You are on page 1of 12

MGA URI NG TEKSTO

TEKSTONG IMPORMATIBO

TEKSTONG DESKRIPTIBO

TEKSTONG NARATIBO

TEKSTONG PROSIDYURAL

TEKSTONG PERSUYSIB

TEKSTONG ARGUMENTATIBO
TEKSTONG IMPORMATIBO
Ano nga ba ang tekstong Impormatibo?
- Ito ay isang uri ng babasahing di piksyon
- Naglalayong magbigay impormasyon o
magpaliwanag
- Nagpapaliwanag ng malinaw
- Walang pagkiling sa mga paksa
hal.
hayop,isports,paglalakbay,kasaysayan,heograp
iya,kalawakan,panahon at iba pa.
-ang mga impormasyon o kabatiran sa tektong ito ay
hindi naka base sa opinyon ng may-akda dahil
pawang katotohanan lamang ang mga
impormasyong binibigay kaya di mo malalaman kung
pabor ba siya o hindi sa kanyang mga paksa.

-may malawak na kaalaman sa paksa o nananaliksik


at masusing pag-aaral dito.

-karaniwang makikita sa mga pahayagan,balita,


magasin,textbook
-pangkalahatan sanggunian tulad ng encyclopedia, o
sa iba’t ibang website sa internet.
• Sa mga nabanggit na mga katangian ,laging may
madadagdag na kaalaman o kaya’y napagyayaman
ang dating kaalaman ng mga taong nagbabasa ng
TEKSTONG IMPORMATIBO.
 Mga gumawa ng pag-aaral ukol dito:
• DUKE (2000) ayon sa kanya mas gusto ng mga mag-
aaral ang tekstong impormatibo kaysa naratibo.
• MOHR (2006) ayon sa kanya kung papipiliin ang
mga mag-aaral ng babasahin mas pipiliin ang di-
piksyon kaysa sa piksyon,85 % daw ng
estudyanteng ginamit sa survey ang pinili ay di-
piksyon
• Ayon pa kay MOHR kung lilimitahan ang
pagbabasa ng mga bata o di bibigyan ng mga
pagkakataong makapagbasa ng tekstong di
piksyon ay magiging hadlang ito sa kakayahan ng
mga batang magkaroon ng buo, malawak at
epektibong pagkatuto.
MGA ELEMENTO NG TEKSTONG
IMPORMATIBO
• Layunin ng may-akda
• Pangunahing Ideya
• Pantulong na kaisipan
• Mga estilo sa pagsulat,kagamitan/sangguniang
magtatampok sa mga bagay na binibigyan-diin
• Paggamit ng mga nakalarawang representasyon
• Pagbibigay-diin sa mahahalagang salita sa teksto
• Pagsulat ng mga talasanggunian
TANONG:
1. Ano ang tekstong impormatibo?
2. Anu-ano ang mga katangian ng tekstong
impormatibo?
3. Anu –ano ang mga elemento ng tekstong
impormatibo?
4. Anu-anong mga estilo sa pagsulat ang kapansin-pansin
sa isang tekstong impormatibo?
5. Bakit kailangang ilahad ang talasangguniang ginamit
sa tekstong impormatibo?
6. Sa paanong paraan mas epektibong maiparating ng
manunulat ng isang tekstong impormatibo ang
mahahalagang impormasyon sa kanyang mambabasa?
MGA URI NG TEKSTONG IMPORMATIBO

• Paglalahad ng totoong pangyayari/kasaysayan

• Pag-uulat Pang-impormasyon

• Pagpapaliwanag
TANONG:
1. Anu-ano ang iba’t ibang uri ng tekstong impormatibo?
2. Anong katangian ang magkakapare-parehong taglay ng
mga tekstong ito kahit pa may pagkakaiba-iba sa uri?
3. Bakit maituturing na tekstong impormatibo ang isang
balita o sulating pangkasaysayan?
4. Anong ulat pang-impormasyon ang nabasa mo na na sa
pananaw mo ay nagmarka sa iyo?Anong mahahalagang
impormasyon ang natatandaan mo sa tekstong ito?
5. Sa paanong paraan nakatutulong ang
larawan,dayagram,o flowchart upang higit na maging
epektibo ang isang tekstong nagpapaliwanag?
HALIMBAWA:
PANDEMIC…COVID 19

• Paano naiiba ang COVID-19 sa SARS?


• Anu-ano ang mga sintomas ng covid-19?
• Paano ito naisasalin sa ibang tao?
• Ano na ba ang sitwasyon ng covid-19 sa Pilipinas?
• Ano ang maaaring gawin ng isang tao upang
makaiwas sa covid-19?
• May pag-asa pa bang gumaling ang mga pasyenteng
may covid?
PAGTATAYA:1
 Sumulat ng isang halimbawa ng tekstong
impormatibo.Katotohanan at hindi sarili mo lang
ang opinyon ang pagbabatayan sa iyong pagsulat.
 Pumili ng paksa sa pahina 23 o maaaring sariling
paksa.
 Sikaping siksik sa mga mahahalagang
impormasyon ang gagawing teksto.

You might also like