You are on page 1of 13

I.

IMPORMATIBO
A. HALIMBWA NG IMPORMATIBO

LENI NAGMAMADALI PALITAN SI DIGONG SA IMPEACHMENT COMPLAINT


– ALVAREZ
(PILIPINO STAR NGAYON) | UPDATED MARCH 17, 2017 - 1:10PM

MANILA,Philippines dahil sa takot namawalan ng pwesto, minamadali na ni Bise


Presidente Leni Robredo ang pagpatatalsik kay Pangulong Rodrigo Duterte sa
pamamagitan ng impeachment, ayon kay House Speaker Pantaleon Alvarez.

Sakaniya ng panayam sa telebisyon,inakusahan ni Alvarez si Robredo na may


kinalaman si Robredo sa paghahain ng impeachment complaint ni Magdalo party-list
Rep. Gary Alejano sa Kamara.

“Maliwanag na maliwanag po (may kinalaman si Robredo sa reklamo),” wika ni Alvarez


sakaniyang panayam sa Unang Balita ng GMA.

“Nagmamadali (Robredo) dahil malamang natatakot siya na kapag binilang ‘yung


resulta noong eleksyon ay talagang hindi aabot dahil alam naman niya na hindi totoong
talagang nanalo siya,” dagdag ng House Speaker.

Tinutukoy ni Alvarez ang electoral protest ng talunang Vice Presidential Bong Bong
Marcos laban kay Robredo na nakabinbin ngayon sa Korte Suprema.

Aniya tanging si Robredo lamang naman ang makikinabang kapag nasibak sa pwesto
ang Pangulo.

“Definitely yes, Sino pa ang magbe-benefit diyan?”

Samantala, nitong Lunes ay ipinagtanggol ni Duterte si Robredo at sinabing walang


kinalaman ang ikalawang pangulo sa mga destabilisasyon.

“Yung po ang pananaw ng ating Pangulo, ngayon ang aking pananaw ay iba naman,”
sagot ni Alvarez.

B. PAGSURI NG IPORMATIBO
GABAY SA PAGSUSURI NG TEKSTO

1. PAMAGAT NG TEKSTO
 Mag-asawa,patay sa pamamamaril;anim na anak naulila
2. AWTOR/MAY-AKDA NG TEKSTO
 Danielle Rebollos
3. PINAGKUHANAN/ WEBSITE KUNG SAAN NAKITA
 http://news.abs-cbn.com/news/02/06/17/mag-asawa-patay-sa-pamamaril-
anim-na-anak-naulila;ABS-CBN NEWS
4. LAYUNIN NG MAY-AKDA
a. Malinaw bang naipakita sa teksto ang layunin ng may-akda na
makapagpaliwanag/ magbigay ng impormasyon?
 Oo, dahil ang mga impormasyong naibigay ay may mga suportang detalye
b. Anong impormasyon ang nais ipaalam ng may-akda sa mambabasa?
 Sa Cauyan City, Isabela noong February 6, 2017 pinatay ang mag-
asawang Rodrigo Martinez Jr. at Joemalyn Martinez.
5. MGA PANGUNAHIN AT SUPORTANG IDEYA
a.Ano-ano ang pangunahing ideya tungkol sa paksa?
 Mag-asawa na si Rodrigo Martinez Jr. at Joemalyn Martinez patay sa
pamamaril sa Cauyan City, Isabela.
 Mag-asawa tinambangan at pinatay sa Cauayan City,Isabela
b. Ano-ano ang detalyeng sumusuporta sa pangunahing ideya?
 Makalagpas sa isang hotel sa Minante 1, bigla umanong binangga ng
isang sasakyan ang mag-asawa. Sinasabi rin ng mga nakakita na may isang
lalaki ang bumaba sa sasakyan at pinagbabaril ang mag-asawa.
 Nagtamo ang mag-asawa ng tama ng bala sa iba’t-ibang parte ng
kanilang katawan na agad nilang ikinamatay.
 Narekober naman sa pinagyarihan ng krimen ang basyo ng 9 millimeter
caliber at shot gun.
6. HUWARANG ORGANISASYON
a. Paano inilahad ang mga suportang ideya?
 Ito ay organisado at medaling makuha ang nais ipahayag ng balita.
b. Maayos bang naihanay at naorganisa ang mga ideya gamit ang hulwarang
organisasyon sa pagbasa?ipaliwanag.
 Oo,dahil sa una ipinakilala muna ang tauhan,tagpuan, at kailan nangyari.
At ang mga sumusuportang ideya ay nagkasunod-sunod ng maayos upang
madaling maintindihan.
7. TALASALITAAN
a. Matapos mabasa ang teksto,naibigay ba nito ang kahulugan ng mga
ginamit na di-kilalalang salita/terminolohiya?
 Oo, ginamit ito kasama ang salitang shot gun na isang baril
b.Anu-anong impormasyon kaugnay ng mga terminolohiyang ito ang
tinatalakay sa teksto?
 Na ang caliber ay isa palang uri ng baril.
8. KREDIBILIDAD NG MGA IMPORMASYON NAKASAAD NG TEKSTO
a. Bagong kaalaman/impormasyon ba ang ibinahagi ng teksto? Kung oo,
sapat ba ang mga salitang suportang detalye na tumatalakay sa bagong
kaalamang ito?
 Oo,natustusan ng mga suportang detalye ang pangunahing ideya.
b. Kaya bang mapatunayan kung gaano katotoo ang impormasyong
nakasaad sa teksto?
 Oo, dahil lahat ng balita ay pinapatunayan muna ta may mga pruweba ito
kaya malalaman natin na ito ay totoo.

C. PAGGAWA NG IMPORMATIBO
KULUBOT NA NGA,MAPAIT PA!
Ang ampalaya ay hindi lang basta gulay; ito rin ay punong-puno ng
nutrisyon na kahit mapait ang lasa ay isa ito sa mag paboritong gulay ng mga
Pilipino. Ito ay kilala sa nutrisyong tinataglay at benepisyo na makakatulong
upang mapabuti an gating kalusugan. Ito rin ay isa sa mga paboritong sahog ng
mga Pilipino lalo na ang mga ilokano na sana’y nang kumain ng mapait na lasa
nga ampalaya.
Ang ampalaya ay may malawak na saklwa tungkol sa nutrisyong
tinataglay nito na siyang nagbibigay benepisyo sa ating kalusugan. Ito ay puno
ng bitamina tulad ng B1,B2,B3, at C at isa ring pinagmumulan ng mineral na
Magnesium, Folic Acid, Zinc, Phosphorus at Manganese. Meron din itong insulin
na siyang nagbibigay ng mapit na lasa ng ampalaya na siyang mabisang
pangggamot ng diabetes. Ito rin ay gulay na mataas ang fiber at mababa ang
kolesterol na taglay. Ito ang mga maaaring benepisyo na makuha sa ampalaya:
1. Ito ay nagpapababa ng mataas na lebel ng dugo.
2. Tumutulong din itong pamatay mikrobyo at pagpapagaling ng sugat.
3. Panggamot ng ubo at sipon.
4. Magpapabuti ng sakit sa asthma at bronchitis.
5. Tumutulong ito sa pagpapagaling sa sakit na kolera.
6. Tumutulong upang mapabuti ang pagtulog.
7. Tumutulong upang magkaroon ng mataas na enerhiya at tibay ng katawan.
8. Nagpapababa ng mataas na lebel ng dugo na may mataas na antas ng
asukal.
9. Nakakatulong upang mawala ang epekto ng pagkalasing.(hangover)
10.Tumutulong upang mapahusay ang katawan laban sa impeksyon.
11. Tumutulong upang maiwasan ang ilang uri ng kanser.
12. Nakakatulong pa linisin, ayusin ang mga problema sa atay.
13. Tumutulong upang mapabuti ang lagay n gating mga mata.
14. Tumutulong para maiwasan ang soryasis na sakit.

II. DESKRIPTIBO
A. HALIMBAWA NG DESKRIPTIBO

MAY GINTO SA KAPALIGIRAN

Tumingin sa paligid. Tumingala sa kalawakan. Damhin ang hanging dumadampi


sa balat. Tingnan ang lupang tinatapakan…. Pansinin ang lawak at masasabing
“Kayganda ng kapaligirang ipinagkaloob ng Maykapal sa kanyang nilikha!’ Malalawak
ang kabukiran, kagubatan at karagatang nagtataglay ng makukulay na kaanyuan.
Paraisong kaysarap tirahan!

Hindi mapipigilan ang mabilis na pag-inog ng mundo. Mabilis din ang pagdami ng
kanyang nilalang na may taglay na talinong paunlarin ang buhay. Hindi tumigil sa
paghanap ng mga paraan upang mailagay ang buhay sa magandang kalagayan.

Lingid sa kaalaman, nabulabog ang kalikasan. Sa mga interaksyong nagaganap,


napipinsala ang pisikal na kapaligiran. Oo ang tahimik na biktima. Hindi ito kataka-
taka… Nilikha ang kapaligiran upang magsilbi at mapakinabangan ng tao.

Masdan ang kapaligiran. Ang mga bukiring malalawak ay lumiliit na dahil sa mga
gusaling itinayo. Maging ang halaman at hayop ay naaapektuhan ng mga pagbabagong
ginagawa ng tao sa kanyang paligid.

Maliwanag sa atin ang katotohanang ang kapaligiran ay para sa tao at ang tao ay para
sa kapaligiran. May tungkulin ang taong pangalagaan ang mga ito para rin sa patuloy
niyang kapakinabangan.

Dahil sa mga pang-aabuso at kapabayaan sa kapaligiran, nagiging sanhi ito ng


pagkamatay ng iba’t ibang bahagi ng kalikasan. Ito ang dahilan kung bakit may
polusyon ng hangin, tubig at lupa sa maraming lugar sa daigdig.
Ang polusyon ay nagdudulot ng iba’t ibang uri ng sakit. Palasak na senaryo ngayon ang
maraming taong naoospital. Hindi tuloy nagiging epektibong mamamayan.
Nakapipinsala rin ito sa kabuhayan ng mga magsasaka at mangingisda kayat
nakaaapekto sa ekonomiya ng bansa.

Maraming senaryo na tayong nasaksihan kung paano nilapastangan ang paraisong


kaloob ng maykapal. Napaluha na rin tayo sa mga nasabing senaryo.

Magkatuwang ang tao at kapaligiran sa pagkamit ng kaunlaran. May kakayahan ang


taong harapin ang suliranin at kakayahang lumutas sa mga suliranin sa kapaligiran.
Pagyamanin at di patayin ang likas na yamang kaloob ng Diyos sa atin. Laging isaisip
may ginto sa paligid na dapat pahalagaan.

B. PAGGAWA NG DESKRIPTIBO
III. PERSUWEYSIB

A. HALIMBAWA NG PERSUWEYSIB

MAHALAGA ANG VAT SA EKONOMIYA NG BANSA

                Matatag ang prinsipyong pinanghahawakan ng ating administrasyon. Dahilan


kung bakit buo ang loob na makasumpong ng mga alternativong mapagkukunan ng
salapi para sa lumalaking gastusin ng pamahalaan, para sa mga proyeektong
pangkaunlaran. Kaya’t hindi kataka-takang sa panahon pa ng dating Pangulong Fidel V.
Ramos ay itinulak na siya ng pangangailangan sa kaunlaran sa pamamagitan ng
sunud-sunod na pagbisita sa iba’t ibang bansa na ipinagpatuloy naman ng Pangulong
Gloria Macapagal-Arroyo upang makapag-uwi ng mga foreign investments na esensyal
na modernisasyon ng lokal na industriya.
          Sinimulan ding palawakin noong 1992 ang “privatization” na nagpasok ng
malaking salapi sa kaban ng bayan. Ibinenta nila sa mga lokal na negosyante ang
Philippine Airlines, PLDT, Meralco, Manila Hotel at Petron.
          At ngayon, ang pagpapatupad ng isang mas mahusay na sistema o batas ng
pagbubuwis sa pamamagitan ng EVAT, o EXPANDED VALUE ADDED TAX LAW.
          Ang EVAT ay hindi laban sa nakararaming Pilipino. Higit na magiging maayos
ang takbo ng buhay ng mga Pilipino. Ang tanging sakop nito ay ang mga luxury
services o tertiary commodities na karamihan ang mga mayayaman lamang ang
mayroon tulad ng lodge-inn sa hotel, restawrants, taxikabs, rent-a-car, advertisement,
real estate at iba pa.
          Hindi sakop ng EVAT ang mga primary goods na karaniwang binibili ng mga
mamamayan tulad ng bigas, baboy, petrolyo, gulay at pasahe sa bus at jeepney. Ang
EVAT ay ipinatupad upang mapahusay ang “taxation” at masugpo ang “tax evasion” na
naglalabas ng P3 B taun-taon sa kaban ng bayan.
          Tunayna kailangan natin ang VAT. Ang pamahalaan ay hindi kailanman nagnais
ng masama sa bawat batas na kanilang ipinatutupad. Hindi pagrerelaks ang plano nila
sa ating bayan. Tagumpaysa ekonomiya at maayos na pamumuhay ang hangad nito sa
tao. Kung minsan, sa ating mga Pilipino mas nauuna ang reklamo kaysa pagdinig sa
problema. Kung nais nating mapadali ang industriyalisasyon at kaunlaran, matutuhan
sana nating magsakripisyong pansarili para sa pag-unlad ng Pilipinas.

B.PAGGAWA NG PERSUWEYSIB
IV. NARATIBO
A. HALIMBAWA NG NARATIBO

ANG DIYOSA NG BUWAN AT ANG TAGAHANGA


  Matamang pinagmamasdan ni Faux ang kariktan ng buwan mula sa bintana ng
kanyang kuwarto. Mayroon itong mahiwagang aura na hindi niya mawari kung kaya'y
ganoon na lamang kasidhi ang interes niya rito. Isa nga siyang tunay na tagahanga
nito. 
          
              Nagsimula ang kanyang pagkahumaling sa kagandahan ng buwan ng marinig
ang mga kwento ng kanyang tiyo noong walong taong gulang pa lamang siya. Nagawa
niyang punuin ang kanyang kwarto ng mga libro at iba pang sulating naglalaman ng
kung ano-anong impormasyon tungkol sa buwan. Sa sobrang pagkabighani sa satelayt
ng daigdig, walang gustong makipagkaibigan sa binatilyo dahil nahihirapan silang
intindihin ang takbo ng utak nito. Maging ang kanyang pamilya ay nahihirapan na ring
makausap siya nang matino kaya naman nagpasya na lamang si Faux na magtago at
lunurin ang sarili sa adiksiyon sa buwan. Tuluyan ng sinarado ni Faux ang pinto na nag-
uugnay sa kanya sa buhay sa labas. Lagi niyang hinihintay ang pagsapit ng gabi upang
mapagmasdan uli ang buwan. Nagawa na rin niyang humiling na sana'y mag-anyong
tao na lamang ito upang may makausap naman siya ngunit gaya ng inaasahan, walang
katuparan ang imposible. Sa matagal na panahon niyang pag-iisa, nagsisimula na
siyang makaramdam na may kulang sa sarili ngunit binalewala niya ito at patuloy na
sinamba ang alindog ng buwan.

        Sa kanyang patuloy na pagmamasid sa buwan, hindi nakaligtas sa kanyang


paningin ang paglitaw ng kakaibang liwanag mula rito. Sa unang pagkakataon, naisipan
niyang lumabas sa kanilang bahay upang matanaw nang maayos ang liwanag na iyon.
Lalakad na sana siya patungo sa pintuan ng kanyang kuwarto nang biglang nanigas
ang kanyang katawan. Sinubukan niyang ihakbang muli ang kanyang mga paa sa
pagbabaka-sakaling guni-guni lamang ang paninigas ng katawan ngunit walang
nangyari, nanatili pa rin siya sa kanyang puwesto sa harap ng bintana na animo'y
estatwa. Tagaktak na ang malamig na pawis sa kanyang noo at mga kamay. Nagsimula
siyang kabahan ng maramdaman ang paglakas ng ihip ng hangin at nang makita niya
na may pumanaog mula sa kakaibang liwanag na pumapalibot sa buwan. Palapit nang
palapit sa kanyang kinaroroonan ang kung anumang elementong iyon at ng hindi na
nagkakalayo ang distansya nila sa isa't-isa, unti-unti niyang naaninag ang pigura ng
isang babae. Ginusot niya ang kanyang mata upang malaman kung namamalik-mata
lamang siya ngunit sa muling pagbuklat niya rito, nasa harapan na niya ang babae.

            Napalitan ng pagkamangha ang kanyang kaba dahil sa kagandahan ng dilag at


halos mahimok siyang hawakan ang mukha nito kung nakakagalaw lamang siya ngunit
agad rin niyang inayos ang sarili at nadiskubreng naigagalaw pa rin niya ang kanyang
bibig. "Maaari ko bang malaman kung sino ka ?" tanong niya sa dilag. "Ako si
Selene, ang Diyosa ng buwan." sagot nito sa malumanay na tinig. "A-ano ako nga
pala si Faux at nagagalak akong makilala ka." sabay handog ng kanyang ngiti sa
diyosa. Halos pumalakpak ang kanyang tainga nang marinig ang matamis na tawa ng
Diyosa dahil sa kanyang pagpapakilala, hindi siya makapaniwala na nabigyang
katuparan ang hiling niyang mag-anyong tao ito. Ang Diyosa ngayo'y nasa harapan na
niya at nakakausap pa niya. "Diyosa Selene, maaari mo bang pagalawin muli ang
aking katawan?" tanong niya rito ngunit sinuklian lang siya nito ng makahulugang ngiti.
"Faux, hindi na ako magpapaligoy pa, narito ako upang tuparin ang iyong hiling
at ngayong natupad na ito, maaari ko na ring singilin ang nais kong kabayaran.".
Nagulat si Faux sa pag-iiba ng tono ng pananalita nito ngunit tinanong niya pa rin ang
Diyosa, "Anong kabayaran?"."Nais kong dalhin ka sa buwan." sabay ngiti nito.
Napaisip si Faux at may kung anong bumagabag sa kanyang kalooban, naalala niya
ang kanyang pamilya. "Gusto ko mang tanggapin ang alok mo pero may buhay ako
rito at hindi ko maaaring iwanan ang aking pamilya." Tumawa lamang ito at
nagsalita gamit ang malamig at kahindi-hindik na boses, "Wala ka ng buhay rito Faux,
wala ng pakialam ang pamilya mo sa iyo !". "HINDI ! HINDI YAN TOTOO ! Hindi
mo kilala ang pamilya ko !mahal nila ako !" nagngingitngit na sigaw ni Faux. Biglang
may lumitaw na imahe ng kanyang pamilya sa harapan niya, masaya ang mga itong
kumakain at nagkukuwentuhan sa kanilang hapag-kainan ni hindi nila pansin na kulang
sila ng isang miyembro, si Faux. Nanghina siya at tuluyang nilamon ng lungkot. Maaari
ngang totoo ang sinasabi ng Diyosa, hindi na siya kailangan ng kanyang pamilya. Wala
na siyang nagawa kundi ang lumuha at pagsisihan ang mga pagkakataong sinayang
niya sa pagkahumaling sa buwan. Handa na niyang tanggapin ang kanyang tadhana ng
marinig niya ang katok sa kanyang pinto. "Faux, anak ~ kakain na, hinanda ni mama
ang paborito mong ulam, lumabas ka na riyan ha." malambing na boses ng ina ang
nakapagpagising sa kanya. Ibinaling niya uli ang pansin sa Diyosa ngunit wala na ito sa
kanyang harapan, bagkus ay ang malumanay na tinig na lamang nito ang kanyang
narinig , "Sana'y may natutunan ka mula rito, pahalagahan mo ang sarili at ang
iyong pamilya. Hindi nararapat na sayangin ang buhay dahil lang sa
pagkahumaling sa isang bagay na di mo naman tiyak kung makapagbibigay ng
kaligayahan sa iyo. Paalam Faux.". Nabunutan ng tinik si Faux at tumugon sa
mensahe ng Diyosa, "Maraming salamat sa leksyong ito Diyosa Selene, hinding-
hindi ko ito makakalimutan!". Napansin niyang nakakagalaw na siya kaya agad
niyang pinunasan ang kanyang luha at ngumiti. Lumakad siya patungo sa pinto ng
kuwarto at pinihit ang siradura, ito na ang huling beses na ikukulong niya ang sarili mula
sa presensiya ng mga taong tunay na nagmamahal sa kanya. Panahon na upang
buksan niyang muli ang pintong nag-uugnay sa kanya sa mas maligayang buhay sa
labas.

B.PAGGAWA NG NARATIBO
V. ARGUMENTATIBO
A. HALIMBAWA NG ARGUMENTATIBO
PAMBU-BULLY SA SCHOOL

HALOS lahat nang bansa sa buong mundo ay 12-years ang basic education
system. Dito sa Asia, ang Pilipinas na lamang ang tanging nag-i-implement ng 10-year
basic education. Sa Africa, dalawang bansa na lamang doon ang may katulad na
sistema sa Pilipinas. Pero balak na ring baguhin ang kanilang curriculum. Ipa-pattern na
rin sa ibang bansa na 12-years o mahigit pa ang kurikulum. Kaya kung ang Pilipinas ay
mananatili pa rin sa lumang sistema ng edukasyon, mapapag-iwanan na ang bansang
ito.

Ayon kay DepEd Secretary Armin Luistro, ang K to 12 ay magdudulot nang


magandang bunga sa mga kabataan. Sa pagdadagdag ng dalawang taon sa  high
school, ganap na mahahasa ang mga estudyante. Masisiksik sila sa kaalaman, hindi
katulad sa dating 10 taon lang binubunong pag-aaral. Makapaghahanda ang mga
estudyante sa sistemang ito sa kanilang tatahaking carreer.

Nilagdaan ni President Noynoy Aquino noong nakaraang Mayo 15, 2013 ang
batas na nag-aatas na ang mga Pilipinong mag-aaral ay nararapat dumaan sa
kindergarten, anim na taon sa elementarya, apat na taon sa junior high school at
dalawang taon sa senior high school.

Pinakamagandang bunga ng K to 12 curriculum ay ihahanda ang graduates para


makapagtrabaho. Makakakuha na sila ng Certificates of Competency (COCs) at
National Certifications (NCs) kapag nagdaan sa TESDA Training Regulations. Mayroon
na silang pagkakataon na ma-empleo o kaya’y magtayo ng sariling negosyo.

Maganda ang nilalayon ng K to 12. Maaaring ito ang magpabago sa buhay ng


mga Pilipino sa hinaharap. Magkakaroon na nang kahandaan sa pipiliing career. Sana
naman, maging handa rin ang DepEd sa implementasyon ng K to 12. Magkaroon sana
nang mahusay na mga guro, libro at mga pasilidad para maging ganap ang
pagpapatupad ng K to 12 at nang hindi na batikusin ng mga tutol dito. Tahakin na ang
pagbabago sa edukasyon. Iwanan na ang lumang sistema. Maaaring ang sistemang ito
ang magbibigay ng bagong pag-asa. Maraming mapapakinabang sa K to 12.

B. PAGGAWA NG ARGUMENTATIBO
VI. PROSIDYURAL
A. HALIMBAWA NG PROSIDYURAL
PININYAHANG MANOK

Mga Sangkap:

 
1 kilo Chicken fillet
1 small can Pineapple Tidbits
1 clove garlic
1 medium onion
salt, pepper and sugar
2 tbsp sugar
1 tbsp. cornstarch
1 slice ng cheddar cheese
 
 
Paraan ng pagluluto:
 
1. I-marinade ang manok sa asin, paminta at syrup ng pineapple tidbits. Itabi ang
laman.
 
2. Sa isang kawali o non-stick pan, i-printo ng kaunti ang mga piraso ng manok.
Hayaang pumula ng kaunti. Ilagay sa isang lalagyan
 
3. Sa isang kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa kaunting mantika
 
4. Ilagay ang piniritong manok. Ilagay ang pinagbabadan ng manok at kaunting tubig.
Takpan.
 
5. Ilagay ang pineapple tidbits. Hayaang kumulo
 
6. Timpalahan ng asin at asukal ayon sa inyong panlasa
 
7. Lagyan ng isang slice na cheddar cheese. 
 
8. Lagyan ng tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce 
 
9. Ihain habang mainit
 

B.PAGGAWA NG PROSIDYURAL
UNIVERSITY OF SAINT LOUIS
Tuguegarao City, Cagayan, Philippines

Senior High School Department

PROYEKTO SA
FILIPINO
(Pagbasa at Pagsusurisa Iba’tIbang Uri ng
Teksto)

2nd Semester, S.Y. 2016-2017

___________________________________________________________________

Ibinigay ni:
Phoebe Marieghile A. Cuntapay
ABM- St.Leo the Great

Ibibigaykay:
Bb. Cherry Joy D. Basug
Guro sa Filipino
________________________________________________________________

You might also like