You are on page 1of 2

AURORA NATIONAL HIGH SCHOOL

AURORA, PROSPERIDAD, AGUSAN DEL SUR

IKA-APAT NA PANAHUNANG PAGSUSULIT


Araling Panlipunan 8

Name: _______________________________________ Section: __________________ Score: ________


Subject Teacher: JESSELLY L. CASTRO – VALES

PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang bawat teksto at sagutin ang sumusunod na mga tanong.

1. Ang pagkakaroon ng digmaan ay may mabuting epekto at masamang epekto sa mga bansang sangkot
dito. Isa sa mga dahilan ng pagsiklab ng Unang Digmaang Pandaigdig ang nasyonalismo kung saan
mayroong pagmamahal sa sariling bansa. Paano mo maipakikita ang nasyonalismo?
A. Pagbili ng mga produkto sa isang tindahang pag-aari ng Pilipino bagama’t ang ibinebenta ay yari
sa Europa
B. Pagtigil sa paglalakad habang inaawit ang Lupang Hinirang matapos bumili ng sapatos na gawa
sa Italya
C. Pagtatanggol sa bansa dahil sa pananalakay ng mga dayuhang ibig manakop at luminang ng likas
na yaman
D. Pagtuturo ng kabayanihan nina Andres Bonifacio at George Washington sa kanyang kababayanan
2. Maraming mga dahilan kung bakit bumabangon ang digmaan sa pagitan ng mga bansa. Ang
pagsusukatan ng lakas at militarism ay isa rin sa mga dahilan kung bakit sumisiklab ang sigalot sa
pagitan ng mga bansa. Kung ikaw ay isang militar, ano ang nararapat mong gawin?
A. Agad na sumuporta sa anumang gagawing pananalakay ng iyong bansa sa kalapit nitong bansa
B. Mag-organisa ng mga sundalo upang lihim na salakayin ang isang bansang mayaman sa langis
C. Magiting na ipagtanggol ang bansa upang hindi ito tuluyang masakop ng dayuhan
D. Gumawa ng mga dahilan kung sakaling nababalot ng takot kapag planong ipadala sa isang
magulong bayan
3. Kabilang sa mga dahilan kung bakit sumiklab ang Unang Digmaan na tinaguriang Great War ay ang
imperyalismo o ang pagsakop ng makapangyarihang bansa sa isang mahinang bansa. Kung ikaw ay
nakakita ng isang malakas na tao na inaapi ang isang mahinang tao, ano ang nararapat mong gawin?
A. Agad ipagbigay-alam sa kinauukulan ang nagyaring insidente
B. Sugurin agad ang taong nang-aapi upang makaganti
C. Harangan ang mga suntok upang hindi masaktan ang taong inaapi
D. Agad kunan at i-upload sa social media at sa kaibigan sa facebook
4. Nagkaroon kayo ng talakayan tungkol sa pinagmulan ng digmaan.Naatasan ka ng iyong guro na mag-
ulat sa klase ng mga dahilan kung bakit nag-aaway away o nagkakaroon ng digmaan sa daigdig,
Paano mo ito ipepresent sa klase?
A. Mag interview sa mga taong naninirahan sa iskwater na madalas na nag-aaway
B. Magsasaliksik sa dahilan ng digmaan at ipeperesent sa pamamagitan ng dialogo
C. Mangalap ng impormasyon at gumawa ng Power Point at Video Presentation
D. Magsagawa ng seminar at magimbeta ng pari upang magbigay aral sa mga tao.
5. Sinasabing nalalaman lamang ang epekto ng digmaan kung ito ay tapos o naganap na.Pabor ka ba na
magkaroon ng digmaan ang dalawang bansa bago magkaroon ng kapayapaan?
A. Oo, sapagkat mahirap makamit ang kapayapaan kung walang magaganap na labanan
B. Oo, dahil mabuting matamo ang kapayapaan kapag marami nang tao ang nabiktima ng digmaan
C. Hindi, sapagkat maaring makamit ang kapayapaan sa pamamagitan ng mapayapang paraan
D.Hindi, dahil ang digmaan ay magiging dahilan ng pagbagsak ng pandaigidigang ekonomiya

1. Sa kasalukuyang ang isyu sa Pilipinas ay ang pag-aagawan sa West Philippine Sea.Bawat isa ay
nagbabantay sa isla sa iyong palagay ano mas mabuting gawin upang maiwasan ang tensyon sa
pagitan ng dalawang bansa?
A. Alamin sa kasaysayan kung sino ang tunay na nagmamay-ari ng isla
B. Gawing batayan ang Pandaigdigang batas bilang batayan sa teritoryo ng bawat bansa
C. Pag-aralan kung alin bansa ang higit na malapit sa islang pinag-aagawan
D. Alamin kung sino ang mga nakatira sa islang pinag-aagawan
2. Isa sa dahilan ng pinagsimulan ng unang digmaang pandaigdig ay ang pagkakapatay kay Archduke
Franz Ferdinand at sa asawa nitong si Sophie ni Gavrilo Princip. Dahil dito bumangon ang damdaming
nasyonalismo ng Hungary-Austria at lumusob ito sa Belhika. Kung ikaw ay mamamayan ng Belhika
ano ang gagawin mo?
A. Aalis ako sa Belhika upang di makasali sa gulong kainasasangkutan ng Belhika
B. Makikipagdigma ako sa Hungary –Austria dahil ito ay para sa aking bayan
C. Makikipagkasundo ako at makikipagdiplomatiko sa mga Pinuno ng Hungary- Austria
D. Makikidigma na ako para sa kasiguruhan ng kaligtasan ng aking pamilya
3. Ang pagkakaiba-iba ng kultura,ideolohiya ay ilan lamang sa pinagmumulan ng digmaan.Maging sa
mga lugar sa bawat bansa ay nangyayari ito. Bilang isang mamamayan ano ang maaaring gawin upang
maiwasan ito?
A. Manalangin parati upang malampasan ang mga pagsubok ng inyong bansa;
B. Humingi ng payo sa mga may katungkulan sa bayan para sa ikabubuti ng bansa;
1

_cherval_
C. Pag-usapan ng dalawang bansa ang suliranin at kung paano sila magkakasundo;
D. Pagdisiplina UN sa bansang di sumusunod sa mga batas na napagkasunduan.
4. Ang isa sa mga naging dahilan ng paglala digmaan ay ang pag-aalyansa ng mga bansa. Sa ating
kasalukuyang panahon ito ay tumutukoy sa pagkakampi-kampihan. Kung ikaw ay kabilang sa isang
grupo na may ganitong kalagayan ano ang gagawin mo?
A. Hihikayat pa ako ng ibang grupo na sasapi sa grupo upang lalong lumakas ang puwersa
B. Aalamin ko muna kung tama ba ang prinsipyong ipinaglalaban ng aking grupo
C. Susuporta ako sa aking grupo tama man ito o mali ang kanilang ipinaglalaban.
D. Lulusubin naming ang kalabang grupo upang malaman nila ang lakas ng aming puwersa.
5. Sa Panahon ng Digmaan maraming mga mamamayan ang nagpamalas ng pagiging makabayan. Bilang
isang mamamayan paano mo maipakikita ang pagkamakabayan sa panahon ng Digmaan.
A. Pagtangkilik sa produkto gawa sa ating bansa
B. Paggamit sa sariling wika sa pakikipag-ugnayan sa kapwa
C. Paggalang sa mga bayani at simbolo ng ating bansa.
D. Pagtatanggol sa bansa kahit buhay ang maging kapalit
6. Maraming digmaan ang natala sa kasaysayan. Ang ilan ay nag-iwan ng ilang aral sa mga mamamayan
nito. May mabuti at mayroon ding hindi.Isa sa mabuting epekto ng Digmaan ay ang paglaya ng mga
bansa sa mga bansang nanakop sa kanila. Kung ikaw ay isang mamamayan nanaisin mo bang
magkaroon ng digmaan?
A. Oo, dahil ito ang magbibigay sa bansa ng kapayapaan
B. Oo, dahil ito lamang ang paraan upang tayo ay makalaya
C. Hindi, dahil magdudulot ito pagkasawi ng buhay
D. Hindi, dahil taas ang kriminalidad at imoralidad
7. Sadyang nabago ang mapa ng Europe dahil sa digmaan. Nag-iba ang kalagayang pulitika sa buong
daigdig. Ang imperyo ay nagwakas. Lubhang naging marahas din ang pagpaparusa sa Germany. Kung
ikaw ay mga bansang nanalo sa digmaan ganoon din ba ang gagawin mo sa Germany?
A. Oo, dahil naging malupit at marahas sila sa kanilang mga naging kalaban
B. Oo, dahil hindi sila sumunod sa kasunduan na naganap sa Versailles
C. Hindi, dahil dapat isipin ang kalagayan ng Germany pagkatapos ng digmaan.
D. Hindi, dahil dito magsisimula ang pagkakaroon ng magandang samahan

13.Naging malaki ang naging epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig sa buhay at ari - arian sa ekonomiya ng
mga bansa. Kaya naman nagkaroon ng pagpupulong ang The Big Four sa Paris, France noong 1919 sa
pangunguna nina Woodrow Wilson ng Amerika. Sa iyong pananaw tama ba ng ginawa ng the big four?

A. Oo dahil magastos ang digmaan


B. Oo dahil marami ang namamatay, nagkakahiwa-hiwalay at nawawala ang kabuhayan
C. Hindi, dahil wala ng makukuhang hilaw na materyales ang mga bansa sa Europa kung patuloy nilang
itataguyod ang kapayapaan
D. Hindi, dahil sila naman ang nanguna sa pananakop at digmaan.

14. Patuloy ang di pagkakasundo ng pamahalaan at ng mga rebelde dahil sa pagkakaiba ng prinsipyong
ipinaglalaban. Bilang Pilipino paano ito makakaapekto sa ating bansa.
A. Maririnig ang mga hinaing subalit patuloy pa rin ang gulo
B. Mauunaawan ang mga prinsipyong ipinaglalaban ng mga rebelde.
C. Hindi na magkakaroon pagbabago sa kultura at pamumuhay ang mga Pilipino
D. Magkakaroon ng takot ang mga tao at maapektuhan ang kanilang pamumuhay.

15. Ang digmaan ay nagdudulot ng teribleng pagkawala ng buhay at ari-arian. Nagdulot ito ng hinagpis at
lungkot sa milyun-milyong mga nakaligtas, kabilang ang mga naulila ng digmaan at nabalo.Kung
magpapatuloy ang digmaan ano ang mangyayari sa mundo?
A. Mawawasak na ang daigdig dahil sa mga nakakamamatay na sandata
B .Mangingibabaw ang makakapangyarihan na mga bansa laban sa mahihina
C. Marami ang mga mamamatay na halaman hayop, tao at di na matitirhan ang mundo
D. Lalaganap ang kultura ng mga makapangyarihang mga bansa.

_cherval_

You might also like