Walang nailahad
pagsusuri ng sistematikong nailahad ang mga datos at na datos at
datos nailahad ang mga kaugnay (relevant) impormasyon impormasyon
kaugnay (relevant) na datos at tungkol sa paksang tungkol sa
na datos at impormasyon sinuri. paksang sinuri.
impormasyon tungkol sa paksang
tungkol sa paksang sinuri.
sinuri.
Komprehen Komprehensibo at Komprehensibo Nakabuo ng Walang
sibo at lohikal lohikal ang ang nabuong konklusyon. konklusyong
na konklusyon nabuong konklusyon. nabuo.
konklusyon.
Kaakmaan at Nakapagmungkahi Nakapagmungkahi Nakapagmungkahi Walang
kalinawan ng ng akma at ng akmang ng solusyon sa naimungkahing
solusyon malinaw na solusyon sa isyung isyung sinuri. solusyon.
solusyon sa isyung sinuri.
sinuri.

Inihanda nina:

Panggalan: Lopez, Susana May R.


Macatangay, Jonathan C.
Oltiveros, Manilyn M.
Sareno, Ruth M.
Pangkat: TCP-3

You might also like