You are on page 1of 2

DIGMAAN

Sa simula pa lang ng kasaysayan ng ating mundo, mayroon nang di-pagkakasundo sa


pagitan ng dalawang grupo ng tao. Anumang pag-aaway na naglalayong sirain, talunin at
pagharian ang bawat isa ay maituturing na digmaan.
Ang digmaan, civil war, cold war o world war ay nagsisimula lamang sa di-pagkakaunawaan
sa isang maliit o hindi kaya ay malaking bagay. Nagmimistulang bingi ang magkabilang
panig sa pananaw at pangangailangan ng bawat isa kaya’t ito ay nagbubunga sa mas
matinding pag-aaway. Ang digmaan ay nagaganap kapag ang isang grupo o bansa ay
handang makidigma, makuha lamang ang ninanais.
Ang digmaan ay maihahalintulad sa pakikipag-away ng magkaibigan; mas malawak lamang
ang bunga at mas malupit ang kinahihinatnan. Ang away ay nagsisimula dahil may nag-
umpisa at sinusundan pa ito ng kampihan. Mayroon ding tumatangging makisangkot at
nanatiling neutral. Mayroon din kung saan higit na makikinabang ay doon papanig; at kapag
nagbago ang kapalaran ng pinapanigan at nahalatang natatalo, lilipat na lamang sa panig
ng nananalo.
Sa kasalukuyan, maraming bansa ang handang makidigma. Bagaman walang malawakang
deklarasyon ng digmaan, nakakakita tayo ng maliliit na hidwaan na nangyayari sa loob at
labas ng ating bansa. Sa gitna ng diplomatikong pag-uusap upang mapanatili ang
kapayapaan sa buong mundo, may ilang malalakas at malalaking bansa ang naghahanda
kung sakaling sumabog ang isang malawakang digmaan. Patuloy na pinapalawak ng
maraming bansa ang military at warfare nito. Halos kalahati ng mundo ay naglalaan ng
badyet sa militarisasyon kaysa sa pangunahing pangangailangan ng tao.
Mga Tanong:
1. Ano ang layunin ng isang digmaan?
Layunin ng isang digmaan na ____________________________________.
a. pagharian o talunin ang kabilang panig
b. maabot ang kapayapaan pagkatapos nito
c. manakot para mapakinggan ng kabilang panig
d. makisangkot sa mahahalagang kaganapan sa mundo
2. Paano naghahanda ang mga bansa para sa digmaan?
a. Humahanap sila ng maraming kakampi.
b. Pinapalakas nila ang bansang kaanib nila.
c. Naglalaan sila ng malaking badyet dito upang makapaghanda.
d. Pinapahalagahan nila ang pangunahing pangangailangan ng bayan.
3. Ano ang kahulugan ng pangungusap sa loob ng kahon?
Nagmimistulang bingi ang magkabilang panig sa pananaw ng bawat isa kayat ito
ay nagbubunga sa mas matinding pag-aaway.
a. Pinapakinggan lamang ang pananaw ng mga bingi.
b. Hindi mahalaga ang pananaw ng mga kakampi nila.
c. Hindi nais ng bawat panig na makinig sa pananaw ng iba.
d. Marami silang kasamang hindi sumasang-ayon sa pananaw ng iba.
4. Ano ang kahulugan ng salitang hidwaan sa sa loob ng kahon?
Nakakakita tayo ng maliliit na hidwaan na nangyayari sa loob at labas ng ating
bansa.
a. pagkatalo
b. pag-aaway
c. maliit na digmaan
d. di-pagkakaunawan

5. Ano kaya ang pinakamagandang paraan upang maiwasan ang digmaan?


a. Humanap ng malalakas na kakampi.
b. Sumang-ayon sa nais ng kabilang panig.
c. Sikaping pakinggan ang pananaw ng ibang panig.
d. Makisangkot sa nangunguna at malalakas na bansa.
6. Ano ang pangunaking ideya na tinalakay sa seleksyon?
Tinalakay sa seleksyon ang _______________________________.
a. sanhi ng digmaan
b. mga uri ng digmaan
c. solusyon sa digmaan
d. pag-iwas sa digmaan
7. Ano ang ginamit ng may-akda ng seleksyon upang ipaabot ang mensahe
nito?
a. Tinalakay nito ang mga salot na bunga ng digmaan.
b. Maingat na pananalita at paglalarawan ang ginamit.
c. Nagbigay ito ng mahusay na paglalahad ng mga pangyayari.
d. Nagmungkahi ito ng makatotohanang solusyon para sa problema.
8. Alin sa sumusunod ang isa pang magandang pamagat para sa seleksyon?
a. Mga Bunga ng Digmaan
b. Maiiwasan ang Digmaan
c. Paghahanda sa Digmaan
d. Digmaan: Ano Nga Ba Ito?

You might also like