You are on page 1of 10

SET A

DIGMAAN

Sa simula pa lang ng kasaysayan ng ating mundo, mayroon nang di


pagkakasundo sa pagitan ng dalawang grupo ng tao. Anumang pag-aaway na
naglalayong sirain, talunin at pagharian ang bawat isa ay maituturing na
digmaan.

Ang digmaan, civil war, cold war o world war ay nagsisimula lamang sa di-
pagkakaunawaan sa isang maliit o hindi kaya ay malaking bagay. Nagmimistulang
bingi ang magkabilang panig sa pananaw at pangangailangan ng bawat isa kaya’t
ito ay nagbubunga sa mas matinding pag-aaway. Ang digmaan ay nagaganap
kapag ang isang grupo o bansa ay handang makidigma, makuha lamang ang
ninanais.

Ang digmaan ay maihahalintulad sa pakikipag-away ng magkaibigan; mas


malawak lamang ang bunga at mas malupit ang kinahihitnan. Ang away ay
nagsisimula dahil may nag-umpisa at sinusundan pa ito ng kampihan. Mayroon
ding tumangging makisangkot at nanatiling neutral. Mayroon din kung saan higit
na makikinabang ay doon pananig; at kapag nagbago ang kapalaran ng
pinapanigan at nahalatang natatalo, lilipat na lamang sa panig ng nananalo.

Sa kasalukuyan, maraming bansa ang handang makidigma. Bagaman


walang malawakang deklarasyon ng digmaan, nakakakita tayo ng maliliit na
hidwaan na nangyayari sa loob at labas ng ating bansa. Sa gitna ng
diplomatikong pag-uusap upang mapanatili ang kapayapaan sa buong mundo, may
ilang malalakas at malalaking bansa ang naghahanda kung sakaling sumabog ang
isang malawakang digmaan. Patuloy na pinapalawak ng maraming bansa ang
military welfare nito. Halos kalahati ng mundo ay naglalaan ng badyet sa
militarisasyon kaysa sa pangunahing pangangailangan ng tao.
MGA TANONG:

1. Ano ang layunin ng isang digmaan? Layunin ng isang digmaan na


__________________.

a. pagharian o talunin ang kabilang panig

b. maabot ang kapayapaan pagkatapos nito

c. manakot para mapakinggan ng kabilang panig

d. makisangkot sa mahahalagang kaganapan sa mundo

2. Paano naghahanda ang mga bansa para sa digmaan?

a. Humahanap sila ng maraming kakampi.

b. Pinapalakas nila ang bansang kaanib nila.

c. Naglalaan sila ng malaking badyet dito upang makapaghanda.

d. Pinapahalagahan nila ang pangunahing pangangailangan ng bayan.

3. Ano ang kahulugan ng pangungusap sa loob ng kahon?

Nagmimistulang bingi ang magkabilang panig sa pananaw ng


bawat isa kaya’t ito ay nagbubunga sa mas matinding pag-aaway.

a. Pinapakinggan lamang ang pananaw ng mga bingi.

b. Hindi mahalaga ang pananaw ng mga kakampi nila.

c. Hindi nais ng bawat panig na makinig sa pananaw ng iba.

d. Marami silang kasamang hindi sumasang-ayon sa pananaw ng iba.

4. Ano ang kahulugan ng salitang hidwaan sa sa loob ng kahon?

Nakakakita tayo ng maliliit na hidwaan na nangyayari sa loob at labas


ng ating bansa.

a. pagkatalo

b. pag-aaway

c. maliit na digmaan

d. di-pagkakaunawan
5. Ano kaya ang pinakamagandang paraan upang maiwasan ang digmaan?

a. Humanap ng malalakas na kakampi.

b. Sumang-ayon sa nais ng kabilang panig.

c. Sikaping pakinggan ang pananaw ng ibang panig.

d. Makisangkot sa nangunguna at malalakas na bansa.

6. Ano ang pangunaking ideya na tinalakay sa seleksyon?

Tinalakay sa seleksyon ang _______________________________.

a. sanhi ng digmaan

b. mga uri ng digmaan

c. solusyon sa digmaan

d. pag-iwas sa digmaan

7. Ano ang ginamit ng may-akda ng seleksyon upang ipaabot ang mensahe

nito?

a. Tinalakay nito ang mga salot na bunga ng digmaan.

b. Maingat na pananalita at paglalarawan ang ginamit.

c. Nagbigay ito ng mahusay na paglalahad ng mga pangyayari.

d. Nagmungkahi ito ng makatotohanang solusyon para sa problema.

8. Alin sa sumusunod ang isa pang magandang pamagat para sa seleksyon?

a. Mga Bunga ng Digmaan

b. Maiiwasan ang Digmaan

c. Paghahanda sa Digmaan

d. Digmaan: Ano Nga Ba Ito?


SET B

TERORISMO

Nang atakihin at pasabugin ang naval base ng Pearl Harbor noong 1941,
alam ng Amerika kung sino ang nagsagawa nito at kung bakit ito isinagawa.
Hangad ng Hapon na papasukin ang Amerika sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Tulad ng nangyari sa Pearl Harbor, ang ginawang pagpapasabog sa World Trade
Center at Pentagon noong ika-11 ng Setyembre, 2001 ay nagdulot ng malawakang
bunga sa buhay at ekonomiya hindi lamang sa Amerika kundi pati na rin sa buong
daigdig. Ang pagkakaiba nito sa Pearl Harbor ay hindi matukoy kung sino ang may
kagagawan ng karahasang ito. Ang kalaban ng Estados Unidos ay ang mga
terorista, grupo na naglalayong maghasik ng takot sa mga mamamayan.
Ang terorismo ay isang kakaibang uri ng karahasan na ginagamit sa panahon
ng kapayapaan, salungatan at digmaan. Maituturing na terorismo ang walang
katarungan at pakundangan na paggamit ng puwersa at karahasan laban sa buhay
at pag-aari ng mga inosenteng tao. Naglalayon itong maghasik ng takot at kawalan
ng pagtitiwala.
Malaki ang pagkakaiba ng terorismo sa digmaan. Ang digmaan ay
idinedeklara ng pamahalaan. Ito ay paglalaban ng militar. Mayroon itong simula at
mayroon din itong katapusan. Sa kabilang banda, ang terorismo ay random acts of
violence laban sa mga sibilyan. Hindi ito idinedeklara kung kaya’t hindi matukoy
kung sinu-sino ang may sala. May pinag-uugatan ito subalit walang makapagsabi
kung kailan ang katapusan. Ang digmaan ay kumikilala sa rules of war subalit ang
terorismo ay walang kinikilalang batas o anumang kasunduan.
MGA TANONG:

1. Ano ang layunin ng terorismo?

Layunin ng terorismo na _______________________________________.

a. pagharian o talunin ang kabilang panig

b. magdala ng karahasan sa inosenteng sibilyan

c. makisangkot sa mga gumagamit ng pwersa sa mundo

d. magparamdam ng pagtitiwala sa panig na may pwersa

2. Alin sa sumusunod ang naglalarawan sa terorismo?

a. Ito ay idinedeklara ng pamahalaan.

b. Mahirap malaman ang katapusan nito.

c. Alam ng madla kung sino ang nagsagawa nito.

d. Kinikilala nito na may halaga ang ilang tao o bagay.

3. Ano ang kahulugan ng pangungusap sa loob ng kahon? (Paghinuha)

Ang terorismo ang walang pakundangan na paggamit ng puwersa laban sa buhay at


pag-aari ng inosenteng tao.

a. Kinikilala ng terorismo ang pag-aari ng inosenteng tao.

b. Ito ay hayagang gumagamit ng dahas kahit kanino at saan man.

c. Salat sa paggalang ang terorismo sa angking pwersa ng mga tao.

d. Walang katapusan ang dalang dahas ng terorismo sa mga inosenteng tao.

4. Ano ang kahulugan ng salitang maghasik sa pangungusap sa kahon?


(Paghinuha)
Ang mga terorista ay grupo na naglalayong maghasik ng takot sa mga

a. magdala

b. magsalin

c. magdulot

d. magwakas
5. Alin sa sumusunod ang pagkakaiba ng terorismo at digmaan?

a. May katapusan ang terorismo at ang digmaan ay wala.

b. Idinedeklara ang terorismo at ang digmaan naman ay hindi.

c. Maituturo ang naghasik ng dahas sa terorismo at ang sa digmaan ay hindi.

d. May ginagalang na batas ang digmaan samantalang ang terorismo ay wala.

6. Ano ang pangunaking ideya na tinalakay sa seleksyon?

Tinalakay sa seleksyon ang _______________________________.

a. sanhi ng terorismo at digmaan

b. bunga ng terorismo at digmaan

c. pag-iwas sa terorismo at digmaan

d. paghahambing ng terorismo at digmaan

7. Ano ang ginamit ng sumulat ng seleksyon upang ipaabot ang mensahe nito?

a. Isinaad ang solusyon sa terorismo.

b. Tinalakay ang mga salot na bunga ng terorismo.

c. Inilarawan ang mga sanhi ng terorismo at digmaan.

d. Maingat na pinaghambing ang digmaan at terorismo.

8. Alin sa sumusunod ang isa pang magandang pamagat para sa seleksyon?

a. Terorismo: Ano Nga Ba Ito?

b. Ang Tahimik na Digmaan

c. Maiiwasan ang Terorismo

d. Paghahanda sa Terorismo
SET C

HINDUISMO

Ang Hinduismo ang pinakamatandang pangunahing relihiyon sa mundo. May


nagpapalagay na dinala ito ng mga mananakop na Aryan sa India noong 1200 BC.
Pinaniniwalaang ang Hinduismo ay nagmula sa pinagsamang paniniwala ng mga
Aryan at mga tao mula sa Indus Valley. Bunga nito, isa ang Hinduismo sa
pinakakumplikadong relihiyon sa buong daigdig, na may hindi mabilang na idolo,
diyos at diyosa, at samu't saring paraan ng pagsamba. Itinuturing na monismo ang
relihiyon na ito na nagangahulugang iisang ispirito lamang ang nananahan sa lahat
ng mga nilalang.
Ang mga paniniwala ng Hinduismo ay nag-ugat sa Vedas, isang banal na
aklat ng mga kasulatang naglalaman ng mga dasal, himno, at iba pang mga aral
tungkol sa pananampalataya. Naniniwala ang mga Hindu na si Brahman, na
itinuturing na manlilikha, ang pinakamataas at pinakahuling katotohanan sa mundo.
Ang makabalik sa manlilikha ang huling hantungan ng bawat nilalang. Upang
makapiling si Brahman, may mga mas mababang diyos na maaaring tumulong dito.
Isa pa sa mga paniniwala ng mga Hindu ay dumaranas ang lahat ng nilalang
ng paulit-ulit na pagsilang (reincarnation) hanggang maging karapat-dapat na
sumama kay Brahman. Ang antas ng bawat tao sa pagsilang ay batay sa kanyang
karma. Kapag masama sa nakalipas na buhay, isisilang siya muli sa mas mababang
katayuan. Kapag mabuting tao, isisilang siyang muli sa mas mataas na antas.
Sumusunod ang mabuting tao sa ahimsa, isang paraan ng pamumuhay na umiiwas
makasakit sa ibang nilalang sa isip, sa wika, at sa gawa.
MGA TANONG:

1. Ano ang sanhi kung bakit pinakakomplikadong relihiyon ang Hinduismo?


(Literal)

a. May iba’t ibang antas ng buhay itong kinikilala.

b. Nagmula ito sa pinagsama-samang mga paniniwala.

c. Maraming idolo, diyos at diyosa ang sinasamba nito.

d. Naniniwala ito sa paulit-ulit na pagsilang ng bawat nilalang.

2. Alin sa sumusunod ang HINDI paniniwala ng Hinduismo?

a. Paulit-ulit na isinisilang ang mga tao.

b. Ang antas ng tao ay batay sa kanyang karma.

c. Nananahan ang iisang ispiritu sa buong kalikasan.

d. Ahimsa ang paraan ng hindi mabuting pamumuhay.

3. Ano ang kahulugan ng “samu't saring paraan ng pagsamba” sa pangungusap


sa kahon?

Ang Hinduismo ay may may hindi mabilang na idolo, diyos at diyosa at samut-saring
paraan ng pagsamba.

a. Mabibilang ang paraan ng pagsamba ng Hinduismo.

b. Maliwanag ang nabuong paraan ng pagsamba ng Hinduismo.

c. Malayang sumamba ang mga Hindu gamit ang maraming paraan.

d. May gabay ang magkakatulad na paraan ng pagsamba ng mga Hindu.

4. Ano ang kahulugan ng salitang nag-ugat sa pangungusap sa kahon?

Ang mga paniniwala ng Hinduismo ay nag-ugat sa Vedas.

a. inani

b. nagmula

c. nakatanim

d. napapaloob
5. Ano kaya ang dahilan kung bakit nasakop ng mga Aryan ang India?

Nasakop ng Aryan ang India dahil ________________________.

a. ito ang bilin ni Brahman sa kanila

b. hangad nilang sambahin sila ng India

c. nais nilang maisilang sa ibang antas ng buhay

d. hindi malakas ang laban ng India noong panahon na iyon

6. Ano ang pangunaking ideya na tinalakay sa seleksyong binasa?

Tinalakay sa seleksyon ang _______________________________.

a. mga aral ng Vedas

b. kalagayan ng Hinduismo

c. paniniwala ng Hinduismo

d. mga kasapi sa Hinduismo

7. Ano ang layunin ng sumulat ng seleksyon?

a. Hatid nito ang isang balita.

b. Hangad nitong manghikayat.

c. Gusto nitong magbigay ng aral.

d. Nais nitong magbigay ng kaalaman.

8. Ano ang ginamit ng sumulat ng seleksyon upang ipaabot ang mensahe nito?

a. Pinaliwanag nito ang mga pinaniniwalaan ng Hinduismo.

b. Tinalakay sa buong seleksyon ang kasaysayan ng Hinduismo.

c. Nakasaad dito ang sanhi at bunga ng paglaganap ng Hinduismo.

d. Nakasaad rito ang suliranin at solusyon ng pagsasabuhay ng Hinduismo.


SUSI SA PAGWAWASTO:

SET A SET B SET C

You might also like