You are on page 1of 8

Republika ng Pilipinas

CONGRESSMAN RAMON A. ARNALDO HIGH SCHOOL


Banica, Roxas City

BANGHAY ARALIN
BAITANG IKA-12 | FILIPINO SA PILING LARANG TECH. VOC.

I. Mga Layunin
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag – aaral ay inaasahang:
1. Nakikilala ang iba’t ibang batayang kaalaman sa pagsulat ng paunawa, babala at anunsyo.
2. Nakakapagsagawa ng isang makabuluhang halimbawa na nagpapakita ng isang paunawa,
babala at anunsyo gamit ang ibat-ibang simbolo at larawan.
3. Nakakabuo ng isang tanghal-tula na nagpapakita ng kahalagahan ng pagsulat ng
paunawa, babala at anunsyo.
II. Paksang Aralin
- Paksa: Batayang Kaalaman sa Pagsulat ng Paunawa, Babala at Anunsyo.
- Sanggunian: Aklat at Internet.
- Kagamitan: Panturong biswal, Multimedia (laptop, LED TV)
- Pagpapahalagang Moral: Napapahalagahan ang Pagsulat ng Paunawa, Babala at
Anunsyo.

III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag – aaral


A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
Magsitayo ang lahat para sa ating panalangin.
Sandy, maari mo bang pamunuan ang ating
 Pananalangin ng mag-aaral.
panalangin?
2. Pagbati
 Magandang hapon din po G. Dela
Magandang hapon sa lahat!
Cruz
3. Pagtatala ng liban at hindi liban
Mayroon bang lumiban sa klase ngayong
 Sagot ng mga mag-aaral
araw?
4.Pagbabalik–aral: Naratibong Ulat
Ano ang kahulugan ng naratibong ulat?
 Ang naratibong ulat ay isang
dokumento na nagsasaad ng sunod-
sunod na pangyayari o kaganapan sa
isang tao o grupo ng tao.
Mahusay!
Ano naman ang kahalagahan ng isang  Mahalaga ito upang magkaroon ng
naratibong ulat? sistematikong dokumentasyon ang
mga nangyari o kayaý kaganapan na
mababalikan kapag kinakailangan.
 Isa pang kahalagahan ng naratibong
ulat ay upang makapagbigay ng sapat
na impormasyon sa mg taong nais
makakuha ng impormasyon hinggil sa
isang espesipikong bagay, serbisyo,
produkto o pangyayari.
Magaling!
 Kronolohikal na Pagkakaayos
Batay din sa napag-aralan natin, mayroong  Walang kinikilingan o kayaý may
mga elemento ang naratibong ulat. Anu-ano sariling opiniyon sa pangyayari
ang mga ito?  Buo ang mahahalagang elemento ng
isang talatang nagsasalaysay.
Mahusay!
Mukhang ang lahat ay natuto sa nakaraan
nating leksyon kung kaya’t hudyat lamang ito
na handa na kayo sa susunood nating aralin.
Handa na ba kayo?  Sagot ng mga mag-aaral
B. Panlinang na Gawain
1. Talasalitaan
Gamit ang mga salitang makikita sa monitor,
tutukuyin ng mga mag-aaral ang kahulugan
ng mga ito ayun sa kanilang sariling
pagkakaunawa.

 Patalastas  Sagot ng mga mag-aaral


 Paunawa
 Anunsiyo
 Babala
 Aksidente

2. Pagganyak
Ngayon, Bago natin simulan ang puso ng
ating talakayan ngayong araw ay may
papanoorin kayung video. Kilatising mabuti
ang nilalaman nito.

Pagkatapos ng panonood ng video,

1. Ano-ano ang mga napansin ninyo sa  Sagot ng mga mag-aaral


video na inyong pinanood?
2. Ano ang pwedeng pagkagamitan ng
video na ito?
3. Makakatulong ba sa iyo ang videong
napanood bilang mag-aaral?

 Pagpapaliwanag ng mga mag-aaral.


Magaling! Palakpakan ninyo ang inyong mga
 Salamat po!
sarili. Maari na kayong magsiupong lahat.
3. Paglalahad ng paksa
Ang ating aralin sa araw na ito ay tungkol sa
iba’t ibang batayang kaalaman sa pagsulat ng
Paunawa, Babala at Anunsyo.
4. Pagtatalakay
Sa aralin ngayon, pag-usapan ang iba’t ibang
katangian ng paunawa, babala, at anunsiyo.
Kung ating pag-iisa isahin, sa inyong sariling
pagkakaintindi ano ang ibig-sabihin ng  Sagot ng mga mag-aaral
Paunawa, Babala at Anunsiyo?
Sige, paki basa naman ang nasa monitor.  Ang isang Paunawa ay isang mensahe
Halimbawa ng isang paunawa ay pagsaad ng
pagbabago ng lugar ng gaganaping na nagsasaad ng mahalagang
pagpupulong. impormasyon at mistula din itong
nagsasabi kung ano ang maaari at
Basahin sa monitor. hindi maaaring gawin. Maaari ding
pumaksa ang paunawa tungkol sa
Halimbawa: anumang pagbabago ng naunang
nabanggit na impormasyon.
 PAUNAWA: Gaganapin ang
pagpupulong ng mag-aaral sa Jose
Rizal Hall sa halip na Marcelo del
Pilar Room.

 PAUNAWA: Inaabisuhan ang lahat


na mula ngayong Lunes, ika-30 ng
Marso ay hindi muna magpapapasok
ng mga tao sa building na ito.

Halimbawa: “Buwan ng Wika 2014” Sentro  Pagbabasa ng mga mag-aaral


@ Beynte-singko: Laban Filipino, Sulong
Wikang Pambansa
* Tingnan sa ipinamudmud na kopya.

Nauunawaan ba? Ngayon, tumungo tayo sa


katangian ng Babala.

Sa palagay niyo, saan kalimitang nakikita ang


isang babala?

Mahalaga ba ang isang babala?


 Sagot ng mga mag-aaral
Sige, sino ang makabasa ng nasa monitor?

Halimbawa: Magpapakita ng iba’t ibang


larawan na nagpapakita ng iba’t ibang babala.  Ang babala ay nagsasaad ng maaaring
maging panganib sa buhay, estado, o
nararanasan ng tao. Maaaring sa
pamamagitan ng salita o larawan
Halimbawa: maisaad ang babala.

1. Nahuhulog na bato.
2. Malakas ang alon. Mag-ingat sa
paglangoy.
3. Babala ng PHILVOCS ukol sa
Bulkang Mayon.
4. Babala para sa inyong kaligtasan
* Tingnan sa ipinamudmud na kopya

Ayun! Mayroon bang katanungan tungkol sa  Sagot ng mga mag-aaral


babala?

Kung gayon, atin namang bigyang katuturan  Ang anunsyo ay nagbabahagi ng


mahalagang impormasyon na
makapagbibigay ng sapat na kaalaman
sa sinumang tao. Maaari din itong isang
ang anunsyo.
panawagan sa ilang importanteng
gawain o aktibidad.
.

Halimbawa: (Ipabasa sa monitor)

 ANUNSYO: Ang mga mag-aaral ng


Tech-Voc ay inaabisuhan na pumunta
sa Opisina ng Kalihim sa Lunes, ika-23
ng Abril mula ika10 ng umaga
hanggang ika-12 ng tanghali para
malaman ang mga sabjek na kukunin sa
susunod na semestre.

 ANUNSYO: Iniimbitahan ang lahat na


dumalo sa pagtitipon ng mga kilalang
 Pagbabasa ng mga mag-aaral
manunulat. Gaganapin ang pagtitipon sa
Claro M. Recto Hall, Bulwagang Rizal,
UP Diliman sa ika30 ng Mayo 2016
mula ika-4 hanggang ika-6 ng gabi.

 Mamasapano, Media at wika ng


digmaan
 Talasalitaan: Isang paglulunsad at
panayam
* Tingnan sa ipinamudmud na kopya

May mga katanungan ba tungkol sa mga


 Sagot ng mga mag-aaral
kahulugan ng paunawa, babala at anunsyo?
Sige, kung wala na, tumungo naman tayo sa
ilang konsiderasyon sa pagbuo ng mga
paunawa, babala, at anunsiyo.
Sa pagbuo ng isang paunawa,babala at 1. Paggamit ng wika
anunsyo ay may ilang mga konsiderasyon
tayong dapat na isinasaalang-alang. Kinakailangang mapukaw agad ang
mambabasa sa anumang inilagay sa paunawa,
Basahin sa monitor. babala, at anunsyo. Mahalaga, kung gayon, na
ang salitang gagamitin ay simple at mabilis na
maiintindihan. Simple ang mga salitang
gagamitin dahil dapat na direktang sinasabi ng
paunawa, babala, o anunsiyo ang mahalagang
impormasyon na laman nito. Mahalaga rin na
mabilis na mauunawaan ng nagbabasa ang
paunawa, babala, o, anunsyo ang
impormasyon na inilalahad. Iwasan ang
maligoy na salita o ang paglalarawan ng isang
pangyayari.

 Halimbawa, ang babalang “Mag-ingat


sa aso” ay malinaw at simple. Pinag-
iingat ang tao sa aso dahil tiyak na may
panganib na dala ang aso sa tao. Maaari
itong makakagat ng tao o kaya ang
simpleng pagtahol nito ay magdulot ng
katatakutan sa tao. Samantala, ang
babalang “Mag-ingat sa itim na aso” ay
makapagbibigay ng kalituhan sa tao
dahil iisipin ng tao na mapanganib ang
itim na aso ngunit ang kayumanggi o
kaya’y puting aso naman ay hindi dapat
kinatatakutan.

2. Paggamit ng imahen o simbolo

Sa kasalukuyan, ang paggamit ng imahen at/o


simbolo, kalakip ang mahahalagang
impormasyon, ay tinatawag na infographics.
Sa kasalukuyang panahon, mas nakapupukaw
sa mag-aaral ang paggamit nito dahil sa
pagiging malikhain, kakaunti ang tekstong
babasahin, malinis ang pagkakagawa, at
nakaaakit sa mata dahil sa kulay. Ang mga
nabanggit sa itaas ay mga palatandaan na
epektibo ang infographics.

Maliban sa usapin ng infographics,


mahalagang ipaalala sa mag-aaral na ang mga
imahen at/o simbolo ay dapat na may
kaugnayan sa ginagawang paunawa, babala, o
anunsiyo. Kapag hindi malinaw ang imahen
at/o simbolong ginamit sa patalastas,
makalilikha ito ng kaguluhan.

Halimbawa:
Malinaw sa imahen sa itaas na isa itong
babala na kung saan ang sasakyan ay
maaaring mahulog mula sa isang bangin na
tubig ang kaniyang babagsakan.

Ayun ang dalawang konsiderasyon na dapat


nating tandaan sa pagsusulat ng
paunawa,babala at anunsyo.
 Sagot ng mga mag-aaral
May mga katanungan ba?

C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat  Sagot ng mga mag-aaral
Sa kabuuan ay natalakay natin ang batayang
kaalaman sa pagsulat ng paunaw, babala at
anunsyo.
Itanong sa mga mag-aaral ang mga
sumusunod:
1. Bakit kailangan nating matutunan ang
mga batayang kaalaman sa pagsulat
ng paunawa, babala at anunsyo?
2. Bilang mag-aaral, Paano ito
nakakatulong sa inyong pang-araw-
araw na pamumuhay?
3. Paano ito makakatulong sa
pagpapaunlad ng ating bayan?

2. Pagsasanay
Pangkatin ang klase sa tatlong grupo. Bawat
pangkat ay bubunot ng tig-aapat na larawan at
iugnay ito sa isat-isa upang makagawa ng
isang makabuluhang halimbawa ng paunawa,
babala at anunsiyo. Bibigyan lamang kayo ng  Sagot ng mga mag-aaral
tatlong minuto sa paghahanda ng inyong mga
nabuong halimbawa. Magkakaroon lamang
ng mga piling representante sa paglalahad ng
gawa.
3. Paglalapat
Maraming salamat sa inyong napakagaling na
pagkakalahad. Palakpakan ninyo ang inyong
mga sarili.

Ngayon, sa kaparehong grupo ay  Pagtatanghal ng mga mag-aaral


magkakaroon tayo ng isang tanghal tula na
nagpapakita ng kahalagahan ng pagsulat ng
paunawa, babala at anunsyo. Bibigyan
lamang ng limang minuto sa paghahanda at
dalawang minuto sa pagtatanghal ng inyong
mga gawa.

Magaling! Maraming salamat sa inyong


napakagaling na pagtatanghal. Muli,
palakpakan ninyo ang inyong mga sarili.

Mula sa isinagawa inyong mga isinagawang


aktibidades, natutukoy niyo na ba ang
batayang kaalaman sa pagsulat ng paunawa,
babala at anunsyo. Gayundin, mas natukoy
ninyo ang kahalagahan ng pagsusulat ng mga
ito.

Kaya, para sa inyo bilang mga mag-aaral,  Sagot ng mga mag-aaral


gaano ito kahalaga sa pang araw-araw na
pamumuhay?

Magaling, ako’y nagagalak at lubos niyong


nauunawaan ang ating aralin.
IV. Pagtataya/Ebalwasyon

Panuto: Tama o Mali. Pansinin ng mabuti ang mga sumusunod na nakalagay sa monitor. Sa isat’
kapat na papel (1/4), Isulat ang titik “T” kung ang sumusunod ay nagpapahayag ng tama at titik
“M” naman kung ang sumusunod ay nagmamahayag ng mali.

____________1. Huwag maniwala sa anumang babala, paunawa at anunsyo dahil minsan itoý
isang panluluko lamang.
____________2. Dapat unawain ang mga babala, anunsiyo at paunawa upang maging matalino
at
magaling sa lahat.
____________3. Ang patalastas ay ang pangkabuuang tawag sa babala, anunsyo at paunawa.
____________4. Basahin at unawain ng mabuti ang mga sumusunod na babala, anunsyo at
paunawa upang maiwasan ang kalituhan at sakuna?
____________5. May nakalagay na “Bawal Tumawid ditto, nakakamatay” ngunit pinilit mo
Parin na makatawid dahil kailangan ka ng nanay mo sa inyong tahanan.
Mga sagot:

1. M 3. T 5. M
2. M 4. T

V. Takdang Aralin
Magsaliksik ng kahulugan at kahalagahan ng pagpili ng pagkain ng menu. Isulat ito sa isa’t
kalahating piraso ng papel (1/2).

Inihanda ni:

CHRISTIAN DOLFO DELA CRUZ


Tagapakitang-turo

Nabatid nina:

RENE E V. AGUIL
Kritikong Guro

ANGELITA B. BECARES
Head Teacher Academic Department

Inaprubahan ni:
RODRIGO D. JEREMIAS JR.
Punong Guro

You might also like