You are on page 1of 3

BANGHAY ARALIN

I. SA ARALING PANLIPUNAN 7

PETSA : Marso 27,2023


BAITANG: 7
ASIGNATURA : ARALING PANLIPUNAN 7
KWARTER : 3

I. LAYUNIN
Pagkatapos ng talakayan,ang mga mag-aaral ay inaasahang;
a. Naipapahayag ang positibong pananaw sa mga dahilan ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig
b. Naipapamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa kahalagahan ng pakikipag-
ugnayan at sama-samang pagkilos sa kontemporaryong daigdig tungo sa
pandaigdigang kapayapaan,pagkakaisa,pagtutulungan at kaunlaran.

II. NILALAMAN
a. PAKSA: Mga Sanhi ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig
b. SANGGUNIAN: Modyul sa Araling Panlipunan 7
c. KAGAMITAN: Laptop, SMART TV, Jumbled Words
d. PAGPAPAHALAGA: “Ang pagiging pagkamakatao at pagkamakabansa.”

III. PAMAMARAAN
A. PANIMULANG GAWAIN
 Panalangin
 Pagbati sa klase
 Pagtala ng lumiban

B. Paglinang na Gawain
1. Pagganyak
Pangkatin ang klase sa dalawang grupo at ang bawat grupo ay paunahan
sa pagbuo ng mga salita.
MEANLA-ALEMAN
OMIPREY-IMPERYO
GAMADNI-DIGMAAN
SABAN-BANSA
LITHRE-HITLER

2. Paglalahad
Tungkol saan ba ang paksa na tatalakayin ngayon?

3. Paglalahat
Ano ang mga dahilan na nagbibigay daan sa Ikalawang Digmaang
Pandaigdig?

4. Paglalapat
TAMA O MALI : Isulat ang salitang TAMA kung ang tanong ay tama at
MALI kung ang tanong ay MALI.

1) Noong 1931,inagaw ng Japan ang lungsod ng Manchuria. TAMA


2) Matapos tumiwalag ang Germany sa Liga ng mga
Bansa,pinasimulan ni Adolf Hitler,lider ng Nazi ang muling
pagtatag ng sandatahang lakas ng bansa.TAMA
3) Sa pamumuno ni Hitler,sinakop ng Italya ang Ethiopia noong 1935.
4) Ang kasunduang Ribbentrop-Molotov ay isang kasunduan ng hindi
pakikidigma.MALI
5) Nasakop ni Mussolini ang Sudeten at noong 1939 ang mga
natitirang teritoryo sa Czechoslovakia ay napunta na sa
Germany.MALI
6) Layon ni Hitler na labagin ang kasunduan sa Versailles na naglagay
sa Germany sa kahiya-hiyang kondisyon.Binalak niyang muli ang
pananakop.TAMA
7) Nagsimula ang Digmaang Sibil sa Spain noong 1936 sa pagitan ng
Dalawang Panig: Pasistang Nationalist Front at Sosyalistang
Popular Army.TAMA
8) Sinuportahan ng liga ng mga bansa ang Japan dahil sa pag-agaw
nila sa Manduria.MALI
9) Ang Germany ay tumiwalag sa Liga sapagkat ayon sa mga
Aleman,ang pag-aalis at pagbabawal ng Liga sa pagsasandata ng
Germany ay isang paraan ng pag-aalis ng karapatang mag-
armas.TAMA
10) Bilang sagot ng mga bansa sa paghahanda ng Germany,ang France
ay nakipag-alyansa sa RUSSIA.TAMA
IV. PAGTATAYA(Pagsulat ng Sanaysay)
PANUTO : Isulat sa isang kalahating papel ang sagot sa tanong na ito.

 Sa mga nabanggit na sanhi,ano sa palagay mo ang pinakamabigat na dahilan?


Bakit?

V. KASUNDUAN
 Pag-aralan ang sususnod na aralin “Mga Ideolohiya,Cold War at
Neokolonyalismo”
SANGGUNIAN: Batay sa link na ipapadala ng guro.

You might also like