You are on page 1of 8

Asignatura Health Baitang 4

W1 Markahan 4 Petsa
I. PAMAGAT NG ARALIN Pagtukoy sa iba’t ibang uri ng kalamidad at sakuna na maaaring
mangyari sa kanilang komunidad.
II. MGA PINAKAMAHALAGANG
Natutukoy ang iba’t ibang uri ng kalamidad at sakuna na maaaring mangyari sa kanilang
KASANAYANG PAMPAGKATUTO (MELCs)
komunidad. (MELC 19)
III. PANGUNAHING NILALAMAN Batayang pangkaligtasan at pagbibigay ng pangunang lunas.
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO
I. Panimula (Mungkahing Oras: 3 minuto)

Halina at paghandaan ang mga kalamidad na sa atin ay di - inaasahang dumating at maranasan.

Ang sakuna ay tumutukoy sa isang malaking kapinsalaan o kalamidad. Ito ay aksidente o mga hindi sadyang pangyayari tulad ng
bagyo, lindol at iba pa.

Ang maagap na paghahanda ay nalalayo sa sakuna. Upang maiwasan ang mga sakuna na dulot ng natural na kalamidad, makinig o
alamin lagi ang mga pahayag, babala at maging alerto. Maaaring malaman ang pinakabagong impormasyon ukol sa sama ng panahon
sa radyo, telebisyon o internet. Laging ipinahahayag sa telebisyon o radyo ang pagdating o paglapit ng isang bagyo, pagputok ng bulkan,
lindol, baha at malakas na hangin.

Iba ang may kaalaman at may kahandaan. Ang larawan sa ibaba ay nagpapakita ng pagsasanay bilang paghahanda sa lindol. Ito ay
isinasagawa sa mga paaralan, opisina at kahit saan sa buong bansa sa itinakdang araw at oras ng National Disaster Risk Reduction
Management Council. (NDRRMC)

Larawang kuha ni Zenaida E. Belino

D. Pagpapaunlad (Mungkahing Oras: 10 minuto)

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1:


Tukuyin ang kalamidad na inilalarawan sa bawat bilang. Buoin ang salita sa pamamagitan ng paglalagay ng nawawalang titik sa
ibabaw ng patlang. Sipiin at sagutan sa notbuk.

1. Pagbubuga ng asupre p_ g_ u_ ok n_ b_ lka_


2. Pagkibo ng lupa l_ n_ o l
3. Paglakas ng hangin at ulan b_ g_ o
4. Bunga ng walang tigil na pag – ulan b_ h_
5. Pagguho ng lupa l_ nd_ l_ d_

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2:


Magsaliksik sa internet o humanap sa mga aklat at babasahin ng mga uri ng kalamidad. Idikit sa isang malinis na papel/bond
paper ang mga larawan ng kalamidad at sumulat ng pangungusap tungkol dito.
E. Pakikipagpalihan (Mungkahing Oras: 10 minuto)

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3:


Mula sa mga larawang nasaliksik sa unang gawain, aling kalamidad ang kaya mong iguhit? Gawin ito sa isang malinis na papel.

A. Paglalapat (Mungkahing Oras: 7 minuto)

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4:


Sumulat ng talata tungkol sa hindi mo pinakamakakalimutang karanasan tungkol sa kalamidad. Gawing gabay ang mga tanong sa
ibaba sa pagsulat ng talata.
1. Sumunod ba ako sa mga dapat tandaan sa pagsulat ng talata?
2. Magkakaugnay ba ang kaisipan ng mga pangungusap?
3. Naisalaysay ko ba ayon sa pagkakasunod - sunod ang mga pangyayari?

Batayan sa pagmamarka
Kriterya Pinakamahusay (5- Mahusay Katamtaman
4) (3-2) ang Husay (1-
0)

1. Pagkakagamit ng mga pangungusap


2. Paggamit ng mga tamang bantas
3. Kaayusan ng talata
Kabuuan (15 puntos)

V. PAGTATAYA (Mungkahing Oras: 5 minuto)


(Ang mga Gawain sa Pagkatuto para sa Pagpapayaman, Pagpapahusay, o Pagtataya ay ibibigay sa ikatlo at ikaanim na linggo)

Gawain sa Pagkatuto Bilang 5:


Sumulat ng isa hanggang dalawang pangungusap tungkol sa iba’t ibang uri ng kalamidad at sakuna na
maaaring mangyari sa inyong komunidad.

Batayan sa pagmamarka
Kriterya Pinakamahusay (5- Mahusay Katamtaman
4) (3-2) ang Husay (1-
0)

1. Pagkakagamit ng mga salita


2. Paggamit ng mga tamang bantas
3. Kaayusan ng pangungusap
Kabuuan (15 puntos)
VI. PAGNINILAY (Mungkahing Oras: 5 minuto)
● Ipabatid ang iyong personal na pagtatasa sa kard ayon sa lebel ng iyong performans.

Sa iyong kwaderno, magsulat ng nararamdaman o realisasyon gamit ang mga sumusunod na prompt: Nauunawaan ko na
Nababatid ko na .
Kailangan kong higit pang matutunan ang tungkol sa

.
Personal na Pagtatasa sa Lebel ng Performans Para sa Mag-aaral
Pumili ng isa sa mga simbolo sa ibaba na kakatawan sa iyong naging karanasan sa pagsasagawa ng mga gawain. Ilagay ito sa Hanay ng LP o Lebel ng
Performans. Basahin ang deskripsiyon bilang gabay sa iyong pagpili:
 - Nagawa ko nang mahusay. Hindi ako nahirapan sa pagsasagawa nito. Higit na nakatulong ang gawain upang matutuhan ko an garalin.
- Nagawa ko nang maayos. Nahirapan ako nang bahagya sa pagsasagawa nito. Nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang aralin.
? – Hindi ko nagawa o nahirapan ako nang labis sa pagsasagawa nito. Hindi ko nauunawaan ang hinihingi sa gawain. Kailangan ko pa
ng paglilinaw o dagdag kaalaman upang magawa ko ito nang maayos o mahusay.

Gawain Sa Pagkatuto LP Gawain Sa Pagkatuto LP Gawain Sa Pagkatuto LP Gawain Sa Pagkatuto LP


Bilang 1 Bilang 3 Bilang 5 Bilang 7
Bilang 2 Bilang 4 Bilang 6 Bilang 8

VII. SANGGUNIAN Edukasyong Pangkatawan at Pangkalusugan, pahina 380 - 384

Gawain Pagkatuto bilang 1


1. pagputok ng bulkan
2. lindol
3. bagyo
4. baha
5. landslide
Asignatura Health Baitang 4
W2-3 Markahan 4 Petsa
I. PAMAGAT NG ARALIN Pagpapakita ng mga angkop at nararapat na tugon bago, tuwing at pagkatapos ng
anumang kalamidad o sakuna, at kagipitan.
II. MGA PINAKAMAHALAGANG
Nakapagpapakita ng mga angkop at nararapat na tugon bago, tuwing atpagkataposng
KASANAYANG PAMPAGKATUTO
anumangkalamidadosakuna,atkagipitan.(MELC 20)
(MELCs)
III. PANGUNAHING NILALAMAN Batayang pangkaligtasan at pagbibigay ng pangunang lunas.
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO
I. Panimula (Mungkahing Oras: Week 2 – 30 minuto)

Alam mo na ba ang mga pangunahing dapat gawin o ihanda bago, habang at pagkatapos ng mga kalamidad o sakuna?

Ang Survival Kit ay naglalaman ng mga pangunahing kailangan sa oras ng sakuna gaya ng flashlight, radyo, reserbang baterya, pagkain,
tubig at kumot. Naglalaman din ito ng mga gamot.

Narito ang mga pamamaraan/bagay na dapat ilagay sa Emergency Bag:


1. Pagkain (di nasisira kaagad) – Ilagay ang pagkain sa loob ng isang “zip-lock” plastic bag at huwag lamang sa orihinal na pakete. Maaari
itong mabutas at kumalat sa loob ng bag. Maaari ding sumabog ang pop -up easy cans kaya nararapat na suriing palagi. Magdala rin
ng insulated bags. Magdala ng protein at granola bars, trail mix, dried fruits, crackers at cereals. Iwasang magdala ng tsokolate na
madaling matunaw o lumambot.

2. Tubig na inumin – Mas madaling bitbitin, mas maganda. Gumamit ng military type canteen, sport water bottles o water bladder.
Apat na galon ng tubig ang pangkaraniwang kailangan ng isang tao upang mabuhay sa loob ng tatlong araw.

3. Kumot at damit – Magdala ng komportableng damit at undergarment na madaling maimpake at hindi masyadong kakain ng lugar
sa loob ng bag. Magdala ng portable sleeping bags, kumot at blankets.

4. Personal supplies at gamot – Magdala ng first aid kit, mga gamot (ibufrofen, antihistamines, pain reliever), toiletries, at suplay sa
paglilinis. Huwag magdala ng sabon na may pabango dahil makakasira ito sa pagkain.

5. Tools – Magdala ng Swiss Knife, lapis at papel, gamit sa pagkain, tubig at duct tape.

6. Gatong at ilaw – Dapat magdala rin emergency lamps, flashlight, baterya, flares kung mayroon, lighter o waterproof na posporo.

7. Dokumento at pera – Dalhin ang lahat ng legal na dokumento tulad ng birth/marriage certificates, passport, credit cards, at insurance
na maaaring itabi sa isang lugar na madaling mabitbit at mahanap. Ilagay ang mga ito sa loob ng isang waterproof na lalagyan.
Magdala ng kaunting halaga o tseke. Ilagay ang lahat ng ito sa waterproofcontainer.

Palaging tingnan ang emergency bag tuwing anim na buwan upang matiyak na sariwa pa ang pagkain, tubig at gamot at hindi pa
na-expired, tingnan kung maayos at kasya pa ang mga damit, up-to-date ang dokumento at credit cards, sapat ang baterya, at kung
gumagana pa ang mga gadgets. Magbalot din ng mga damit at pagkain para sa bata na kaya niyang bitbitin.

Sa Panahon ng Bagyo BAGO


dumating ang bagyo
• Manood ng balita sa telebisyon o making sa radyo ukol sa lagay ng panahon.
• Isaayos at itabi sa ligtas na lugar ang mga importanteng bagay at mahahalagang papeles.
• Mag – imbak ng sapat na dami ng tubig at pagkain.
• Siguraduhing kumpleto ang emergency supplies katulad ng baterya ng radyo, flashlights, at first aid kit.
• Tingnan ang bubong ng bahay at mga puno sa bakuran na posibleng bumagsak dahil sa malakas na hangin
HABANG may bagyo
Signal No. 1
• Makinig sa balita sa radyo o TV ukol sa bagyo.
• Walang pasok ang pre- school sa paaralan.
• Magdala ng payong, kapote at bota kung lalabas
Signal No. 2
• Makinig sa balita sa radyo o TV ukol sa bagyo
• Walang pasok sa elementarya at sekundarya.
• Manatili sa loob ng bahay kung kinakailangan.
• Iwasang magbiyahe maging sa daan, dagat at himpapawid.
• Maging handa sa posibleng pagbaha.
• Maghanda kung sakaling kinakailangang lumikas sa mataas at mas ligtas na lugar.
Signal No. 3
• Walang klase sa lahat ng antas ng paaralan maging sa opisina.
• Manatili sa loob ng bahay o sa lugar na mas ligtas.
• Kung nakatira sa mababang lugar, lumikas sa mas mataas at mas ligtas na lugar.
• Iwasan ang pagpunta sa anumang uri ng anyong tubig.
Signal No. 4
• Ipagpaliban ang ano mang gawain at manatili sa loob ng bahay.
• Lumikas sa mas mataas na lugar sa posibleng pagbaha o landslide.
• Patibayin ang mga bahagi ng bahay na maaaring maapektuhan.
• Umantabay sa mga ulat sa mass media.
• Siguraduhing walang nakaharang sa kalsada para sa pagdaan ng emergency vehicles. Maghanda ng
emergency kit.
• Kapag bumaha patayin ang main switch.
• Huwag lumusong sa baha kung hindi kinakailangan. Huwag gumamit ng gas o ng kasangkapang nalubog sa baha.
PAGKATAPOS ng bagyo
• Kumpunihin ang mga naiwang sira o pinsala sa bahay at bakuran kung mayroon.
• Iwasang magtampisaw sa tubig baha upang makaiwas sa sakit.
• Ipagbigay-alam sa kinuukulan ang anomang pinsala sa linya ng kuryente, tubig, at telepono.
• Kung nasa evacuation site, maghintay ng hudyat kung kalian ligtas nang bumalik sa inyong bahay.

LINDOL
Ang lindol ay sanhi ng isang mabilis na paglabas ng enerhiyang seismiko. Madalas, ang mga lindol ay sanhi ng paggalaw sa fault sa ibabw
na bahagi ng mundo (crust). Ang enerhiyang lumalabas ay sumasangga sa lahat ng direksyon mula sa kaniyang pinanggalingan, sa anyo ng
mga seismikong alon. Ang anyo ng mga seismikong alon ay maihahalintulad sa anyo ng payapang tubig na hinuhulugan ng isang bato. Kahit
na ang enerhiya ay mabilis na nababawasan habang ito ay papalayo sa pokus, may mga sensitibong kagamitan na nakatalaga sa iba’t ibang
panig ng mundo para itala ang mga pangyayaring may kinalaman sa pagyanig ng lupa.

BAGO ang lindol


• Alamin kung may emergency plan ang opisina, paaralan o ang iyong pinagtatrabahuhan.
• Maghanda ng emergency supplies tulad ng sa paghahanda sa bagyo.
• Alamin kung nasaan ang electric fuse box sa bahay. Kinakailangan itong maisara sa pagsapit ng lindol upang maiwasan ang
sunog.
• Iwasang maglagay ng mga bagay na maaaring mahulog at magdulot ng malaking panganib.
• Magsagawa ng earthquake drill sa paaralan, bahay o komunidad.
HABANG may lindol
• Manatiling kalmado. Maging alerto kung saanman abutan nito.
• Kung nasa loob ng isang gusali, tumayo sa isang pader malapit sa sentro ng gusali. Maghanap ng matatag na maaaring pagsilungan
habang lumilindol.
• Kung nasa loob ng sasakyan, ihinto ang sasakyan at hintaying matapos ang pagyanig.
• Kung nasa labas, ilayo ang sarili sa anomang maaaring mahulog na bagay at mabuwal na puno o poste.
• Duck, cover, hold.
PAGKATAPOS ng lindol
• Suriin ang sarili kung may natamong anumang sugat.
• Suriin ang linya ng tubig, kuryente, at gasul sa anumang pagtagas. Kung may pagtagas sa mga ito, lalo na ang gasul, buksan ang
bintana at lumikas sa ligtas na lugar. Ipagbigay alam sa kinuukulan ang pangyayari.
• Makinig ng balita sa radyo at TV.
• Umiwas sa mga gusaling nasalanta ng lindol.

PAGPUTOK NG BULKAN
Maaaring ang pagputok ng bulkan ay magdulot ng sakuna sa buhay ng tao. Ngunit maaari din itong magdulot ng maganda sa
kalikasan. Nagbabago ang anyo at topograpiya ng isang lugar sa pagputok ng bulkan.

BAGO pumutok ang bulkan


• Tukuyin ang ligtas na lugar sa paglikas.
• Ihanda ang kinakailangan sa paglikas; damit, pagkain, at mahahalagang kagamitan.
• Mag-imbak ng kinakailangang pagkain, gamot, at tubig sa panahon ng paglikas.
• Siguraduhing ligtas ang mga alagang hayop.
• Alamin ang lugar na maaaring pagdaanan ng lava mula sa bulkan upang makaiwas sa mga ito.
PAGKATAPOS ng pagputok ng bulkan
• Maghintay sa hudyat ng mga kinauukulan sa posibleng pagbalik sa tirahan.
• Ayusin at kumpunihin ang pinsala sa bahay at linya ng kuryente, tubig, at telepono.
• Pag-aralan kung paano maaaring magamit ang lupa na may halong mga bato mula sa bulkan.
Sanggunian: Edukasyong Pangkatawan at Pangkalusugan, pahina 387 – 397

D. Pagpapaunlad (Mungkahing Oras: Week 2 – 10 minuto)


Gawain sa Pagkatuto Bilang 1:
Sipiin sa notbuk ang mga sumusunod at lagyan ng tsek kung kailangan ang mga bagay na ito sa paghahanda bago ang kalamidad at ekis
kung hindi.

1. flashlight 6. Radyo _____________


2. tsokolate 7. laruan
3. kumot 8. pagkain
4. laptop 9. gamot
5. dokumento 10. tools
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2:
Iguhit sa isang malinis na papel ang mga bagay na dapat ilagay sa Emergency Kit o Emergency Bag.
E. Pakikipagpalihan (Mungkahing Oras: Week 3 – 10 minuto)

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3:


Lagyan ng tsek ang kahon kung ang ipinakikita sa bawat larawan ay tamang paghahanda sa iba’t ibang uri ng kalamidad at ekis kung
mali naman.

1. BAGO ang bagyo 2. HABANG maybagyo

https://news.abs-cbn.com/news/10/25/20/calapan-local-govt-naka-alerto-dahil-sa-bagyong-quinta Larawang kuha ni Alice Manzano


Paghahanda ng mga bubong ng tahanan Pagdidilig ng mga halaman

3. PAGKATAPOS ng pagputok ng bulkan 4. HABANG maylindol

https://www.thedailystar.net/multimedia/world/photo Larawang kuha ni Zenaida E. Belino


/photos-taal-volcano-eruption-philippines-1853485#725353
Paglilinis ng mga abo sakalsada Pagsasagawa ng duck, cover and hold

5. PAGKATAPOS ngbagyo

https://sa.kapamilya.com/absnews/abscbnnews/media/2020/news/05/14/flood.jpg
Paliligo sa baha

A. Paglalapat (Mungkahing Oras: 10 minuto)

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4:


Makipag – usap o makipagdayalogo sa iyong mga kasama sa bahay tungkol sa mga dapat tandaan bago, habang at pagkatapos ng
anumang kalamidad. Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon. Magbigay ng sariling saloobin o karanasan tungkol dito. Isulat sa notbuk
ang iyong mga sagot.
1. Ikaw ay handa na sa pagpasok sa paaralan nang marinig mo sa balita na Signal No.2 na. Ano ang dapat mong gawin?
2. Ang mga naninirahang malapit sa Bulkang Taal ay sinabihan na ng tanggapan ng PHILVOCS na anumang oras ay sasabog ito. Sinikap
nilang maihanda at madala lamang ang mga mahahalagang dokumento at mga pangangailangan sa kanilang paglipat sa itinakdang
Evacuation Center. Tama ba ang kanilang ginawang
paghahanda? Pangatuwiranan.

V. PAGTATAYA (Mungkahing Oras: 15 minuto)


(Ang mga Gawain sa Pagkatuto para sa Pagpapayaman, Pagpapahusay, o Pagtataya ay ibibigay sa ikatlo at ikaanim na linggo)

Gawain sa Pagkatuto Bilang 5:


Isulat sa loob ng kahon ang mga paghahanda upang maiwasan ang malubhang pinsala. Gawin ito sa notbuk.
1. HABANG may bagyo

2. BAGO ang lindol

3. BAGO pumutok angbulkan

VI. PAGNINILAY (Mungkahing Oras: 5 minuto)


• Ipabatid ang iyong personal na pagtatasa sa kard ayon sa lebel ng iyong performans.

Sa iyong kwaderno, magsulat ng nararamdaman o realisasyon gamit ang mga sumusunod na prompt:

Nauunawaan ko na .
Nababatid ko na .
Kailangan kong higit pang matutunan ang tungkol sa .

Personal na Pagtatasa sa Lebel ng Performans Para sa Mag-aaral


Pumili ng isa sa mga simbolo sa ibaba na kakatawan sa iyong naging karanasan sa pagsasagawa ng mga gawain. Ilagay ito sa Hanay ng LP o Lebel ng Performans.
Basahin ang deskripsiyon bilang gabay sa iyong pagpili:
 - Nagawa ko nang mahusay. Hindi ako nahirapan sa pagsasagawa nito. Higit na nakatulong ang gawain upang matutuhan ko angaralin.
✓ - Nagawa ko nang maayos. Nahirapan ako nang bahagya sa pagsasagawanito. Nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang aralin.
? – Hindi ko nagawa o nahirapan ako nang labis a pagsasagawa nito. Hindi ko nauunawaan ang hinihingi sa gawain. Kailangan ko pa ng paglilinaw o dagdag kaalaman
upang magawa ko ito nang maayos o mahusay.

Gawain Sa Pagkatuto LP Gawain Sa Pagkatuto LP Gawain Sa Pagkatuto LP Gawain Sa Pagkatuto LP


Bilang 1 Bilang 3 Bilang 5 Bilang 7
Bilang 2 Bilang 4 Bilang 6 Bilang 8
VII. SANGGUNIAN Edukasyong Pangkatawan at Pangkalusugan, pahina 387 – 397
https://news.abs-cbn.com/news/10/25/20/calapan-local-govt-naka-alerto-dahil-sa- bagyong-quinta
https://www.thedailystar.net/multimedia/world/photo/photos-taal-volcano- eruption-
philippines-1853485#725353
https://sa.kapamilya.com/absnews/abscbnnews/media/2020/news/05/14/flood

Gawain Pagkatuto bilang 1 : 1./ 2./ 3./ 4.X 5./


Gawain Pagkatuto bilang 3: 1./ 2.X 3./ 4./ 5.X

You might also like