You are on page 1of 10

Republika ng Pilipinas

Rehiyon 6-Kanlurang Visayas


Kagawaran ng Edukasyon
Feliciano Yusay Consing National High School
President Roxas, Capiz

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA PAMAMAHAYAG 8

Pangalan:___________________Baitang & Seksiyon:____________Petsa:_____

I. Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot na hinihingi sa bawat pahayag.

Giyera sa pagitan ng Israel at Palestine ngayon, may kinalaman ba sa


nakaraan
Tinatayang 1 milyon na ang nakalikas mula sa Gaza Strip habang
naghahanda ang Israel sa gagawing pag-atake laban sa Hamas sa kalupaan ng
Gaza. Nagdeklara ng giyera ang Israel sa grupong Islam isang araw bago
sorpresang sumalakay ang mga miyembro ng Harakat al-Muqawamah al-
Islamiyya (Hamas) o Islamikong Kilusang Pakikibaka na namaril, nanaksak at
nagsunog hanggang mamatay ang may 1,400 katao, karamihan ay mga sibilyan.
Pagkatapos makaranas ng pinakamatinding pag-atake sa kasaysayan,
nagpa-ulan din ang Israel ng mga missile sa Gaza Strip kung saan naroon ang
mga Hamas. Tinatayang may 2,670 katao na ang namatay, karamihan ay mga
sibilyan, ayon sa pinakahuling ulat.
Noong Biyernes (Oktubre 13), nagbigay ng order ang Israel na dapat nang
lumikas ang mga sibilyan sa loob ng 24 oras, kasama ang mga Pilipinong
tinatayang may 137 na nasa Gaza.
“We are at the beginning of intense or enhanced military operations in Gaza
City,” (Kami ay nasa simula ng matinding operasyong militar sa Gaza City,”) sabi
ng tagapagsalita ng Israeli Defense Forces (IDF) Jonathan Conricus.
“It would be unsafe for civilians to stay there,” (“Hindi ligtas para sa mga
sibilyan na manatili doon,”) dagdag pa ni Conricus.
Ito ang naging desisyon ng Israel matapos na magbanta ang mga tagasuporta ng
Hamas na Iran at Hezbollah ng Lebanon, na suportado din ng Tehran. Sinabi nila
na kapag sinalakay ang Gaza City ay gaganti sila.
Kahapon, Oktubre 16, iniulat ng Department of Foreign Affairs na ililikas
ang mga Pilipino sa Gaza City sa pamamagitan ng pagbukas ng Rafah crossing
para makatawid sila sa Egypt. Ang Rafah crossing ay itinatag bilang isang access
point sa Gaza sa pamamagitan ng isang kasunduan sa kapayapaan sa pagitan ng
Egypt at Israel noong 1979.
Ang ibang mga Pilipino sa Israel ay kasalukuyan ring tinutulungan ng
pamahalaan na makabalik sa Pilipinas para makaiwas sa tumitinding labanan
doon.
Sinabi ni OWWA Administrator Arnell Ignacio na tinutulungan na nila ang
mga Pilipino sa Israel (hindi lamang yung nasa Gaza City) simula pa noong
Oktubre 10.
Ito ang mga pinakahuling kaganapan sa panahon ngayon.
1. “Giyera sa pagitan ng Israel at Palestine ngayon, may kinalaman ba sa nakaraan”.
Ano ang tawag sa bahaging ito ng balitang binasa?
A. Pamagat C. Sanggunian
B. Ulo ng balita D. Pamatnubay

2. Batay sa balitang binasa sa itaas, ano ang istrukturang ginamit sa paglalahad ng


balita?
A. Piramide C. Tatsulok na Piramide
B. Baliktad na Piramide D. Bilog

3. “Tinatayang 1 milyon na ang nakalikas mula sa Gaza Strip habang naghahanda


ang Israel sa gagawing pag-atake laban sa Hamas sa kalupaan ng Gaza”. Ano ang
tawag sa bahaging ito ng balitang binasa?
A. Pamatnubay C. Sanggunian
B. Ulo ng balita D. Pamagat

4. Ano ang tawag sa lipon ng pangungusap na paunlad na bumuo at nagpapahayag


ng isang kaisipan batay sa binasang balita sa itaas?
A. Pangungusap C. Talata
B. Taludtod D. Buod

“COVID”
SABI ng mga eksperto, matatagalan pa bago mawala ang
coronavirus o angCOVID-19. Pero ang pahayag ng World Health
Organization (WHO) kahapon,maaaring hindi na umano umalis o mawala
sa piling ng mga tao ang sakit naito. Mananatili na umano ito na walang
pinagkaiba sa sakit na tuberculosis (TB)at Acquire-Immune Deficiency
Syndrome (AIDS). Ang tanging magagawa paraito malabanan ay ang
makatuklas ng bakuna. Pero kahit na nga may bakuna,mananatili na ang
sakit na ito sa kapaligiran o ang tinatawag na endemic.Pahihinain lamang
ito ng bakuna pero kahalubilo na ng mga tao.
Kung totoo ang sinabi ng WHO na magiging endemic ang COVID-
19, nararapatlamang na ipagpatuloy ng mamamayan ang nakasanayan
nang pag-iingat paramakaiwas sa virus. Huwag nang bumalik sa dating
nakasanayan na hindinagsusuot ng face mask, kumpul-kumpol sa isang
lugar, hindi naghuhugas ngkamay at kung anu-ano pang hindi magandang
gawain na nagdudulot ngpagkakasakit.

5. Anong uri ng pangulong tudling ang ipinapahayag sa itaas?

A. Editoryal na Nagpapabatid
B. Editoryal na Nagpapakahulugan
C. Nagpapahalaga sa Natatanging Araw
D. Paglalahad na Nababatay sa Tahasang Sabi
Diborsyo sa Pilipinas: Nararapat na bang Isabatas?

1 Sa kasalukuyang panahon ay bukod tanging Pilipinas na lang ang bansang wala pang
diborsyo. Noon pa man ay napakainit na ng usaping ito dahil sa mahigpit na pagsuporta at pagkontra
ng mga taong pabor at di-pabor sa nasabing panukalang pagsasabatas lalo na ng Simbahang
Katoliko dahil labag diumano ito sa kanilang doktrina.
2 Para sa dalawang taong nagmamahalan, ang pag-ibig ay mistulang pagkaing matamis na
panghabambuhay na pagsasaluhan. At ang kasal ay isang bagay na magtatali sa kanilang dalawa
upang maging hanggang wakas ang pagmamahalan. Ngunit hindi lahat ng kwento ng pag-ibig ay
nagtatapos na parang fairy tale. May pagsasamahan na sa paglipas ng panahon ay unti-unting
naging marupok at tuluyang inanod ng kataksilan. Nagiging masama ang samahan, nagkakaroon ng
malalim na hidwaan at kawalan ng tiwala ay ilan lamang sa mga bagay na sadyang nagpapagulo sa
mabuting samahan ng mag-asawa. Minsan ay umaabot ito sa marahas na away at hanggang mauwi
sa hiwalayan. At dahil sa kasal ay hindi agad pwedeng basta na lang maghiwalay ang mag-asawa.
Dahil dito wala silang karapatan na muling magmahal at umibig. Maghihintay muna sila ng mahabang
panahon hanggang sa maideklara ng korte na wala ng bisa ang kasal.
3 May kasalukuyang batas ang Pilipinas na may kinalaman sa paghihiwalay ng mag-asawa.
Ilan sa mga ito ay ang legal separation at annulment of marriage. Ngunit ang nasabing mga batas
diumano ay hindi ganap ang nagiging tugon sa mga kasong ito.
Sinasabing ang diborsyo ang makakapagbigay kasagutan sa mga isyung ito. Lahat halos ng bansa sa
buong mundo ay may ganitong batas, anuman ang kanilang paniniwala at relihiyon. Nakakapagtaka
na ang mga Pilipino ay patuloy na nagpapakonserbatibo sa pamamagitan ng turo ng simbahan
gayong ang mga bansang mismong pinagmulan nito ay matagal ng tinangkilik ang ganitong batas.
Ang Spain na matagal tayong pinamahalaan at nagdala ng Kristiyanismo sa ating bansa ay may
ganitong batas. Maging ang bansang Brazil na may pinakamalaking bilang ng Katoliko sa mundo ay
tinangkilik din ito. Ang Italy na kung saan ay kalapit lang ang Vatican na sentro ng Katolisismo ay
ginagamit din ito. Maging ang Israel na kung saan ipinanganak at namuhay ang panginoong Hesus ay
isinabatas na ito.
4 Malaking kasalanan ba ang pagpasa ng nasabing batas? Imoral ba itong matatawag? Bakit
naman tanging Pilipinas na lang ang wala nito. Ibig sabihin ba ay mas mataas ang moral natin
kumpara sa ibang bansa? Malamang hindi. Nagkataon lang siguro na karamihan sa mga Pilipino ay
ipokrita at ipokrito. Bagamat bawal ang aborsyon ay talamak itong nangyayari. Libo-libong kaso nito
ang naiuulat. Bawal ang premarital sex pero wala na yatang ikinakasal sa ngayon ang “virgin” pang
matatawag.
5 Ang diborsyo ay isang batas na napakahalaga. Nagbibigay ito ng solusyon para sa mga
hindi naging matagumpay na kasal at pagsasamahan. Sa pamamagitan nito ay nagkakaroon uli ng
tsansa ang mga nabigo at hindi naging matagumpay sa unang pagsasama na muling umibig at
sumubok ng ikalawang relasyon. Ipagkakait ba natin ito? Lahat naman ay nagkakamali. Hindi lahat ng
kasal at pagsasama ay nauuwi sa panghabambuhay. Ang diborsyo ay para sa mga taong nasawi sa
unang kasal.

6. Anong uri ng pangulong tudling ang ipinapahayag sa itaas?

A. Pangulong Tudling na Namumuna


B. Pangulong Tudling na Naghihikayat
C. Nagpapahalaga sa Natatanging Araw
D. Pangulong Tudling na Nagpapakahulugan

7. Sa anong bilang ng talata makikita ang panimula (Introduction).

A. 3 C. 5
B. 1 D. 4
Magaling ang pagkakakuha ng Sinematographer sa bawat anggulo, lokasyon at pati na rin
ang paggamit nito ng ilaw sapagkat sa lahat ng anggulo ay makikita ang nais iparating sa
pelikula. Sa pamamagitan ng mga sinematographer ay nalaman ng bawat manunuod ang
tunay na nangyare bago at pagkalubog ng titanic na hindi inaasahan ng nakararami. At isa
ay naipakita ang nais ipakita sa bawat eksena at naramdaman ang gustong ipadama.

8. Anong bahagi ng balangkas ng pagsusuri ang ipinapahayag ng tekstong binasa?

A. Tauhan C. Sinematograpiya
B. Banghay D.Tema/ Paksang Diwa

Ipinakita sa pelikula ay ang "PAGSASAKRIPISYO at PAGLABAN SA PAG IBIG NA


BAWAL"MAHAL. Pagsasakripisyo dahil sa pagpapaubaya ng mga tao sa iba upang
mabuhay at maipagpatuloy ang buhay, para sa minamahal at para sa pamilya. Paglaban sa
pag-ibig na bawal dahil sa pagiibigan na hindi inaasahan na basta basta mabubuo at
ipaglalaban hanggang sa dulo ng hiniga.

9. Anong bahagi ng balangkas ng pagsusuri ang ipinapahayag ng tekstong binasa?

A. Tauhan C. Sinematograpiya
B. Banghay D.Tema/ Paksang Diwa
Ano kaya ang sasabihin ko sa kanya? Ano kaya ang pwede naming mapag-
usapan? Yan lagi ang mga tanong na pumapasok sa aking isipan sa tuwing
nakikihalubilo ako sa ibang tao. Ako yung tipo ng tao na bihirang makipag-usap sa iba
pwera na lang kung matagal na kitang kakilala, kababata, kamag-anak o pamilya.
Minsan nasabihan na rin akong suplado dahil nga hindi naman ako pala kibo di tulad ng
iba. Sa tingin ko ay mas nasanay kasi akong mag-isa. Dalawa lang kaming magkapatid
kaya kadalasan wala akong mapagsabihan ng aking saloobin o kakuwentuhan, buti
nalang ay nariyan ang barkada, kasama sa kalokohan, kakulitan, katawanan at minsan
kasamang lumabas. Para sa akin ay hindi naman masama kung nag-iisa ka dahil sa mga
panahong ako’y mag-isa ay mas nauunawaan ko ang mga bagay bagay sa aking paligid
at ang mga taong nakapaligid sa akin.

10. Anong uri ng lathalain ang ipinapahayag sa itaas?

A. Lathalaing Paano
B. Lathalaing Pabalita
C. Lathalaing Pansariling Karanasan
D. Lathalaing may Makataong Kawilihan

Ang Bayan ng Santo Tomas ay isang ika-5 klaseng bayan sa lalawigan ng


Pangasinan. Binubuo ito ng 10 barangay ito ay ang Barangay La Luna, Poblacion East,
Poblacion West, Salvacion, San Agustin, San Antonio, San Jose, San Marcos, Santo
Domingo at Santo Nino. Mayroon ding pinagdiriwang festival ang bayan ng Santo
Tomas ito ay ang Mais Festival na pinagdiriwang tuwing buwan ng Marso, at noong
Marso 2008 ay nasungkit ang kauna unahang titulo na Guiness World Records
certificate for longest barbeque laban sa Montevideo ,Uruguay. Kung kaya’t
nakagawian nan g taga Santo Tomas na ipagdiwang ito at isa rin itong papuri para kay
St. Tomas Aquinas dahil sa magandang ani ng mga palay at mais.
11. Anong uri ng lathalain ang ipinapahayag sa itaas?

A. Lathalaing Pabalita
B. Lathalaing Pangkasaysayan
C. Lathalaing Pansariling Karanasan
D. Lathalaing may Makataong Kawilihan

PSN SHOWBIZ
Bakit kailangan kang magtaray, Ara?
FRONT SEAT - Cristy Fermin -
September 13, 2003 | 12:00am
Nakakaawa naman si Ara Mina. Sa kagustuhan niyang mapaniwala ang
publiko na hindi siya ang dahilan ng paghihiwalay nina Jomari Yllana at Konsehal
Aiko Melendez ay kung anu-ano na lang na katwiran ang pinakakawalan niya,
hanggang sa ang pangangatwiran ay nagiging pagtataray na.
Kung bakit naman kasi kahit anong palusot na senaryo pa ang kanyang
sabihin ay ayaw pa rin siyang paniwalaan ng marami. Sampung interbyu niya laban
sa isa lang ni Aiko ang labanan, pero mas kapani-paniwala pa rin ang mga sinasabi
ng aktres-pulitiko.
Ang talo ni Ara sa usaping ito ay wala sa pangkasalukuyan kundi nasa
nakaraan. Nagsasama pa kasi sina Jomari at Aiko ay marami na ang
nagpapatotoong magkarelasyon sila, kaya kahit anong palusot pa ang gawin niya
ngayon ay walang gustong maniwala sa kanya.
Sa sobrang inis tuloy ni Ara ay tinatarayan na lang niya si Aiko. Kung anu-
anong pabarubal na pagsagot sa mga tanong ang ginagawa niya, na lalong
nagpapamukhang negatibo sa kanya.
Ayos lang na idepensa ni Ara ang kanyang sarili sa mga batikos na
tinatanggap niya. Natural lang ding sagutin niya ang mga sinasabi ni Aiko laban sa
kanya, pero ang hindi kasi maganda kay Ara ay ang paraan niya ng pagsagut-sagot
sa mga tanong.

12. Sa anong uri ng kolum ng pahayagan makikita o mababasa ang ganitong uri ng
teksto?

A. Food Column C. Sports Column


B. Fashion Column D. Show Business Colum

13. Kung ikaw ay magsusulat ng isang lathalain, Alin sa mga sumusunod ang dapat
sundin?

A. Gawing makatawag-pansin ang pamagat


B. Lahat ng sagot mula A hanggang C ay tama
C. Pagpili ng paksang mayroon kang malawak na kabatiran
D. Magbigay ng halimbawa upang maging kapani-paniwala at medaling
maunawaan ang paksang nais ipaabot
Pagala-galang ostrich sa Quezon City, nakunan sa video

14. Anong elemento o sangkap ng balita ang nais ipahayag ng nasa itaas?

A. Pagbabago C. Bilang o istadistika


B. Hayop D. Tunggalian

PSA: Bilang ng nawalan ng trabaho sa Pilipinas noong Abril 2021, sa 7.3


milyon.

15. Anong elemento o sangkap ng balita ang nais ipahayag ng nasa itaas?

A. Bilang o istadistika C. Pagbabago


B. Tunggalian D. Pangalan

Mga aktor, nagbigay pugay sa mga health worker.

16. Anong elemento o sangkap ng balita ang nais ipahayag ng nasa itaas?

A. Bilang o istadistika C. Pagbabago


B. Tunggalian D. Pangalan
Ligtas at alternatibong pamamaraan ng pag-aaral, Isinusulong ng DepEd

17. Anong elemento o sangkap ng balita ang nais ipahayag ng nasa itaas?

A. Bilang o istadistika C. Pagbabago


B. Tunggalian D. Pangalan

Baha, rumaragasa sa isang komunidad.

18. Anong elemento o sangkap ng balita ang nais ipahayag ng nasa itaas?

A. Bilang o istadistika C. Pagbabago


B. Kalamidad D. Pangalan

Minimithi niyang maipagdiwang ang kanyang ika-65 kaarawan sa pamamagitan


ng magarbo at masaganang salu-salo subalit si-makita ang NBI director ng
gabing iyon upangpamunuan ang kanyang pagtitipon.

19. Anong elemento o sangkap ng balita ang nais ipahayag ng nasa itaas?

A. Bilang o istadistika C. Pagbabago


B. Kalamidad D. Pangalan
Mallercise: Ehersisyo sa mga shopping mall
Isa sa nauusong klase ng ehersisyo sa ilang bansa ang ¬paglalakad sa mga
shopping mall. Mas malawak ang nalalakaran kung mas malawak ang isang shopping
mall na nakakabuti sa kalusugan ng isang tao. Hindi ko lang tiyak kung may mga
nagsasagawa rin ng Mallercise (ehersisyong paglalakad sa shopping malls) dito sa
Pilipinas pero hindi naman malayong mangyari ito kung meron man.
Sa dami ng mga taong labas-masok sa mga malls, mahirap matukoy agad ang
namimili lang, nagwi-window shopping, namamasyal, nakikipag-date, nakikipag-
meeting, may isinasagawang selebrasyon, nagnenegosyo, tumatambay,
nagpapalipas-oras o palakad-lakad. Pero marami nang mga Pinoy ang mulat sa
benepisyo ng ehersisyo at, sa paglipana ng naglalakihang mga shopping malls sa
bansa, hindi imposibleng meron din sa kanila na mga “Mallerciser” bagaman hindi lang
gaanong malaganap.
Gayunman, tinitingnang positibo ng mga ekspertong pangkalusugan ang
Mallercise. Sinasabi nila na maraming dahilan kung bakit mainam sa kalusugan ang
ganitong ehersisyo. Komportable kasi sa loob ng mall bukod sa libre kung hindi mo
kayang magbayad sa gym, kontrolado ang klima, walang dapat ipag-alala sa init o ulan
at kung ano man ang kasuotan mo. Makakaiwas ka sa air pollution. Malayo pa sa
trapiko. Walang tsansang masagi o mabangga ka ng sasakyan. Walang istorbo sa
daan.

20. Anong uri ng artikulo ang ipinapahayag ng nasa itaas?

A. Tuwirang balita C. Balitang Kinipil


B. Artikulong Pang-agham D. Balitang Nagsisiyasat

Kung ang isang opisyal ng pamahalaan ay inatake sa puso at


ipinahayag ng doctor noong Lunes na 50-50 na lamang ang tsansa niyang
mabuhay, ito ay magiging balita sa susunod na araw. Nakaantabay din
ang mga mambabasa sa kahihinatnan ng pangyayari

21. Anong elemento o sangkap ng balita ang nais ipahayag ng nasa itaas?

A. Napapanahon C. Kalapitan
B. Kalamidad D. Pangalan

Ang balita ng matinding pagbaha sa inyong lugar ay masbabasahin mo


kaysa pagbaha sa ibang bansa maliban kung ito’y napakatindi at kumitil pa
ngmaraming buhay at sumira ng maraming ari-arian. Gayundin naman kung ano
angnangyayari s amga estudyante sa ibayong bansa ay balita rin para sa mga
Pilipinongestudyante dahil sa parehong interes.

23. Anong elemento o sangkap ng balita ang nais ipahayag ng nasa itaas?

A. Napapanahon C. Kalapitan
B. Kalamidad D. Pangalan
“Ripley’s Believe it or Not” katulad ng isang baka na isinilang na may
dalawang ulo at tatlong paa.

24. Anong elemento o sangkap ng balita ang nais ipahayag ng nasa itaas?

A. Napapanahon C. Kalapitan
B. Kalamidad D. Di Karaniwan

Ang pagbaba ng bilang ng enrolment sa paaralan ng 15%. Ito ay


maituturing nabalita sapagkat ang 15% ay may mahalagang epekto, subalit kung
ang enrolment ay bumabang 1%, maaaring hindi ito balita

25. Anong elemento o sangkap ng balita ang nais ipahayag ng nasa itaas?

A. Bilang o istadistika C. Pagbabago


B. Kalamidad D. Pangalan

(Para sa 26-35)
II. Panuto: Bumuo ng isang talata batay sa mga datos na makikita sa ibaba upang
makalikha ng wastong balitang nagsisiyasat.

Balitang sinulat ni John Cedric Alorro mula sa mga impormasyong hinango mula sa
abscbnnew.com

Anumang oras ay nakatakda nang dumating sa PCG head office ang grupo ng PCG na
inatasang kumuha ng video footage para isailalim sa assessment.

“Iyong biyahe ng barko namin noong nakaraang dalawang araw at para lang i-check
kung may naging damage sa grounding incidents. Bahura sa ilalim dun kaya ‘yon
titingnan natin sa video footage ang kung ano ang sitwasyon”, paliwanag ng opisyal.

“Agad namin babalik ang barko ng PCG sa lugar oras na magkaroon ng iba pang
pagbabago doon”.

Ang sitwasyon sa sinadsarang bahagi ng Chinese Frigate sa Kagitingan Shoal ay


kinuhan ng PCG ng video footage.

Nagpadala ng eroplano sa pinagsadsaran ng Chinese Frigate ang PCG upang


mamonitor ang sitwasyon sa nasabing lugar.

Ayon kay Tuason, kung kakikitaan ng pinsala ay magsasagawa ng report ang opisina
nito na isusumite naman sa Department of Foreign Affairs at DOTC na may kapasidad
na magsagawa ng kaukulang aksiyon.
III. Ipaliwanag nang maayos ang tanong at sundin ang pamantayan na nasa
ibaba.
5 puntos- Ang sagot ay makabuluhan at nakasulat sa 5 pangugusap.
4 puntos- Ang sagot ay makabuluhan ngunit nakasulat sa humigit kumulang
sa 5 pangungusap.
3 puntos- Ang sagot ay medyo makabuluhan ngunit nakasulat sa humigit
kumulang sa 5 pangungusap.
2 puntos- May kalabuan ang sagot ngunit nakasulat sa 5 pangungusap.
1 puntos- Sumubok na sumagot

1. Sa iyong palagay, bakit kailangang maunawaan ang kaibahan ng balitang


may lalim kumpara sa ibang uri ng balita?

Sagot:___________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

2. Paano nakatutulong ang isang balitang may lalim sa pagresolba ng mga isyu
sa lipunan?

Sagot:___________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

3. Sa iyong palagay, bakit mahalaga ang pagsusuri ng isang pelikula?


Sagot:___________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

“TIWALA LANG, KAYA MO YAN!”

Inihanda ni:
Sinuri ni:

You might also like