You are on page 1of 4

REPUBLIKA NG PILIPINAS

KAGAWARAN NG EDUKASYON
REHIYON XI
SANGAY NG DAVAO DEL SUR
SANTA CRUZ NORTH DISTRICT
IDONG ELEMENTARY SCHOOL

BANGHAY-ARALIN
IKAAPAT NA KWARTER
MAPEH IV (HEALTH)
May 18, 2023, 1:50-2:40 PM

I. Layunin:
A. Recognizes disasters or emergency situations.

II. Paksang Aralin: Mga Uri ng Kalamidad


Kagamitan: tarpapel, powerpoint, mga larawan, video, paper strips
Sanggunian: MELC, SLM (Q4-W2)
Code: H4IS-IVa-28
Integrasyon: Araling Panlipunan, Science, ESP

III. Pamamaraan:
Panimulang Gawain
 Pambungad na Panalangin
 Paglilista ng Liban sa Klase
 Paglalahad ng Layunin
 Pagtatakda ng mga Tuntunin

A. Pagsasanay
 Tatayong nakapalakpak ang mga mag-aaral kung naranasan nila ang sumusunod at
uupo kung hindi.
1. Naligo sa ulan
2. Nakasakay ng eroplano
3. Natamaan ng bato
4. Nakainom ng kumukulong tubig
5. Nahulog sa bangin

B. Balik-aral
 Ano ang magandang maidudulot ng pagtapon ng basura sa tamang lalagyan?

C. Paglinang ng Gawain
1. Pagganyak
Ipasuri ang mga sumusunod na larawan at ipasagot ang mga katanungan ukol sa mga ito.

1. Ano ang nasa larawan?


2. Anong mahahalagang impormasyon ang makukuha natin dito?

2. Paglalahad
Ipanood sa mga bata ang isang balitang tungkol sa kalamidad. Pagkatapos, ipasagot ang
mga katanungan ukol dito.
1. Ano ang ipinapakita ng balita?
2. Ano ang epekto ng kalamidad sa mga ari-arian at buhay ng tao?
3. Alam ba ninyo ang kahulugan at ang mga iba’t ibang uri ng kalamidad?

Pagtalakay
1. Ipaliwanag ang kahulugan ng kalamidad.
2. Pagpakita ng mga larawan/video at pagtalakay ng mga uri ng kalamidad.

Kahulugan ng Kalamidad
 Ang kalamidad ay ang pangyayari na sanhi ng mga pagbabago sa kondisyon ng
kalikasan at maaaring magdulot ng pagkawasak o pagkawala ng mga ari-arian at
kapahamakan sa buhay ng tao.

Mga Uri ng Kalamidad


 Bagyo (Typhoon)
o Napakasamang lagay ng panahon na may dalang malakas na hangin at ulan.
 Baha (Flood)
o Ito ay labis na pag-apaw ng tubig o isang paglawak ng tubig na natatakpan ang
lupa.
 Lindol (Earthquake)
o Ito ay ang pagyanig ng lupa na maaaring magdulot ng pagsabog ng bulkan o
paggalaw ng tectonic plates sa ilalim ng lupa.
 Pagputok ng Bulkan (Volcanic Eruption)
o Ito ay ang pagsabog na nagbubuga ng mainit na bato at abo. Nagdudulot ito ng
malaking pinsala sa mga tao at komunidad na nasa lugar na malapit sa bulkan.
 Pagguho ng Lupa (Landslide)
o Ito ay pagguho o pagbagsak ng lupa at bato mula sa mataas na lugar dahil sa
gravity o batak ng natural na pwersa ng mundo.

3. Gawain
1. Pangkatin ang klase sa tatlo.
2. Bawat pangkat ay bubunot ng paper strip para sa kanilang gagawin.
o Gumuhit ng pangyayari sa panahon ng baha.
o Isadula ang gagawin kapag may lindol.
o Ilarawan ang gagawin kapag may bagyo.
3. Ilahad ang pamantayan sa gawain.
Pamantayan:
Pangnilalaman – 10 puntos
Pagkamalikhain – 7 puntos
Pagkakaisa – 3 puntos
Kabuuan – 20 puntos
4. Bigyan lamang ng sampung minuto (10) sa pagsagot.

4. Pagsusuri
1. Nasiyahan ba kayo sa inyong ginawa?
2. Ano ang ginawa ng una, pangalawa at pangatlong pangkat?
3. Ano ang maaaring maging epekto ng kalamidad sa ari-arian at buhay ng tao?
4. Paano tayo makaiwas sa mga epekto ng kalamidad?

5. Paglalahat/Paghahalaw
1. Ano ang kahulugan at mga uri ng kalamidad?

6. Paglalapat
1. Anong mga kalamidad ang madalas nararanasan sa ating bansa?
2. Kung ang lindol ay nangyari habang ikaw ay nasa loob ng silid-aralan, ano ang iyong
gagawin?

D. Pagpapahalaga
1. Mahalaga bang pag-aralan ang mga uri ng kalamidad? Bakit?

IV. Pagtataya
Panuto: Tukuyin ang uri ng kalamidad ayon sa pagsasalarawan. Buuin ang salita sa
pamamagitan ng pagsulat sa patlang ng mga nawawalang titik.
1. May dalang malakas na hangin at ulan __ A__ __O
2. Pagguho ng lupa LA__ __S__I__ __
3. Bunga ng walang tigil o lakas ng pag-ulan B__ __ A
4. Pagyanig ng lupa L__N__O__
5. Pagsabog o pagbuga ng usok __ A__PU__ __K N __ B__ __K__ N

V. Takdang-aralin
 Sa inyong kwaderno, sumulat ng tatlong (3) iyong gagawin kapag makaranas ng
kalamidad.

Prepared by: Verified and Checked by: Noted by:

GLORY MAE DIYAYA RAZEL R. DOLENDO ENRIQUE N. AMARO JR.


Substitute Teacher Master Teacher I Principal I

You might also like