You are on page 1of 29

PANGANGALAGA

SA KALIKASAN
Aralin 12
LAYUNIN
Sa pagtatapos ng klase, ang mga mag-aaral ay inaasahan na maipamamalas ang
mga sumusunod:

a. Nakapagpapaliwanag ng kahalagahan ng
pangangalaga sa kalikasan;

b. Natutukoy ang mga paglabag sa pangangalaga sa


kalikasan na umiiral sa lipunan at ang epekto nito sa
tao, kalikasan, at iba pang nilalang;
c. Nabibigyang halaga ang mga pakinabang na
naibibigay ng kalikasan.
SURIIN
Ano ba ang kalikasan?
KALIKASAN
 Ito ay tumutukoy sa lahat ng nakapaligid sa atin na maaaring may buhay o wala.

 Ito ay kinabibilangan ng mga puno’t halaman, at lahat ng iba’t ibang uri ng hayop mula
sa maliit hanggang sa malaki.

 Maituturing ding bahagi ng kalikasan ang


lahat ng salik na siyang nagbibigay-daan o
tumutugon sa mga pangangailangan ng mga
nilalang na may buhay upang ipagpatuloy
ang kanilang buhay (hangin, lupa, tubig, at
iba pang mga anyo nito).
Genesis 1: 27-31

Ang kalikasan ay kaloob sa


atin ng Diyos upang tayo ay
patuloy na mabuhay.

DAHIL DITO, KUNG KAYA’T BINIGYAN NIYA TAYONG


LAHAT NG TUNGKULIN AT PANANAGUTANG ITO’Y
ATING IGALANG AT PANGALAGAAN.
ANG RELASYON NG TAO AT KALIKASAN AY
ISANG UGNAYAN NG PAGTUTULUNGAN.

Ang kalikasan ang


magbibigay sa tao ng
kaniyang ikabubuhay.

Ang tao ang


mag-aalaga sa
kalikasan bilang
katiwala nito.
Ang tao ay nagpapatuloy sa
walang habas na paninira sa pag-
aakalang siya ay may karapatan
sa kalikasan.

Maling paggamit ng
KAPANGYARIHAN na
mula sa Diyos
ANG KAKAYAHAN NG DAIGDIG NA SUPORTAHAN ANG BUHAY NG
LAHAT NG BAGAY NA NAKATIRA RITO AY NALILIMITAHAN NG
MGA GAWAIN AT PARAAN NG PAMUMUHAY NG TAO.

Mga lider na hindi Mga negosyante na Mga ordinaryong


lubusang maipatupad mas inuuna ang mamamayan na hindi
ang mga batas na kanilang sariling nauunawaan ang
magpoprotekta sa interes at kikitain kanilang pananagutan
kalikasan sa kalikasan

PATULOY ANG PAGSASAGAWA NG MGA PAGLABAG SA


PANGANGALAGA SA KALIKASAN.
MGA PAGLABAG SA PANGANGALAGA
SA KALIKASAN

1. Maling Pagtatapon ng basura. 5. Malabis at mapanirang


pangingisda
2. Iligal na pagputol ng mga 6. Ang pagko-convert ng mga
puno lupang sakahan, iligal na
pagmimina, at quarrying
3. Polusyon sa hangin, tubig, at
lupa 7. Global warming at climate
change
4. Pagkaubos ng mga
natatanging species ng hayop at 8. Komersiyalismo at urbanisasyon
halaman sa kagubatan
1. MALING
PAGTATAPON
NG BASURA
2. ILIGAL NA
PAGPUTOL NG
PUNO
3. POLUSYON SA HANGIN,
TUBIG, AT LUPA
4. PAGKAUBOS NG
MGA
NATATANGING
SPECIES NG HAYOP
AT HALAMAN SA
KAGUBATAN
5 ENDANGERED SPECIES IN THE PHILIPPINES

1. Tamaraw
2. Philippine Crocodile
3. Philippine Mouse Deer
4. Tarsier
5. Philippine Forest Turtle

https://www.sunstar.com.ph/article/1887751/cebu/feature/5-endangered-species-in-the-philippines
5. MALABIS AT
MAPANIRANG
PANGINGISDA
6. ANG PAGKO-
CONVERT NG MGA
LUPANG SAKAHAN,
ILIGAL NA
PAGMIMINA, AT
QUARRYING
Climate change - Ang malawakang pag-iiba-iba ng
mga salik na nakaaapekto sa panahon na nagdudulot
7. GLOBAL WARMING nang matinding pagbabago sa pangmatagalang
AT CLIMATE CHANGE sistema ng klima.
Global warming - Ang patuloy naman na pagtaas ng
temperatura bunga ng pagdami ng tinatawag na green
house gases lalo na ng carbon dioxide sa ating
atmospera
Komersiyalismo - tumutukoy sa pag-uugali ng tao at
mga kilos na nagpapakita nang labis na
pagpapahalaga na kumita ng pera o kaya ay
pagmamahal sa mga materyal na bagay sa halip na
ibang mga pagpapahalaga.
Urbanisasyon - naman ay ang patuloy na pag-unlad
ng mga bayan na maisasalarawan ng pagpapatayo ng
mga gusali tulad ng mga mall at condominium units.

8. KOMERSIYALISMO
AT URBANISASYON
KOMERSIYALISMO AT
URBANISASYON

KONSYUMERISMO - isang
paniniwala na mabuti para sa
tao ang gumasta nang gumasta
para sa mga materyal na bagay
at serbisyo
 Bakit mahalagang bigyan ng prayoridad ang isyu ng
pagkasira ng kalikasan?
PANGANGALAGA SA KALIKASAN

1. Ito ang ating tahanan.

2. Ito ay ang ating moral


na obligasyon sa
kalikasan at pananagutan
sa Diyos.
TANDAAN:
 Ang epekto ng pagkasira at pagkaubos ng mga bagay sa
kalikasan ay panghabang panahon.

 Wala tayong pangalawang pagkakataon upang ibalik ang


anumang bagay na nawala at ayusin ang bagay na ating
sinira sa kalikasan.

 Ang tangi nating magagawa sa kasalukuyan ay itigil ang


patuloy nitong pagkasira.
TUKLASIN

Panuto: Suriin ang awit na “Masdan


mo ang Kapaligiran”. Pagkatapos ay
sagutin ang sumusunod na mga tanong.
1.Ano ang paksa ng awiting “Masdan mo ang
kapaligiran”?
2. Anu-anong mga pagbabago sa kalikasan o
kapaligiran ang binanggit sa awit?
3. Sa iyong pananaw, maaari nga bang umunlad
ang isang bansa nang hindi nasisira ang
kalikasan?
TUklasin
1. Ano ang paksa ng awiting
“Masdan mo ang
kapaligiran”?
2. Anu-anong mga
pagbabago sa kalikasano
kapaligiran ang binanggit
sa awit?
3. Sa iyong pananaw, maaari
nga bang umunlad ang
isang bansa nang hindi
nasisira ang kalikasan? https://youtu.be/tNfz0vSHjEU
1.Ano ang paksa ng awiting “Masdan mo ang
kapaligiran”?
2. Anu-anong mga pagbabago sa kalikasan ang
binanggit sa awit?
3. Sa iyong pananaw, maaari nga bang umunlad
ang isang bansa nang hindi nasisira ang
kalikasan?
PAGNINILAY
Panuto: Ipahayag ang iyong pag-unawa sa mga konseptong
tinalakay sa aralin sa pamamagitan ng pagbuo sa pahayag. Isulat
ito sa inyong kwaderno.

 Ang pangangalaga sa kalikasan ay mahalaga


sapagkat…

 Ang pagiging katiwala ng kalikasan ay


nangangahulugang…

You might also like