You are on page 1of 26

10th Grade

Paksa: Paninindigan sa Tamang


Paggamit ng Kapangyarihan at
Pangangalagasa Kapaligiran
● Noong nakaraang taon, dumating ang dalawang
nakapipinsalang bagyo, ang bagyong Rolly at
Ulysses. Gayundin, pumutok ang bulkang Taal ng
Pilipinas na may kasamang lindol at abo. Lubhang
maraming naapektuhan at nasira sa mga
pangyayaring ito sa ating bansa.
Bakit nga ba nangyayari ito? Naitanong mo siguro sa
iyong sarili ito, kawakasan na ba ng mundo? Galit na
ba sa atin ang Inang Kalikasan?
Ito ay dahil sa maling pagtrato sa Inang
Kalikasan. Marahil narinig mo na ang
katagang ito: “Mabubuhay ang kalikasan
kahit wala ang tao, ngunit hindi kayang
mabuhay ng tao kung wala ang kalikasan.”
Kung ikaw ay bibigyan ng kapangyarihan,
ano ang gusto mo at bakit? Paano mo
mapatutunayan na magagamit mo ito nang
mabuti?
Gawain 1: Siyasatin Mo! Panuto: Suriin ang
sumusunod na pahayag at sagutin kung
ikaw ay sang-ayon o hindi sang-ayon sa mga
pahayag at ibigay ang iyong dahilan.
Sang-ayon o Paliwanag
Pahayag
Hindi sang-ayon o Dahilan

1. Kayang mabuhay ng tao kahit wala ang


kalikasan

2. Ang bawat bagay na wala ng halaga ay


kadalasang itinatapon na lamang it

3.Ang polusyon sa hangin, tubig, at lupa ay


nakadaragdag ng resistensya sa katawan
lalo na kapag marumi ang hangin.
.4. Pinagkalooban ng Diyos
ang bansang Pilipinas ng
napakagandang yamang lupa
at yamang tubig.

. 5.Sa pagdami ng mga


pagnanais at pagkagusto ng
tao lalo na sa mga materyal
na bagay, naapektuhan niya
nang lubusan ang kaniyang
kapaligiran at kalikasan.
Suri-larawan
Panuto: Mula sa mga kartung pang-
editoryal o editorial cartooning na
nasa ibaba, bumuo ng tig-iisang
talata na mayroong limang
pangungusap. Ipaliwanag kung ano
ang gustong ipabatid na mensahe.
Gawin ito sa sagutang papel.
Mula sa mga sinuring kartung pang-editoryal, sagutin ang
sumusunod na tanong:
1.Sa palagay mo, bakit mo nasabing ang mga gawaing ito ay
mga isyu na may kaugnayan sa paggamit ng kapangyarihan
at pangangalaga sa kapaligiran?
Ipaliwanag ang iyong sagot.
2.Paano nakaaapekto sa buhay ng tao ang mga isyung
naipakita sa mga larawan? Ipaliwanag ang iyong sagot.
3.Bilang isang mamamayang Pilipino, paano maiibsan ng
mundo ang mga suliranin o isyu na naipakita at
nararanasan natin hanggang ngayon?
KALIKASAN
Ang kalikasan ay tumutukoy sa lahat ng nakapaligid sa
atin na maaaring may buhay o wala. Ito ay kinabibilangan
ng mga puno’t halaman, at lahat ng iba’t ibang uri ng
hayop mula sa maliit hanggang sa Malaki.
Ang kalikasan ay kaloob sa atin ng Diyos upang tayo ay
patuloy na mabuhay.
2
Samakatuwid, tayo ay binubuhay ng kalikasan kung kaya’t
binigyan Niya tayong lahat ng tungkulin at pananagutang
ito’y ating igalang at pangalagaan
Sa pagdaan ng mga panahon, mukhang
nag-iba ang pagtingin at pagtrato ng
mga tao sa kahalagahan ng kalikasan.
Ang tao ay nagpatuloy sa walang habas
2na paninira sa pag-aakalang siya ay
may karapatan sa kalikasan. Minaltrato
ng tao ang kalikasan.
Ang mga trahedyang hindi inaasahang
mangyayari, mula sa diinaasahang pagputok ng
bulkan
1.Mt. Pinatubo, taong 1991
2. Biglaang pagguho ng lupa St. Bernard, Leyte
2006
3.mga
2 pagbaha maging sa sentro ng bansa
(Yolanda 2013),
4.ang paglamon ng karagatan sa mga
dalampasigan at kalupaan (Ulysses 2020),
Mga Maling Pagtrato sa Kalikasan
1.Maling pagtatapon ng basura
Dahil sa walang habas na pagtatapon ng basura, nagbabara
ang mga daanan ng tubig, kung kaya’t kapag dumating ang malakas
na ulan, di maiiwasan ang pagbaha. Dagdag pa rito ang paglaganap
ng mga sakit
2. Iligal na pagputol ng mga puno.
Ang mga puno at iba pang halaman ang siyang tagapagbigay
sa atin ng napakahalagang hangin na ating hinihinga upang mabuhay
tayo at iba pang mga hayop.
3
3. Polusyon sa hangin, tubig, at lupa.
Ang dalawang suliraning nabanggit sa itaas ay nagdudulot ng
polusyon. Ang hangin na ating nilalanghap, ang tubig na iniinom
Mga Maling Pagtrato sa Kalikasan
4. Pagkaubos ng mga natatanging species ng hayop at halaman
sa kagubatan.
Ang Pilipinas ay napagkalooban ng Diyos ng isang napakagandang
kagubatang tropikal. Ngunit maraming uri ng hayop at halaman ang
nagiging threatened, endangered, at ang pinakamalala sa lahat ay ang
kanilang extinction.
5. Malabis at mapanirang pangingisda.
Ang Pilipinas ay nabiyayaan din ng mayamang
3
karagatan,ngunit kadalasan heto ang nagyayari
a.Cyanide fishing b.Dynamite fishing c.muro ami
Mga Maling Pagtrato sa Kalikasan
6. Ang pagko-convert ng mga lupang sakahan, iligal na pagmimina, at
quarrying.
Dahil sa hindi na mabilang na mga lupang sakahan ang hindi na
tinatamnan dahil ginawa ng subdivision, golf courses, mga hotel,
expressways
7. Global warming at climate change
Ang global warming ay nagdudulot ng climate change. pagbabago sa
pangmatagalang sistema ng klima ay ang tinatawag na climate change
8. Komersiyalismo at urbanisasyon
Ang komersiyalismo ay tumutukoy sa pag-uugali ng tao at mga kilos na
3
nagpapakita nang labis na pagpapahalaga na kumita ng pera o kaya ay
pagmamahal sa mga materyal na bagay sa halip na ibang mga
pagpapahalaga
KAPANGYARIHAN
Ang kapangyarihan ay kakayahan upang
ipatupad ang isang pasiya, kapasidad upang
maka-impluwensiya sa saloobin at pag-
uugali ng iba, at lumikha ng panukala na
makabubuti sa lahat. Maipamamalas ito sa
pamamagitan ng posisyon organisasyon at
pagiging lider ng isang grupo.
Mga Isyu sa Paggamit ng Kapangyarihan
1.Korapsyon.
Ito ay isang sistema ng pagnanakaw o pagbubulsa
ng pera. Tumutukoy ito sa espiritwal o moral na
kawalan ng kalinisan at paglihis sa anumang kanais-
nais na asal
2. Ang bribery o panunuhol.
Ito ay isang gawain ng pagbibigay ng kaloob o
handog sa anyo ng salapi o regalo pamalit sa pabor
na ibinigay ng tumanggap
Mga Isyu sa Paggamit ng Kapangyarihan
3.Pakikipagsabwatan (Kolusyon).
Ito ay iligal na pandadaya o panloloko,
halimbawa ay ang pagtatakda ng mga presyo,
limitahan ang mga oportunidad, pagtatakda ng
sahod, mga kickback, pandaraya sa halalan sa
pamamagitan ng iligal na panghihimasok sa
proseso ng isang halalan at sa pagbilang ng
boto, pagsupil at pagpaslang ng mga katunggali,
pagbili o panunuhol ng mga botante
4.Ang kickback.
Ito ay bahaging napupunta sa isang opisyal mula
sa mga pondong itinalaga sa kaniya. Isang
halimbawa nito ang paghiling ng isang opisyal ng
pamahalaan sa isang negosyante na magbigay
ng trabaho sa isang kamag-anak ng opisyal na
kumokontrol sa mga regulasyon na umaapekto sa
negosyo. Mayroon ding mga katiwalian sa ating
pansariling buhay.
.5. Ang nepotismo.
Ito ay ang lahat ng paghirang o pagkiling ng
kawani sa pamahalaan, maging pambansa at sa
alin mang sangay o ahensiya nito, kabilang ang
mga korporasyon na ari o kontrolado ng
pamahalaan, na igagawad sa kamag-anak na
hindi dumaraan sa tamang proseso.
Ayon kay Mahatma Gandhi na nagsasabing
“Kung gusto mo ang pagbabago at kung
gusto mo ng mas maayos na buhay, dapat
simulan mo ito sa iyong sarili.”
TAKDANG ARALIN:(groupings)
Panuto:Pumili ng isang isyung ating napag-
aralan at isadula ito sa loob ng 5
minuto.Ipakita ang epekto ng bawat isyu ay
magbigay ng mga mungkahi upang ito ay
malabanan/maiwasan.
A. Maling pagtapon ng B. Polusyon ng Tubig C. Malabis at mapanirang
bansuri pangingisda
D. Quarrying E. Ilegal na pagputol F. Polusyon ng Lupa
ng puno
G. Pagko-convert ng H. Global warming at I. Polusyon ng Hangin
lupang sakahan climate change
J. Pagkakaubos ng K. Ilegal na L. Komersiyalismo at
natatanging species pagmimina Urbanisasyon
ng hayop at halaman
sa kagubatan
M. Korapsyon N. Kickback O. Pakikipagsabwatan

P. Nepotismo Q. Bribery /
Panunuhol
Maraming salamat sa pakikinig!!

You might also like