You are on page 1of 3

SALVACION NATIONAL HIGH SCHOOL

Busuanga, Palawan

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 8- KASAYSAYAN NG DAIGDIG

Guro: Rocelle B. Amodia Petsa: June 05, 2021

I. LAYUNIN
A. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN:
Ang mga mag-aaral ay may naipapamalas ang pang-unawa sa kahalagahan ng pakikipag-ugnayan
at sama-samang pagkilos sa kontemporaryung daigdig tungo sa pandaigdigang kapayapaan,
pagkakaisa, pagtutulungan, at kaunlaran

B. PAMANTAYAN SA PAGGANAP:
Ang mga mag-aaral ay aktibong nakikilahok sa mga gawain, programa o proyekto sa antas ng
komunidad at bansa na nagsusulong ng rehiyonal at pandaigdigang kapayapaan, pagkakaisa,
pagtutulungan at kaunlaran

C. PAMANTAYANG SA PAGKATUTO:
Natataya ang epekto ng Cold War sa iba’t ibang bahagi ng daigdig. (AP8AKD-IVi-10)

II. NILALAMAN
Paksa:
Ang Cold War at Ang Epekto nito sa Iba’t-ibang Bahagi ng Daigdig

Mga Sanggunian :
MELC
Modyul sa Pagkatuto, pahina 509-511
Learning Activity Sheet (LAS) Kasaysayan ng Daigdig
Kasaysayan ng Daigdig Modyul pahina 350-353

Mga kagamitan:
Video, Projector, Laptop,Pictures, Manila Paper, Pentel Pen, Masking Tape, Gunting,
Bondpaper

IV. PAMAMARAAN
A. Pang-araw-araw na Gawain
a. Panalangin
b. Pagcheck ng attendance
c. Pagpapaalala sa mga mag-aaral tulad ng pagsusuot ng face mask, social distancing at iba pang
health and safety protocols na dapat sundin sa loob ng klase.
c. Balik-aral

B. Paglinang ng Aralin
Pagpapanood ng Video tungkol sa Cold War
https://www.youtube.com/watch?v=pjOPjrBrRpM
MGA TANONG:
1. Mula sa mga inyong napanood na video, ano ang mahalagang pangyayari pagkatapos ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig ang yumanig sa kapayapaan ng mga bansa ng daigdig?
2. Ano ang dalawang makapangyarihang bansa ng daigdig ang nakipagtunggali sa panahon ng Cold
War?
3. Sa inyong palagay, bakit kaya sumiklab ang Cold War sa dalawang bansa?
4. Paano nakaapekto ang Cold War sa mga bansang nagtunggali? sa mga naging kakamping bansa?
Talasalitaan: Hanapin sa loob ng kahon ang mga tinutukoy ng sumusunod na pangungusap.

Arms Race Propaganda Warfare Espionage Kapitalismo

Space Race Cold War Komunismo Proxy War

1. Tunggalian ng
ideolohiyang kapitalismo at komunismo
2. Tunggalian na tuwirang pinangungunahan ng kaalyadong bansa
3. Sistemang pang-ekonomiya na nakatuon sa pag-iipon ng kapital upang higit na mapalago ang negosyo at
mapalaki ang tubo ng mga negosyante o mamumuhunan
4. Kompetisyon sa larangan ng agham at teknolohiya lalo na sa kalawakan
5. Sistemang pang-ekonomiya na layunin lansagin ang di- pagkakapantay ng mga mamamayan batay sa uri na
kanilang kinabibilangan at pantay na paghahati-hati ng yaman sa tao.

B. Pagpapalalim:
* Mapa na mga bansa na naging kaalyado ng US at USSR sa panahon ng Cold War
*Bumuo ng limang (5) na pangkat. Magsagawa ng brainstorming upang masuri ang mabuti ang paksa.
Batay sa inyong binasa, tukuyin ang mga anyo ng Cold War at ang mga epekto nito sa mga bansa sa
pamamagitan ng iba’t-ibang paraan/estratehiya;
Mga estratehiyang pagpipilian ng bawat pangkat (Pagbabalita, Tula, Awit, Role Play, Pantomine,)
Group 1- Proxy War
Group 2- Space Race
Group 3- Arms Race
Group 4 Espionage
Group 5- Propaganda warfare
Gamiting batayan ang rubrik na nakalahad sa pisara para sa pagsasagawa ng gawain.

Pagkatapos ng pagtatanghal,sagutin ang mga tanong.


1. Ano-ano ang mga anyo ng Cold War?
2. Paano pinatunayan ng US na mas karapat-dapat silang tawaging superpower ng daigdig?
3. Kung ikaw ang pangulo ng dalawang bansa (US at U.S.S.R) gagawin mo rin ba ang ginawa nilang
pagdeklara ng Cold War?Pangatwiranan.
4. Ano-ano ang mabuti at di- mabuting epekto ng Cold War sa daigdig?
5. Paano nakaapekto sa mga sibilyan o karaniwang mamamayan ang Cold War?

C. Pagpapahalaga:
1. Kung ikaw ay magiging lider ng isang bansa, paano mo pangangalagaan ang kapayapaan ng inyong
bansa at kaligtasan ng iyong mamamayan laban sa digmaan at mga sigalot ng mga makapangyarihang
bansa na US at USSR? INDICATOR # 2
4. Kung ikaw naman ang mamamayan ng US o USSR sa panahon ng Cold War, paano mo
mapapangalagaan ang iyong sarili at kaligtasan ng iyong pamilya mula sa digmaan? INDICATOR # 2
5. Bilang isang mapanagutang mamamayan ng iyong sariling bansa, paano ka magiging kabahagi at
magiging istrumento ng pagkakaisa?

APLIKASYON:
1. Ano- anong mga imbensiyon o mga kaalaman sa larangan ng agham at teknolohiya ang
napapakinabangan sa kasalukuyan ng mga mag-aaral at mga mamamayan ng Busuanga?
2. Paano ito nakatutulong sa buhay ng mga tao lalo ng mga Busuangeňo?
3. Kung ikaw ay may pagkakataong makaimbento , anong kagamitan o teknolohiya ang iyong lilikhain na
makatutulong sa mga mamamayan ng Busuanga lalo’t higit sa ngayong panahon ng pandemya?
Ipaliwanag. INDICATOR # 2
D. Integrasyon:
SCIENCE/ ICT
1. Ano-ano ang pamana ng Cold War na nakatulong sa pagpapaunlad ng agham at teknolohiya ng
mundo? Patunayan.
2. Sino-sino ang mga Amerikanong personalidad na nakarating sa kalawakan? Sa buwan?

E. Ebalwasyon:
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Ang pag- eespiya at pagpaparami ng armas ng US at USSR sa panahon ng Cold War ay
nagpapahiwatig ng;
A. Laging may tensiyon at banta sa pagitan ng USSR at US
B. Maraming makabagong armas na naimbento
C. Laging handa ang magkabilang panig
D. Pagiging bukas sa pakikipagsundo ang magkabilang panig

2. Ang Cold War sa pagitan ng dalawang superpower ay nagdulot ng pangamba sa mga bansa sa daigdig.
Ngunit sa kabila ng takot ay hindi natin maikakaila na mayroon din itong mabuting naidulot. Alin sa mga
sumusunod ang mabuting naidulot ng Cold War?
A. Pagbaba ng moral ng mga manggagawa sa USSR dulot ng suliraning pang-ekonomiya
B. Pagkaroon ng banta na magkakaroon ng digmaan dahil sa pag-iipon ng armas ng dalawang panig
C. Pagsagawa ng maraming imbensiyon tulad ng sasakyang pangkalawakan at pangkomunikasyon
D. Pagkasawi ng buhay ng mga mamamayan ng mga bansang naging satellite state ng US at U.S.S.R

3. Ang Cold War ay hindi direktang labanan ng dalawang pwersa. Bakit naganap ang Cold War?
A. Pagnanais ng Russia na sakupin ang United States
B. Tinanggihan ng Russia ang mga kalakal mula sa United States
C. Pangingibabaw ng ideolohiya ng dalawang makapangyarihang bansa
D. Hindi pagbibigay ng pahintulot ng United States sa mga Russia na makapasok sa kanilang bansa

4. Bahagi ng Cold War ang arms race o kompetisyon sa pagpaparami ng armas. Para sayo, makatwiran ba
ang ginawang ito ng Amerika at USSR?
A. Oo, sapagkat bahagi lamang ito ng pangangalaga sa kaligtasan ng kani- kanilang bansa
B. Oo, sapagkat mahalaga ito upang may proteksiyon sakaling umatake ang kalabang bansa
C. Hindi, sapagkat mawawala ang tunay na pagkakaisa kung mag- iipon ang dalawang bansa ng
armas
D. Hindi, sapagkat maaari itong makalikha ng takot at banta sa ibang mga bansa na
walang kakayahng mag- ipon ng armas.

5. Sa panahon ng Cold War, naitatag ang World Bank sa Amerika na may malaking naitulong sa mga
mahihirap na bansa. Ano ang patunay nito?
A. Tinutulungan nito ang mga bansa sa gawaing rehabilitasyon at rekonstruksyon
B. Inaayos nito ang daloy ng malayang kalakalan sa mundo
C. Pinamamahalaan nito ang halaga ng palitan ng mga bansa
D. Nag-aalok ito ng mga tulong teknikal at pinansyal sa mga mahihirap na bansa

E. Takdang- Aralin
Ano ang ideolohiya? Ano-ano ang iba’t-ibang ideolohiyang sinusunod ng mga bansa sa daigdig?

You might also like