You are on page 1of 36

PAGBASA AT PAGSUSURI NG

IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO


SA PANANALISKIK

YUNIT 2: Tekstong Impormatibo


Aralin 1: Pagtukoy sa Paksa ng Teksto
Kasanayan sa Pagkatuto
Kinakailangan ang araling ito upang higit na maunawaan
ang kasanayan sa pagkatuto na itinakda ng DepEd:

 Natutukoy ang paksang tinalakay sa iba’t ibang


tekstong binasa (F11PB - IIIa - 98).
Layunin sa Pagkatuto
Sa araling ito, inaasahang matutuhan mo ang
sumusunod:

● natutukoy at naipaliliwanag ang katangian at


kalikasan ng tekstong impormatibo; at
● natutukoy ang iba’t ibang halimbawa ng
tekstong impormatibo
Pagganyak
 Suri-lawan: Pagsusuri ng Larawan

● Anong impormasyon ang


inihahatid ng mga kulay?

● Ano ang mahalagang


impormasyong ipinapakita
nito?
Pagganyak
 Suri-lawan: Pagsusuri ng Larawan

● Kailan ikinakansela ang


pasok ng mga nasa
kindergarten?
● Kailan nawawalan ng pasok
ang lahat ng mga mag-aaral
mula kindergarten hanggang
kolehiyo?
Mahahalagang Tanong

● Bakit mahalagang patuloy na magbasa ng iba’t ibang uri


ng teksto?

● Bakit kailangang maging mapanuri sa impormasyong


nababasa?

● Bakit mahalagang magkaroon ng kaalaman sa iba’t ibang


uri ng teksto?
 Ang tekstong impormatibo ay tekstong
nagbibigay o nagtataglay ng tiyak na
impormasyon tungkol sa isang tao, bagay, lugar, o
pangyayari. Sinasagot nito ang mga tanong na
ano, sino, at paano tungkol sa isang paksa.

 Masasabing obhetibo ang mga tekstong impormatibo


dahil naglalahad ito ng tiyak na katotohanan o kaalaman
nang walang pagkiling.
Dalawang Uri ng Impormasyon
 Upang masiguradong obhetibo ang mga detalye
sa loob ng tekstong impormatibo, maaari itong
magkaroon ng dalawang uri ng impormasyon—
tuwiran at hindi tuwiran.
 Sa tuwiran, ang impormasyon ay mula sa orihinal
na pinagmulan nito o batay sa kaalaman ng
nagpapahayag o may-akda.
Halimbawa, ang nagsasalaysay ay saksi sa isang
pangyayari.
 Ang tuwirang pahayag ay naglalahad ng ensaktong
mensahe o impormasyon ipinahayag ng isang
tao. Gumagamit ito ng mga panipi ( “ ”) upang ipakita
ang buong sinabi ng mamahayag.
Dalawang Uri ng Impormasyon
 Sa hindi tuwiran, ang impormasyon ay mula sa
kuwento ng ibang tao na naipasa na lamang sa
iba.

Halimbawa, isinasalaysay ng may-akda ang isang


pangyayaring naikuwento sa kaniya ng isang
kaibigan.
 Ang Hindi-Tuwirang pahayag ay binabanggit lamang
muli kung ano ang tinuran o sinabi ng isang tao. Hindi
ito ginagamitan ng mga panipi. Madalas rin ay
ginagamitan ito nga mga pang-ukol tulad ng alinsunod
sa/kay, batay sa/kay, ayon sa/kay atbp.
Mga Halimbawa ng Tekstong Impormatibo

 Ang balita ay impormasyon tungkol sa napapanahong pangyayari. Ito ay


maaaring nakalimbag, napanonood sa telebisyon, naririnig sa radyo, at
nababasa online. Nilalayon nitong makapagbahagi ng makabuluhang
impormasyon sa publiko.

 Ang halimbawang tekstong impormatibo sa simula ng ating


aralin na pinamagatang “Angeles, Makata ng Taon 2016” ay
isang halimbawa ng balita.
 Ang patalastas ay anunsiyo tungkol sa produkto, serbisyo, o
okasyong nais ipaalam sa publiko. Ito ay maaaring inililimbag,
napanonood sa telebisyon, naririnig sa radyo, at nababasa
online. Nilalayon nitong makabenta ng kaniyang
ipinakikilalang produkto, serbisyo, o okasyong nais padaluhan.
 Kapag kayo ay nanonood ng telebisyon,
nakikinig sa radio, o nagbabasa ng
diyaryo, mayroong bubungad sa inyong
mga patalastas matapos ng ilang minuto
o sa bawat pagbuklat ng pahina. Maaari
itong naglalaman lamang ng:
1) pangalan ng produkto
2) litrato o larawan ng produkto, at
3) pagpapaliwanag kung ano ang bentahe
nito sa pamamagitan ng slogan.
 Ang anunsiyo ay pormal na paglalahad sa publiko tungkol sa
isang katunayan, intensyon, gawain, o pangyayaring dapat
malaman ng mga tao. Ito ay maaaring inililimbag, napanonood sa
telebisyon, naririnig sa radyo, at nababasa online. Nilalayon
nitong magbahagi ng impormasyon o magpadalo sa isang
okasyong ipinatatangkilik nito.
 Sa halimbawang tekstong
impormatibo na isang balita,
maaaring isipin natin na ang
pagkakaroon ng patimpalak ay mula
sa isang anunsiyo ng Komisyon sa
Wikang Filipino, na may binuksan
itong paligsahan.

 Sa anunsiyo nito, naglaman ito ng


detalye tungkol sa ano ang
patimpalak, sino ang maaaring
sumali, paano sumali, saan at kailan
ang huling araw ng pagpasa ng mga
entry.
 Ang memorandum ay dokumentong naglalaman ng
impormasyon tungkol sa kautusang isasagawa, o dapat
sundin, o hindi kaya ay naglalaman ng pagbabago sa isang
kautusang dati nang naipatupad. Ito ay mababasa sa
nakalimbag na anyo at maging online.
 Halimbawa ng memorandum ay ang mga
memorandum na pangkaragawan mula sa
mga partikular na sangay ng pamahalaan,
para sa kaniyang mga opisyales at
empleyado.
 Sulyapan sa kanang bahagi ang halimbawa
nito mula sa Department of Education.
Makikita rito ang petsa, memorandum
number, tiyak ang listahan ng mga taong
pinararatingan ng impormasyon, at sa ilalim
nito ay ang nilalaman ng memorandum.
Gawain
 Gawain 1: Winners Take All Stars

★★★★★★★★★ • Ang unang makasasagot nang


wasto ay makakakuha ng
★★★★★★★★★ bituin.

★★★ • Ang may pinakamaraming


bituin ang magwawagi sa
gawain.
Gawain 1: Winners Take All Stars

Mga Tanong:
 Ito ay tinatawag ding offshore bar.
 Kasama ang ibang mag-aaral ng Harvard College ay binuo
niya ang Facebook.
 Kung si Aurelio Tolentino ay Ama ng Dulang Kapampangan,
sino naman ang Ama ng Dulang Tagalog?
 Ito ang tinatawag na pandaigdigang sistema ng mga
computer networks.
 Ang Internet ay pinaikli mula sa pinagsamang anong
dalawang salita?
Gawain 2: Brainstorming

Pangkatang Gawain
 Pag-usapan at unawaing mabuti ang paksang iniatas
sa bawat pangkat.
 Itala ang mahahalagang impormasyon mula sa paska.
 Gamitin ang Study Guide bilang sanggunian
 Iuat at talakayin sa klase ang mga impormasyong
itinala.
Pagsusuri

Para sa Opsiyon 1: Suri-grapiko!


Pagsusuri
 Para sa Opsiyon 2: Sagutin!

 Ano ang layunin ng tekstong impormatibo?


 Ano ang pagkakaiba ng balita at patalastas?
 Para kanino madalas na ipinatutungkol ang
memorandum?
 Ano ang pagkakaiba ng tuwiran at hindi tuwirang
impormasyon?
 Ano ang madalas na midyum ng mga patalastas at
balita?
Mga Kategorya ng Tekstong Impormatibo

 Mula sa ating pagkakilala sa apat na halimbawa ng tekstong


impormatibo, maikakategorya ang mga aspekto nito sa:
1 ) midyum kung paano ito naipararating,
2) katangian ng haba nito,
3) paksa,
4) pinanggagalingan ng impormasyon,
5) layunin ng pagpaparating ng impormasyon, at
6) kung ano-anong detalye ang nilalaman nito.
Paglalapat
Panuto:

Suriin ang mapipiling uri o halimbawa ng


teksto ayon sa:
• impormasyong inilalahad
• uri ng impormasyon
• kategorya
Pagpapahalaga

Paano napakikinabangan ng mga tao sa pang-araw-


araw nilang pamumuhay ang pagkakaroon ng
sapat na kaalaman tungkol sa tekstong
impormatibo?
Inaasahang Pag-unawa

 Ang pagbabasa ng iba’t ibang uri ng teksto ay nakatutulong


sa pagkakaroon ng mas malawak na kaalaman.
 Lahat ng nababasa ay kailangang sinusuri upang
masigurong ito ay tama.
 Ang pagkakaroon ng kaalaman sa iba’t ibang uri ng teksto
ay nakatutulong upang higit pang maunawaan ang
kakanyahan ng bawat uri ng teksto.
Paglalagom
● Ang tekstong impormatibo ay tekstong nagbibigay o
nagtataglay ng tiyak na impormasyon tungkol sa isang tao,
bagay, lugar, o pangyayari. Sinasagot nito ang mga tanong na
ano, sino, at paano tungkol sa isang paksa.

● Obhetibo ang mga tekstong impormatibo dahil naglalahad ito


ng tiyak na katotohanan o kaalaman nang walang pagkiling.
Paglalagom

● Maaaring tuwiran o hindi tuwiran ang impormasyong hatid


ng tekstong impormatibo.

● May iba’t ibang uri o halimbawa ng tekstong impormatibo


na maaaring maikategorya pa ayon sa aspektong
kinabibilangan nito.
Kasunduan

Mga Panuto:

• Bumuo ng isang Mapa ng konsepto tungkol sa Katangian


at Kalikasan ng Teksto.

• Bumuo ng kongklusyon sa tinalakay na aralin.


Maraming salamat sa inyong
pakikinig!

Hanggang sa Muli!

You might also like