You are on page 1of 7

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 8

I. Layunin
Sa loob ng 60 minuto na ang mga mag aaral ayinaasahang:
a. Natutukoy ang mga ilang sa mga bansang magkakaalyado noong Ikalawang Digmaang
Pandaigdig na nahati sa mga puwersang Allied at Axis;
b. Nasusuri ang mga sanhi o dahilan na nagbigay daan sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig; at
c. Nakapagbibigay ng sariling paraan sa pamamagitan ng 3-5 pangungusap upang maiwasan
ang digmaan gaya ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

II. Paksa
a. Paksa: Mga sanhi ng Ikalawang Digmaang pandaigdig
b. Sanggunian: (Effective Alternative Secondary Education) Labanan ng mga Bansa sa Daigdig
(Una at Ikalawang Digmaang Pandaigdig) pahina 475
c. Materialis: Laptop,paper, pen
d. Pagpapahalaga: disiplina at kooperasyon
e. Paraan: demonstration and 4A’s Approach

III. Pamamaraan

AKTIBIDAD NG GURO
A. PRELIMINARY ACTIVITIES (Paunang
Gawain)

1. PANALANGIN
- Magandang tanghali din po sir!
- Tumayo ang lahat para sa
panalangin na pangungunahan ni
_______.

2. PAGBATI
- Magandang hapon mga bata!!
3. ATTENDANCE - Wala po sir.
- May lumiban ba sa klase?

4. KARANIWANG PAMANTAYAN - Makinig sa guro.


- Mga bata, ano ang dapat ninyong - Umupo ng maayos sir.
gawin kong ang klase ay - Wag mag ingay
nagsisimula na? - Itaas ang kanang kamay kung
sasagot.
5. TAKDANG ARALIN
- Ok mga bata mayrun ba tayong
takdang aralin
- Wala po sir !

B. Development Activities(Pag unlad na aktibitad)

1. Motivation (Pagganyak)
(video clip Presentation)
-- Mga mag aaral meron akong
ipapakita sa inyong maikling video
- Tungkol sa digmaan sir!
clip, ang gagawin ninyo ay panuorin
niyo ng mabuti ang video dahil
pagkatapos ninyo itong panuorin ay
meron akong mga katanungan sa
inyo.

2. Analysis (Pagsusuri)
- Ngayong tapos na nating panoorin
ang palabas,Tungkol saan ba ang
- Digmaang pandaigdig sir!
ating pinanuod?
- Ayon sa ating napanood, ano sa
tingin ninyo ang ating tatalakayin
ngayong tanghali?
-magaling!

3. Abstraction (Paglalahad)
- Pagmasdang mabuti ang bandila na
aking ipapakita sa inyo. Pagkatapos
ay tukuyin ninyo kung sa tingin niyu
ay ito ba ay kabilang sa axis Powers
o kabilang sa allied Powers

Axis Powers
GERMANY, ITALY, JAPAN
- Studyante 1: axis power sir!
- Studyante2: allied power sir!
Axis Power – Militaristiko ay samahang militar ng
mga bansang nag nanais kontrolin ang buong
mundo.

Allied Powers
FRANCE, GREAT BRITAIN, RUSSIA
Allied Power – Nasyonalismo
-Ang pakikipag ugnayan ng isang bansa sa
isa pang bansa upang
magtulungan tungo sa kapayapaan
at mas matibay na ugnayan para sa
pagtutulungan ng bansa sa isang
suliranin tulad ng digmaan.

Mga dahilan na nagbigay daan sa ikalawang


pandaigdigang digmaan

1. Pag-agaw ng Hapon sa Manchuria


-Noong 1931, inagaw ng Hapon ang
lunsod ng Manchuria. Kinundena ng
Liga ng mga Bansa ang Hapon at
sinabing ang ginawang ito ay
paglusob. Kasunod ng pagkundena,
ang Hapon ay itiniwalag sa Liga ng
mga Bansa.

2. Pag-alis ng germany sa Liga ng


mga Bansa
-Ang Germany naman ay tumiwalag
sa Liga noong 1933, sapagkat ayon
sa mga germany, ang pag-aalis at
pagbabawal ng Liga sa
pagsasandata ng germany ay isang
paraan ng pag-aalis ng karapatang
mag armas.Matapos tumiwalag
pinasimulan ni Adolf Hitler, ang lider
ng Nazi, ang muling pagtatatag ng
sandatahang lakas ng bansa. layon ni
Hitler na labagin ang kasunduan sa
Versailles na naglagay sa Germany
sa kahiya-hiyang kondisyon. Binalak
niyang muli ang pananakop. Bilang
sagot ng mga bansa sa paghahanda
ng Germany, ang france ay nakipag
alyansa sa Russia.
3. Pagsakop ng Italya sa Ethiopia

-Sa pamumuno ni Benito Mussolini,


sinakop ng Italya ang Ethiopia noong
1935. Tuwirang nilabag ng Italya ang
Kasunduan sa Liga
4. Digmaang Sibil sa Espanya
- Nagsimula ang digmaan sibil sa
Espanya noong 1936 sa pagitan ng
dalawang panig: ang fascistang
Nationalist Front at ang sosyalistang
Popular Army. Nanalo ang mga
Nasyonalista. Marami ang nadamay
sa digmaang sibil ng Espanya dahil
sa pakikialam ng ibang bansa.

5. Pagsasanib ng Austria at Germany


-germany
-Nagnasa ang mga mamamayang
Austriano na maisama ang kanilang
bansa sa germany. Ngunit ang
pagsisikap na ito ay sinalungat ng
mga bansang kasapi sa Allied
Powers (Pransya, Gran Britanya at
Estados Unidos). Dahil sa
kasunduan sa pagitan ng Italya at
germany na kinalabasan ng Rome –
Berlin Axis noong 1936, ang pagtutol
ni Mussolini sa nasabing unyon ng
Austria at germany ay nawalan ng
bisa noong 1938.

6. Paglusob sa Czechoslovakia

-Noong Setyembre 1938, hinikayat ni


Hitler ang mga Aleman sa Sudeten
na magpursigi sa pagtatamo ng
kanilang awtonomiya. Dahil dito,
hinikayat ng Inglatera si Hitler na
magdaos ng isang pulong sa
Munich. Ngunit nasakop ni Hitler ang
Sudeten, at noong 1939, ang mga
natitirang teritoryo sa Czechoslovakia
ay napunta pa rin sa Alemanya.

7. Paglusob ng germany sa Poland


- Ang huling pangyayari na
nagpasiklab sa Ikalawang digmaang
Pandaigdig ay ang pagpasok ng mga
aleman sa Poland noong 1939. Ang
pagsakop na ito ay pagbaliktad ng
mga Aleman sa Rusya na kapwa
pumirma sa kasunduang RibbentropMolotov,
isang kasunduan ng hindi
pakikidigma. Ang pagbaliktad na ito ay dulot ng
mga sumusunod na
pangyayari.
1. Ang hindi pagsali ng Rusya sa
negosasyon tungkol sa krisis sa
Czechoslovakia.
2. Ang pagkainis ng Rusya sa
Inglatera na ang ipinadalang
negosyador ng Inglatera sa
Kasunduan ng Pagtutulungan ay
hindi importanteng tao.

IV. Paglalapat
- Sa puntong ito mag kakaroon tayo
ng pangkatang Gawain.
- Magkakaroon tayo ng tatlong grupo,
ang bawat grupo ay pipili ng leader
at ng isang sekretarya. Germany, Italy, japan
- Bawat membro ng grupo ay - France, great Britain, Russia
magbibigay ng sarili nilang paraan - Pag-agaw ng hapon sa Manchuria,
upang maiwasan ang digmaan gaya - Pag-alis ng Alemanya sa Liga ng mga
ng Ikalawang digmaang pandaigdig Bansa
sa pamamagitan ng pagbuo ng 3-5 - Pagsakop ng Italya sa Ethiopia
na pangungusap. - Digmaang Sibil sa Espanya
- Itatala ng sekretarya ang bawat Pagsasanib ng Austria at germany
paraan na maiisip ng bawat membro Paglusob sa Czechoslovakia
sa manila paper na nasa akin Paglusob ng Alemanya sa Poland
ngayon. - Opo sir!
- Ang leader ng bawat grupo ang Nagkaroon kami ng opinion kung anu
siyang mag rereport ng inyong ang axis power at allied powers.
ginawang diskusyon.
- Ang magiging batayan ay ang rubrik
- Nalaaman namin kung anu anu ang
sa pagpupuntos sa bawat gawa ng
mga dahilan kung bakit nag karoon ng
bawat grupo
digmaan.
Rubrik

Kooperasyon 15 puntos
Nilalaman 10 puntos
Mensahe 5 puntos
Kaboohan 30 puntos

- Gawin ito sa loob 10 minuto at


maghanda sa pag-uulat.
4. Generalization (Paglalahat)
- Ano anu ang mga bansang kabilang
sa Axis Powers?
- Ano naman ang mga bansang
kabilang sa Allied Powers?
- Ano anu ang mga dahilan na
nagbigay daan sa ikalawang
digmaang pandaigdig?

5. Valuing (Pagpapahalaga)
- Nagustuhan niyo ba ang ating
aktibidad ngayon?
- Sa ating aktibidad ngayun ano ano
ang inyong natutunan?

6. Pagtataya
Panuto: Sagutan ang mga sumusunod:

1. Anu ang tawag sa samahang militar ng


mga bansang nag nanais kontrolin ang
buong mundo.
a. Axis b. Germany
c. Allied d. France

2. Anu ang tawag sa grupo ng mga bansa


na nagnanais makamit ang kapayapaan.
a. Russia b. Germany
c. France d. allied

3. Sino ang namuno sa pagsakop ng italya


sa ethophia.
a. Adolf Hitler b. Winston
c. Benito Mussolini d. aleman

4. Kailan tumiwalag sa liga ang germany?


a. 1838 b. 1726
c. 1933 d. 1927
5. ang mga sumusunod ay kabilang sa
Allied power maliban sa isa.
a. france b. Germany
c. great Britain d. Russia

Mga sagot.
1. A
2. D
3. C
4. C
5. B

V. Takdang Aralin:

Isulat sa isang buong papel kung bakit


mahalaga na malaman natin ang mga
sanhi ng Ikalawang Digmaang pandaigdig.

Inihanda ni: Iniwasto ni:

DON JOSEPH A. MAURICIO SAMUEL PARAMI


Nagpakitang-turo Gurong Tagapamatnubay

You might also like