You are on page 1of 24

8

Araling
Panlipunan
Ikaapat na Markahan – Modyul 3:
Ang Pagsisikap ng mga Bansa
na Makamit ang Kapayapaang
Pandaigdig
Araling Panlipunan– Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 3: Ang Pagsisikap ng mga Bansa na Makamit ang Kapayapaang
Pandaigdig
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyulna ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nicolas T. Capulong PhD, CESO V
Ronilo Al K. Firmo PhD, CESO V
Librada M. Rubio PhD

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Jereena M. Cruz
Tagasuri ng Nilalaman: Angelica M. Burayag PhD / Salvador B. Lozano
Madonna R. Estacio / Alma G. Pineda
Tagasuri ng Wika: Neil Omar B. Gamos / Madonna R. Estacio
Tagasuri ng ADM Format: Raymart Guinto
Tagasuri ng Paglapat
at Pagguhit: Jeremy Daos / Jay Ahr Sison
Tagaguhit: Neil Omar B. Gamos
Tagalapat: Reynaldo B. Pacleta
Tagapamahala: Nicolas T. Capulong PhD, CESO V
Librada M. Rubio, PhD
Angelica M. Burayag PhD
Ma. Editha R. Caparas EdD
Nestor P. Nuesca EdD
Marie Ann C. Ligsay PhD
Fatima M. Punongbayan
Salvador B. Lozano / Arnelia R. Trajano PhD

Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon-Rehiyon III


Office Address: Matalino St., Diosdado Macapagal Government Center
Maimpis, City of San Fernando, Pampanga 2000
Telefax: (045) 402-7003 to 05
E-mail Address: region3@deped.gov.ph
8
Araling
Panlipunan
Ikaapat na Markahan – Modyul 3:
Ang Pagsisikap ng mga Bansa
na Makamit ang Kapayapaang
Pandaigdig
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para
sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t
ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at
malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga
magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-
aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang


nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang
magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy
o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang
masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita
kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan
namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na


ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o
mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng
hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. Hinihikayat ang mga
mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay
makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng
SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga


tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala
sila sa paaralan.

1
Alamin

Ang modyul na ito ay binuo upang makatulong sa iyong pag-aaral tungkol


sa mga naging pagsisikap ng mga bansa upang makamtam ang pandaigdigang
kapayapaan.

Ang modyul na ito ay binubuo ng isang aralin:

• Aralin 1 – Ang United Nations at ang Layunin Nito

Matapos mong basahin ang modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:

1. natutukoy ang ginawang pagsisikap ng mga bansa na magkaroon ng


kapayapaang pandaigdig upang maiwasan ang mga digmaan;
2. nakabubuo ng isang semantic web na nagpapakita sa layunin ng United
Nations sa pagpapanatili ng pandaigdigang kapayapaan; at
3. nakapagbibigay ng sariling pananaw hinggil sa pag-iwas sa digmaan.

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang
magagamit sa paggabay sa mag-aaral. Maaaring gumamit ng mga
mapa upang mas higit na maipakita sa mga mag-aaral ang mga
bansang nakilahok sa digmaan. Dagdag pa rito, gumamit din ng
mga larawan at mga graphic organizers upang maging mas madali
para sa mga mag-aaral ang unawain ang paksa.

Subukin

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pahayag. Piliin ang letra ng tamang
sagot at isulat sa sagutang papel.

1. Sino sa mga sumusunod na pinuno ang hindi kabilang sa tinaguriang “Big


Three” na nanguna sa pagbalangkas ng saligang batas ng United Nations?
A. Benjamin Franklin C. Joseph Stalin
B. Franklin Roosevelt D. Winston Churchill

2
2. Ito ang sangay ng United Nations na bumubuo ng mga batas at polisiyang
ipinatutupad ng samahan.
A. Economic and Social Council C. Secretariat
B. General Assembly D. Trusteeship Council

3. Ito ang sangay ng United Nations na bumubuo ng mga polisiya, nagbibigay ng


mga rekomendasyon at nakikipag-diyalogo ukol sa mga usaping pang-
ekonomiko, panlipunan at pangkalikasan.
A. Economic and Social Council C. Secretariat
B. General Assembly D. Trusteeship Council

4. Anong taon opisyal na naitatag ang United Nations?


A. 1918 C. 1962
B. 1945 D. 1991

5. Ilang bansa ang bumubuo sa United Nations sa kasalukuyan?


A. 86 C. 193
B. 122 D. 217

6. Ilan ang opisyal na lenggwahe ng United Nations?


A. 1 C. 4
B. 3 D. 6

7. Ito ang tawag sa posisyon ng namumuno sa United Nations.


A. Pangulo C. Secretary-General
B. Unang Ministro D. Wala sa nabanggit

8. Alin sa mga sumusunod na sangay ng United Nations ang may pangunahing


tungkulin na tiyakin ang kapayapaan at kaligtasan ng mga miyembrong-estado.
A. Economic and Security Council C. Secretariat
B. General Assembly D. Security Council

9. Alin sa mga sumusunod na bansa ang hindi permanenteng kasapi ng Security


Council?
A. China C. Germany
B. France D. Russia

10. Ang sangay na ito ay itinatag upang pangasiwaan ang labing-isang trust territories
ng United Nations.
A. Economic and Social Council C. Secretariat
B. Security Council D. Trusteeship Council

11. Dito matatagpuan ang pangunahing himpilan ng United Nations.


A. Manila, Philippines C. New York, USA
B. Munich, Germany D. The Hague, Netherlands

12. Ilang taon ang panunungkulan ng UN Secretary General?

3
A. 2 C. 4
B. 3 D. 5

13. Sino ang kasalukuyang Secretary-General ng United Nations?


A. Antonio Guterres C. Donald Trump
B. Ban Ki Moon D. Rodrigo Duterte

14. Dito matatagpuan ang himpilan ng International Court of Justice.


A. Manila, Philippines C. New York, USA
B. Munich, Germany D. The Hague, Netherlands

15. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga layunin ng United Nations?
A. mapanatili ang kapayapaan sa Asya at Amerika
B. matamo ang pagkakaisa sa paglutas ng mga suliraning pandaigdig
C. maging sentro ng pagkakaisa para matugunan ang mga gawain ng mga
bansang kasapi
D. mapaunlad ang relasyong pagkakaisa ng mga bansa sa pantay na
karapatan at sariling determinasyon ng mga tao upang palakasin ang
kapayapaan

Binabati kita! Kung nasagutan mo nang tama ang lahat ng katanungan sa


bahaging ito, maaari mo ng laktawan ang susunod na bahagi ng modyul. Kung
may mga katanungan naming hindi mo nasagot nang tama ay tutulungan kita
upang linangin pa natin ang iyong mga kaalaman tungkol sa paksa.

4
Modyul Ang mga Pagsisikap ng mga
3 Bansa Upang Makamit ang
Pandaigdigang Kapayapaan
Matapos ang dalawang malagim na pandaigdigang digmaan na kumitil sa
buhay ng maraming tao, bumuo ng mga samahan ang mga bansa upang
makamit ang kapayapaan at maiwasan ang pagkakaroon muli ng isang
madugong digmaan.

Balikan

Pag-Isipan Mo!
Panuto: Tukuyin ang mga konseptong inilalarawan sa bawat pahayag. Piliin ang
iyong sagot mula sa . Isulat ang sagot sa sagutang papel.

WORD BANK
Adolf Hitler Enigma Hiroshima
Death March Gas Chamber Normandy
Eisenhower Genocide United Nations

___________________ 1. Ito ang malawakang pagpatay na ginawa noong Ikalawang


Digmaang Pandaigdig laban sa mga Hudyo.
___________________ 2. Ito ang nabuong samahan ng mga bansa na naglalayong
pangalagaan at panatilihin ang pandaigdigang
kapayapaan.
___________________ 3. Isa sa dalawang lugar sa Japan na pinasabugan ng mga
Amerikano ng bomba atomika.
___________________ 4. Sa lugar na ito lumunsad ang hukbo ng Allied Powers
upang simulan ang paglaban kay Hitler.
___________________ 5. Ito ay isang uri ng parusang ipinataw ng mga Hapones sa
Pilipinas laban sa mga sumuko at nadakip na sundalong
Pilipino at Amerikano sa Bataan.

5
Tuklasin

Idea Wheel
Panuto: Pagmasdan ang mga larawan sa loob ng wheel. Magtala ng mga salita
na may kaugnayan sa mga larawang iyong nakita. Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel.

1. _____________________
2. _____________________
3. _____________________
4. _____________________
5. _____________________

Suriin

Ang United Nations at Layunin Nito

Apat na buwan bago sumalakay ang mga Hapones sa Pearl Harbor,


nagpulong sina Pangulong Franklin Roosevelt at Punong Ministro Winston
Churchill upang lagdaan ang Atlantic Charter. Ito ang naging saligan ng 26 na
bansa sa nilagdaang Deklarasyon ng mga Bansang Nagkakaisa. Sa isang
kumperensiya sa Moscow noong Oktubre 1943, nagkasundo ang United States,
Great Britain, at Soviet Union na pairalin at panatilihin ang pandaigdigang
kapayapaan sa oras na matalo ang Axis Powers. Kasunod nito, pinirmahan ang
Deklarasyon ng Apat na Bansa, kasama ang China upang maitaguyod ang isang
pangkalahatang samahang pandaigdig upang mapanatili ang kapayapaan at
kaligtasan sa mundo.

Noong Pebrero 1943, nagkasundo ang “Big Three” na sina Pangulong


Franklin Roosevelt ng US, Punong Ministro Winston Churchill ng Britain, at

6
Premier Joseph Stalin ng Soviet Union na bumuo ng isang balangkas ng Saligang
Batas para sa Nagkakaisang mga Bansa. Nagtipon-tipon ang mga kinatawan ng
limampung bansa sa San Francisco Conference noong Hunyo 26, 1945 kung saan
nilagdaan nila ang charter para sa United Nations. Ilang buwan matapos ang
pagpupulong, pormal nang isinilang noong Oktubre 24, 1945 ang samahan ng mga
Nagkakaisang Bansa o mas kilala sa tawag na United Nations.

Binubuo ng anim na pangunahing sangay ang United Nations. Ang mga sangay
na ito ay naitatag kasabay ng pagtatatag sa United Nations noong Oktubre 1945. Ito
ay ang General Assembly, Security Council, Secretariat, ang Economic and Social
Council, Trusteeship Council, at International Court of Justice. Ating isa-isahin ang
mga ginagampanang tungkulin ng bawat sangay na ito:

Mga Sangay ng UN Tungkulin

Ang Pangkalahatang Asemblea o General Assembly ay


ang sangay ng UN na bumubuo ng mga batas at
polisiya na ipapatupad ng UN. Ito ay binubuo ng mga
kinatawan ng lahat ng mga bansang kasapi ng UN.
Ang General
Assembly Nagpupulong tuwing Setyembre ng bawat taon ang
mga kinatawan ng mga kasaping bansa upang bumuo
ng mga polisiya na tutugon sa mga suliraning
pangkapayapaan na kinakaharap ng mundo sa
kasalukuyan.

Ang Sangguniang Pangkatiwasayan naman ang


sangay na tagapagpaganap ng UN. Pangunahing
tungkulin nito na tiyakin ang kaligtasan at
kapayapaan sa mundo. Binubuo ito ng 15
miyembrong bansa, kung saan ang 5 ay
Ang Security Council
permanenteng miyembro. Ang sangay na ito rin ang
may pangunahing tungkulin na tukuyin ang
pagkakaroon ng mga banta sa kapayapaan. Ito rin
ang responsable sa paghihikayat na ayusin sa
pamamagitan ng magandang usapan ang mga hindi
pagkakaunawaan ng mga bansa.

Ang sangay na ito ay ang binubuo ng mga tauhang


pampangasiwa ng UN na nagpapatupad sa mga
gawaing pang-araw-araw.
Ang Secretariat
Pinamumunuan ito ng UN Secretary General. Sa
kasalukuyan ang UN Secretary General ay si Antonio
Guterres mula sa bansang Portugal

7
Ang Sangguniang Pangkabuhayan at Panlipunan ay
pangunahing sangay sa pagbubuo ng mga polisiya,
pagbibigay rekomendasyon, pakikipag-diyalago ukol
Ang Economic and
sa mga usaping pang-ekonomiko, panlipunan, at
Social Council
pangkalikasan.

Ito ay binubuo ng 54 na miyembro mula sa mga


kasaping bansa.

Ang sangay na ito ay itinatag upang pangasiwaan ang


11 Trust Territories na naisalalim sa pangangalaga ng
pitong kasaping-bansa upang tulungan silang
makamit ang kalayaan at matuto kung papaano
itataguyod ang kanilang sariling bansa. Ang mga
teritoryo ito ay ang mga sumusunod:

a. Western Samoa – New Zealand


b. Tanganyika – United Kingdom
c. Rwanda-Urundi – Belgium
Ang Trusteeship
d. Cameroons (British Administration) – United
Council
Kingdom
e. Cameroons (French Administration) – France
f. Togoland (British Administration) – United
Kingdom
g. Togoland (French Administration) – France
h. New Guinea – Australia
i. Nauru – Australia, New Zealand, at United
Kingdom
j. Trust Territory sa Pasipiko – United States
k. Italian Somaliland – Italy

Ang Pandaigdig na Hukuman ng Katarungan ay ang


sangay na nagpapasya sa mga kasong may kinalaman
Ang International
sa mga alitan sa pagitan ng mga bansa.
Court of Justice
Ang himpilan ng ICC ay matatagpuan sa The Hague,
Netherlands.

Ayon sa Charter of the United Nations, ang samahan ay mayroong


sumusunod na hangarin:

a. mapanatili ang pandaigdigang kapayapaan at seguridad;


b. mapaunlad ang pagkakaibigan ng mga bansa batay sa pantay-pantay na
karapatan ng bawat tao;
c. makamit ang pandaigdigang pakikipagtulungan sa paglutas ng mga suliranin
ng mga tao (suliraning pangkabuhayan, panlipunan at pantao); at

8
d. matulungan ang mga bansa sa mga paggawa at pagbuo ng mga kasunduang
pangkapayapaan at pakikipagkaisa upang matamo ang mga naunang
nabanggit na layunin.

Pagyamanin

A. Smile Naman Tayo!

Panuto: Lagyan ng smiley ( ) ang mga naging tagumpay ng United Nations mula
nang ito ay maitatag. Iwanang blangko ang patlang kung ang pahayag ay hindi
naging bahagi ng tagumpay ng UN. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

_______ 1. Pagbibigay-proteksyon sa karapatang pantao sa pamamagitan ng mga


ipinasang tratado at mga deklarasyon

_______ 2. Pakikipagtulungan sa mga bansa upang mabawasan ang masamang


epektong dulot ng climate change

_______ 3. Paniningil ng kabayaran mula sa Japan at Germany sa pinsalang


kanilang naidulot noong Una at Ikalawang Digmaang Pandaigdig

_______ 4. Pagtulong sa mahigit 30 milyong kababaihan sa mundo sa


pamamagitan ng pagpapaigting ng edukasyon tungkol sa kalusugan
ng mga nanay

_______ 5. Pagbibigay-pahintulot sa mahigit 70 misyon upang paigtingin ang


pandaigdigang kapayapaan

B. Hula-Hoop
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pahayag. Tukuyin kung anong sangay
ng United Nations ang inilalarawan sa bawat pangungusap. Isulat ang titik ng
iyong sagot sa patlang.

a. Security Council
b. Trusteeship Council
c. Secretariat
d. Economic and Social Council
e. General Assembly
f. International Court of Justice

_______1. Ito ang sangay na tagapagpaganap ng UN.

9
_______2. Ito ay binubuo ng mga tauhang pampangasiwa ng UN na nagpapatupad
sa mga gawaing pang-araw-araw.

_______3. Ito ay binubuo ng mga kinatawan ng lahat ng mga bansang kasapi ng


UN.

_______4. Ito ay itinatag upang pangasiwaan ang 11 Trust Territories.

_______5. Ito ang sangay na nagpapasya sa mga kasong may kinalaman sa mga
alitan sa pagitan ng mga bansa.

C. TMB Tama o Mali at Bakit


Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pangungusap. Tukuyin kung ito ay
tama o mali. Kung ang pangungusap ay tama, isulat sa patlang ang salitang
TAMA. Kung ito naman ay mali, isulat sa patlang ang salitang MALI, at guhitan
ang salitang nagpa-mali sa pangungusap.

__________________ 1. Ang United Nations ay naitatag dahil sa kagustuhan ng mga


pinuno ng Allied Forces na mapanatili ang kapayapaan sa
daigdig matapos ang digmaan.

__________________ 2. Sa pangunguna nina Franklin Roosevelt, Joseph Stalin at


Vladimir Lenin, napirmahan ang Charter ng United Nations.

__________________ 3. Isa sa mga layunin ng United Nations ang mapaunlad ang


relasyong pagkakaisa ng mga bansa sa pantay na karapatan.

__________________ 4. Ang Atlantic Charter ang naging saligan ng pagbubuo sa


United Nations.

__________________ 5. Ang Trusteeship Council ang pangunahing sangay sa


pagbubuo ng mga polisiya, pagbibigay rekomendasyon,
pakikipag-diyalago ukol sa mga usaping pang-ekonomiko,
panlipunan, at pangkalikasan.

D. Chart Matrix

Panuto: Punan ang sumusunod na tsart ng mga datos na hinihingi. Gawin ito sa
sagutang papel.

Sangay ng United Nations Tungkulin


1.
2.
3.
4.
5.

10
E. Cloze Tayo
Panuto: Punan ang patlang ng mga tamang sagot. Piliin ang tamang sagot mula
sa mga salitang pagpipilian na nasa ibaba. Isulat ang sagot sa hiwalay na
sagutang papel.

Noong (1) _______________, nagkasundo ang “Big Three” na sina


Pangulong Franklin Roosevelt ng US, Punong Ministro (2) _______________
ng Britain, at Premier Joseph Stalin ng Soviet Union na bumuo ng isang
balangkas ng (3) _______________ para sa Nagkakaisang mga Bansa.
Nagtipon-tipon ang mga kinatawan ng limampung bansa sa (4)
_______________ noong Hunyo 26, 1945 kung saan nilagdaan nila ang
charter para sa United Nations. Ilang buwan matapos ang pagpupulong,
pormal nang isinilang noong (5) _______________ ang samahan ng mga
Nagkakaisang Bansa o mas kilala sa tawag na (6) _______________.

Oktubre 24, 1945 Pebrero 1943

Saligang Batas San Francisco Conference

United Nations Winston Churchill

F. Semantic Web.
Panuto: Matapos ang talakayan tungkol sa United Nations, bumuo ka ng isang
semantic web tungkol sa UN. Islat sa mga kahon na nasa paligid ang layunin ng
UN, gayundin ang mga mabubuting naidulot ng samahan.

UNITED
NATIONS

11
Mga Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang layunin ng United Nations? Nakatulong ba ito upang mawakasan


ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig?

2. Sa kasalukuyan, ano ang ginagawang mga hakbang nito upang maisulong


ang pandaigdigang kapayapaan?

Isaisip

Gawad Parangal
Panuto: Bigyan ng marka ang nagawa ng United Nations sa kasalukuyan.
Gamitin ang iskala mula 1 bilang pinakamababa, hanggang 5 bilang
pinakamataas.

1. Pag-aayos ng mga sigalot sa pagitan ng mga bansa. 1 2 3 4 5

2. Pagpapanatili ng kapayapaan sa daigdig. 1 2 3 4 5

3. Pagtataguyod ng mabuting ugnayan sa pagitan ng mga


1 2 3 4 5
bansa.

4. Paglutas sa mga suliraning pangkabuhayan, panlipunan


1 2 3 4 5
at pangkultura.

5. Pagtataguyod sa mga karapatang pantao. 1 2 3 4 5

Mga Pamprosesong Tanong:

1. Bakit ito ang iyong ibinigay na marka sa United Nations?


2. Sa iyong palagay, ano ang mga aspeto ang dapat pang pagtuunan ng UN
ngayon? Ipaliwanag ang iyong sagot.

12
Isagawa

Kapayapaan, Palaganapin Natin!


Panuto: Lumikha ng isang slogan na nanghihikayat sa pagpapanatili ng
kapayapaan sa inyong komunidad. Maaari mong gamitin na gabay ang tanong
na nasa loob ng kahon. Gawin ito sa sagutang papel.

Mga Gabay na Tanong:

1. Paano pinanatili ng United Nations ang pagsusulong ng kapayapaan


at pagkakaisa sa daigdig?
2. Bilang isang mag-aaral at kasapi ng inyong komunidad, paano ka
makakatulong sa pagpapalaganap at pagpapanatili ng kapayapaan
sa inyong lokal na komunidad?

Rubriks sa Pagmamarka ng Islogan:


Mensahe 10 puntos
Pagkamalikhain 10 puntos
Organisasyon 10 puntos
Kabuuang Marka 30 puntos

Tayahin

Basahin at unawain ang bawat pahayag. Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat
ito sa sagutang papel.

1. Ilang bansa ang bumubuo sa United Nations sa kasalukuyan?


A. 86 C. 193
B. 122 D. 217

2. Ang sangay na ito ay itinatag upang pangasiwaan ang labing-isang trust


territories ng United Nations.
A. Economic and Social Council C. Secretariat
B. Security Council D. Trusteeship Council

3. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga layunin ng United


Nations?
A. mapanatili ang kapayapaan sa Asya at Amerika
B. matamo ang pagkakaisa sa paglutas ng mga suliraning pandaigdig

13
C. maging sentro ng pagkakaisa para matugunan ang mga gawain ng mga
bansang kasapi
D. mapaunlad ang relasyong pagkakaisa ng mga bansa sa pantay na
karapatan at sariling determinasyon ng mga tao upang palakasin ang
kapayapaan

4. Ito ang tawag sa posisyon ng namumuno sa United Nations.


A. Pangulo C. Secretary-General
B. Unang Ministro D. Wala sa nabanggit

5. Ito ang sangay ng United Nations na bumubuo ng mga polisiya, nagbibigay


ng mga rekomendasyon at nakikipag-diyalogo ukol sa mga usaping pang-
ekonomiko, panlipunan at pangkalikasan.
A. Economic and Social Council C. Secretariat
B. General Assembly D. Trusteeship Council

6. Sino sa mga sumusunod na pinuno ang hindi kabilang sa tinaguriang “Big


Three” na nanguna sa pagbalangkas ng saligang batas ng United Nations?
A. Benjamin Franklin C. Joseph Stalin
B. Franklin Roosevelt D. Winston Churchill

7. Ilan ang opisyal na lenggwahe ng United Nations?


A. 1 C. 4
B. 3 D. 6

8. Alin sa mga sumusunod na sangay ng United Nations ang may


pangunahing tungkulin na tiyakin ang kapayapaan at kaligtasan ng mga
miyembrong-estado.
A. Economic and Security Council C. Secretariat
B. General Assembly D. Security Council

9. Anong taon opisyal na naitatag ang United Nations?


A. 1918 C. 1962
B. 1945 D. 1991

10. Sino ang kasalukuyang Secretary-General ng United Nations?


A. Antonio Guterres C. Donald Trump
B. Ban Ki Moon D. Rodrigo Duterte

11. Dito matatagpuan ang pangunahing himpilan ng United Nations.


A. Manila, Philippines C. New York, USA
B. Munich, Germany D. The Hague, Netherlands

12. Alin sa mga sumusunod na bansa ang hindi permanenting kasapi ng


Security Council?
A. China C. Germany
B. France D. Russia

14
13. Dito matatagpuan ang himpilan ng International Court of Justice.
A. Manila, Philippines C. New York, USA
B. Munich, Germany D. The Hague, Netherlands

14. Ito ang sangay ng United Nations na bumubuo ng mga batas at polisiyang
ipinatutupad ng samahan.
A. Economic and Social Council C. Secretariat
B. General Assembly D. Trusteeship Council

15. Ilang taon ang panunungkulan ng UN Secretary General?


A. 1 c. 3
B. 2 d. 5

Karagdagang Gawain
Balitaktakan

Panuto: Basahin at unawain ang balita sa susunod na pahina. Sagutin ang mga
pamprosesong tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Duterte mulling Philippines’ withdrawal from UN rights body

(ni Darryl John Esguerra)

MANILA, Philippines – President Rodrigo Duterte is studying


the Philippines’ possible withdrawal from the United Nations
Human Rights Council (UNHRC) after it adopted an Iceland-led
resolution seeking a comprehensive report on the human rights
situation in the country, Malacañang said Tuesday.

Presidential Spokesman Salvador Panelo issued the statement


after Senate President Vicente Sotto III raised the possibility
that the country may follow the lead of the United States,
which withdrew from the UNHRC in 2018.

Last week, the 48-member UNHRC adopted an Iceland


resolution, which urged the human rights body to investigate
alleged violations of human rights in the Philippines amid the
killings linked to the Duterte administration’s war on drugs.
Asked if the President is considering the pullout, Panelo told
radio station dwFM: “Wala pa siyang sinasabi, pero pinag-
aaralan siguro niya (He hasn’t said anything yet, I think he is
studying the matter).”

15
Foreign Affairs Secretary Tedoro Locsin Jr., however, earlier
said that the Philippines will not cut ties with the UNHRC and
Iceland.

Last March, the Philippines withdrew its ratification of the


Rome Statute, the treaty that formed the International Criminal
Court (ICC) after it moved to conduct a preliminary examination
on administration’s brutal war on drugs.

The Duterte administration maintains that the ICC never


acquired jurisdiction over the Philippines, pointing to the non-
publication of the Rome Statute in the government’s Official
Gazette.

Panelo also announced Monday night that Duterte is “seriously


considering” cutting ties with Iceland.
Balita mula sa https://globalnation.inquirer.net/178002/duterte-
mulling-philippines-withdrawal-from-un-rights-body

Mga Pamprosesong Tanong:

1. Sumasang-ayon ka ba sa naging pahayag ni Pangulong Duterte na


tumiwalag ang Pilipinas mula sa UNHRC? Ipaliwanag ang iyong sagot.
2. Sa iyong palagay, ano ang magiging implikasyon nito sa ating bansa kung
sakaling tumiwalag tayo mula sa UN?

16
17
Gawain 7 Cloze Tayo Gawain 5 TMB Gawain 4 Hula Hoop
1. Pebrero 1943 1. Tama 1. A
2. Winston Churchill 2. C
3. Saligang Batas 2. Mali – Vladimir 3. E
4. San Francisco Lenin 4. B
Conference 5. F
5. Oktubre 24, 1945 3. Tama
6. United Nations
4. Tama
5. Mali – Economic
and Social Council
Gawain 3 Smile Naman Gawain 1 Pag-isipan Mo Subukin
Tayo
1. Genocide 1. A
1. 😊 2. United Nations 2. B
2. 😊 3. Hiroshima 3. A
3. 4. Normandy 4. B
5. Death March 5. C
4. 😊
6. D
5. 😊 7. C
8. D
9. C
10. C
11. C
12. D
13. A
14. D
15. C
Susi sa Pagwawasto
18
Tayahin Gawain 8 Semantic Web
1. C Mga Layunin ng United
2. D Nations:
3. C
4. C a. mapanatili ang
5. A pandaigdigang
6. A kapayapaan at
7. D seguridad;
8. D b. mapaunlad ang
9. B relasyong pagkakaisa ng
10. A mga bansa sa pantay na
11. C karapatan at sariling
12. C determinasyon ng mga
13. D tao na gumawa ng mga
14. B angkop na hakbang
15. D upang palakasin ang
kapayapaan;
c. matamo ang pagkakaisa
sa paglutas ng mga
suliraning internasyonal
tulad ng
pangkabuhayan,
panlipunan, kultural,
gayundin din sa
pagtataguyod ng
paggalang sa
karapatang pantao; at
d. maging sentro ng
pagkakaisa para
matugunan ang mga
gawain ng mga bansa sa
pagkamit ng mga
layuning una nang
nabanggit
Sanggunian
"About the UN | United Nations". 2020. Un.Org. Accessed July 5.
https://www.un.org/en/about-un/.

Blando, Rosemarie, and Michael Mercado. 2014. Modyul Ng Mag-Aaral Sa Araling


Panlipunan 8 Kasaysayan Ng Daigdig. 1st ed. Pasig City: Kagawaran ng
Edukasyon.

"Charter Of The United Nations". 2020. Un.Org. Accessed July 6.


https://www.un.org/en/charter-united-nations/.

Esguerra, Darryl John. 2019. "Duterte Mulling Philippines' Withdrawal from UN


Rights' Body". Inquirer.Net, , 2019.
https://globalnation.inquirer.net/178002/duterte-mulling-philippines-
withdrawal-from-un-rights-body.

"Main Organs". 2020. Un.Org. Accessedcc July 5.


https://www.un.org/en/sections/about-un/main-organs/index.html.

"Most Essential Learning Competencies". 2020. Deped LR Portal.


https://lrmds.deped.gov.ph/detail/18275.

"The United Nations (Article) | World War II | Khan Academy". 2020. Khan
Academy. Accessed July 6.
https://www.khanacademy.org/humanities/us-history/rise-to-world-
power/us-wwii/a/the-united-nations.

"United Nations". 2020. HISTORY. Accessed July 9.


https://www.history.com/topics/world-war-ii/united-nations.

19
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region III


Learning Resource Management Section (LRMS)
Diosdado Macapagal Government Center
Maimpis, City of San Fernando, Pampanga 2000
Telefax: (045) 402-7003 to 05
E-mail Address: region3@deped.gov.ph

You might also like