You are on page 1of 16

Pagbasa-Grade 10

CITY OF BALANGA NATIONAL HIGH SCHOOL


Digmaan
Sa simula pa lang ng kasaysayan ng ating mundo, mayroon
nang di pagkakasundo sa pagitan ng dalawang grupo ng tao.
Anumang pag-aaway na naglalayong sirain, talunin at pagharian
ang bawat isa ay maituturing na digmaan.
Ang digmaan, civil war, cold war o world war ay nagsisimula
lamang sa di-pagkakaunawaan sa isang maliit o hindi kaya ay
malaking bagay. Nagmimistulang bingi ang magkabilang panig sa
pananaw at pangangailangan ng bawat isa kaya’t ito ay
nagbubunga sa mas matinding pag-aaway. Ang digmaan ay
nagaganap kapag ang isang grupo o bansa ay handang makidigma,
makuha lamang ang ninanais.
Ang digmaan ay maihahalintulad sa pakikipag-away ng
magkaibigan; mas malawak lamang ang bunga at mas malupit ang
kinahihinatnan. Ang away ay nagsisimula dahil may nag-umpisa at
sinusundan pa ito ng kampihan. Mayroon ding tumatangging
makisangkot at nanatiling neutral.

CITY OF BALANGA NATIONAL HIGH SCHOOL


Mayroon din kung saan higit na makikinabang ay doon papanig; at
kapag nagbago ang kapalaran ng pinapanigan at nahalatang
natatalo, lilipat na lamang sa panig ng nananalo.
Sa kasalukuyan, maraming bansa ang handang makidigma.
Bagaman walang malawakang deklarasyon ng digmaan, nakakakita
tayo ng maliliit na hidwaan na nangyayari sa loob at labas ng ating
bansa. Sa gitna ng diplomatikong pag-uusap upang mapanatili ang
kapayapaan sa buong mundo, may ilang malalakas at malalaking
bansa ang naghahanda kung sakaling sumabog ang isang
malawakang digmaan. Patuloy na pinapalawak ng maraming
bansa ang military at warfare nito. Halos kalahati ng mundo ay
naglalaan ng badyet sa militarisasyon kaysa sa pangunahing
pangangailangan ng tao.

Bilang ng mga salita: 238

CITY OF BALANGA NATIONAL HIGH SCHOOL


Mga Tanong:
1. Ano ang layunin ng isang digmaan?
Layunin ng isang digmaan na ________________________________.
a. pagharian o talunin ang kabilang panig
b. maabot ang kapayapaan pagkatapos nito
c. manakot para mapakinggan ng kabilang panig
d. makisangkot sa mahahalagang kaganapan sa mundo

2. Paano naghahanda ang mga bansa para sa digmaan?


a. Humahanap sila ng maraming kakampi.
b. Pinapalakas nila ang bansang kaanib nila.
c. Naglalaan sila ng malaking badyet dito upang makapaghanda.
d. Pinapahalagahan nila ang pangunahing pangangailangan ng bayan.

3. Ano ang kahulugan ng pangungusap na may salungguhit?


Nagmimistulang bingi ang magkabilang panig sa pananaw ng bawat isa
kayat ito ay nagbubunga sa mas matinding pag-aaway.
a. Pinapakinggan lamang ang pananaw ng mga bingi.
b. Hindi mahalaga ang pananaw ng mga kakampi nila.
c. Hindi nais ng bawat panig na makinig sa pananaw ng iba.
d. Marami silang kasamang hindi sumasang-ayon sa pananaw ng iba.

CITY OF BALANGA NATIONAL HIGH SCHOOL


4. Ano ang kahulugan ng salitang hidwaan sa pangungusap na:
Nakakakita tayo ng maliliit na hidwaan na nangyayari sa loob at labas
ng ating bansa.
a. pagkatalo
b. pag-aaway
c. maliit na digmaan
d. di-pagkakaunawan

5. Ano ang pinakamagandang paraan upang maiwasan ang digmaan?


a. Humanap ng malalakas na kakampi.
b. Sumang-ayon sa nais ng kabilang panig.
c. Sikaping pakinggan ang pananaw ng ibang panig.
d. Makisangkot sa nangunguna at malalakas na bansa.

6. Ano ang pangunahing ideya na tinalakay sa seleksyon?


Tinalakay sa seleksyon ang _______________________________.
a. sanhi ng digmaan
b. mga uri ng digmaan
c. solusyon sa digmaan
d. pag-iwas sa digmaan

CITY OF BALANGA NATIONAL HIGH SCHOOL


Mga Tanong:

7. Ano ang ginamit ng may-akda ng seleksyon upang ipaabot ang


mensahe nito?
a. Tinalakay nito ang mga salot na bunga ng digmaan.
b. Maingat na pananalita at paglalarawan ang ginamit.
c. Nagbigay ito ng mahusay na paglalahad ng mga pangyayari.
d. Nagmungkahi ito ng makatotohanang solusyon para sa problema.

8. Alin sa sumusunod ang isa pang magandang pamagat para sa


seleksyon?
a. Mga Bunga ng Digmaan
b. Maiiwasan ang Digmaan
c. Paghahanda sa Digmaan
d. Digmaan: Ano Nga Ba Ito?

CITY OF BALANGA NATIONAL HIGH SCHOOL


GABAY SA
PAGWAWASTO

CITY OF BALANGA NATIONAL HIGH SCHOOL


Digmaan
1.a
2.c
3.c
4.d
5.c
6.a
7.b
8.d

CITY OF BALANGA NATIONAL HIGH SCHOOL


SET B

CITY OF BALANGA NATIONAL HIGH SCHOOL


Terorismo

Nang atakihin at pasabugin ang naval base ng Pearl Harbor


noong 1941, alam ng Amerika kung sino ang nagsagawa nito at kung
bakit ito isinagawa. Hangad ng Hapon na papasukin ang Amerika sa
Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Tulad ng nangyari sa Pearl Harbor,
ang ginawang pagpapasabog sa World Trade Center at Pentagon
noong ika-11 ng Setyembre, 2001 ay nagdulot ng malawakang
bunga sa buhay at ekonomiya hindi lamang sa Amerika kundi pati na
rin sa buong daigdig. Ang pagkakaiba nito sa Pearl Harbor ay hindi
matukoy kung sino ang may kagagawan ng karahasang ito. Ang
kalaban ng Estados Unidos ay ang mga terorista, grupo na
naglalayong maghasik ng takot sa mga mamamayan.
Ang terorismo ay isang kakaibang uri ng karahasan na
ginagamit sa panahon ng kapayapaan, salungatan at digmaan.

CITY OF BALANGA NATIONAL HIGH SCHOOL


Maituturing na terorismo ang walang katarungan at pakundangan
na paggamit ng puwersa at karahasan laban sa buhay at pag-aari
ng mga inosenteng tao. Naglalayon itong maghasik ng takot at
kawalan ng pagtititwala.
Malaki ang pagkakaiba ng terorismo sa digmaan. Ang
digmaan ay idinedeklara ng pamahalaan. Ito ay paglalaban ng
militar. Mayroon itong simula at mayroon din itong katapusan. Sa
kabilang banda, ang terorismo ay random acts of violence laban
sa mga sibilyan. Hindi ito idinedeklara kung kaya’t hindi matukoy
kung sinu-sino ang may sala. May pinag-uugatan ito subalit
walang makapagsabi kung kailan ang katapusan. Ang digmaan ay
kumikilala sa rules of war subalit ang terorismo ay walang
kinikilalang batas o anumang kasunduan.

Bilang ng mga salita: 240


Pilipinas Kong Mahal 7: Edukasyon Tungo sa Kapayapaan
Sotto, et.al., Anvil Publishing , Inc., 2004

CITY OF BALANGA NATIONAL HIGH SCHOOL


Mga Tanong:
1. Ano ang layunin ng terorismo? Layunin ng terorismo na ___________.
a. pagharian o talunin ang kabilang panig
b. magdala ng karahasan sa inosenteng sibilyan
c. makisangkot sa mga gumagamit ng pwersa sa mundo
d. magparamdam ng pagtitiwala sa panig na may pwersa

2. Alin sa sumusunod ang naglalarawan sa terorismo?


a. Ito ay idinedeklara ng pamahalaan.
b. Mahirap malaman ang katapusan nito.
c. Alam ng madla kung sino ang nagsagawa nito.
d. Kinikilala nito na may halaga ang ilang tao o bagay.

3. Ano ang kahulugan ng pangungusap na may salungguhit?


Ang terorismo ang walang pakundangan na paggamit ng puwersa
laban sa buhay at pag-aari ng inosenteng tao.
a. Kinikilala ng terorismo ang pag-aari ng inosenteng tao.
b. Ito ay hayagang gumagamit ng dahas kahit kanino at saan man.
c. Salat sa paggalang ang terorismo sa angking pwersa ng mga tao.
d. Walang katapusan ang dalang dahas ng terorismo sa mga inosenteng
tao.

CITY OF BALANGA NATIONAL HIGH SCHOOL


4. Ano ang kahulugan ng salitang maghasik sa pangungusap na:
Ang mga terorista ay grupo na naglalayong maghasik ng takot sa mga tao.
a. magdala
b. magsalin
c. magdulot
d. magwakas

5. Alin sa sumusunod ang pagkakaiba ng terorismo at digmaan?


a. May katapusan ang terorismo at ang digmaan ay wala.
b. Idinedeklara ang terorismo at ang digmaan naman ay hindi.
c. Maituturo ang naghasik ng dahas sa terorismo at ang sa digmaan ay hindi.
d. May ginagalang na batas ang digmaan samantalang ang terorismo ay wala.

6. Ano ang pangunaking ideya na tinalakay sa seleksyon?


Tinalakay sa seleksyon ang _______________________________.
a. sanhi ng terorismo at digmaan
b. bunga ng terorismo at digmaan
e. pag-iwas sa terorismo at digmaan
f. paghahambing ng terorismo at digmaan

CITY OF BALANGA NATIONAL HIGH SCHOOL


7. Ano ang ginamit ng sumulat ng seleksyon upang ipaabot ang
mensahe nito?
a. Isinaad ang solusyon sa terorismo.
b. Tinalakay ang mga salot na bunga ng terorismo.
c. Inilarawan ang mga sanhi ng terorismo at digmaan.
d. Maingat na pinaghambing ang digmaan at terorismo.

8. Alin sa sumusunod ang isa pang magandang pamagat para sa


seleksyon?
a. Terorismo: Ano Nga Ba Ito?
b. Ang Tahimik na Digmaan
c. Maiiwasan ang Terorismo
d. Paghahanda sa Terorismo

CITY OF BALANGA NATIONAL HIGH SCHOOL


GABAY SA
PAGWAWASTO

CITY OF BALANGA NATIONAL HIGH SCHOOL


Terorismo
1.b
2.b
3.b
4.c
5.d
6.d
7.d
8.a

CITY OF BALANGA NATIONAL HIGH SCHOOL

You might also like