You are on page 1of 6

Masusing Banghay Aralin sa Araling Panlipunan - 8

A. Batayang Pangnilalaman: Aktibong nakikilahok sa mga gawain, programa, proyekto sa antas ng


komunidad at bansa na nagsusulong ng relihiyonal at pandaigdigang kapayapaan, pagkakaisa,
pagtutulungan, at kaunlaran
B. Pamantayan sa Pagganap: Naipapamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa kahalagahan ng
pakikipag-ugnayan at sama-samang pagkilos sa kontemporaryong daigdigt tungo sa pandaigdigang
kapayapaan, pagkakaisa, pagtutulungan, at kaunlaran.

I layunin
A. Natutukoy ang mga bansang kasama sa Unang Pandaigdigang digmaan
B. Nasusuri ang Alyansa bilang dahilan ng pagsabog ng digmaan sa Europe
C. Napapahalagahan ang pagkakaroon ng kaalyansang bansa.
II. Nilalaman
A. Paksa: Pagbuo ng mga Alyansa
B. Sangguniang Aklat: Araling Panlipunan - Kasaysayan ng Daigdig
C. Kagamitan: Power Point, World map at Flags

Teacher’s Activity Learner’s Activity


III. Pamamaraan
A. Pangunahing Gawain
1. Ihanda ng Guro ang mga mag - aaral sa
pagsisimula ng Klase
2. Paglalahad ng mga alituntunin sa Klase
upang magkaroon ng maayos at malayang
talakayan.
3. Manalangin sa pangunguna ng isang mag -
aaral.
B. Balik Aral
Ano ang ibig sabihin ng Militarismo? Sir pagpapalakas o pagpapaigting ng sandatahang
lakas ng isang bansa sa pamamagitan ng
pagpaparami ng armas at sundalo
Magaling!
Dahil sa pagnanais ng Germany na maging
pinakamalakas na bansa, Nagsimulang magtatag
ng malalaking hukbong pandagat ang Germany.
Ipinalagay na ito'y tahasang paghamon sa
kapangyarihan ng Inglatera bilang Reyna ng
Karagatan.

Sa inyong palagay, ano pang dahilan kung bakit


pinapalakas ng isang bansa ang kanya hukbong
sandataan? Sir para maipagtanggol ang kanilang bansa laban
sa mga ibang bansa

Magaling!
Dahil sa proteksyon at sekyuridad. Hindi rin natin
isasawalang bahala ang mga posibiledad na
mayroong balak na manakop ang isang bansa.

Dahil sa pagnanais ng Germany na maging


pinakamalakas na Bansa, Nagsimulang magtatag
ng malalaking hukbong pandagat ang Germany.
Ipinalagay na ito'y tahasang paghamon sa
kapangyarihan ng Inglatera bilang Reyna ng
Karagatan.

Dahil sa proteksyon at sekyuridad. Hindi rin natin


isasawalang bahala ang mga posibiledad na
mayroong balak na manakop ang isang bansa.

C. Pagganyak: Group the Flags


Mekaniks

1. Papangkatin ng Guro ang klase sa dalawa


2. Ang bawat grupo ay magkakaroon ng anim (6)
na representative para hawakan ang mga ibat
ibang watawat.
3. Ang bawat grupo ay aayusin ang mga watawat
ayon sa grupo/kaalayansa nito.

Mga Gabay na Tanong


1. Ang bawat grupo ay iprepresenta ang kanilang
mga nabuong grupo ng watawat.
2. Ano ang mga bansang iyong pinagsama sa
bawat grupo?
3. Sa inyong palagay, Bakit nagkakaroon ng
Alyansa ang bawat bansa?
D. Malayang Talakayan.

Batay sa inyong ginawa, ano ang tatalakayin natin


ngayon? Tungkol po sa Pagbuo ng Alyansa sa Europe

Panlinang na Gawain: (4A’s)

1. Gawain/Activity
Panonood ng video tungkol sa Alyansa noong
World War I

A. Batay sa inyong napanood. Ano ang


kagandahan ng pagkakaroon ng Alyansa. May paghingian ng Tulong sa oras ng kagipitan

B. Kung kayo ay papipiliin na kaalyansa ng Sir, USA


Pilipinas anong bansa ito at bakit? Dahil malaki at makapangyarihan bansa ang USA .
Para po may katulong po sa sila sa pagtatanggol
ng kanilang bansa.

Magaling!
Ang United State of America isang bansang
malakas hindi lang sa ekonomiya malakas din ang
kanilang Military Forces .

2. Pagsusuri/Analysis
Paano naging dahilan ng pagsiklab ng World War
1 ang pagkakaroon ng Alyansa sa mga bansa sa
Europe?
3. Paghalaw/Abstraction

Paglalahad ng guro ng Paksang Aralin


Magkaroon ng malayang talakanayan hinggil sa
paksa.

Ang Unang Pandaigdigang digmaan ay naganap


mula 1914 hanggang 1918 na kinasangkutan ng
mga makapangyarihang bansa sa mundo na noon
ay napapangkat sa dalawang magkalabang
alyansa Sir, umabot po ng apat(4) taon.

Ilang taon naganap ang Unang Pandaigdigang


Digmaan?
Tama!

Sa paghahangad ng ilang bansa sa Europe na


maging makapangyarihan ay nakabuo ng Alyansa
ng mga bansa. Sir ang Triple Alliance at Triple Entente

Alam nyo ba kung anong tawag sa kanilang


pangkat?

Magaling!
Ang Triple Alliiance at Triple Entente na sa
panahong iyon ay sila ang mga naghaharing
bansa sa Europe.

Isa o higit pang kalipunan o kasunduan ng mga


Isa sa apat (4) pangunahing dahilan kung bakit bansa o partido na sumusuporta sa isang
sumiklab ang digmaan sa Europe ay ang Alyansa programa, paniniwala o pananaw.

Pakibasa nga ang kahulugan ng Alyansa?


Para po may katulong po sa sila sa pagtatanggol
ng kanilang bansa.

Bakit mahalaga sa mga bansa na magkaroon ng


Kaalyansa?

Magaling!
Kagaya nating may maliit na bansa mainam sa
ating makipag kaibigan sa mga
maimpluwensyang bansa para rin sa proteksyon
laban sa mga mapangabusong bansa.

Kung ang bansa ay walang kaalyansa ano kaya


ang magiging epekto nito sa bansa at sa mga tao
nito. Wala pong tutulong sa bansa kung sakaling may
aatakeng bansa sa kanila at mahihirapan silang
ipagtanggol ang kanilang bansa.
Magaling
4. Ilapat/Application
Magkaroon ng pangkatang gawain
Bawat pangkat ay magbibigay ng kahalagahan ng
pagkakaroon ng Kaalyansang bansa.

Ang tatlo (3) na pangkat ay pipili ng gagawin


-Slogan
-Poster
-Tula (2 Istansa)
Bawat pangkat ay magtatalaga ng isang
representative para ipaliwanag ang kanilang
output.
Rubrics para sa slogan
Pamantayan Puntos Marka
Nilalaman 50 %
Mensahe 40%
Kalinisan 10%
Total 100%

Rubrics para sa Poster


Pamatayan Puntos Marka
Pagkamalikhai 40%
n
Nilalaman 50%
Kalinisan 10%
Total 100%

Rubrics para sa Tula


Pamatayan Puntos Marka
Mensahe 50%
Pagbigkas 40%
Presentasyon 10%
Total 100%

Tandaan:
Sa pagsisimula ng unang digmaang pandaigdigan
ay malaki ang nabahagi ng mga kababaihan. Dahil
sila ang nagpatuloy sa mga gawaing naiwan ng
mga kalalakihan at malaki ang mga parte nila sa
digmaan sila ang nagsilbing nurse ng mga
sundalong nasugatan.

III. Pagtataya/Evaluation
Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong. Piliin
ang titik ng tamang sagot at isulat ang sagot sa
patlang bago ang bilang..

1. Ito ay isa o higit pang kalipunan o kasunduan


ng mga bansa o partido na sumusuporta sa isang
programa, paniniwala o pananaw.

A. Nasyonalismo C. Alyansa
B. Militarismo D. Imperyalismo

2. Tripple Alliance ay binubuo ng bansang Austria,


Italy ay __________

A. France C. Russia
B. Britain D. Germany

3.Ang tripple Entente ay Binubuo ng Britain,


Russia at ___________
A. France C. Germany
B. Italy D. Austria
.4. Siya ang nagtatag ng Triple Alliance
A. Otto Von Bismarck C. Woodrow Wilson
B. Rooselvert D.King Henry XVI

5. Dahilan ng Pagbuo ng Alyansa ng mga bansa sa


Europe ay lihim na pangamba, Paghihinalaan at
___________
A. Awayan C. Inggitan
B. Pagkakautang D. Kapayapaan

Takdang Aralin:

Basahin ang Pagsisimula at Pangyayari sa Unang


Digmaan Pandaigdigan sa Pahina 453.

Tanong
1. Bakit ang Digmaan sa Kanluran pinakahigpit at
mainit na digmaan?
DETAILED LESSON PLAN

IN
ARALING PANLIPUNAN - 8

PREPARADE BY:

JAYSON P. BUENO
Subject Teacher

You might also like