You are on page 1of 8

Pamagat: Pagpapala sa Pangingisda

Level: Baitang 7
Bilang ng mga salita: 240

PAGPAPALA SA PANGINGISDA

Ang ating bansa ay napaliligiran ng malawak na karagatan.


Sagana ito sa iba’t ibang uri ng isda. Kaya marami sa mga Pilipino ay
pangingisda ang ikinabubuhay.

Sa pakikipagtulungan ng mga pribadong kumpanya ng


pangingisda, ang ating pamahalaan ay nag-eeksport sa Hongkong at
Taiwan. Iba’t ibang uri ng isda ang dinadala natin sa mga bansang ito
tulad ng tuna at lapu-lapu. Malaki ang naitutulong nito sa hanapbuhay
ng ating mga mangingisda. Subalit ang kasaganahang ito ay malimit na
inaabuso. May mga mangingisdang gumagamit ng mga pampasabog
at lasong kemikal para makahuli ng maraming isda. Namamatay ang
maliliit na isda na dapat sana ay lumaki at dumami pa. Ang iba
naman ay sinisira ang mga coral reefs na tirahan ng mga isda.

Ang Kagawaran ng Agrikultura sa pangunguna ng Bureau of


Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ay patuloy na gumagawa ng
mga hakbang para masugpo ang mga mangingisdang lumalabag sa
batas pagdating sa paraan ng pangingisda. Ang BFAR ay
nagsasagawa ng mga proyekto na magpapaunlad sa produksyon ng
isda. Kasama rito ang pagbabawal ng pangingisda na nakasisira sa
coral reefs, ang pagbubuo ng mga artificial reefs, at pagmomonitor ng
red tide sa iba’t ibang karagatan sa buong bansa.

Malaking bahagi ng ekonomiya ang nagbubuhat sa sektor ng


mga mangingisda. Maraming tao rin ang nakikinabang sa
pagtatrabaho sa industriya ng pangingisda tulad ng fish marketing, fish
processing, net making, boat-building at fish trading. Ito ang mga dahilan
kung bakit kailangang alagaan ang industriyang ito.

Pag-unawa sa Binasa

1. Ano-anong isda ang ipinapadala sa ibang bansa?


a. dilis at tawilis
b. tilapia at bangus
c. tuna at lapu-lapu
d. galunggong at bisugo

2. Anong tanggapan ang nangunguna sa pagsugpo sa labag na batas na


paraan ng pangingisda?

a. Bureau of Food and Drug


b. Metro Manila Development Authority
c. Bureau of Fisheries and Aquatic Resources
d. Department of Energy and Natural Resources
3. Bakit maraming Pilipinong may hanapbuhay na pangingisda?

a. Magaling lumangoy ang mga Pilipino.


b. Maraming hindi nais magtrabaho sa taniman.
c. Walang ibang makuhang trabaho ang mga Pilipino.
d. Napaliligiran ng malawak na karagatan ang Pilipinas.

4. Ano kaya ang masamang epekto ng paggamit ng pampasabog


at lason sa pangingisda sa tao?

a. Natatakot ang mga isda.


b. Hindi na lumalaki ang mga isda.
c. Wala nang makakaing isda ang mga tao.
d. Namamatay ang maliliit at batang isda.

5. Ano ang layunin ng manunulat ng seleksyon? (Pagsusuri)


Nais ng manunulat na _________________________.

a. ipagmalaki ang Pilipinas bilang isang mayamang bansa


b. makilala ang Pilipinas bilang magandang pinagkukunan ng
isda
c. ipaubaya sa pamahalaan ang pag-aalaga sa mga katubigan ng
bansa
d. malaman ng tao na sa bawat gawain ay may kaakibat na
responsibilidad

Talasalitaan:
Hanapin ang kasingkahulugan ng mga salita sa loob ng kahon.
A. Marami/Maunlad C. Mapigilan/Mawakasan E. Napapalibutan
B. Palagi D. Di pagsunod sa batas F. Layunin

6. Sagana-
7. Malimit-
8. Masugpo-
9. Lumabag-
10. Napapaligiran-
Pamagat: Digmaan
Level: Baitang 7
Bilang ng mga salita: 240

DIGMAAN

Sa simula pa lang ng kasaysayan ng ating mundo, mayroon nang di-


pagkakasundo sa pagitan ng dalawang grupo ng tao. Anumang pag-aaway
na naglalayong sirain, talunin at pagharian ang bawat isa ay maituturing na
digmaan.

Ang digmaan, civil war, cold war o world war ay nagsisimula


lamang sa di-pagkakaunawaan sa isang maliit o hindi kaya ay
malaking bagay. Nagmimistulang bingi ang magkabilang panig sa
pananaw at pangangailangan ng bawat isa kaya’t ito ay nagbubunga
sa mas matinding pag-aaway. Ang digmaan ay nagaganap kapag
ang isang grupo o bansa ay handang makidigma, makuha lamang ang
ninanais.

Ang digmaan ay maihahalintulad sa pakikipag-away ng


magkaibigan; mas malawak lamang ang bunga at mas malupit ang
kinahihinatnan. Ang away ay nagsisimula dahil may nag-umpisa at
sinusundan pa ito ng kampihan. Mayroon ding tumatangging
makisangkot at nanatiling neutral. Mayroon din kung saan higit na
makikinabang ay doon papanig; at kapag nagbago ang kapalaran ng
pinapanigan at nahalatang natatalo, lilipat na lamang sa panig ng
nananalo.

Sa kasalukuyan, maraming bansa ang handang makidigma.


Bagamat walang malawakang deklarasyon ng digmaan, nakakakita
tayo ng maliliit na hidwaan na nangyayari sa loob at labas ng ating
bansa. Sa gitna ng diplomatikong pag-uusap upang mapanatili ang
kapayapaan sa buong mundo, may ilang malalakas at malalaking
bansa ang naghahanda kung sakaling sumabog ang isang
malawakang digmaan. Patuloy na pinapalawak ng maraming bansa
ang military at warfare nito. Halos kalahati ng mundo ay naglalaan ng
badyet sa militarisasyon kaysa sa pangunahing pangangailanganng tao.

Pag-unawa sa Binasa

1. Ano ang layunin ng isang digmaan?


Layunin ng isang digmaan na_____________________________.

a. pagharian o talunin ang kabilang panig


b. maabot ang kapayapaan pagkatapos nito
c. manakot para mapakinggan ng kabilang panig
d. makisangkot sa mahahalagang kaganapan sa mundo
2. Paano naghahanda ang mga bansa para sa digmaan?
a. Humahanap sila ng maraming kakampi.
b. Pinapalakas nila ang bansang kaanib nila.
c. Naglalaan sila ng malaking badyet dito upang makapaghanda.
d. Pinapahalagahan nila ang pangunahing pangangailangan ng
bayan.

3. Ano ang kahulugan ng pangungusap sa loob ng kahon?


Nagmimistulang bingi ang magkabilang panig sa pananaw ng bawat isa kayat
ito ay nagbubunga sa mas matinding pag-aaway.

a. Pinapakinggan lamang ang pananaw ng mga bingi.


b. Hindi mahalaga ang pananaw ng mga kakampi nila.
c. Hindi nais ng bawat panig na makinig sa pananaw ng iba.
d. Marami silang kasamang hindi sumasang-ayon sa pananaw
ng iba.
4. Ano kaya ang pinakamagandang paraan upang maiwasan ang
digmaan?
a. Humanap ng malalakas na kakampi.
b. Sumang-ayon sa nais ng kabilang panig.
c. Sikaping pakinggan ang pananaw ng ibang panig.
d. Makisangkot sa nangunguna at malalakas na bansa.

5. Ano ang pangunaking ideya na tinalakay sa seleksyon?


Tinalakay sa seleksyon ang_____________________________.

a. sanhi ng digmaan
b. mga uri ng digmaan
c. solusyon sa digmaan
d. pag-iwas sa digmaan

Talasalitaan
Hanapin ang kasingkahulugan ng mga salita sa HANAY A mula sa HANAY B.

Hanay A Hanay B
6.Naglalayon A. Hindi Pagkakaindindihan
7.Maihahalintulad B. Kakampi
8.Makasangkot C. Naghahangad
9.Papanig D. Maikukumpara
10.Hidwaan E. Makasama/Makasali
Pamagat: Hinduismo
Level: Baitang 7
Bilang ng mga salita: 240

Hinduismo
Ang Hinduismo ang pinakamatandang pangunahing relihiyon sa
mundo. May nagpapalagay na dinala ito ng mga mananakop na Aryan sa
India noong 1200 BC. Pinaniniwalaang ang Hinduismo ay nagmula sa
pinagsamang paniniwala ng mga Aryan at mga tao mula sa Indus Valley.
Bunga nito, isa ang Hinduismo sa pinakakumplikadong relihiyon sa buong
daigdig, na may hindi mabilang na idolo, diyos at diyosa, at samu't saring
paraan ng pagsamba. Itinuturing na monismo ang relihiyon na ito na
nagangahulugang iisang ispirito lamang ang nananahan sa lahat ng mga
nilalang.

Ang mga paniniwala ng Hinduismo ay nag-ugat sa Vedas, isang banal


na aklat ng mga kasulatang naglalaman ng mga dasal, himno, at iba pang
mga aral tungkol sa pananampalataya. Naniniwala ang mga Hindu na si
Brahman, na itinuturing na manlilikha, ang pinakamataas at pinakahuling
katotohanan sa mundo. Ang makabalik sa manlilikha ang huling hantungan
ng bawat nilalang. Upang makapiling si Brahman, may mga mas mababang
diyos na maaaring tumulong dito.

Isa pa sa mga paniniwala ng mga Hindu ay dumaranas ang lahat ng


nilalang ng paulit-ulit na pagsilang (reincarnation) hanggang maging
karapat-dapat na sumama kay Brahman. Ang antas ng bawat tao sa
pagsilang ay batay sa kanyang karma. Kapag masama sa nakalipas na
buhay, isisilang siya muli sa mas mababang katayuan. Kapag mabuting tao,
isisilang siyang muli sa mas mataas na antas. Sumusunod ang mabuting tao
sa ahimsa, isang paraan ng pamumuhay na umiiwas makasakit sa ibang
nilalang sa isip, sa wika, at sa gawa.

Pag-unawa sa Binasa

1. Ano ang sanhi kung bakit pinakakomplikadong relihiyon ang


Hinduismo? (Literal)

a. May iba’t ibang antas ng buhay itong kinikilala.


b. Nagmula ito sa pinagsama-samang mga paniniwala.
c. Maraming idolo, diyos at diyosa ang sinasamba nito.
d. Naniniwala ito sa paulit-ulit na pagsilang ng bawat nilalang.

2. Alin sa sumusunod ang HINDI paniniwala ng Hinduismo?


a. Paulit-ulit na isinisilang ang mga tao.
b. Ang antas ng tao ay batay sa kanyang karma.
c. Nananahan ang iisang ispiritu sa buong kalikasan.
d. Ahimsa ang paraan ng hindi mabuting pamumuhay.
3. Ano ang kahulugan ng “samu't saring paraan ng pagsamba” sa
pangungusap sa kahon?

Ang Hinduismo ay may may hindi mabilang na idolo, diyos at diyosa at


samut-saring paraan ng pagsamba.

a. Mabibilang ang paraan ng pagsamba ng Hinduismo.


b. Maliwanag ang nabuong paraan ng pagsamba ng Hinduismo.
c. Malayang sumamba ang mga Hindu gamit ang maraming
paraan.
d. May gabay ang magkakatulad na paraan ng pagsamba ng
mga Hindu.

4. Ano ang kahulugan ng salitang nag-ugat sa pangungusap sa


kahon?
Ang mga paniniwala ng Hinduismo ay nag-ugat sa Vedas.

a. inani
b. nagmula
c. nakatanim
d. napapaloob
5. Ano kaya ang dahilan kung bakit nasakop ng mga
Aryan ang India?Nasakop ng Aryan ang India dahil .
a. ito ang bilin ni Brahman sa kanila
b. hangad nilang sambahin sila ng India
c. nais nilang maisilang sa ibang antas ng buhay
d. hindi malakas ang laban ng India noong panahon na iyon

Talasalitaan
Hanapin ang kasingkahulugan ng mga salita sa HANAY A mula sa HANAY B.

Hanay A Hanay B
6.Nag-ugat A. Nagsimula
7.Hantungan B. LIbingan
8.Makapiling C. Kapanganakan
9.Dumaranas D. Pinagdaraanan
10.Pagsilang E. Makasama
Pamagat: Budhismo
Level: Baitang 7
Bilang ng mga salita: 240

Budhismo

Ang Budhismo ay isa sa pinakamalaking relihiyon sa mundo na


itinatag sa India noong 60 0 B.C. Ang pananampalatayang ito ay batay sa
mga turo niSiddharta Gautama na sa paglaon ay kinilalang Buddha.

Si Siddharta Gautama ay isang prinsipe sa hilagang India at


anak ng isang mayamang rajah. Lumaki siya sa gitna ng marangyang
buhay subalit tinalikuran niya ang lahat ng ito upang ibuhos ang oras niya
sa pagninilay ng kahulugan ng buhay. Naging palaisipan sa prinsipe ang
pagtanda, pagkamatay ng isang tao at kung bakit kailangan tayong
dumanas ng sakit. Hindi siya matahimik hanggat’ hindi niya nakikita ang
sagot sa mga tanong na ito. Nagpakalbo siya, nagsuot ng dilaw na damit
at nanghingi ng limos kasama ang mahihirap na tao. Lumapit siya sa mga
guru upang pag-aralan ang Upanishad subalit hindi pa rin siya nasiyahan.
Makalipas ang napakaaraming taon ng pag-aayuno ay naglakbay siya
papuntang Gaya. Sa ilalim ng isang puno ng Bo (wisdom tree) pagkatapos
manalangin ng maraming araw ay naliwanagan siya. Dahil dito ay tinawag
si Siddharta na Buddha "Ang Naliwanagan."

Ibinahagi niya ang kanyang mga natuklasan na tinawag na marangal


na katotohanan. Kasama rito ang tamang pananaw na ang pagdurusa ay
bunga ng makasariling hangarin. Ang tamang pagpapahalaga ay nababalot
sa pag-ibig. Dapat tayong gabayan ng tamang pananalita na mahinahon.
Ang tamang pag-uugali ay nag-uugat sa tamang pag-iisip at paggalang sa
lahat ng may buhay. Ang tamang kabuhayan naman ay dapat nakatutulong
sa kapwa.

Pag-unawa sa Binasa

1. Alin sa sumusunod ang HINDI pinagdaanan ng prinsipe?


a. Nag-ayuno siya at nagnilay-nilay .
b. Nabuhay siya na parang isang pulubi.
c. Naging marangya ang buhay niya sa palasyo.
d. Pinag-aralan niya kung paano siya kikilalanin bilang Buddha.

2. Ano ang dahilan kung bakit kinilala ang prinsipe bilang


Buddha? Kinilalaang prinsipe bilang Buddha dahil .
a. matagal na panahon siyang nag-ayuno
b. naliwanagan siya sa kahulugan ng buhay
c. nasagot niya ang katanungan ng mga tao
d. linisan niya ang palasyo upang magnilay-nilay
3. Ano ang kahulugan ng pangungusap sa kahon?

Lumaki siya sa gitna ng marangyang buhay subalit tinalikuran niya ito.

a. Umiwas siya na lumaki sa marangyang pamumuhay.


b. Tumatalikod siya kapag pinag-uusapan ang marangyang
buhay.
c. Pinili niya ang mamuhay ng simple kahit kinalakihan niya ito.
d. Pinahayag niya na paglaki niya ay hindi na siya mamumuhay
ng
marangya.

4. Ano ang kahulugan ng salitang pagninilay sa pangungusap sa


kahon?”

Binuhos niya ang oras niya sa pagninilay ng kahulugan ng buhay.

a. pag-iisip
b. paghahanap
c. pangangarap
d. pagtatanong

5. Ano ang ginamit ng sumulat ng seleksyon upang ipaabot ang


mensahe
nito?

a. Isinalaysay ang pinagmulan ng Budhismo.


b. Tinalakay ang dahilan ng paglaganap ng Budhismo.
c. Ibinigay ang mga suliranin ng nagsasabuhay ng Budhismo.
d. Nakasaad ang mga kaugalian ng nagsasabuhay ng Budhismo.

Talasalitaan
Hanapin ang kasingkahulugan ng mga salita sa loob ng kahon.
A. Nalaman C.Malumanay/Magalang magsalita E. Mayaman

B. Paniniwala D. Paglipas F. Paninindigan

6. Paglaon-
7. Marangya-
8. Natuklasan-
9. Pananaw-
10. Mahinahon-

You might also like