You are on page 1of 3

Asignatura Homeroom Guidance Baitang 5

W2 Markahan Ikatlo Petsa


I. PAMAGAT NG ARALIN Pangangalaga sa Sarili para sa Kaligtasan
II. MGA PINAKAMAHALAGANG Practice self-care and safety lessons in times of needs HGIPS-IIIb-4
KASANAYANG PAMPAGKATUTO
(MELCs) Naisasagawa ang pangangalaga sa sarili at mga kaalamang
pangkaligtasan sa oras ng pangangailangan

III. PANGUNAHING NILALAMAN Pangangalaga sa sarili at kaalamang pangkaligtasan sa oras ng


pangangailanagan
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO
I. Panimula (Mungkahing Oras: 5 minuto)

Sa nakaraang aralin ay naibahagi mo kung paano dapat pangalagaan ang mga personal at pribadong
impormasyon sa social media. Napakahalaga nito upang hindi magamit ang mga personal na impormasyon sa
masasamang gawain na maaaring makasira sa ating pagkatao at maging sa kaligtasan at seguridad ng ating
kapwa.

Sa linggong ito naman ay panibagong kaalaman at kasanayan ang iyong matututunan upang mapaunlad
mo pa ang iyong sarili. Dito ay iyong matutunan kung paano mo isasagawa ang pangangalaga at mga
kaalamang pangkaligtasan sa oras ng pangangailangan.

D. Pagpapaunlad (Mungkahing Oras: 15 minuto)

Ang pangangalaga sa sarili ay napakahalagang matutunan ng isang mag-aaral kahit sa murang edad pa
lamang. Ito ay upang mailayo ang sarili sa sakit at kapahamakan na dulot ng kakulangan ng kaalamang
pangkaligtasan.

Una nating natututunan ang mga pamamaraang pangkaligtasan sa ating mga tahanan na itinuturo
naman ng ating mga magulang. Sa pagpasok natin sa paaralan, lalong nadaragdagan ang ating kaalaman
kung paano natin mapapanatiling ligtas ang ating mga sarili lalo na sa oras ng kalamidad at iba pang
pagkakataon.

Ang mga kaaalaman at mga kasanayang na natutunan ay malaking tulong para sa batang katulad mo
upang mapangalagaan at mapanatiling ligtas ang sarili sa oras ng suliranin kakaharapin.

Ang simpleng pakikiisa sa mga gawain tulad ng earthquake drill, fire drill at lock out drills sa ating paaralan
ay isang hakbang upang madagdagan ang ating kaalamang pangkaligtasan. Ang kaalamang ito maaari
naman nating maituro sa ating mga mahal sa buhay upang maging ligtas din sila sa mga panganib na dulot ng
mga sakuna.

E. Pakikipagpalihan (Mungkahing Oras: 20 minuto)

Gawain sa Pagkatuto 1: Basahin at unawaing mabuti ang slogan sa ibaba. Sagutin ang mga sumusunod na
tanong. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

KAPAG ANG ISANG TAO AY PALAGING HANDA


PANGANIB AT SAKUNA, WALANG PANAMA

1. Ano ang mensaheng nais ipabatid ng slogan?


2. Paano mo mapapanatiling ligtas ang iyong sarili?
3. Paano makatutulong ang pagiging handa natin sa mga panganib?
4. Magbigay ng isang sitawasyon kung saan kinakailanagan mong maisagawa ang iyong kaalamang
pangkaligtasan.
5. Ano- ano ang maaari mong gawin upang maging handa ka sa mga panganib at sakuna?
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO

Gawain sa Pagkatuto 2: Itala sa Web Chart ang mga gagawin mo upang mapanatiling ligtas ang iyong sarili at
pamilya kapag nagkaroon ng sakuna sa inyong lugar. Sagutin ang mga katanungan pagkatapos nito

Mga Gawaing Magliligtas


sa Aking Sarili at Pamilya
sa Oras ng Sakuna

A. Paglalapat (Mungkahing Oras: 10 minuto)

Nalaman at natutunan mong isagawa ang pangangalaga sa iyong sarili at pagsasabuhay ng mga kaalamang
pangkaligtasan. Mahalaga na alam mo kung paano mo mapapangalagaan at mapapanatiling ligtas ang iyong
sarili at ng iyong kapwa sa oras ng suliranin o pangangailangan.

Maraming paraan upang mapangalagaan ang sarili at maisagawa ang kaalamang pangkaligtasan. Ito ay ang
mga sumusunod:

⮚ Pangangalaga sa sariling kalusugan upang malayo sa anumang sakit


⮚ Pakikiisa sa mga gawaing nagtuturo ng kaligtasan
⮚ Pagbabahagi sa pamilya at sa kapwa sa mga kaalamang natutunan tungkol sa pangangalaga sa sarili
at kaalamang pangkaligtasan upang sila ay malayo sa anumang panganib.

Gawain sa Pagkatuto 3: Gumawa ng isang slogan tungkol sa kahalagahan ng pagkikiisa sa mga gawaing
pangkaligtasan upang mapanatiling ligtas ang sarili at kapwa sa oras ng pangangailangan. Gawin ito sa isang
malinis na sagutang papel.

Rubriks sa Pagmamarka ng Slogan

Pamantayan Napakahusay Mahusay Kailangan ng


Pag-unlad
(10) (9-8) (7-5)
Nakasunod ang paksa

Nakapagbigay ng malinaw na
mensahe

Nagpakita ng pagkamalikhain
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO
V. PAGNINILAY (Mungkahing Oras: 5 minuto)

• Ipabatid ang iyong personal na pagtatasa sa kard ayon sa lebel ng iyong performans.

Personal na Pagtatasa sa Lebel ng Performans Para sa Mag-aaral


Pumili ng isa sa mga simbolo sa ibaba na kakatawan sa iyong naging karanasan sa pagsasagawa ng mga gawain. Ilagay ito sa
Hanay ng LP o Lebel ng Performans. Basahin ang deskripsiyon bilang gabay sa iyong pagpili:
 - Nagawa ko nang mahusay. Hindi ako nahirapan sa pagsasagawa nito. Higit na nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang
aralin.
✓ - Nagawa ko nang maayos. Nahirapan ako nang bahagya sa pagsasagawanito. Nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang
aralin.
? – Hindi ko nagawa o nahirapan ako nang labis a pagsasagawa nito. Hindi ko nauunawaan ang hinihingi sa gawain. Kailangan ko pa
ng paglilinaw o dagdag kaalaman upang magawa ko ito nang maayos o mahusay.
Gawain Sa Pagkatuto LP Gawain Sa Pagkatuto LP Gawain Sa Pagkatuto LP
Bilang 1 Bilang 2 Bilang 3

VI. SANGGUNIAN K-to-12 MELCs, page 713


Deped Learning Resource

Inihanda ni: JERARD B. PADUA Sinuri nina: LIEZEL M. MAESTRO

MYRASOL D. BELTRAN
MA. LETICIA JOSE C. BASILAN, PhD
PHILIPS T. MONTEROLA

You might also like